bc

TAKE ME BACK TO THE NIGHT WE MET (True Story)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
BE
drama
city
civilian
like
intro-logo
Blurb

Get your handkerchief or tissue ready before reading this because I was really in tears while writing it.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Hi, gusto ko lang i-share ang storya ko dito. Nangyari lang ’to kamakailan, at wala naman akong ibang mapagsabihan, kaya naisip ko na idaan na lang dito. Sana bigyan n’yo ng oras basahin. Salamat in advance. Bago ako magsimula, magpapakilala muna ako. Ako si Arni, at ang ex ko si Mattino—Matty ang tawag ko sa kanya. Kaunting background lang sa storya namin: naging kami noong September 27, 2010. Fifteen pa lang ako noon, at siya naman ay seventeen. Fourth-year high school ako, first-year college siya. Sa side ko lang alam na kami, pero sa pamilya niya, hindi. Strict kasi parents niya—oo, parang baliktad. Siya ‘yung lalaki, pero sa kanya mas mahigpit. At siya bilang boyfriend? Para sa akin, he was the best I ever had. Pasensyoso, gentleman, sweet. Sobrang pinangga niya ako noon. Feeling ko, nasa kanya na lahat. Siya ang ideal guy ko. Hays. Naiiyak na naman ako. HAHAHA. Sige lang, tuloy tayo. Tatlong taon kaming naging kami, hanggang dumating ang August 26, 2013. Isang buwan at isang araw bago sana ang third anniversary namin (oo, binilang ko talaga), nakipaghiwalay siya sa akin. Ilang buwan nang shaky ang relationship namin. Ramdam ko na rin ang pagbabago niya. August 26, Monday Nagpatid ako sa kanya papuntang school, pero tumanggi siya. May reporting daw siya, dederetso na raw siya sa school. Magkaiba kasi kami ng eskwelahan. “Hahabulin na lang kita after class,” sabi niya. Nasaktan ako. Nagtampo. Hindi na lang ako pumasok. In-off ko ang phone ko at iyak lang ako nang iyak. Mga bandang tanghali, pumunta siya sa bahay. Galit siya. “Bakit hindi ka pumasok?” tanong niya. Sinabi ko ang totoo. Sinabi ko rin ang mga pangamba ko, ang paranoia ko. Doon siya biglang sumabog. “Bakit gumagawa ka ng kwento? Hindi ako nagloloko! Ano bang gusto mo?! Gusto mong parang aso na lang akong sunod nang sunod sa’yo?!” Hindi ko inasahan ‘yon. Sabi ko, “Takot lang ako na mawala ka.” Ang sagot niya? “Ang takot mo, nakakasakal.” Hindi ko napigilan ang luha ko. Umalis siya. Maghapon akong umiiyak. Bandang gabi, binuksan ko na ang phone ko. Marami siyang texts sa akin noong umaga, pero after ng away namin, wala na. Kinagabihan, nag-text siya. “Pupunta ako diyan.” Masaya ako. Akala ko maaayos pa namin. Kasi tuwing nag-aaway kami noon, palagi siyang may dalang Jollibee kapag humihingi ng sorry. Pero that night? Wala. “Arni, pwede tayo mag-usap sa labas?” tanong niya. Kinabahan ako. Hindi na niya ako tinawag sa endearment naming “Baby.” Sabi ko, “Sa kwarto na lang.” Sabi niya, “Dito na lang tayo.” Naupo kami. Tahimik lang kami pareho. Niakap ko siya. Humingi ako ng sorry. “Sorry rin.” Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero kasunod niyang sinabi… “Sorry, Arni. Pero tapusin na natin ’to.” Natahimik ako. Nakayakap pa rin ako sa kanya. Parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Parang sumikip ang dibdib ko. Kumalas siya sa yakap ko. Hinawakan niya ang kamay ko. “Sorry, Arni. Hindi ko na kaya… tapusin na natin ’to.” Hindi ako nakapagsalita. Nang mabitawan niya ang kamay ko, parang saka lang ako natauhan. Hinawakan ko ulit ang kamay niya. “Huwag mo akong iwan… hindi ko kaya.” Naiyak na ako nang todo. Niakap niya ako nang mahigpit. “Arni, tama na. Nakakasakal na. Pagod na ako… Sorry.” Naiyak kaming dalawa. Sabi niya, “Bitiwan muna natin ang isa’t isa. Kung tayo talaga, tayo talaga. Huwag ka nang umiyak. Sobrang toxic na ng relasyon natin.” Ang sakit. Ayokong pumayag. Pero wala akong magawa. Mga alas-kuwatro ng umaga, umalis na siya. Hindi ko na siya nahabol dahil umandar agad ang motor niya. Pumasok ako sa bahay, humagulgol. Nagising si Mama dahil sa iyak ko. Sinumbong ko sa kanya na hiniwalayan ako ni Matty. Nagalit si Mama, tinawagan si Matty. Tinanong kung bakit. Ang sagot niya? “Sorry po, Tita.” Pagkatapos ng hiwalayan… Ang hirap. Hindi ako makapaniwala. Gabi-gabi akong umiiyak hanggang sa makatulog. Pag gising, iiyak na naman. Palagi akong nagdarasal na bumalik siya. Kahit saan ako magpunta, naaalala ko siya. Kahit Jollibee sa Gaisano, kapag nadadaanan ko, parang sinasakal ako ng lungkot. Dumating ako sa punto na pinapachat ko siya sa kaibigan ko, pinapatunog kung may feelings pa siya sa akin. Dumating din ako sa puntong nagpapakasakit ako para lang matignan niya ako ulit. At oo, nag-aalala siya. Pero hindi na katulad noon. After five months, nalaman kong may girlfriend na siya. Si Eiia. Mas lalo akong nasaktan. Mas lalo akong nagalit. Sobrang dami kong tanong. “Niloko niya ba ako?” “Si Eiia ba ang dahilan kaya niya ako iniwan?” “May relasyon na ba sila bago pa kami maghiwalay?” “Ganun lang ba kabilis ako palitan?” Gulong-gulo ako. Sa galit ko, sinagot ko ang best friend niya—si Albert. Gusto kong pagselosin si Matty. Pero wala. Walang epekto. Nakakatawa nga eh. Imbis na magselos, binati pa ako. “Congrats sa inyo!” Natapos din kami ni Albert. Kasi si Matty pa rin ang mahal ko. 2019 – Lumipas ang limang taon Sila pa rin ni Eiia. Long live, diba? Ako? May mga nakarelasyon, pero walang tumagal. Lagi kong itinutulad kay Matty. Mula 2014 hanggang ngayon, hindi ako tumigil sa pag-stalk sa kanila. Sa tuwing magpo-post si Matty tungkol kay Eiia, sinasabi ko sa sarili ko—“Ako dapat ‘yan.” Hindi ko sila ginugulo. Hindi naman ako psycho ex. Pero masakit kasi. Nagtagal sila. At ako? Umasa sa sinabi niyang, “Kung tayo, tayo talaga.” April 28, 2019 Nanood ako ng Endgame. Mag-isa. Ayala, 9:40 PM—wala nang ibang available na time. Habang nakapila ako, hindi inaasahan, hindi ko inaakala… Nagkita kaming tatlo. Ako. Si Eiia. At si Matty. Nagkatinginan kami ni Eiia. Alam niyang ako ‘yung ex. Kasi in-add ko siya sa f*******: dati. Hindi dahil gusto kong makipagkaibigan. Gusto ko lang siyang i-stalk. Oo na, masama pakinggan. Pero aminado ako—masaya ako tuwing nag-aaway sila. Pero nalulungkot din ako. Kasi mahal na mahal siya ni Matty. At kahit anong away nila… Nagbabalikan pa rin sila. Ngumiti si Eiia sa akin. Napilitan akong ngumiti pabalik. Alam ko, limang taon na ang lumipas. Pero ambot lang. Masakit pa rin. Lalo na ngayong nagkita na kaming tatlo. Matty checked up on me. Our convo went like this: Matty: Ar, kumusta na? Ako: Okay ra, kamo? Matty: Okay kaayo mi. Minyo naka? Ako: Wala pa uy. Grabe sad. Mag-24 pa gani ko. Luh, HAHAHA. Pero sa akong huna-huna, cge jud Arni, pagplinastik jud para di mahalata nga sakit na. Matty: Okay naman gud na 24 edad mag-minyo. Ako: HAHAHA bata pa na oy. Mu-travel pa ko. Kamo, kanus-a mo mag-minyo? Matty: Kaslon naman gud mi. Naa nako liwat puhon gud. Namutla ko pag-ingon niya ato. Murag nihuot akong dughan og kalit. Nitan-aw ko sa tiyan ni Eiia. Ako: Preggy ka, dae? Eiia: Yes, dae. 3 months na tawn. Ako: Hala… Congrats ninyo! Matty: Salamat, Ar. Tunga nya sa kasal namo ha. Muchat rako nimo when. Nitando lang ko. Wala ko kasabot sa akong gibati. Hangtod nanulod na mi sa sinehan, nagbuwag na mig dalan kay lahi mig seats. Wala pa gani nagsugod ang Endgame, naghilak na ko. Diba, mura kog buang? Huo kaayo akong dughan, man gud. Ni-flashback tanan atong kami pa. Ni-flashback tong mga panahon nga nagsabot pa mi sa among future plans. Wa na koy paki sa akong tapad kung nakabantay ba siya nga nihilak ko or wala, pero di jud nako mapugngan akong luha. Nahuman nalang ang salida, sakit gihapon akong gibati. Sakit ang Endgame, pero mas sakit ilahang balita sa akoa. Ako may na endgame ani, oy. Nigawas ko sa sinehan nga hubag kaayo akong mata. Pagawas nako sa mall, naa sila Matty og Eiia nagbarug. Mulikay unta ko, pero nakit-an naman ko nila. So wala koy choice kundi muduol. Ako: Naa pa lage mo? Eiia: Gihuwat ka namo. Ala una na kapin, ihatod nalang ka namo. Nagdala man mi og sakyanan. Ako: Hala, mauwaw intawn ko ninyo. Matty: Ayaw nalang balibad, gud. Karon ra baya ta nagkita balik. Wala koy choice kundi nisugot nga magpahatud nila. Hays, self-torture lang ni. Naa ko sa luyo. Di gihapon nako mapugngan akong luha while nagtan-aw ko nila. Happy kaayo sila. Ako? Sige ra’g pahid sa akong luha. Pag-abot sa among balay, nagpasalamat ko nga gihatud ko nila. Gikataw-an pa ko ni Matty kay hubag daw akong mata. Nagpalusot nalang ko nga nasakitan ko sa salida, pero sa tinuod lang, tungod jud to sa ilaha. Wala ko katulog anang gabhiuna. Nagminatay kog hilak. Abi nako totally naka-move on nako. Abi ra diay nako tanan. Nag-YouTube nalang ko. Hangtod nigawas sa home sa YouTube ang fan-made video ni Captain America og Peggy Carter—kay trending lagi ang Endgame. Didto nako nadiscover ang kanta nga The Night We Met by Lord Huron. Nisamot kog hilak. Dugmok kaayo ang lyrics para nako. Mao na cge nako’g paminawon until on June 14. Nichat si Matty. Matty: Kasal namo this July 16. Birthday man gud na ni Eiia. Mao to, nasul-an akong utok. Nag-reply ko gamit ang lyrics sa The Night We Met. Ako: Okay, noted. Matty: See you. Ako: Matty, what the hell am I supposed to do? Matty: Unsa man? Ako: And then I can tell myself… Matty: Huh? Ako: Not to ride along with you. Matty: What are you talking about? Bahin ni sa paghatud namo nimo? Ako: I had all and then most of you, some and now none of you. Matty: What? Ako: Take me back to the night we met. Matty: Wala ko kasabot. Unsay pasabot nimo, oy? Ako: I don’t know what I’m supposed to do, haunted by the ghost of you, take me back to the night we met. Wala na siya nireply. Should I laugh kay lyrics prank ni? Or should I be sad kay these are the words I really want to tell him? Then, a few minutes after, nireply siya. Matty: Hahaha, lyrics prank man diay ni. Mangprank na diay ka, ha? Pero kaila ko nimo. Lahi imong pasabot ani. Wala pa jud diay ka nagbag-o, Ar? My heart sank. Pirteng hilak nako. Because he was right. He was right nga lahi akong pasabot ato. He knew nga gipaagi lang nako og prank kunohay, pero lahi jud akong buot ipasabot. Wala ko nireply. Ako ra siyang gi-seen. Pagtaud-taud, nichat siya. Matty: Can we talk? I think we need closure. Nangurog ko. Wala nako kahibaw unsa akong i-reply. Should we talk? Diba, mao ni akong gusto? I took all my courage and replied. Ako: Sige. Asa man? Matty: Sa favorite nimo nga fast food—Jollibee. It gave me chills. Nihilak napud ko kay nakadumdum pa siya sa favorite nako nga fast food.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook