Last chapter ________________ "Zahar? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko kay Zahar. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita dahil hindi kailanman hinayaan nila Rashma at Riley na magkita kami lalo na sa kambal nitong si Zakhar. Ayaw ko rin namang munang makita si Zakhar dahil galit ako sa kanya. Kung hindi siguro niya ako nilayo at ibinalik kaagad sa poder nila Riley, makakapagpaliwanag sana sila agad saakin. Ang ina akala kong asawa nila Riley ay pinsan pala nila. Pero hindi ko kaagad nalaman dahil kay Zakhar, dahil sa paglayo nito saakin. Kung hindi pa sinabi ng pinsan nilang babae kung anong nangyari sa dalawa. Noong wala ako ay hindi ko malalaman na totoo pala ang kanilang sinabi na nabaliw sila kakahanap saakin. Hindi ko rin maiwasan na sisihin ang aking sarili dahil saakin n

