Chapter 20

1624 Words
"Ulitin mo nga sinabi mo?" Malinaw sa kanya ang narinig pero hindi lang siya makapaniwala. "I want to marry you. I want you to be my wife. I want you to be by my side as long as I lived.” Nakatitig na sabi ni Adam sa kanya. Hindi naman niya nagawang kumurap man lang. "Hindi mo pa ako ganun kakilala Adam." Mahina niyang sabi. Para siyang nabibingi sa lakas ng t***k ng kanyang puso. "I don't care! Kahit sino ka man at san ka man nanggaling na lupalop na isla o bundok dito sa Pilipinas. I still want to marry you." Napahawak siya sa kanyang dibdib. Thank God she doesn't have any cardiac problem. Parang aatakihin siya sa puso sa mga naririnig sa pinakagwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. "Tell me honestly, what is in me that you can't see to any other girls? With one snap of your finger, you can have the most popular girl in our country." buong katotohanan na pahayag niya dito. Ang lalaki lang naman na nasa harapan niya na nagsasabi na gusto siyang maging asawa. Ang most sought-after bachelor at only HEIR ng Santillan empire! "You tell Me, what did you do to Me?"nakangiti nitong sabi At inilapit ang mukha sa kanya. Hindi inaasahan ni Adam ang ginawa ng dalaga.Sinalubong nito ang mukha niya at idinampi ang malambot nitong labi. Nagsimula na gumalaw ang kanyang labi para palalimin ang halik ng bigla nitong inalayo ang mukha. "I'm not dreaming." Nakangiting sabi ni Ivanna. Her eyes are beaming with so much happiness. "You’re not dreaming, mahal. Will you be my wife? I don't have an engagement ring today but I will give you one." Sabi ni Adam. Dinala nito sa labi ang kanyang mga palad. "Baka pwede na paabutin natin ng twenty-four hours ang pagiging mag on natin?" Nakangiti niyang tanong sa kasintahan.She’s happy, dahil nararamdaman niya ang katotohanan sa sinabi ni Adam. Bahala na! Basta ang alam niya masaya siya ngayon. Unang pagkakataon na may nagka gusto sa kanya dahil siya si Ivanna. Not because she has Mondragon in her name but because she is Ivanna the housemaid! "So, you're my fiancee now?" Tumayo si Adam at inabot ang kanyang kamay.Nagpahinuhod naman siya. Ipinatong ni Adam ang kanyang mga braso sa balikat nito at hinapit ang kanyang mga beywang. Magkahinang ang kanilang mga mata,maya maya pa ay nagsimula na itong kumanta. They ended up dancing while Adam is humming with the sweet tune of music. "Are you always like this?" Nakatingala siya sa binata,habang nakatunghay naman ito sa maganda niyang mukha. "No."matipid nitong sagot at iginiya ang kanyang ulo sa dibdib nito, maybe to stop her from talking or to distract himself para hindi siya halikan. She can see the emotions na pilit nitong pinipigilan. "So sweet!" Ani Ivanna. Narinig na lang ni Adam ang mahinang pag tawa ng dalaga, at mas isiniksik ang mukha sa kanyang dibdib. "I really want to make you mine. But I promised I will not touch you until you became Mrs. Santillan. Gusto ko patunayan sa iyo, my intention is clean. I do respect you, Ivan." Ani Adam at hinalikan ang ibabaw ng kanyang ulo. Lalong isiniksik ni Ivanna ang mukha sa dibdib ng binata at mas humigpit ang kanyang yakap dito. "You have no idea how much you make me happy Adam. Hindi madali para sa atin pero sana we can make it through."naiiyak siya sa sobrang saya at the same time ay hindi niya mapigilan ang pag bangon ng kaba sa kanyang dibdib. "I promised Ivanna,ikaw ang pipiliin ko." Pangako ni Adam. Hindi niya alam pero si Ivanna ang nag kompleto sa buhay niya. Pakiramdam niya ito ang matagal na niyang hinanap upang maging masaya siya. ******** " Good morning mahal." Malambing na bati ni Adam sa dalagang bagong gising. Looking at her,gugustuhin niya talaga itong makita bawat umaga ng buhay niya. Bare face no makeup and yet still beautiful. Nakalugay ang mahaba at itim nitong buhok. "Sorry, na late ako ng gising. Ikaw ba nag luto nito?" Nagulat siya na nakahanda na ang breakfast nilang dalawa. "No, si Rose." Nakangiti nitong sabi. At giniya siya para maupo. "Ah okay." Ani Ivanna at naupo na sa hapag kainan. "But this is from me." At inabot nito ang isang long stem red rose. "Thank you, Adam." Hindi napigilan ni Ivanna ang pamulahan ng mukha. Ang mga titig at ngiti nito ay masyadong nagpapakilig sa kanyang puso. "Coffee?" Magiliw na tanong ni Adam sa dalaga. "You.., looking at me like that. No, thanks, I have enough palpitation already. " nakangiti niyang tanggi. Tumawa na lang si Adam sa naging sagot niya. "Yeah, I know. Lumalabas na naman ang natutunan mo sa TESDA training mo.” Isang pang kanyang inirason kung bakit siya nakakapag English ay ang plan niya mag abroad kaya kumuha siya ng Tesda training para sa English language. "Ngayon alam mo na kung stressed na ako? Mapapadalas ang ingles ko.” pabirong sabi ni Ivanna. At uminom siya ng fresh juice para malayo ang tingin sa mukha ni Adam. "Ang gwapo talaga!" Bulong niya sa isip. Napaka simpatiko talaga nito, o dahil sa mga pag pagpapakita nito ng gestures na nakakapag pakilig sa kanya. "Anong iniisip mo?" Curious na tanong ni Adam. Nakita niya ang pagsilay ng mga ngiti nito at pagsulyap sa kanya. "Ha? Wala." Tanggi niya at ginantihan ito ng ngiti. "Kain na tayo. Huling araw na natin dito. Let's enjoy the beach today." Mungkahi niya kay Adam na hindi siya hinihiwalayan ng tingin. "Adam,mukhang malalim pa yata sa Mariana trench iniisip mo. I've been calling you." reklamo ni Ivanna. Walang ngiti at puno ng mga tanong ang kanyang mga mata. Kanina pa niya ito tinatawag, nauna na ito pumunta sa tabing dagat. Naiwan siya dahil nagpalit pa siya ng damit pampaligo. Isang black one-piece swimsuit na bagay na bagay sa kanya ang kanyang napili. Pero si Adam ay hindi napansin ang presensya niya. Masyado itong nahulog sa malalim na pag iisip habang ang mga mata ay nakatuon lang sa buhangin. " I'm sorry." Hinging paumanhin ng binata at sinipat siya ng tingin. Sumilay ang ngiti nito sa labi. "You look gorgeous!" Papuri nito. Pero hindi nagawa niyang ngumiti. Hinila naman siya ni Adam at niyakap. Siniksik nito ang mukha sa kanyang leeg. "I'm sorry. I'm just figuring things out." Bulong nito,kasunod ng malalim na buntunghininga. "Nahihirapan ka na?" Parang bigla siyang nalungkot. Nararamdaman niya na may gumugulo sa isip nito. Kumawala si Adam at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "I will be very honest to you Ivanna. What's bothering me now is just recently I came to know my parents already arranged a marriage for me." Panimula ni Adam. Gusto niya hilahin ang mga kamay na hawak nito pero hindi siya makawala. "Ginagamit mo lang ba ako?" Parang may mabigat na bagay na dumagan sa puso niya. "No, when I said I love you. I mean it! Every word." Nakita ni Adam ang sakit na gumuhit sa maganda nitong mukha. "Listen Ivanna. When I told you I'm willing to give up everything. Totoo din yun at seryoso ako sa iyo. Ang gusto ko lang sana ipaintindi sa iyo ay ang sitwasyon natin. Please unawain mo sana na hindi normal na magkasintahan ang magiging sitwasyon natin." Mahaba nitong paliwanag. "Please Ivanna, give me time. Aayusin ko ang lahat. At habang hindi pa kita naiipakilala, I want you to patiently wait for me until the time comes na malaya na akong gawin ang gusto ko. And that is to marry you. Promise me, okay?" Hinawakan ni Adam ang kanyang mukha,mataman nakatingin sa kanyang mga mata. "Ang pagiging isang housemaid ko ba ang dahilan?” She wants to cry pero pinipigilan niya. "Of course not, pero tradisyon na iyon ng mga mayayamang pamilya." "Alam ko,kung mayaman ba ako sa palagay mo things will be easier for us?" This time siya naman ang gusto magbasa ng nasa mga mata ng binata. "Hindi ko alam, ang gusto ko lang ay makawala sa kasunduan na ginawa ng mga magulang ko." Ani Adam. Niyakap niya ang dalaga. Nakita niya ang frustration nito. "Wag mong isipin Ivanna. Kahit sino ka pa. Ikaw ang pipiliin ko. Pang unawa at pasensya ang hinihingi ko sa iyo. Naintindihan mo ba?" muling tanong ni Adam. Tumango lang ang dalaga at isinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. " Okay,maghihintay ako. Iintindihan kita at lulugar ako kung saan ako dapat.” Sabi ni Ivanna. Anyway,hindi naman magtatagal kung sigurado na siya kay Adam haharapin niya ang kanyang ama. Ihaharap niya sa Adam at ipaglalaban kasi he is worth it. "That's my girl!" Nakangiti na si Adam. Totoong ngiti na abot sa mga mata. Sinapo nito ang kanyang maliit na mukha and planted kisses all over her face and lastly to her lips. Pinakawalan siya nito ng pareho na sila naghahabol ng paghinga. They spend their day, hugging cuddling, and kissing. Kahit na nakikita niya ang pagtitimpi ni Adam hindi pa din ito lumalagpas sa boundary nito. "Ang babae pinapakasalan bago tikman." Iyon ang salita ni Adam matapos ang kanilang good night torrid kiss. She can feel the growing maleness and his ragged breathing. Hudyat nang arousal nito, but then he manage to suppress the urge of taking her to bed. "I'm so proud of you mahal.!" Sigaw ni Ivanna sa binata na nagmamadali na pumasok sa sariling silid. "Yeah, I know!" Ganting sigaw ni Adam. Narinig pa niya ang pagtawa ni Ivanna bago niya isara ang pinto ng kanyang silid. "You're making me crazy, Ivanna!" Ungol ni Adam sa sarili at binagsak ang katawan sa kama. Ilang saglit siyang nakatingin sa kisame nang pagpasyahan niyang pumasok sa banyo at mag shower. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD