WAIT

1560 Words
| Third up... ? | Fourth ? *** Hindi na natulog si Athena habang naghihintay sa oras ng pag alis ng mga bagong pamilya, quarter to twelve nag lumabas ito ng silid at bumaba. Doon naabutan niya si Nathan na nakasandal sa pintuan habang ang mag-asawa ay nakaupo sa wooden bench sa porch na bahay. Sa may hagdan naman naka-ayos ang mga maleta nila habang naghihintay. "Wala pa ba si kuya Pab?" tanong ni Athena nang mapansin na tulala ang lalake. Gulat pa itong napatingin sakanya na agad ding napalitab ng ngiti. "Wala pa eh" tumingin ito sa wristwarch saka umayos ng tayo at pinagmasdan si Athena na nakatingin din sa gate. Bumuntong hininga siya saka pinisil ang pisngi ng babae, "ARAY!" agad tinabig ni Athena ang kamay ni Nathan saka hinimas ang pisngi. "Bat ba gising ka pa?" tanobg nito "Wala" tipid nitong sagot at nanatili doon na nakatayo, Natawa nalang si Nathan saka pumasok sa loob, muka sa maliit na bag ay linabas niya ang isang box ng phone saka humarap kay Athena. "Hoy, lika dito." Busangot na humarap si Athena, ngunit lumapit din. "Sayo" "Ha?" napanganga ito at tinignan ang box ng phone sa kamay ng lalake, nag aslanga pero tinanggap padin niya. "Ano to?" Umirap lang si Nathan saka bahagyang yumuko at pinitik ang noo ni Athena. "Aish! Okay okay, alam ko phobe to, I mean bakit?" inis na saad ni Athena Kinuha naman ni Nathan ang saklay ni Athena inalalayang maupo saka siya pumwesto sa katapat na sofa. "Para ma-contact ka namin." "May landline naman?" turo nito sa kalapit na telepono. "Kapag masa labas ka, Pano kung may energency? Pano kung nagka-problema? Kaya lagi mong dalhin yan. May simcard na yan at nakalagay na contact numbers namin." Sumandal ito sa sofa at tumingala. "Kapag maglalagay ka ng number ng iba, ipaalam mo muna sakin." Linapag naman ni Athena ang phone sa mesa at tumingin sa lalake, "Wala naman akong balak magdagdag pa. Pero depende." Kunot noo na tinignan siya ni Nathan at naningkit ang mata. "Nagbibiro lang, kung meron man akong ise-save dito sasabihin ko agad sayo." agad na saad ni Athena nang bigla mag-iba ang timpla ng lalake. "Tsk" saka ito tumayo at lumingon sa labas at sa wristwatch. "Hintayin mo ko" "Ano?" biglang napatingin si Nathan kay Athena na namumula ang mugka habang nakatungo. Narinig biya ngunit nalilito siya kung anong ibig sabihin nito. Dalawang beses na niya itong sinabi pero di niya padin maintindihan. Umiling iling lang si Athena at mabilis na tumayo nang marinig ang isang kotse, pateho silang nalingon doon. Gusto pa sana niyang tanungin ngunit nagtawag na ang ama sa labas. Nauna si Athena na lumabas habang siya ay nakasunod sa likuran nito. "Athena, dapat natutulog ka na" saad nang ginang nang makita siya. Tipid na ngumiti si Athena at lumapit, "Gusto ko lang po sana kayo mahatid kahit hanggang dito lang." "Thank you iha" yumakap naman ang ginang at humalik sa noo habang ang tatlong lalake ay nag aayos ng maleta sa loob ng van. "Ingat po kayo doon at sa biyahe" dagdag ni Athena bago kumalas sa yakap. "Mag iingat ka din dito, tatawag kami sayo lagi." Tumango nalang si Athena saka nagpaalam na din sa ginoo, wala namang imik si Nathan. Lumapit at tinapatan siya, "Basta lalabas ka ng bahay na to, gusto ko kasama mo lagi si Pablo. Hindi ka pwedeng lumabas ng wala siya, no bar, no drinking, no drugs, no smoking. Okay?" Ngumuso naman si Athena at tumango, "Opo" "Matulog ka na, wag ka rin masyadong magpuyat." saka nito hinawakan ang ulo nito at hinalikan sa noo. "Good Night" tumalikod na agad ang lalake at naglakad patungo sa kotse. Habang pasakay ang tatlo ay tinabihan si Athena ni Tina at nginitian siya, "Babalik sila wag kang mag alala, sa ngayon ako muna kasama mo at ang kuya Pablo mo. " Tinignan ni Athena ang katulong at pilit pinigilan ang pag iyak, "Opo" Wala na silang ibang nasabi at pinanood ang pag alis ng van. ... 'Hindi dapat ako magpaapekto sa pag alis nila, kailangan kong maging busy. Tama gugugulin ko nalang ang oras ko sa pag aaral. I shouldn't get sad dahil lang sa umalis sila, siya. Hindi pwede.' Simula nang umalis ang pamilya ay pilit na inuubos ni Athena ang oras sa library, kailangan niyang paghandaan ang entrance exam, Araw araw siyang nandoon kung hindi naman ay tumutulong siya kay Tina sa paglilinis ng bahay dahil mag isa lang nito. Dumating ang araw ng entrance exam at kailangan nandoon siya sa university mismo kaya ipinagdrive siya ni Pablo. "Ito ata ang unang labas ko ng mansyon" saad ni Athena habang binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada. "Nako dapat lubus lubusin niyo na, kapag nag umpisa ka nang mag aral, lalo na't online class pinili mo mahihirapan ka nang lumabas. They would take all your time." saad ng lalake na deretso lang ang tingin nito sa kalsada. Kunot noo naman na napatingin dito si Athena lalo na nang mag salita ito ng english, para siyang may accent. "Anong natapos mo?" tanong niya Tipid naman na ngumiti ang lalake saka tumingin sa sidemirror, "College and nakapag masteral din ako." Napa-wow naman si Athena at tumutig sa lalake, di niya akalain na ang butler nila ay degree holder. "Pero bakit?" "Anong bakit?" takang tanong ng Pablo "Bakit ka naging butler?" "Ahh, kung di mo pa alam lahat kaming tauhan ng pamilyang Alberts ay degree holder, sabihin na nating they want the best to serve them." saka ito saglit na tumingin kay Athena nang tumigil ang sasakyan dahil sa red light. "Pero bakit butler? Bakit di sa company nila? Sayang naman napag-aralan mo?" alam niyang napakadaldal nanaman niya pero gusto niyang malaman "Hindi ko din alam, isang araw nasa office lang ako nang pumasok si Nathan ng wala manlang paalam. By the way, that happens in New York. He showed me a contract and I don't know, what kind of devil pushed me to sign that contract. The same day, nagresign na ako sa trabaho ko." tumango tango si Athena sa kwento nang lalake at di inaalis ang tingin dito. "Masaya ka ba?" "Yes, and thrilled. Though it's boring sometimes dahil wala gaanong ginagawa pero ayos lang. Ikaw ba masaya ka ba sa napili mong course?" balik tanong nito. Napatahimik nalang si Athena dahil kahit siya ay di sigurado, siguro napili niya lang iyon dahil sa utang na loob sa pamilya. "Hindi ko alam, wala din naman akong maisip na course kaya yun nalang." "Sana di ka magsisi" "Hindi naman po siguro" Nanatili na silang tahimik hanggang sa makarating sa University, dahil di alam ang pasikot sikot ay sinamahan siya ni Pablo, "Kuya Pab" "Paolo, call me Paolo. Ewan ko san niyo nakuha yang Pablo." saka ito humalukipkip at naunang naglakad. "Kuya Paolo! Saglit!" habol nito. Nahihiya si Athena sa sitwasyon niya, dahil kanina pa nakasunod sakanya si Paolo at isa pa, nakasuot ito ng itim na coat ang tie. Natapos ang exam ay nakaabang na sa labas si Paolo na sinimangotan ni Athena. "Why? May problema ba sa exam?" Umiling lang si Athena at tinaasan siya ng kilay, "Wala, kasi naman nakakahiya. Tignan mo pinagtitinginan tayo." mahina nitong saad, saka lang napansin ni Paolo ang mga mata ng naglalabasan na estudyante. "Bakit? Hayaan mo sila." "Hindi ako sanay sa attention, kuya Pao" "Masasanay ka din, lalo na't isa kang Alberts ngayon. Kapag ipaakilala ka na sa madla mas madami ka pang matatanggap na pansin mula sa iba lalo na sa media." pababa ba sila ngayon galing sa function hall kung saan naganap ang entrance exam na inabot ng buong umaga. "Ipapakilala?!" napatigil si Athena sa paglalakad at humarap sa nakasunod na lalake. "Bakit?!" "You are now one of the heir, kailangan yon at isa sa formality bilang parte ng pamilya nila. Masasanay ka din." Habang nasa kotse pabalik ng mansyon ay biglang tumunog ang phone ni Paolo na nakakabit sa harapan ng phone, video call iyon mula sa amo. Agad naman niyang sinagot ito, "Yes sir?" tanong nito. "Where's Athena?" Di sumagot si Paolo at hinarap ang phone sa katabing babae, nanlaki naman ang mata nito nang makita ang nakataas na kilay ni Nathan. "Ah! Hi kuya!" kabadong sagot niya "Kailan mo balak gamitin yung phone na bigay ko?" napangiwi naman si Athena sa pagkakaalala na dalawang linggo na palang di niya binubuksan iyon. "Hala sorry, nakalimutan ko. Mamaya bubuksan ko mamaya promise." Mula sa tenga ni Paolo ay inalis niya ng bluetooth earphones at inabot kay Athena, saka niya sinet ang tawag para ito lang ang makarinig. "Thank you" saka niya ito sinuot at kinuha ang phone. "Nice one Pablo" saad ni Nathan saka ngumisi. Alam niyang di na ito naririnig ng lalake. "Sayo ko pala narinig ang Pablo" walang reaksyon na saad ni Athena saka tumingin sa katabi na nagmamaneho. Taas kilay naman siyang binalingan ng tingin sa pagkakarinig ng pangalan. "Pang asar ko lang sakanya yun, malay ko ba na di mo alam pangalan niya. OC kasi yan kaya gandang asarin." saka ito natawa, nasa loob ng office si Nathan at habang walang trabaho ay naisipan niyang tawagan ang babae. "Wala ka bang trabaho ngayon kuya?" saad ni Athena "Wala pa, mamaya. Gusto pa kitang kausap." saka ito ngumiti nang makitang namula nanaman ang muhka nito. "Oo nga pala, kumusta ang exam?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD