“Aww, lovebirds everywhere,” sabay ngiti ni Serene habang nakapulupot sa braso ni Calix.
“Ang sweet n’yo,” dagdag pa niya, tapos biglang lumingon kay Andrei. “Wow, what a love you have. Congratulations sa kasal n’yo. I wish you both the best!”
Wala siyang ideya. Walang clue sa mga matang hindi nagkakatinginan, sa mga tinig na parang may subtext bawat salita.
Ngumiti si Andrei out of politeness. Ako, pilit pa rin ang ngiti habang umiinom ng tubig para lang may magawa.
Pero ramdam ko—hindi ko na kaya. Kailangan ko ng kahit isang minuto ng katahimikan.
“Excuse me, CR lang ako,” sabi ko, sabay tayo.
“Samahan na kita,” agad na alok ni Andrei, handa na sanang tumayo rin.
Pero mabilis ko siyang tinapik sa kamay. “Ako na lang. I’ll be quick,” lambing kong sabi, sabay ngiti para hindi niya na pilitin pa.
Tumango siya, pero bago ako tuluyang makaalis, hinawakan niya ang kamay ko, hinila ng bahagya at hinalikan ako sa pisngi.
“You okay?” bulong niya.
“Yeah,” sagot ko, kahit hindi ako sigurado.
Pagharap ko muli sa mesa, ramdam kong nakatingin si Calix. Hindi ko na tiningnan. Hindi ko kayang tingnan.
Lumakad ako palayo, pinipilit maging matatag. Pero ang totoo?
Parang babagsak ako anumang oras.
Pinunasan ko agad ang mga luha ko sa salamin pagdating ko sa powder room, pilit sinasabi sa sarili ko na okay lang ako. Kailangan kong bumalik sa mesa na parang walang nangyari. Kailangan kong maging presentable, matatag, masaya—kasi iyon ang inaasahan nilang makita mula sa akin.
I was just about to fix my lipstick nang biglang may marahang kumaluskos sa likod ko. Akala ko, staff lang ng bahay. Pero paglingon ko—
Napako ang hininga ko.
Si Calix.
Nakatayo siya sa may pintuan ng CR. Tahimik. Walang ekspresyon sa mukha. Pero ang mga mata niya… oh, those eyes. Galit. Sakit. Alaala. Lahat ng hindi ko kayang tanggapin ngayon—nandun lahat sa tingin niya.
Nanatili siyang nakatingin. Wala siyang sinasabi. Para bang ini-enjoy niya ‘yong tensyon sa paligid namin. Ang katahimikan na mas malakas pa sa sigawan.
At ako? Parang lantang gulay na hindi makagalaw.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
“Wow,” mahinang sabad niya, napakatapang ng ngiti pero walang halong tuwa. Unti-unting naglalakad papalapit, “It's been six years since we got married.”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot.
Halos maibagsak ko ang clutch bag ko sa sahig. Napaatras ako, bahagyang nakasandal na sa lababo.
“Ikakasal kayo ni Andrei?” tanong niya, isang mapait na ngiti ang nakapinta sa mukha niya. “How? When you’re still married to me?”
Nanlaki ang mga mata ko. “W-What?” bulong ko.
“You heard me,” sagot niya, matatag. “We’re still married, Gia.”
Umiling ako. “No… That’s not true. My father—he showed me the divorce papers. Signed. Finalized.”
“Your father?” Halos matawa siya, pero hindi ito masaya. “Ramiro Sarmiento—the same man who forged a breakup letter and used your dead aunt’s memory to control you? That father?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Natahimik ako.
“Gia,” he said with a low, almost broken voice. “I never signed any papers. I never received any documents. Because there was nothing to sign.”
“Pero… pinakita sa akin ni Papa—”
“Falsified. Forged. Fake,” putol niya, bawat salita ay parang martilyo sa dibdib ko. “He made you believe I left you. He made me believe you hated me. And now he made you believe we're over.”
“Hindi… hindi totoo ‘yan…” Pero kahit sarili kong tinig, hindi na ako makumbinsi.
“I tried to let you go,” he whispered. “God knows I tried. Pero ngayong nandito ka na ulit. Ngayong nakita ulit kita. I’m not letting you go that easy.”
Lumingon ako palayo, pilit nilalabanan ang sariling emosyon.
“Gia,” aniya muli. “If you marry Andrei without divorsing our marriage, you’d be committing bigamy.”
Hindi ko na napigilan ang luha ko. “Hindi ko alam…”
Tumalikod ako, ayaw ko na siyang makita. Hindi ko na kayang marinig ang boses niya. Hindi ko kayang harapin ang katotohanan.
Pero bago ako tuluyang makalabas, bumulong pa siya. Isa pang salitang hindi ko na kailanman mababalewala:
“Ngayon mo sabihin sa sarili mo kung sino talaga ang niloko — ako, o ikaw.”
Pagbalik ko sa mesa, pakiramdam ko’y nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.
Hindi ko alam kung paano ko napanatiling tuwid ang likod ko habang papalapit ako. Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang luha ko sa pagtulo. Pero alam ko lang… hindi ko puwedeng ipakita sa kanila na wasak ako.
Paglapit ko, agad akong sinalubong ni Andrei. Tumayo siya para salubungin ako, may pag-aalala sa mga mata niya.
“Okay ka lang?” tanong niya habang inaabot ang kamay ko.
Tumango ako. “Oo… mainit lang siguro sa loob.”
“Halika, uminom ka muna ng tubig.” Kinuha niya ang baso ko at siya pa mismo ang nagsalin ng malamig na tubig sa pitcher.
Mabilis din siyang naupo sa tabi ko, pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Sa halip, marahan niya itong hinagod, tila pinapakalma ako. “Sabihan mo lang ako if you’re not feeling well, Gia. We can leave anytime.”
Ngumiti ako, kahit alam kong hindi iyon umabot sa mga mata ko. “Thank you, Andrei.”
At doon ko siya nakita.
Calix.
Kauupo lang niya sa tapat namin. Nandoon pa rin si Serene sa tabi niya, mukhang wala namang kamalay-malay sa tensyon sa pagitan naming dalawa.
Pero si Calix… nakatingin siya sa amin.
Hindi sa baso. Hindi sa pagkain.
Sa amin. Sa paghawak ng kamay ni Andrei. Sa bawat munting haplos nito sa braso ko. Sa bawat sulyap niya na puno ng pag-aalaga.
Napako ang mga mata niya. Tahimik lang siya habang binubuksan ni Serene ang tissue para ipunas sa labi niya, habang ngumunguya ito ng dessert. Pero hindi siya tumitingin sa babaeng kasama niya.
Ang mga mata niya, sa akin lang.
Hindi ko maipaliwanag kung anong naramdaman ko.
Guilt? Confusion? Galit?
O… sakit?
Napansin ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Hindi siya umiimik. Pero sa isang iglap, inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang balikat ni Serene. Walang emosyon sa mukha niya, pero napansin kong napalingon sa kanya si Serene at ngumiti.
Maya-maya pa, bumalik siya sa pagkain niya, parang wala lang.
Pero sa mata ko… ibang-iba ang sinasabi ng kilos niya.
At alam kong ramdam din ito ni Andrei. Dahil habang patuloy niyang hinahawakan ang kamay ko, mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya, sabay bulong, “Don’t mind them.”
Sinunod ko ang sinabi niya.
Pero ang totoo?
Paano mo ba bibitawan ang isang taong hindi mo pa kayang bitawan… kahit na ang tagal mo nang pilit kinakalimutan?
Nang tumayo si Gia para magpaalam kina Lance and Zoe, sinamantala ni Andrei ang pagkakataon.
Tahimik siyang lumapit sa kabilang gilid ng mesa, kung saan kasalukuyang nakikipag-usap si Calix sa isang family friend. Magaan ang anyo nito, pero hindi iyon sapat para itago ang lamig sa mga mata niya.
“Calix.”
Napalingon ang lalaki.
Saglit silang nagtitigan. Walang ngiti, walang pakitang-tao. Dalawang lalaking parehong sanay sa kontrol, parehong sanay sa mundo ng negosasyon at laban. Pero iba ang tensyon ngayon—mas personal.
Hindi pa man nagsasalita si Andrei, napansin na niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Calix. Parang alam na nito kung anong susunod.
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Andrei, direkta.
Tumayo si Calix, sinenyasan si Serene na maupo lang muna. Sumunod ito kay Andrei palabas ng bulwagan, papunta sa hallway na wala gaanong tao.
Pagdating doon, tumigil si Andrei, humarap sa kanya. “I’ll go straight to the point. Layuan mo si Gia.”
Umangat ang kilay ni Calix, mapanlikha ang ngiti. “And what makes you think I’m still chasing her?”
“You’re not?” matalim ang tingin ni Andrei. “Then why the hell are you looking at her like that all night? Don’t play dumb with me.”
Tahimik si Calix sandali. Sa ilaw ng corridor, tila mas madilim ang mga mata niya. Mas tahimik, pero hindi maipagkakaila ang alon ng emosyon sa likod nito.
“I was looking at what used to be mine,” mahinahon niyang sagot. “You’d do the same if you were in my position.”
“And yet, she’s not yours anymore.”
Calix stepped forward, bahagyang inilapit ang mukha niya. “You’re sure about that?”
Nag-init ang palad ni Andrei, pero pinigil niya ang sarili. Hindi siya pwedeng maging padalos-dalos. Hindi sa ganitong setting.
“She’s been through enough,” ani Andrei, mahinahon pero matigas ang tono. “Kung may respeto ka kahit kaunti sa kanya, huwag mo na siyang guluhin. She’s finally healing. With me.”
“Funny,” ani Calix, bahagyang tumawa. “She didn’t look like she was healing when I saw her face kanina. She looked like she just saw a ghost.”
Tumikhim si Andrei. “Whatever happened between you two… tapos na ’yon. Huwag mo siyang lituhin. Kung totoo ka ngang may pakialam sa kanya, hayaan mong matahimik siya.”
Calix didn’t respond right away.
Sa halip, tinitigan lang niya si Andrei, para bang sinusukat ito.
“At kung ayaw ko?” tanong niya, halos pabulong.
Nag-init ang dugo ni Andrei, pero ngumiti siya, malamig. “Then you’ll be dealing with me.”
Tahimik na naman si Calix. Pero sa huli, ngumiti siya—isang mapait, pilit na ngiti.
“I guess we’ll see, Andrei.”
Pagkasabi niya nun, dumaan si Gia sa hallway, hinahanap si Andrei. Nang makita niya silang dalawa, nanlaki ang mga mata niya, at agad lumapit.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya, halatang kinakabahan.
Ngumiti si Andrei, agad humarap kay Gia, at hinawakan siya sa baywang. “Wala, nag-uusap lang kami.”
Hindi nagsalita si Calix. Tinapunan niya lang ng isang huling sulyap si Gia—mahaba, mabigat, puno ng hindi masabi.
At pagkatapos nun, tahimik siyang naglakad palayo.
Tahimik lang ako sa passenger seat habang minamaneho ni Andrei ang sasakyan pauwi. Malamig ang aircon, pero mas malamig ang atmosphere sa loob ng kotse. Wala pa ring nagsasalita sa amin mula nang sumakay kami.
Hawak ko ang phone ko pero wala naman akong ginagawa dito. Mula kanina pa ako nag-i-scroll sa home screen, trying to look busy, trying to calm my racing heart.
Pero hindi ko mapigilan.
Kanina sa hallway… nakita ko sila. Si Calix. Si Andrei. Magkaharap. Para silang dalawang lobo na sinadyang pagkaharapin ng kapalaran. At ako? Ako ang dahilan ng tensyon. Ako ang tinutukoy sa bawat sulyap, bawat matalim na salita.
“Okay ka lang?” biglang tanong ni Andrei, breaking the silence.
Tumingin ako sa kanya, pero hindi ko agad nasagot.
“I’m okay,” bulong ko.
“Hindi ka mukhang okay,” sagot niya. “Simula pa kanina… pagkatapos n’yong mag-usap ni Calix. Anong sinabi niya sa'yo?”
Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sabihin. Baka lalo lang niyang ikagalit. Baka lalo lang gumulo.
“Sinabi niya… na kasal pa raw kami,” mahina kong sabi.
Napahinto sa pagmamaneho si Andrei at tumingin sa’kin, both hands gripping the steering wheel tighter.
“What?” he asked in disbelief.
Tumango ako. “Sinabi niya na… we’re still married. Na hindi pa raw kami legally divorced.”
“Gia… akala ko ba pinakita sa’yo ng papa mo ‘yung divorce papers?” seryosong tanong ni Andrei.
“Oo… kaya nga gulat na gulat ako. Kasi nakita ko, binasa ko. Pina-notaryo pa raw. Pero kung totoo nga ang sinasabi ni Calix…”
Napailing ako, habang pinipigilan ang panibagong alon ng kaba sa dibdib ko.
“Ayokong maniwala agad, Andrei. Pero… paano kung may mali? Paano kung peke ‘yung pinakita sa akin?”
Tahimik si Andrei. Hindi ko siya matingnan. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang ikwento lahat—kung paano ako kinilabutan sa mga sinabi ni Calix, kung paano bumalik lahat ng tanong, lahat ng sakit, lahat ng… alaala.
“I’ll help you find out,” finally sabi ni Andrei.
Napatingin ako sa kanya.
“Kung may inconsistency, malalaman natin. I can call my lawyer tomorrow. Magpapa-run tayo ng official verification. Just to be sure.”
“Thank you so much Andrei…” bulong ko.
“Gia,” malambing niyang tawag sa pangalan ko. “Hindi kita pipilitin. Hindi ko rin hahayaan na maloko ka ulit. But if you need space to clear this… I’ll understand.”
Napapikit ako.
Minsan ang hirap. Kasi ang bait ni Andrei. Marespeto. Maingat. Nandoon palagi.
Pero sa puso ko… kahit anong deny… kahit ilang taon pa… Calix’s name still echoes in the silence. Pero may girlfriend na sya.