Shiloh's POV "Ano bang naisip mo at pumayag ka, sa gusto niyang mangayari?!" Umiiyak na tanong ni Mama. Inis at galit ang naramdaman niya, nang malaman nila, na nakipag-areglo ako kay Sir Migz. "Ma, ginawa ko lang 'yon para hindi na kayo mahirapan. Wala tayong Pera, at sa kulungan ang bagsak ko, kung patuloy tayong lumaban." Lumuluha kong tugon. Iniisa-isa ko ng ilagay ang mga damit ko sa Bag, na dadalhin sa bahay nila Sir Migz. "Tama na Meding, naririnig na tayo ng mga kapitbahay." awat ni Papa, na nasa Sala. " Wala akong pakealam, Edu! " halos pasigaw na sabi ni Mama. "Tapos na, nai-atras na ang kaso. Wala na tayong magagawa pa," mahinahong pagpaliwanag ni Papa. Ngunit humahaguhol parin si Mama. Labag sa loob nila ang desisyong ginawa ko. Ako man ay hindi ko rin gusto itong ga

