Jaxon’s POV Napataas ang aking kilay at naglakbay ang aking mga mata pataas sa building na nasa harap ko ngayon. Nagagawa rin naman talaga ng isang mayaman, nakatira siya sa ganitong lugar na parang wala lang. Nang maayos na ang lahat ng papers ko na pinaliwanag sa akin na lawyer pala ng aking ama, ang taong nangungulit sa akin sa inn. Isa na akong Managing Director ng kumpanya ng aking ama, since I own an inn and I manage my own employees kaya nababagay ang posisyon na ito sa akin. I don’t mind really, I can do the job pero ang reason ko lang naman kung bakit ako pumayag ay dahil sa isang babae. Hindi ako makapaniwala na magkakaganito ako sa isang babae na sandali ko lang na nakilala. Pero hindi ko rin naman maitatanggi na agad ko siyang nagustuhan. Her personality is just a breath of

