Magdamag na hindi ako nakatulog kahit anong pilit. Pilit kong inaalis sa utak ko ang mga nakita at narinig kagabi. Ngunit ayaw nitong mawala. Kaya ito, Para tuloy akong panda dahil sa nangingitim na eyebag. "Ma'am, Shiloh okay ka lang ba? Tsaka sinong sinisilip mo diyan?" Narito ako sa Pinto ng kusina at sinisilip ang pool area. Pero walang tao. Siguro mga puyat yun. Umalis ako, sa pinto nang mapansin ni Manang ang ginagawa ko. "Ah wala po. Ah Manang, Shiloh nalang ang itawag mo saakin. Hindi ako sanay sa Ma'am na yan." tipid akong ngumiti. "Sige, kung yan ang gusto mo." nagpi-prito si manang ng ulam para sa almusal nang sabihin ito. "Manang, may Bisita pa ba kagabi na dumating?" Kuryusidad kong tanong. "Hindi ko alam, pero may narinig ako-" Hindi ko napatapos ng pagsasalita

