Nag-ayos ako buong araw sa aking terrace at nag-message sa akin si Griffin na sasamahan niya raw ang kanyang half brother na bumili ng ilang gamit niya, lalo na ang kanyang susuotin na business suits para sa pagpasok nito sa office. Naiintindihan ko rin naman at chance na rin ito na lalo pa silang magkakilala na magkapatid. I mean ngayon lang din sila na nagkita dahil pinagbawalan daw sila ng kanilang ina na makilala ito. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang pamilya at ayoko naman na maging intrusive sa kanyang buhay. Pero ngayong malalaki naman sila, may karapatan na silang mag-decide sa mga sarili nila. Their mother should just accept it lalo na ngayon na hiwalay na sila ni Octavius. My gosh! Pag iniisip ko siya nagi-guilty talaga ako, tapos ngayon may relasyon na

