Bigla akong nagising sa paulit-ulit na tunog ng doorbell. Malamya akong bumangon habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Bigla akong nairita sa patuloy na pagdo-doorbell kung sino man ang nasa labas ng aking pinto ngayon. Humanda siya sa akin, keaga-aga istorbo sa mahimbing kong tulog! Inis akong bumaba sa aking kama at nagdadabog na lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at agad na natigilan nang makita ko ang nakangiting mukha ni Griffin. Natigilan din siya nang makita niya ako at bumaba ang kanyang mga mata sa aking katawan. Napatingin din naman ako doon at tinakpan ko ang aking sarili nang makitang nakasuot lang ako ng panty at mainipis na crop top shirt. Well, nakita rin naman niya ang hubad kong katawan, but still, we are starting over at sobrang nakakahiya dahil kagigising ko

