"Aba ang blooming ng Mommy na Yan," bati saakin ni Ate Jeya, nang pumasok siya sa kwarto. Napangiti ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang maumbok kong tiyan. Walong buwan na ito, kaya nahihirapan narin akong gumalaw dahil sa laki ng tiyan ko. "O ano? Naimom mo naba ang vitamins mo?" tanong ni Ate Jeya. Palagi niyang sinisiguro na iniinom ko ang mga kaylangan kong vitamins. "Opo Nurse," "Good. O, sya nga pala may mga bisita ka," "Bisita? Sino?" "Lumabas ka nalang para makita mo," aniya habang inaalalayan akong lumakad palabas ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at napahinto. Na para bang natuod. Matalim akong tinitigan ni Atasha. Pareha kaming walang salita na lumabas sa bibig. Batid ko ang nasa isip niya, kung kaya nanlalamig ako sa kaba. "Ate Jeya, si Mig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


