"Goodmorning." Tipid akong ngumiti nang pumasok ang isang Babaeng naka unipormeng kulay puti. "Ah ako nga pala si Nurse Jeya, kamusta na ang pakiramdam mo?" Aniya habang papalapit sa bed ko. "Mabuti-buti na," iksing tugon ko, tipid akong ngumiti, nang tingnan siya, habang inaayos ang dextrose. Nagtama ang aming tingin, kaya lumawak ang nga ngiti niya. "Alam mo, sa tingin ko magkaedad lang kayo ng Kapatid ko. Seventeen years old na siya, ikaw ba? " "Eigtheen," "Tingnan mo, ang galing ko talagang manghula," biro niya, at mahinang tumawa. Natahimik kami nang biglang may pumasok. "Goodmorning Doc. Grace," agad na bati ni Nurse Jeya. Tumango si Doc. At agad na lumabas ng kwarto si Nurse Jeya. Kasama ni Doc si, Migz. Tahimik lamang siya. Nakay Doc ang atensyon ko at kunway hindi k

