Isang linggo ang lumipas mula nang magising si Papa. Araw-araw ay unti-unti siyang bumalik sa dati—matipid pa rin sa salita, pero mas madalas na ngayon ang titig niya sa akin, parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya mahanap ang tamang oras. O baka hindi pa siya handa.
"Ma'am Gia, okay na po rito sa sala. Naayos na rin namin 'yung hospital bed just in case gusto ni Sir dito muna," sabi ni Aling Nida habang binubuhat ang bagong bedsheet.
"Thank you po, Aling Nida." Si Aling Nida ay isa sa mga kasambahay namin dito sa Manila. Nilapitan ko si Papa habang inaalalayan siya ni Victor papasok ng bahay.
Nakatayo ako sa may gilid ng hagdan, pinagmamasdan ang dahan-dahang paglalakad ni Papa. Mas matatag na siya ngayon, sabi ng doctor fully recovered na ang vital organs niya. Tuloy-tuloy lang daw ang gamot, therapy, at sapat na pahinga.
Pagpasok namin sa bahay, parang may gumaan sa dibdib ko. Hindi na lang tahimik at malamig ang bawat sulok. May presensya na ulit si Papa. May buhay.
"Welcome home, Pa," bulong ko habang tinutulungan siyang maupo sa sofa.
Tahimik lang siyang tumango. Pero napansin ko ang kaunting pag-ikot ng mata niya sa paligid, parang sinusuri kung may nagbago habang wala siya.
"Masarap sa bahay, no?" Ngumiti ako, sinadyang gawing magaan ang tono ko.
"Oo," maiksi niyang sagot. "Tahimik. Hindi tulad sa ospital."
Tumawa ako ng kaunti. "I tried to make it homey sa ospital, Pa, pero wala talagang tatalo sa sariling bahay."
Napatingin siya sa akin. "Tumaba ka."
Nanlaki ang mata ko. "Pa! Anong… excuse me? Stress eating po ‘yon, ha!"
Ngumiti siya—hindi malaki, pero totoo. Isa sa mga bihirang ngiti ni Papa na hindi pilit. At dahil doon, parang gusto kong maiyak ulit.
Bigla siyang napabuntong-hininga. “Salamat, Gia.”
“Para saan?”
“Sa lahat.”
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Lumapit ako at niyakap siya, mahigpit. Sa ilang buwan na pakiramdam ko’y ako lang ang lumalaban mag-isa, eto siya ngayon—buhay, humihinga, at nagpapasalamat.
“I love you, Pa,” bulong ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Matagal na ring hindi ako nakatapak sa main office ng Sarmiento Holdings. Simula nang maaksidente si Papa, si Victor ang pansamantalang humawak sa mga approvals, pero ngayon, marami nang kailangang harapin. Hindi ko pwedeng ipagkibit-balikat lang.
Suot ang dark navy pantsuit na binili ko noon pa para sa “someday” na alam kong darating, kasya pa rin sa akin huminga ako nang malalim sa harap ng salamin.
This is it, Gia.
Pagdating ko sa Sarmiento Tower sa BGC, ramdam ko agad ang pamilyar na lamig ng marble lobby at ang magarbong signature scent ng kumpanya—isang blend ng sandalwood at fresh linen. Iba talaga ang ambience ng negosyo ni Papa. It demanded presence.
“Ma’am Gia!” bati ng receptionist. “Welcome back po.”
Ngumiti ako at tumango. “Thank you. Nandito na ba si Victor?”
“Nasa boardroom na po. Nag-aantay sa inyo.”
Diretso ako sa elevator. Ilang empleyado ang napa-tingin sa akin, at iba na ang mga mata nila ngayon. Hindi na lang ako si “anak ng may-ari.” Ako si Gia Sarmiento—na ngayon, ay may pinanghahawakang papel.
Pagbukas ng pinto ng boardroom, naroon na si Victor, may hawak na ilang makakapal na folder. Tumayo siya agad.
“Gia,” aniya, nakangiti. “Bumalik ka sa tamang oras. Kailangan na talaga ito mapirmahan.”
“Alam ko,” sagot ko, sabay upo. “Ready na ako.”
Isinunod-sunod niya ang mga dokumento—approvals, renewal contracts, legal memos, land acquisition deals. Bawat isa, pinakinggan ko. Pinag-aralan. Sinuri.
Habang busy kami sa review, may kumatok sa pinto. Si Elmer, isa sa bodyguard ni Papa.
“Ma’am Gia, may pinadala po ang daddy ninyo.”
Nagulat ako. “Si Papa?”
Bumunot si Elmer ng envelope. “Pinagbilin niyang ibigay ito sa inyo bago kayo lumabas.”
Tinanggap ko iyon at agad na binuksan.
Sa loob, isang maikling sulat.
Gia,
Huwag mong hayaan na may lumagpas na desisyon na hindi mo nauunawaan.
Gamitin mo ang puso mo, pero huwag kang papalinlang sa emosyon.
– Papa
Muntik na akong mapangiti. That was very him. Blunt. Direct. But there was care underneath.
Nilingon ko si Victor at ngumiti. “Let’s finish this. Marami pa tayong hahabulin.”
Alas sais na nang makatapos kami ni Victor. Ramdam ko ang bigat sa balikat ko, hindi lang dahil sa mga pirma kundi pati na rin sa responsibilidad.
“Unahin mo na ang dinner mo, Gia,” sabi ni Victor habang inaayos ang mga papel. “Ako na dito.” Actually si Victor ay sampong taon ang agwat sa akin pero nakasanayan ko na lang syang tawaging Victor.
Tumango ako. “Sige. Thank you.”
Pero ang totoo, wala naman talaga akong balak dumiretso ng bahay.
Ilang minuto lang, ako na lang mag-isa sa labas ng tower. Huminga ako nang malalim, tinanggal ang blazer ko at tiniklop sa braso. The night was cool, but not cold. Tamang-tama lang para maglakad.
Dumeretso ako sa High Street Central. Yung pathway na may mga ilaw sa gilid, mga taong nagjojogging, nagwi-window shop, o nagkakape sa labas ng café.
Ang daming alaala.
Minsan, dito ako dinala ni Calix. Naglakad lang kami, holding hands. Tahimik. Simple. Pero punong-puno.
Ngayon, ang bigat ng hakbang ko. Pero kailangan kong huminga. Kailangan kong maramdaman na ako pa rin ’to.
Habang nakatitig ako sa fountain sa gitna ng open space, isang pamilyar na boses ang narinig ko sa gilid.
“Gia?”
Napatigil ako.
Paglingon ko, si Lance.
Pareho kaming napatulala. Ilang segundo lang, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Lance?” mahina kong sabi.
At sa isang iglap, nilapitan niya ako at niyakap. Hindi ako agad gumalaw. Hindi ko alam kung dapat bang tumakbo o yakapin din siya. Pero niyakap ko rin siya pabalik, mahigpit. Kasi totoo—ang daming nangyari, at isa siya sa mga taong nami-miss ko kahit hindi ko aaminin.
“Anong nangyari sa’yo?” bulong niya sa tenga ko. “Kamusta ka na, Gia?”
Humugot ako ng hininga, pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko. “It’s been... a lot.”
Binitiwan niya ako, pero hinawakan pa rin ang magkabila kong braso, parang tiniyak kung okay pa ba ako. At sa mga mata niya, alam kong hindi siya galit. Hindi siya nagtatanong para lang makialam.
“Gusto mo ng kape?” alok niya, tumungo kami sa katabing café.
Habang nakaupo kami ni Lance sa isang tahimik na café sa BGC, nanatiling kumakabog ang dibdib ko.
Hindi ko inaasahang magkikita pa kami—lalo na sa ganitong paraan. Sa dami ng nangyari sa buhay ko isa siya sa mga tao na namiss ko…
“Si Zoe…” mahinang bulong ko.
Sabay taas ni Lance ng kamay niya, tumambad sa akin ang singsing sa kanyang ring finger.
Tahimik lang ako. Pero sa loob-loob ko, sumisigaw ang emosyon.
Doon ko naintindihan.
Kasal na sila.
Si Lance.
Si Zoe.
Ang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—ngayon ay mag-asawa na.
Napaluha ako. Hindi ko napigilan. Hindi dahil sa sakit… kundi dahil sa isang uri ng kaligayahang may halong panghihinayang.
Masaya ako para sa kanila. Sobra. Pero nasasaktan din ako… dahil hindi ko man lang nasaksihan ang mga mahahalagang sandali ng buhay nila.
Inabot ni Lance ang kamay ko. "Gia... hindi kita pinipilit na magkwento. Pero gusto kong malaman mong... nandito lang kami ni Zoe. Kung kailan mo kami kailangan."
Hindi pa man ako nakakabigkas ng salita, biglang bumukas ang pinto ng café.
“Gia?!”
Lumingon ako, at para akong binagsakan ng mundo nang makita ko ang babaeng matagal ko nang gustong makita.
“Zoe…” halos pabulong kong sambit.
Wala siyang inaksayang segundo. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, tila ba hindi kami matagal na hindi nagkita.
"Anong nangyari?!" bulong niya habang hawak ang mukha ko. “Bakit ngayon ka lang? Bakit ang tagal mong di nagparamdam? Alam mo bang halos araw-araw kitang iniisip?”
Humikbi ako habang yakap niya ako. Gusto kong magsalita, pero parang naipit ang mga salita sa lalamunan ko.
“Sorry…” bulong ko, halos hindi marinig.
“Ssshh… okay lang… okay lang, Gia…,” bulong ni Zoe habang hinahaplos ang likod ko.
Parang bumalik kami sa dati. Sa mga panahong wala pa kaming iniindang masakit. Sa mga panahong ako si Gia na buo—hindi durog, hindi nagtatago, hindi nagkukunwaring okay.
Pagkatapos ng ilang minuto sa café, napuno ng mga luha at tawa ang munting espasyong ‘yon. Para akong muling huminga. Parang may parte sa akin na matagal nang patay… ngayon ay muling nabuhay.
Nagpalitan kami ng number. Habang tinitipa ko sa phone ko ang number ni Zoe, tahimik lang siya, pero ramdam ko ang init ng tingin niyang puno ng pang-unawa.
“Teka, Gia…” tanong ni Lance, “May social media ka pa ba? i********:? f*******:? Para mas madali ka naming mamonitor.”
Umiling lang ako. “Wala na… matagal na. Deactivated lahat.”
Napamaang silang dalawa.
“Wait, huh?” si Zoe na ang sumingit. “As in totally off-grid ka? Bakit? What happened, G?”
Napayuko lang ako. “Mahabang kwento…”
Tumingin si Zoe kay Lance, tapos bumalik ang tingin niya sa akin. “Okay. Hindi kita pipilitin. Pero one of these days, girl, uubusin natin ang wine habang kinukwento mo ‘yan.”
Natawa ako ng konti, pero may luha pa ring nananatili sa gilid ng mata ko.
“Hatid ka na namin,” alok ni Lance.
“Ay, ‘wag na, okay lang—”
“Wala kaming choice,” si Zoe. “Gusto kong siguraduhin na safe kang makauwi. Period.”
---
Sa loob ng sasakyan
Magkatabi kami ni Zoe sa likod. Habang nasa harap si Lance, tahimik na nagmamaneho.
Hindi pa man kami umaalis, niyakap na agad ako ni Zoe mula sa tabi ko. Mahigpit. Mainit.
Parang sinasabi ng yakap niya: “You’re not alone anymore.”
“Miss na miss kita,” bulong niya. “Alam mo bang ang dami kong gustong ikuwento sa ‘yo? Pero ikaw muna ngayon, G. Kahit ano lang. Kahit kaunti.”
Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa labas ng bintana, pero nagsimula akong magsalita.
“Matapos ng Davao… hindi na naging madali ang lahat. Parang sunod-sunod na bangungot. Hindi ko na rin alam kung saan ako magsisimula. Basta… nawala lahat.”
Tahimik si Zoe. Hawak niya lang ang kamay ko.
“May baby ako… dapat. Pero—” napasinghap ako. “Hindi ko man lang siya nakita.”
Narinig ko ang mahinang hikbi ni Zoe sa tabi ko.
“G-Gia…”
“Okay lang,” mabilis kong sabi. “Ayokong paiyakin kayo. Hindi pa ‘to buong kwento. Pero… salamat. Kasi ngayon ko lang ulit naramdaman na may may pakialam.”
“Hindi lang pakialam, G,” sabi ni Zoe. “Mahal ka pa rin namin. Buong-buo. And this time, hindi ka na naming hahayaan mawala ulit.”
“Hindi mo alam kung gaano kita na-miss,” bulong niya. “Gusto ko mang magalit, pero mas nangingibabaw pa rin na nandito ka. Sa wakas.”
Hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit.
Tumango ako, pilit ngumiti. “I know. I’m sorry… Ang dami kong gustong ipaliwanag pero—ang gulo pa rin sa ulo ko.”
Tahimik siya. Hindi niya ako pinilit.
“Pinadala ako ni Papa sa States,” tuloy ko. “Doon ako nag-aral. College… then work. Mahabang kwento, pero some of these days—magkwekwento ako. Promise.”
“Anytime. Kahit dis-oras ng gabi, tawagan mo lang ako. Gusto kong malaman lahat, G.”
Ngumiti ako. “Ngayon… naka-base na ako sa Switzerland. Ako ang namamahala sa Liora doon. Branch ‘yon ng business ni Papa sa Europe.”
Nagkatinginan si Zoe at Lance, halatang impressed.
“Wow, Liora? Akala ko local lang ‘yon dati, ngayon pala international na?” sabi ni Lance.
Tumango ako. “Minsan hindi ko rin alam kung paano ako napunta doon. Pero… eto na ‘ko. Umuwi lang ako kasi naaksidente si Papa.”
Napatigil ako saglit. Napatingin ako sa labas ng bintana, malamig ang gabi sa BGC.
“Pero okay na siya ngayon. Nakalabas na ng ospital. Sa bahay na nagpapagaling.”
Tahimik muli si Zoe. Tapos dahan-dahan siyang ngumiti. “Proud ako sa ‘yo, G. Sa lahat ng pinagdaanan mo, andito ka pa rin. You survived.”
Napatingin ako sa kanya, sabay tulo ng isang luha. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, sa lungkot, o sa konting ginhawang naramdaman ko… pero tumango lang ako at pabulong na sinabi:
“Barely.”