Chapter 19

1031 Words
"Masasaktan lang tayo pareho sa huli.Somehow I know hindi ganun kadali." kumbinsi nya dito kasi alam niya ang pwede gawin ng kanyang ama kung malaman nito na susuway siya sa gusto nito. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso bakit nga ba hindi nya subukan? Maranasan ang mahalin at magmahal? Kung willing si Adam na iwan ang lahat kaya ba niya? "Wag mo isipin yan Ivanna. Love is happiness. Kaya magiging masaya tayo.". sabi nito sa kanya, punong puno ng pag susumamo ang anyo at tinig. "I can't help it, but I'm so scared. " She's so scared sa pwedeng mangyari sa kanila ni Adam. "Don't be Ivanna. I will protect you and will never make you cry I promise." Pangako ni Adam. He cupped her face at tinitigan siya nito sa mga mata. "Why do I really have this feeling you belong to me?" Buong pagmamahal nitong tanong. Banayad nitong hinalikan ang kanyang mga labi. "Wait! Nakakadami ka na. Did I say yes?" Sansala niya dito. "You did just now." Nakangiti na sabi ni Adam. "Adam!" Pinandilatan niya ito ng mata. Napahalakhak si Adam sa kanya. "Trust me Ivanna. Hindi kita sasaktan." Malambing na sabi ni Adam at niyakap siya. "Ehem!" Malakas na tikhim ang nakapagpahiwalay sa dalawa. "Hey! Uno!" Masaya niyang bati ng makita ang kapatid. "I'm here to fetch Senyorito Sib. May family emergency." Sabi ni Ysa tiningnan nito si Ivanna na humihingi ng paliwanag sa naabutan na eksena. "I will call Sib. Maiwan ko muna kayo ." Sabi ni Adam. Bago siya lagpasan ay bumulong ito. "Tell him you are mine now." Napatango naman si Ivanna. Matapos makalayo si Adam ay hinampas ni Ysa si Ivanna sa braso. "Ano ang dapat kung malaman?" Usisa nito sa kapatid. "Ysa tama lang ba na maging kami? Hindi ba siya magagalit kung malaman niya na nagsinungaling ako?" Bigla siyang nakaramdam ng takot sa magiging reaksyon ni Adam sa pagpapanggap niya. "Sabihin mo ang totoo para malaman mo." Walang ganang sagot ni Ysa. "You're not helping me!” Reklamo niya sa kapatid. "Okay fine. Simple lang naman yan pag malaman niyang anak ka ni Lucas Mondragon, at isoli ka niyan. For sure hindi mo na siya makikita. Kilala mo ang ating ama,kung sino man napagbitiwan niya ng pangako. It must be done! Tulad ko,pareho tayong nakatakda na sa lalaki na pinili niya." Brutal na pahayag ni Ysa. Iyon ang totoo! "What should I do then?" Ani Ivanna. "Enjoy the moment and cross the bridge when you get there!" Sabi ni Ysa at tinalikuran na siya. Sinalubong nito si Sib na mukhang na bwisit ng makita ang si Ysa. "Senyorito, long time no see!" Bati ni Ysa na punong puno ng pang aasar. "Long time?Kahapon lang inihatid mo kami sa private hangar ng mga Mondragon." Sabi nito. Ang mga private plane ng mga Mondragon ang ni rentahan ng mga ito para magtungo dito sa Palawan. "Tsk. Akalain mo yon?Kahapon lang pala iyon? Na miss ko siguro kayo agad?" Biglang preno si Sib sa paglalakad dahilan para mabunggo si Ysa sa likuran nito. "Naririnig mo ba sinasabi mo?" Parang gusto na ni Sib mag transform sa sobrang inis. Ginagamit ni Ysa ang paghalik niya dito para hawakan siya sa leeg. "Yes, senyorito!" Nakangisi na sabi ni Ysa. Humarap si Sib dito. "I'm not gay okay?" Buong diin niyang sabi. "Okay, po! Sinabi ninyo eh!" Ani Ysa at sinenyasan niya ito na lumakad na. Itinuro pa nito ang chopper na paupahan ng pamilya Mondragon. Tiim bagang na nag martsa si Sib sa naghihintay na sasakyan na magdadala sa kanila sa Manila. *********** Pagdating ng hapon. Nagpaalam na din ang iba pang mga bisita at kaibigan ni, Adam. "I will stay here for one more night. " ani Adam. "You want company?" Pumulupot ang mga braso ni Jonah sa beywang ni Adam. "No, umuwi ka na kasama nila." Taboy naman ni Adam at pasimpleng inalis ang mga braso nito. Nakasimangot ito at padaskol na binitbit ang mga gamit. Matapos umalis ang lahat ng bisita ay pinuntahan niya si Ivanna. Nakatanaw ito sa dagat. Sumandal siya sa nakitang kahoy at pinagmasdan lang ang dalaga. Pinagsawa ni Adam ang tingin sa dalaga. Still wondering what will happen if his parents will find out. Pero nangingibabaw sa kanya ang ngayon at ang bukas. And that is to be with this lovely angel. "Mahal, let's go inside and have something to eat!" Tawag niya Kay Ivanna ng hindi pa din maramdaman ang presensya niya. Nilingon siya ng dalaga. "What did you just call me?” "I said mahal. Why? You don't like it? Your worth it, I might trade my billion inheritance para sa iyo. Kaya, you deserve to be called, mahal." Birong totoo ni Adam. Napasimangot naman si Ivanna. "C'mon!" Yaya ni Adam at inakbayan ito papasok ng bahay. Matapos kumain nasa veranda sila nakatanaw sa dagat habang nag tsaa. "Stop staring!" Ani Ivanna sa kaharap. "Ginagawa mo akong dessert!" Umirap siya kay Adam na tinawanan lang ng huli. "Masanay ka na mahal! Wag kang ma stress sa mga tingin ko." Sabi ni Adam na malambing na hinagod ang kanyang buhok. "Bakit mo naman nasabi na stress ako?" "Umi ingles ka naman eh. Abort your plan na mag asawa ng foreigner o mag abroad. I will not allow you. Okay?" Ang baba naman niya mag bahagya nitong pinisil. "So anong gagawin ko? Dream ko yon eh!" Reklamo niya. Tinitigan niya ito at hinintay ang reaksiyon ng lalaki. "From now on ako lang ang dream mo. Understand?" Lumapit pa ang mukha nito sa kanya. "Ang bossy mo pa din.!" Iningusan nya pa ito. "No, listen to me. I don't like the think of you being away from me. If you want to go abroad. We will go,magbakasyon tayo. At seryoso ako, I want to send you to school." "Adam,ayaw kong sabihan ng oportunista. Hindi ko yan matatanggap. Pag nakapag ipon ako ba balik ako sa eskwela okay?" Tanggi niya dito. Tapos na siya sa pre-med course niya. Pinagpipilian niyang maging surgeon or Pediatrician. "I wish I can marry you today. Para wala ng dahilan para tumanggi ka sa alok ko." Malungkot na sabi ni Adam habang naka titig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD