Tumuloy pa rin ako sa docks para makipagkita kay Griffin ng araw na ‘yon kahit ba ang dami kong what ifs na naiisip. Aaminin ko na naduwag din ako dahil na rin sa maaring ma-develop kong feelings sa kanya. But what the hell, I rather risk it than missing this opportunity with him right? Besides, alam din naman niya na hindi ako pwedeng mag-stay sa isang lugar lang. Isa pa, hindi ko rin naman alam ang nararamdaman niya sa akin. Sure, he may have respected me by not sleeping with me last night, pero nakahanap din siguro siya ng comfosrt sa akin dahil naiintindihan ko ang kanyang sitwasyon. Kung ano man ang pwedeng mamagitan sa amin, mas mabuting hindi na ito lumalim pa. Natuwa siya nang makita niya na dumating ako, siguro iniisip din niya na hindi ako sisipot. Nagdadalawang isip talaga ako

