CHAPTER 20

2100 Words
Habang abala ako sa pag-review ng quarterly reports sa opisina, isang tawag mula kay Victor ang biglang gumulo sa isipan ko. Nasa harap ako ng desk, nakatutok sa mga papeles na kailangan kong pirmahan nang tumunog ang cellphone ko. Nakasulat: Victor Cruz – Papa’s Secretary Napakunot noo ako. Hindi siya basta-basta tumatawag unless emergency. “Hello, Victor?” sagot ko kaagad. “Ma’am Gia…” Nanginginig ang boses niya. “Naaksidente si Sir Ramiro.” Napahinto ako. Parang may kung anong malamig na tubig ang ibinuhos sa akin. Natigilan ako, napabitaw sa hawak kong ballpen. “A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko, nanlalambot ang kamay ko. “Car accident po. Critical ang lagay ni Sir. Naoperahan na siya pero… comatose po siya ngayon. Nasa Manila General.” Hindi ko alam kung ano’ng naramdaman ko noong mga oras na ‘yon. Napatayo ako, nanginginig. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” “Tinawagan ko po agad nang makumpirma ang kondisyon niya. Nasa ICU po siya ngayon. Hindi po namin alam kung kailan siya magigising.” “Sige, maghanda ka. Uuwi ako.” Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Pinatay ko ang tawag. “Sino ‘yon?” tanong ni Andrei habang papasok siya sa opisina, may dalang kape at tinapay. “Si Victor… naaksidente si Papa. Comatose siya.” Nabitiwan ni Andrei ang hawak niyang bag. “What? Kailan pa ‘to?” “Kakatawag lang. Kailangan kong umuwi. Ngayon na. Kailangan kong makita si Papa.” “I’ll go with you. I’ll handle the bookings.” “Ayoko—” “Gia,” putol niya sa akin. “Hindi kita hahayaan umuwi mag-isa. Alam mong hindi ka okay pag emotional ka.” Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na kayang tumanggi. Tumango na lang ako habang nanginginig ang mga daliri ko. Agad niyang kinuha ang phone niya at sinimulan ang pag-aayos ng flight namin pauwi. Habang binabalikan ko ang mga huling pagkakataon na nakausap ko si Papa, naalala ko kung gaano siya naging malamig sa akin, pero ramdam ko din ang pagmamahal nya, complicated kong baga. Parang lagi nyang inaalala ang about sa future ko. Hindi ko alam kung maaabutan ko pa siyang may malay. Hindi ko alam kung may tsansa kaming mag-usap. At habang naghahanda kami ng gamit para sa biglaang pag-uwi, hindi ko maiwasang mapuno ng guilt ang dibdib ko. Ang mga panahong hindi ko sya iniimik dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Pero papa ko pa rin sya na walang ibang inisip kundi kong paano mapabuti ang future ko. Mabilis ang mga sumunod na oras. Sa loob lang ng isang oras, naayos na ni Andrei ang lahat—first class tickets, travel documents, pati service na sasalubong sa amin pagdating sa Maynila. Nasa private lounge kami ng airport, pero kahit gaano ka-komportable ang lugar, hindi ko magawang mapanatag. Tahimik lang akong nakaupo, hawak ang phone ko, pero hindi ko rin kayang tawagan si Victor ulit. Hindi ko kayang marinig ang update kung hindi man maganda. “Gia, kain ka muna kahit konti,” alok ni Andrei, inaabot sa akin ang tray ng pagkain na inihanda ng lounge staff. Umiling ako. “Wala akong gana.” Napabuntong-hininga siya pero hindi na nagpumilit. Umupo siya sa tabi ko at marahang hinaplos ang likod ko. “I’m here. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan.” Tumango lang ako. Hindi ko na kayang magsalita. Sa Eroplano Tahimik din ang buong flight. Nasa tabi ko si Andrei, nakahawak lang sa kamay ko habang nakapikit ako, pero hindi ako makatulog. Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Victor. “Critical. Comatose. Hindi namin alam kung kailan siya magigising.” Baka wala na akong pagkakataon. Baka hindi ko na maririnig si Papa kahit kailan. Baka... hindi na kami magkakaayos. Napapikit ako ng mariin habang pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ramdam ko ang pagpisil ni Andrei sa kamay ko. Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang presensya niya. Pagdating sa Pilipinas Pagbaba namin ng eroplano, may nakahandang sasakyan na agad na dumiretso sa ospital. Maulan ang gabi, madilim ang langit, pero hindi ko ‘yon inintindi. Ang tanging nasa isip ko—makita ko si Papa. Pagdating sa harap ng Manila General Hospital, sinalubong kami ni Victor, basang-basa sa ulan kahit may payong siya. “Nasa ICU po si Sir Ramiro, Ma’am Gia. Kanina pa po naghihintay ang mga doktor.” Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong pumasok, hindi na alintana ang buhos ng ulan o ang pagod sa biyahe. Ramdam kong sumusunod sa akin si Andrei, pero hindi na ako lumingon. Pagbukas ng ICU doors, tumambad sa akin ang tanawin na hindi ko inaasahan. Si Papa—nakaratay sa hospital bed, may tubo sa bibig, nakapikit, walang galaw. Ang dating malakas at makapangyarihang Ramiro Sarmiento, ngayon ay parang batang walang kalaban-laban. Napatigil ako sa harap ng glass wall. Napakapit ako sa hawak kong bag. Napayuko ako habang kinakalma ang sarili ko. “Papa…” bulong ko, halos hindi marinig. “Papasukin ka na po ng mga nurse, Ma’am,” sabi ni Victor. Tumango ako, at unti-unting lumakad papasok. Nilapitan ko ang kama ni Papa, at dahan-dahan kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. “Papa… ako ‘to… si Gia.” Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ako. Hindi ko alam kung alam niyang nandoon ako. Pero kahit hindi siya makapagsalita… kahit hindi siya makagalaw… sana ramdam niyang hindi pa huli ang lahat. Paglabas ko ng ICU. Tuliro ako, di ako makapag isip ng maayos. Maya-maya pa, nakita kong lumapit si Andrei. May kausap siya sa telepono. Mabilis siyang maglakad, at nang mapansin niyang nakatingin ako, saglit siyang tumango at lumingon sa direksyon ko. Pagkababa ng tawag, lumapit siya sa akin. “Gia, kinausap ko na si Papa. Pwede nating ilipat si Tito Ramiro sa Del Mundo Medical Center—‘yung flagship hospital namin dito sa Metro Manila.” Napatingin ako sa kanya, hindi agad makapagsalita. “Ililipat siya? Pwede ba ‘yon?” Tumango si Andrei. “Yes. May direct line ako sa chief of surgery doon. May special ICU ward na mas kompleto ang facilities, at mas maraming consultants na pwedeng tumutok 24/7. Kakausapin ko lang ang attending physician niya ngayon for proper turnover. Pero need natin ng immediate approval from you bilang ikaw ang next of kin.” Napalunok ako. “Sigurado ka ba?” “Sobra,” sagot niya, marahang hinawakan ang kamay ko. “I want the best for you. And your dad. Ayokong pagsisihan mo na hindi natin ginawa ang lahat.” Naiiyak na lang ako. Hindi ako makapaniwalang may taong ganito kabuti sa akin. Wala siyang utang sa amin, pero ginagawa niya ‘to—para sa akin. “Salamat, Andrei…” Ngumiti siya nang marahan. “Anything for you, Gia.” Pagkatapos ng ilang oras… Naayos agad ang transfer ni Papa. Sumama si Andrei sa ambulance habang ako'y sumunod gamit ang sasakyan. Doon ko lalo na-realize kung gaano ka-efficient si Andrei—hindi lang dahil anak siya ng may-ari ng ospital, kundi dahil personally niyang tinutukan ang lahat. Pagdating namin sa Del Mundo Medical Center, sinalubong agad kami ng mga senior doctors. Pinaghandaan talaga nila ang pagdating ni Papa—parang VVIP ang treatment. Habang sinasagawa ang mga bagong tests at scan kay Papa, tahimik kaming nakaupo ni Andrei sa private lounge. Lumapit siya sa akin at inabot ang kape. “Mainit ‘yan. Pampakalma.” Kinuha ko ‘yon, pero hindi ko agad ininom. Tiningnan ko lang siya. “Bakit mo ginagawa ‘to, Andrei?” “Dahil mahal kita,” sagot niya agad, walang pag-aalinlangan. “At kahit wala akong hinihinging kapalit, gusto kong gawin ang lahat para hindi ka na masaktan ulit.” Napalunok ako. Hindi ako sumagot. Pero sa loob ko… unti-unti nang lumalambot ang puso ko para sa taong matiyagang nanatili. Tahimik akong nakaupo sa isang sulok ng lounge ng ICU. Dalawang araw na kaming pabalik-balik dito mula nang dumating kami galing Switzerland. Wala pa ring malay si Papa. At kahit anong pilit ni Andrei na kumain o matulog ako, hindi ko magawang iwan ang ospital. “Gia,” mahinang tawag niya habang lumalapit. Napatingin ako sa kanya. May hawak siyang brown bag at isang cup ng mainit na tsaa. Ibinaba niya iyon sa tabi ko. “Kanina pa kita pinagmamasdan. Namumutla ka na. Hindi ka pa rin natutulog, ‘no?” Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang likod ng kamay ko. “Hindi ko kayang umalis, Andrei,” mahinang sagot ko. “Paano kung magising siya habang wala ako?” “Gia,” bulong niya, mas malambing kaysa dati, “kailangan mo ring alagaan ang sarili mo. Hindi mo siya matutulungan kung bigla ka na lang himatayin dito.” Napayuko ako. Totoo naman. Sobrang bigat na ng katawan ko. Pero ayaw ko talagang lumayo. Bigla siyang tumayo at inabot ang phone sa bulsa niya. “May unit ako sa rooftop ng hospital. Ginagamit ko ‘yun kapag may rounds akong sunod-sunod. Tahimik doon, malinis, kumpleto. Pahinga ka kahit ilang oras lang. Doon ka na muna. Ako muna dito.” Napatingin ako sa kanya. “Rooftop?” Tumango siya. “Parang condo. May kama, may shower, may balcony pa nga. I’m serious, Gia. Safe ka ro’n. Gusto ko lang... kahit ilang oras, mapikit ka man lang ng maayos.” Hindi ko agad masagot. Pero ramdam ko sa tono niya ang pag-aalala. Hindi siya nagpipilit—nagmamalasakit lang talaga. “Okay...” mahina kong sagot. “Pero babalik din ako agad.” Ngumiti siya. “Sige. Basta promise mo, magpapahinga ka.” Tumango ako. “Promise.” Ilang minuto ang lumipas Tahimik kaming sumakay ng elevator pa-rooftop. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa akin ang isang malinis at eleganteng unit—may warm lights, wooden floors, isang malambot na kama at white curtains na dinadala ng hangin mula sa balcony. Parang hindi hospital. Parang home away from home. “Andrei... ang ganda naman dito,” bulong ko. Nilapag niya ang overnight bag na binuo niya para sa akin—may bagong damit, toiletries, at even a box of chamomile tea. “Everything you need is here. Rest ka na muna. Ako na kay Tito Ramiro.” Hindi ko napigilan. Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you. Sobra.” Niyakap din niya ako pabalik. “You don’t have to thank me. I’m here because I care.” Napasarap yata ang tulog ko. Pagdilat ko ng mata, saglit akong napatitig sa kisame. Ilang araw na ba akong natutulog sa ospital? Hindi ko na maalala kung ilang beses ko na ring humiling sa Diyos na sana... sana gumising na si Papa. Napapikit ulit ako. Ilang segundo pa bago ako bumangon. Parang ang bigat ng katawan ko. Parang may kung anong kulang. At habang nakaupo ako sa maliit na sofa sa loob ng private room ni Papa, napatingin ako sa kama niya. At doon ako nanlaki ang mata. “P—Papa?” bulong ko, halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakatitig siya sa akin. Mahina, maputla, pero gising. GISING. "Gia..." Mahina niyang tawag, paos at basag ang boses. “Anak…” “PAPA!” mabilis akong tumayo at lumapit. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinawakan ko ang kanya. “Oh God, Papa… gising ka na…” Pumunit sa lalamunan ko ang hikbi. Lahat ng pinigilan kong emosyon mula pa noong araw na naaksidente siya, biglang bumalot sa akin—takot, pangungulila, galit, pag-asa. Lahat. Lahat ng sabay-sabay. Ramdam kong hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Mahina, pero sapat para maramdaman kong totoo ito. Gising na si Papa ko. “Nasan tayo?” tanong niya, halatang naguguluhan. “Sa ospital pa rin, Pa. Pero ayos ka na. You’re okay. You’re back…” ngumiti ako kahit namamasa ang pisngi ko sa luha. “I’m here. I never left.” Pumikit siya saglit, humugot ng hangin. “Andrei…” Napapitlag ako. “Si Andrei… siya ang tumulong, Pa. Nasa labas lang siya. Ipapatawag ko—” “Thank him... for me,” mahina niyang bulong. Tumango ako, pinisil ko ulit ang kamay niya. “Sasabihin ko sa kanya, Pa. Sasabihin ko.” Tahimik kaming dalawa habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Marupok na ito, parang mas tumanda siya nang sobra sa loob ng coma. Pero buhay siya. Gising. At iyon lang ang mahalaga ngayon. Hindi ko mapigilang ngumiti kahit tumutulo pa rin ang luha ko. "I love you, Pa," bulong ko. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, narinig ko siyang sumagot. “I love you too, anak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD