HER CALMING PILL
As her usual day, while wearing her lightpink oversized hoodie Athena walked around the University premises looking for her next target.
At her age- 14, she already learned how to rob just to fill her aching stomach. She doesn't have any relatives left, her parents died from an accident and her only sister died from ulcer.
Right now, she lives at an abandoned house far from the buzzing city. It wasn't that far but still inside the city, the difference is the location.
The house or mansion is covered with thick trees and surrounded by gigantic walls. Thanks to the small hole beside the gate she was able to enter.
Back from her routine, Athena spotted a girl she thinks the same as her age looking around like she is missing. Silently she walks pass the girl and forcefully bump her shoulder, the girl immediately fell to the ground that caused commotion.
"Oh my god! Pasensya na. Ayos ka lang ba?" she tried to sound worried but her mind is laughing as she secretly hides the girls phone and wallet inside her hoodie as she help her stand.
"No, I'm fine. Pasensya na din ate di ako tumitingin sa daan. Naliligaw pa po kasi ako." the girl smiled at her, Athena immediately frowned.
'Bakit ito pa humihingi ng pasensya?' pilit na ngumiti si Athena at timapik pa ang dahon na kumapit sa damit nito. "Sa susunod mag iingat ka"
hindi na niya hinintay pang sumagot ito at umalis nalang. As she looks away, she grinned. 'uto uto' She didn't waste a minute and looked at the girls wallet as she enters the public comfortroom.
Looking at the money inside she knew that the kid isn't just a normal kid. The wallet contains 2 credit card, a school ID, receipts and cash worth 20thousand.
Agad siyang lumabas ng CR nang maibulsa ang pera saka lumapit sa nagbabantay ng CR.
"May nakahulog po ata" saka niya linapag sa mesa ng tagabantay ang basang pitaka. Sinadya niya iyong hugasan upang mabura ang fingerprint saka kunyaring nandidiri na binitbit ito. "Nakita ko sa timba ng tubig, hindi ata napaansin." dugtong niya saka pumulot ng tissue sa mesa ng babae at nagpunas ng kamay.
"Salamat iha" iyon nalang ang nasabi ng ginang dahil agad umalis si Athena upang hindi pa siya mamukahan. Walang CCTV ang lugar kaya doon siya lagi nagpupunta.
Matapos bumili ng sangkaterbang pagkain at damit ay bumalik si Athena sa tinutuluyang bahay at muling nagkubli sa Attic. Doon inisa isa niyang linapag ang binili at ngiting ngiti na tinitignan ang cellphone ng babae kanina. Bago buksan ay inalis niya ang simcard, sanay na siya sa ganong gawain kaya bago pa magkaalaman o matrace ang kanyang kinaroroonan ay nere-reformat na niya agad ito.
Naisipan ni Athena na bumaba muna at maligo, hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya dahil tumatakbo pa din ang kuryente at tubig ng bahay kahit dalawang taon na siyan doon nakatira.
She's just 14 nang makita ang lugar at napansin na walang nakatira, hanggang sa masanay siya na doon nagtatago.
Ngunit tipid pa din siya sa paggamit doon upang di mahalata ng iba na may nakatira dito. Sa loob ng dalawang taon ay linilinis niya ang bahay kapalit ng pagtira doon. At ang buwanan na bill ng kuryente at tubig na lagi niyang naaabutan sa mailbox ay tambak na sa kahon na linagay niya sa sala ng bahay. Ni hindi niya gustong buksan iyon upang silipin manlang ang bayarin ng kawawang bahay.
Hindi naman ganoon kaluma ng bahay pero talagang napabayaan lang. Araw araw matapos ang kanyang paghahanap ng target ay maglilinis siya saglit at ilang oras na mananatili sa library ng bahay at doon niya tinuturuan ang sarili bago magkulong sa attic kapag magdidilim na. Walang kuryente sa attic at tanging kandila ang gamit niya doon, minsan nagdadala siya ng libro at papel sa taguan upang mag aral, kahit papaano ay isa din iyon sa mga gusto niyang gawin.
Pakiramdam niya ay napakahaba ng araw na iyon at agad nakatulog.
Mahimbing siyang natutulog ng makaramdam ng pagdikit ng isang bagay sa pisngi. Agad niya naalala ang daga na biglang lumapag sa muhka niya noon kaya napabalikwas siya ng bangon. Ngunit mas nahintakutan siya nang hindi daga ang nakita, kundi isang lalake.
Pakiramdam niya ay tumigil ang t***k ng puso niya sa kaba, 'Pulis ba to? Bakit parang naka casual attire siya?' She thought as she stare at the guys' shocked face.
For a minute they just stated at each other, until Athena got back and forcefully kicked the mans' stomach and ran.
She was near from the gates when the guy shouted that made her stop.
"Wag mo nang subukang lumabas! I have a lot of evidence na maibibigay sa mga police." his hands still in his stomach as he walk near the girl.
Halata na natakot ito sa pagbabanta, kaya sinamantala na niya. Agad niyang hinawakan ito sa braso at kinaladkad papasok sa mansyon.
"Biatawan mo ko!" pagpupumiglas niya ngunit agad din siyang napatigil nang malakas siyang itulak ng lalake sa sofa sa sala.
Mula sa bulsa ay linabas niya ang cellphone at may kanalikot, umayos si Athena ng upo at yumuko.
Di nagsalita ang lalake at hinarap ang screen ng phone kay Athena, "Look" saad ng lalake, agad na napaangat ang tingin niya sa lalake at agad na nanlaki ang mata. It was her, entering the house. The guy swipe the screen for her to see the other videos of her.
Her head immediately puns around looking for a CCTV but she can't find any.
"Di mo kita pero may mga mata ako dito. " a smirked and he crossed his hands on his chest. "Why are you here" it is not a question.
Napayuko si Athena at napakagat ng labi, "Isumbong mo na ako, wala na din naman akong patutunguhan kapag lumabas ako dito." marami nang napuntahan si Athena na taguan ngunit lahat ay di nagtatagal. Kung hindi siya natutunugan ng mga pulis at mga tao doon ay may nagmamay-ari na pala dito na gaya niya din.
"Wala naman akong pake kung sino o ano ang kalokohan mo, though alam ko kung sino ka. Napaimbestiga na kita at napakadami mong KASALANAN." pagdidiin nito. Guilty, she kept her head down. "Peri gusto ko ang pagbabago sa bahay na to, sa loob ng dalawang taon na tumira ka dito ay nagkabuhay ito. Ibebeta ko na sana to two years ago dahil masisira lang kapag walang tumitira." patutuloy niya.
Kunot noo na napatingin si Athena sakanya na ikinangiti nito, 'Pakialam ko din ba sa history ng bahay na to?' saad niya sa isip.
"Bumalik lang ako para kausapin ka." biglang sabi ulit ng lalake at naupo sa katapat na pang isahang sofa saka tumitig kay Athena, mula ulo hanggang paa.
"Anong kailangan mo?" halis kilabutan si Athena sa titig ng lalake sakanya, kahit 16 na taon palang siya ay alam n niya ang bagay na mga iyon dahil ilang beses na siyang nambiktima sa loob ng bar. Hindi siya muhkang bata dahil sa hubog ng katawan niya at tangkad ay di aakalain na labing anim na taon palang niya.
"Gusto kong manatili ka dito sa bahay" ang kaninang kunot na noo ni Athena ay halos matupi na. 'Sino bang kolokoy ang magpapatira ng magnanakaw sa bahay niya? May sira ata utak nito.' tinapatan niya ng tingin ang lalake na di pa din inaalis ang titig sa mga mata niya.
"Why? Bakit hindi mo ako isumbong sa mga pulis?" takang tanong niya
He smiled smoothly and leaned forward, "When I get back, I want this house still clean and shining." saka ito tumayo at naglakad palabas papunta sakanyang kotse. Agad na tumayo si Athena at hinarang ang kotse na paalis.
"Bakit mo ginagawa to?" tanong niya, nakapikit siya ngayon at nakadipa ang kamay. Mabilis na tumigil ang kotse at bumukas ang bintana.
"Matuwa ka nalang at hindi ka sa ampunan titira kaya umalis ka jan kung gusto mong manatili pa dito." muli nitong pinaandarang kotse nang dahan dahan na umalis si Athena sa daan.
Kahit papaano ay takot pa din siyang makulong, kagat kagat ang labi ay napasunod nalang siya ng tingin sa papaalis na kotse. Nang mawala ang kotse sa paningin ay siya ang nagsara ng gate at isinandal ang noo doon.
"Ano nanaman ba itong pinasok ko" bulong niya sa sarili, inangat niya ang tingin at humarap sa mansyon. "Kawawang bahay" saad niya saka pumasok at naupo sa sofa.
Napatingin siya sa coffee table at napaansin ang isang sobre, kunot noo na dinampotniya ito at tinignan ang likod ngunit walang kasulat sulat. Dala ng curiousness ay binuksan niya ito at tumambad saakanya ang makapal na balot ng tig iisang libo. Nanginginig ang kamay nag linabas niya ito sa sobre, sa loob ay may papel na nakatupi. Agad niya itong binuksan at nagulat siya. Nakasulat ang buong pangalan niya at pangalan ng magulang at kapatid niya.
[ Athena Skye Schuyler
sister: Misty Haze Schuyler
Parents: Rose and Robin Schuyler
I told you I know you, your past life, hoe your family died (sorry 'bout that) and how you lived your life alone. In the past two year I watched you, beside this is my house and you're just an unwelcomed guest that's why I have to watched over.
You can't ran away from me ]
She can't process everything, she don't understand why he's doing that. She is afraid- yes for her safety and what the guy can do.
***
NOTA BENE: Ewan bakit english ang intro eh nakatag ito ng tagalog, my golly.