CHAPTER 22

2227 Words
Kinabukasan... Maaga akong nagising kahit pagod pa. Tahimik ang bahay. Si Papa nasa veranda, tahimik na nagkakape. Nagpaalam ako kay Yaya Bel na aakyat muna ako sa room para magbihis—kasabay ng pag-vibrate ng phone ko. Zoe. Napangiti ako nang makita ang pangalan niya. “Hello?” sagot ko, bahagyang paos pa ang boses. “Uy, good morning, sleepyhead,” masiglang bungad niya. “Good morning din... Grabe, Zoe. Parang panaginip lang ‘yung kagabi.” Tumawa siya. “Same here. Sobra kitang na-miss, G. Alam mo ba, kinulit ko si Lance buong gabi tungkol sa’yo. Sabi ko, ‘Totoo bang si Gia ‘yun? Baka multo lang!’” Napatawa rin ako. “Baliw ka pa rin.” “Anyway,” tuloy niya, “may sasabihin sana ako... Birthday ni Lance this Friday. Gusto ko sana... um-attend ka.” Natigilan ako saglit. Hindi dahil ayaw ko—pero dahil hindi pa ako sanay makihalubilo ulit. “Zoe... uhm... Sige. Pupunta ako,” sagot ko pagkatapos ng ilang segundo. “Pero may kasama ako, ha. Okay lang ba?” “Of course! Sino? Baka boyfriend mo?!” she teased. Napakagat ako sa labi. “No comment.” “Ay, may something! Fine, excited na ako lalo. Text kita ng details mamaya, ha?” “Sige. Thanks, Zoe.” “Gia?” “Hm?” “Salamat sa pagbabalik.” Hindi ako agad nakasagot. Pero sa dulo, naibulong ko rin: “Salamat din sa hindi pagbitaw.” Pagkababa ko ng tawag kay Zoe, agad ko namang tinawagan si Andrei. “Hello?” sagot niya agad, parang kakagising lang. “Andrei,” sabi ko, mahina pero klaro, “wala ka bang lakad this Friday?” “Hmm, Friday?” narinig ko ang kaluskos ng mga papel. Baka sinusilip niya yung schedule niya. “Wala naman. Bakit?” “Birthday party ng kaibigan ko,” paliwanag ko. “Gusto ko sanang sumama ka. Ok lang ba?” May kaunting katahimikan sa kabilang linya bago siya sumagot. “Of course. Kahit saan mo ako gustong isama, sasama ako.” Napangiti ako. “Thank you. Send ko nalang sa’yo ‘yung details mamaya.” “Sige. Gia—” “Hmm?” “Okay ka lang?” “Yeah… mas okay na.” “Good,” mahina niyang sabi. “See you soon.” Pagkababa ko ng tawag, napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung excitement ba ‘to o kaba. Pero ang sure ako—unti-unti na akong bumabalik sa mundong iniwan ko. At sa Friday, hindi lang ako babalik bilang si Gia Sarmiento—babalik ako bilang taong piniling mabuhay muli. Pagkababa ko ng tawag, napangiti ako at umayos ng upo sa couch. Saktong paglingon ko sa likod, napatigil ako. Nakatayo si Papa sa may hallway, naka-fold ang mga braso habang tahimik na nakatingin sa akin. “Si Andrei ba ang kausap mo?” tanong niya, walang galit sa boses, pero ramdam ko pa rin ang authority. Tumango ako. “Opo…” Tahimik siyang lumapit, tapos bigla na lang, “Sabihin mo sa kanya dito na siya mag-dinner.” Nanlaki ang mga mata ko. “Po?” “Sabihin mo, dito siya mag-dinner,” ulit niya, this time mas casual, parang hindi big deal. “Sabihan mo si Yaya Bel, maghanda ng extra.” Tinitigan ko lang si Papa. Sanay akong malayo siya, busy, tahimik. Pero ngayong nakalabas na siya ng ospital… iba. Mas present siya. Mas… tao? “Sige po,” mahina kong sagot, kahit medyo nabigla pa rin ako. Ngayon ako ang napahawak sa dibdib ko. Kasi kung dati, imposibleng mangyari ‘to… ngayon, parang unti-unti na rin siyang nagbabago. At wala pa si Andrei—pero somehow, alam kong may mangyayaring hindi basta-basta sa dinner na ‘to. Pagdating ni Andrei, medyo kabado ako. Pormal ang suot niya—button-down at dark jeans—pero dala pa rin niya yung usual Andrei charm: kalmado, magalang, at palaging may ngiti. Pagbukas ng pinto, si Yaya Bel agad ang sumalubong sa kanya. “Dun ka raw sa dining, iho. Hinahanap ka ng amo ko.” Napatingin siya sa akin habang naglalakad papunta sa mesa. Ako naman, halos hindi ako makahinga habang kasunod siya. Pag-upo namin, nasa dulo ng mesa si Papa. Tahimik niyang tinitigan si Andrei habang nagseserve si Aling Nida ng sinigang at beef salpicao. Walang salita saglit. Ang maririnig lang ay ang clinking ng kutsara at plato. Hanggang sa biglang nagsalita si Papa. “Anong plano n'yo?” Napatigil ako sa pagsandok ng kanin. Si Andrei, nag-blink lang at inayos ang pagkakaupo niya. “Po?” tanong ko, hindi sigurado kong narinig ko ba ng tama. “Kayong dalawa. Anong plano n'yo?” ulit ni Papa, diretso ang tingin sa amin. Walang emosyon, pero ang tanong... mabigat. Napatingin ako kay Andrei. Halata sa mukha niya ang gulat, pero hindi siya nagpahalata ng kaba. Umayos siya ng tayo ng likod, tumingin kay Papa. “Sir,” mahinahong sagot ni Andrei, “Wala po kaming pinaplano na anumang ikagugulat. Pero kung ang ibig n’yong sabihin ay kung ano kami ni Gia... she’s someone I care about. Pinoprotektahan ko siya. And I support whatever she wants to do with her life.” Tinitigan sila ni Papa ng ilang segundo. Para bang sinusukat niya kung nagsisinungaling si Andrei. Ako naman, parang may bato sa lalamunan ko. Pagkatapos ng ilang katahimikan, tumango lang si Papa. “Good,” sagot niya. “Wala akong panahon sa mga batang lalaking walang paninindigan.” Saka siya muling kumain. Para bang wala lang nangyari. Pero ako? Parang hindi na ako makalunok. Friday night, tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay namin ni Andrei ang daan papunta sa birthday party ni Lance. Nakatingin ako sa bintana, pilit kinakalma ang t***k ng puso ko kahit ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. "Okay ka lang?" tanong ni Andrei, pansin ang kaba ko. Tumango ako. "Kailangan lang siguro ng hangin." Pumarada kami sa labas ng event hall. Sa labas pa lang, ramdam ko na agad ang energy ng party—music, ilaw, tawa. Bumuntong-hininga ako bago kami bumaba. "Let’s go," sabi ni Andrei, sabay hawak sa kamay ko. Pagpasok namin, ilang ulo agad ang napalingon. Hindi ako sigurado kung dahil sa akin o kay Andrei—pero ramdam ko ang mga matang sinusuri ako. "Gia!" sigaw ni Zoe, biglang sumulpot mula sa kanan. Nakangiti siya nang malaki, pero may halong gulat ang mga mata. "Hi, Zoe!" ngiti kong pilit, pero totoo. Napatingin siya kay Andrei. "Oh my god. Ikaw ang sinasabi ni Gia na—?" "Boyfriend ko," sagot ko agad. Diretso. Walang pag-aalinlangan. Napatakip ng bibig si Zoe. "You didn’t tell me he’s this... gwapo!" Tumawa si Andrei at inabot ang kamay niya. "Hi, I’m Andrei." Nag-appear si Lance sa likod ni Zoe. Napatingin siya sa amin, tapos kay Andrei, tapos bumalik ang tingin sa akin—at ngumiti. Pero kulang sa sigla. "Glad you made it," sabi ni Lance. "Welcome, bro." Sa gitna ng ingay at mga kumikislap na ilaw, pilit kong nginitian ang mga dating kaklase, ka-batch, mga taong minsang naging bahagi ng mundo ko. They were all warm, polite, and surprisingly excited to see me. “Gia?! Grabe, ikaw nga! You’re back for real?” “Ang tagal mong nawala, girl! Anong nangyari?” “Ang ganda mo pa rin, as in. Mas blooming pa nga!” Napangiti ako, nagpasalamat, pero ramdam ko ang pagod sa dibdib ko. Parang bawat tanong, bawat alaala na ibinabato nila sa akin, ay isa-isang bumubungkal sa mga bagay na pilit ko nang nilimot. Andrei stayed close. Tahimik lang siya, pero hindi ako pinakawalan. I could feel his hand lightly resting on the small of my back, grounding me every time my breath caught or my knees weakened. "Okay ka lang?" tanong niya sa’kin habang lumalapit ang isa pang grupo para bumati. "Yeah," sagot ko, mahina. “Kailangan lang… masanay ulit.” Tumingin siya sa akin. Hindi siya nagtanong pa, pero ramdam ko na nababasa niya ako. Ramdam niya na hindi lang ito simpleng reunion. This was a war zone in disguise. Nakaupo na kami sa six-seater na mesa. Si Andrei sa kanan ko, habang kaharap namin sina Zoe at Lance. Puno ng tawa ang paligid. Panay ang asar ni Zoe kay Andrei, tuwang-tuwa siya na sa wakas may nakasama na raw akong matinong lalaki. “Six years kang nawala, G, tapos bigla kang may jowa?” biro ni Zoe. “Grabe ka, parang Netflix series!” “Kayo nga dyan, mag-asawa na pala,” sabay kindat ko sa kanya. Tawanan kami. Pati si Lance, nakangiti habang tahimik na umiinom ng wine. Mas relaxed na ako. For a moment, nakalimutan ko kung gaano kahirap ang pagbabalik. Pero maya-maya, biglang tumayo si Lance. “Bro, dito,” tawag niya. Napalingon kaming lahat. At nang sundan ng mata ko kung sino ang kausap niya—para akong binuhusan ng malamig na tubig. Si Calix. At hindi siya nag-iisa. Katabi niya ang isang babae—maputi, mahaba ang buhok, classy ang kilos. Naka-fitted beige dress at may ngiting parang sanay magpakitang-tao. Napako ang tingin ko kay Calix. Nakasuot siya ng dark long sleeves, bahagyang naka-roll up ang sleeves niya sa siko. Mas matured na ang features niya. Mas lalong naging lalaking-lalaki. At ang mas masakit—wala siyang kahit anong bakas ng pagkabigla nang makita ako. Parang... wala lang. “Guys,” sabi ni Lance habang papalapit sila. “You remember Calix?” Tiningnan ko siya, diretso. Pilit kong tinatago ang panginginig ng dibdib ko. “Hi,” bati niya, casual lang, pero may lalim sa tono. “Long time.” Hindi ako agad nakasagot. “I’m Serene,” sabat ng babae sa tabi niya. “Girlfriend ni Calix.” “Hi,” mahina kong sabi. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Si Zoe, hindi makatingin sa akin. Si Andrei—umayos ng upo, pero nanatiling tahimik. Umupo si Calix sa bakanteng upuan sa tabi ni Lance. Si Serene naman, sa tabi niya—kaya ngayon, magkatapat kami. At sa bawat segundo, ramdam kong pinipilit ko lang huminga. Binalik ko ang ngiti ko. Pilit. Magalang. Tahimik ang mesa nang umupo sila Calix at Serene. May ilang segundong awkward pause bago muling nagsalita si Lance, parang gustong basagin ang katahimikan. “Oh, by the way,” sabi niya, tumingin kay Calix at Serene, “this is Andrei.” Tumingin siya sa amin ni Andrei, sabay ngiti. “Boyfriend ni Gia.” Parang may humigop ng hangin sa paligid. Si Serene, bahagyang napatigil sa pag-inom ng wine. Si Calix—walang reaksyon. Pero nakita ko ang bahagyang paghigpit ng panga niya. “Nice to meet you,” sabi ni Andrei, kalmado, iniabot ang kamay niya kay Calix. “Likewise,” sagot ni Calix habang kinakamayan siya, pero hindi tumagal ang tingin. Binalik agad sa wine glass niya ang mata. “Ang seryoso naman,” biro ni Lance sabay tawanan. “Fiancé ba o boyfriend pa lang, Andrei? Kelan ba ang kasal? Baka kailangan na naming mag-suit up ni Calix!” Napangiti si Andrei. “For now, boyfriend. Pero depende kay Gia… kung kailan siya magiging ready.” Tumingin si Lance kay Calix, sabay irap ng biro. “I thought ikakasal na kayo, nabanggit kasi ni tito Ramiro nong hinatid kita sa bahay nyo.” Sabay kindat sa akin. Alam ko nagbibiro lang sya dahil hindi naman sila nagkausap ni papa. Pero si Calix? Tahimik pa rin. Hindi umiimik. Pero ‘yung hawak niya sa wine glass—mas madiin na. Maingay si Lance habang umiikot ang wine sa baso niya. Para bang wala lang sa kanya ang tensyon na nararamdaman sa mesa. “Kailan ang balik n’yo sa Switzerland?” tanong niya kay Andrei, medyo pasigaw pa, parang sinadya para marinig ng lahat. Napatingin sa akin si Andrei, parang naghihintay ng cue kung anong isasagot. Pero bago pa siya makapagsalita, bumanat na ulit si Lance. “Invite n’yo kami ni Zoe sa kasal n’yo, ha? Kahit sa Switzerland pa ‘yan ganapin, pupunta kami. Para makita rin namin kung gaano kaganda ang wedding ni Gia!” Napakunot ang noo ko. Si Zoe, parang kinurot sa ilalim ng mesa si Lance pero hindi niya pinansin. Si Serene, nagkibit-balikat at uminom na lang. At si Calix—nakatingin sa akin. Tahimik pero matalim. Parang ako ‘yung tinutudla ng mga biro ni Lance. “Lance...” mahinang sabi ko. Pero naunahan ako ni Andrei. Bigla siyang lumapit pa lalo sa akin, saka hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Mainit, mariin—pero hindi pilit. “Kung ako ang masusunod,” mahinahon niyang sabi, “gusto ko bukas na ang kasal.” Nagulat ako sa sinabi niya. Pero ngumiti siya sa akin, may lambing. Sincere. Parang gustong sabihin sa buong mundo na hindi siya nagpapanggap. “Pero hindi ako nagmamadali,” dagdag niya. “Kung kailan handa si Gia... doon ako sasabay.” Tahimik ang mesa. Ni si Lance hindi makatawa. Si Calix—napatingin sa wine glass niya, hindi na muling tumingin sa akin. At ako? Pakiramdam ko, nalulunod ako sa sarili kong damdamin. Kasi habang sweet si Andrei at proud siyang ipakita na ako ang mahal niya—hindi ko mapigilang maramdaman ang mga matang nakatitig sa akin mula sa kabilang side ng mesa. Mga matang minsang naging tahanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD