SIMULA
DISCLAIMER REMINDER
,this book Is a work of fiction.All names, character, locations, and incidents are products of author's imagenation or have been used fictiously Any resemblance to actual person's living or dead ,locals, or events is entirely coincidental .
this story is UNEDITED. it's raw fresh and newly baked. it contains typographical errors and grammatical errors it's has a cliche plot, boring scenes, and loopholes, please take note The writer is unprofessional and is new to field of writing.
there may be some scenes,lines ,and words that some of you might find disturbing inappropriate or offensive that may cause you discomfort and trigger you.if that happens please pardon my stupidity and immaturity I would like to apologize in advance and let everyone know that I didn't intend to offend someone in any way.
please be informed that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for every young readers and close-minded people. Please be guided accordingly.READ AT YOUR OWN RISK.
_______________
Isang malakas na sampal ang natamo ni Lily sa kanyang madrasta nang malaman nitong kaunti lang ang kita ni Lily sa pangangalakal. Walang nagawa si Lily at panay iyak na lamang.
Naging masaya ang buhay ni Lily noong limang taon palamang ito ngunit nagbago iyon ng biglaang pumanaw ang Kanyang Ina dahil sa sakit sa baga. Dahilan rin para muling mag-asawa ang kanyang ama. Masaya sana ito sa bagong nitong ina ngunit sa kasamaang palad, sumunod ding pumanaw ang ama nito dahil sa isang aksidente. Mula ng mamatay ang ama nito, nagbago rin ang pakikitungo ng kanyang madrasta sa kanya. Naging malupit at tila ba isang malas na babae ang tingin ng madrasta sa kanya sa kadahilanang isa itong pipi at walang silbi sa buhay.
Nais nitong magmakaawa at sabihing itigil na ang pananakit ng kanyang madrasta. Ngunit wala itong mailabas na tinig. Gusto nitong putolin, nalamang ang dila dahil tila wala itong silbi sa kanya. Paano naman kasi nito makakamit ang pag-asang tinatamasa nito kung wala itong mailabas na tinig? Minsan narin nitong hiniling na sana isama nalang ito sa namayapang mga magulang.
Ganito naman palagi ang natatamasa nito kapag wala itong kita sa pangangalakal.O kapag hindi iyon sapat para sa kanyang madrasta.Palagi itong sinasaktan, minsan hindi pinapakain at sa lapag lang pina patulog.
Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay, pahiwatig na nagmamakaawa ito. Ngunit wala iyong silbi.
Kung ito ay pipi. Ang madrasta naman nito ay nagpapangap na bulag dahil hindi manlang nito nakikita ang pagmamakaawa nito sa kanya.
"Sa buong araw pangangalakal mo!! Ito lang ang kinita mo, pipi ka! Wala ka talagang silbi!" sigaw ng madrasta nito bago ito nilatido ng senturon. Yan naman palagi sinasabi ng kanyang madrasta, kahit pa siguro maging bingi rin ito, makakabesado pa rin nito ang mga salitang sinasambit ng kanyang madrasta dahil iyan naman ang palaging sinasabi sa tuwing nagagalit o natatalo ito sa sugal .
Kahit isa itong pipi, sinubokan pa rin nitong ibuka ang bibig para magmakaawa. May tinig nga na nilalabas ang bibig nito, ngunit wala naman itong mabuong salita.
"nhja," nais nitong magwala dahil hindi talaga ito nagtatagumpay makabuo ng salita at ang nilalabas nitong tunog ay nakakairita lamang, para sa kanyang madrasta.
"Hindi ka kakain ngayon kaya mangalakal ka buong gabi!"