Nakahiga ako sa kama pero parang may bagyong umuugong sa loob ng dibdib ko. Paulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Calix — "We're still married, Gia." Parang bangungot na paulit-ulit bumabalik.
Hindi ako makatulog.
Ano ba ‘yung pinakita sa akin ni Papa noon? ‘Yung dokumento na may pirma niya. Notaryo. May seal pa nga yata. Totoo ba lahat ‘yon? O isang malaking palabas lang?
Huminga ako nang malalim habang kinukuha ang phone ko. Isa lang ang alam kong taong maaaring makatulong sa akin ngayon — si Lance.
Si Lance, na pinsan ni Calix. Si Lance, na mas maraming alam kaysa sa inaamin niya. Alam kong nagbibiruan siya kanina, pero ramdam ko — may alam siya. At this point, wala na akong pakialam kung kanino ako magmumukhang desperada. Kailangan kong malaman ang totoo.
Ring... ring...
“Gia?” garalgal ang boses niya. Mukhang matutulog na.
“Lance, sorry kong naistorbo kita. Happy birthday nga pala ulit.”
“Thank you... okay ka lang?” agad niyang tanong, parang nagising bigla.
“Pwede ba tayong magkita bukas?” diretso kong tanong. “Kailangan ko lang ng tulong. May mga tanong lang ako... tungkol kay Calix. About... everything.”
Sandaling katahimikan.
“Sige,” sagot niya sa wakas. “Text mo lang kung saan at anong oras. I’ll be there.”
“Thanks, Lance,” mahina kong sagot.
Pagkababa ko ng tawag, muli akong napapikit.
Bukas… kailangan kong malaman ang totoo.
Kasi kung totoo nga ang sinabi ni Calix…
Hindi lang ang puso ko ang niloko — pati buong pagkatao ko.
Magkaharap kami ni Lance sa veranda sa second floor ng bahay nila ni Zoe. Maliwanag ang umagang iyon pero parang madilim pa rin ang paligid ko. Si Zoe, tahimik na nakaupo sa tabi ko, hawak ang kamay ko. Parang nagsisilbing anchor habang unti-unti akong nilulunod ng kaba at tanong.
Tahimik si Lance sandali. Tumingin siya sa akin na para bang sinusukat kung kaya ko bang marinig ang lahat.
“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong niya. Tumango lang ako.
Huminga siya nang malalim. “No’ng araw na binugbog si Calix ng mga tauhan ni Tito Ramiro… the same day na bigla kang nawala—na-deport si Calix pabalik ng Pilipinas. Iyon ang araw na tuluyang naghiwalay ang mga mundo n’yo.”
Napakuyom ang kamao ko. Pakiramdam ko, masusuka ako.
“Pagdating dito, nakulong siya,” tuloy ni Lance. “Non-bailable offense. Lahat ‘yon gawa ni Tito Ramiro. Sinampahan siya ng kaso — sinadya, para tuluyang mapahiwalay sa’yo. Five months siyang nakulong. Kung hindi dahil sa pamilya nila—lalo na kay Basti—baka hanggang ngayon nasa loob pa rin siya.”
“Si Basti?” tanong ko, halos pabulong.
Tumango si Lance. “Oo. Gusto nang balikan ni Basti si Tito. Gusto niyang gantihan. Pero si Calix… siya pa rin ang pumigil. Kahit wasak na wasak na siya, hindi siya pumayag na may madamay pang iba.”
“Hindi ko alam… wala akong alam,” bulong ko, halos hindi na ako makahinga.
“Hindi pa ‘yon ang lahat, Gia,” sabi ni Lance, tumingin kay Zoe na tila humihingi ng lakas. “Pagkatapos niyang makalabas, sinubukan niyang hanapin ka. Pumunta siya sa bahay n’yo… pero—”
“Pero ano?” tanong ko agad, ramdam ko na ang panginginig ng buo kong katawan.
“Nabaril siya,” diretsong sagot niya. “Mga tauhan ni Tito. Lumaban daw siya. Dinala siya sa ospital ni Tito Ramiro mismo, pero—”
Napalunok ako. “Pero?”
“Wala raw pumirma ng waiver para maoperahan siya. Kailangan ng consent ng asawa, Gia. At ikaw ‘yon.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Wala akong natanggap. Hindi ko alam!”
“Iyon nga ang masakit,” sabi ni Zoe, mahina ang boses.
Napaluha ako. Hindi ko alam, sa Switzerland ano dinala ni papa noon, nakunan ako dahil sa depresyon.
“Buti na lang dumating si Therese. Siya ang naglipat kay Calix sa ibang ospital. Siya rin ang nag-asikaso. Nung gumising si Calix… galit na galit siya. Hindi raw niya matanggap na ikaw mismo ang pumigil sa operasyon. Akala niya iniwan mo siya para mamatay.”
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko na mapigilan ang hagulgol.
“Pero hindi lang ‘yon,” dagdag ni Lance, mas mababa ang tono. “Dumating sa kanya ang mga larawan mo… kasama si Andrei. May mga sulat. Nakasulat doon, ‘Masaya na ako. Hindi kita mahal. Wala na ang anak natin. Pinili kong ipa-abort dahil ayokong magkaanak na may dugong Rivas.’”
Napaluhod ako sa harap nilang dalawa. Umiiyak ako, nanginginig.
“H-hindi totoo ‘yon,” hikbi ko. “Hindi ko ‘yon sinabi. Hindi ko ‘yon ginawa.”
“I know,” sabi ni Zoe, yakap-yakap na ako ngayon. “Pero si Calix, Gia… buong akala niya, iyon ang totoo.”
“Ano ba talaga ang totoo, Lance?” tanong ko sa wakas, pilit pinipigil ang panginginig ng boses ko. “Divorced na ba kami ni Calix?”
Diretsong tumingin sa akin si Lance, saka marahang umiling. “Sa pagkakaalam ko? Hindi. At kung gusto mong makasigurado, may paraan.”
Nanlaki ang mata ko. “Paano?”
“Sa New York kayo kinasal, ’di ba?” tanong niya. Tumango ako.
“Then that’s where we’ll find the record,” sabi niya. “We can try contacting the County Clerk’s Office. May kakilala ako—isang abogadong matagal nang tumutulong sa amin sa mga legal papers doon. Pwede nating i-check kung may divorce case na nai-file ever.”
Tumango ako, bagama’t ramdam ko pa rin ang kaba. Ito na 'yon. Ito na talaga ang simula ng paghahanap ng totoo.
“Maribel Cruz,” sabi ni Lance habang nagta-type sa phone. “Lawyer siya sa New York. She's been helping our family with immigration and property matters for years. Maayos ‘yan, at mabilis kumilos.”
Tumango ako habang hinihintay siyang mag-ring ng tawag.
Ilang segundo lang, sumagot na ang babae sa kabilang linya. “Hi, Lance. Long time. What’s up?”
“Hi, Maribel. Sorry for the short notice. I have someone here who needs urgent legal help—particularly about marriage and divorce records in New York.”
Tiningnan ako ni Lance, saka inabot ang phone. “You can talk to her directly.”
Nang hawakan ko ang telepono, parang biglang nanlamig ang palad ko. “Hello, Atty. Maribel?”
“Yes, speaking. And you are?”
“I’m Gia Sarmiento. I just need to know if a divorce was ever filed or processed under my name and my husband’s—Calix Rivas. We were married in New York six years ago.”
Narinig kong nag-type siya agad sa background. “Do you have the exact date and county where you were married?”
Ibinigay ko lahat ng detalye—ang petsa, ang lugar, pati ang pangalan ng judge na nagkasal sa amin. Lahat ng kaya kong maalala kahit masakit.
“Alright,” sagot ni Maribel. “Give me a few minutes. I’ll check the civil and family court records.”
Nagpalitan muna kami ni Lance ng tingin. Tahimik ang paligid, pero sa loob-loob ko, ang ingay-ingay. Para akong nililindol sa kaba.
Makalipas ang ilang minuto, muling narinig ang boses ni Atty. Maribel. Diretso, walang paligoy-ligoy.
“I’ve searched the New York Family Court records, Gia,” aniya. “There is no divorce petition filed under your or Calix’s name. Nothing. No pending case, no finalized decree. Nothing ever reached court.”
Napahawak ako sa dibdib ko.
“But,” patuloy niya, “I did find your marriage record. It’s valid and active. There’s no legal documentation that it has been dissolved.”
Para akong binagsakan ng langit at lupa. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko, marahang lumatag sa labi kong nakabuka pero walang salitang lumalabas.
“I hope that helps,” aniya pa. “If you need official certified copies, I can request them for you.”
“Thank you…” mahina kong tugon. “Thank you so much.”
Pagkababa ko ng tawag, hindi ko na napigilan. Napahagulgol ako. Hindi dahil sa relief. Kundi dahil sa pagkabigo. Sa galit. Sa katotohanang niloko ako—ng taong buong akala ko’y nagpoprotekta sa akin.
“Pinaniwala niya ako, Lance…” bulong ko. “Na iniwan ako ni Calix. Na hindi na kami kasal. Na may papel. Pinakita pa niya sa akin…”
Tahimik si Lance sa tabi ko. Walang sinabi. Pero naramdaman ko ang kamay niyang lumapat sa balikat ko.
“Hindi ko na alam kung sino pa ang pwede kong pagkatiwalaan.”
“Simulan mo sa sarili mo, Gia,” aniya. “Because now, you finally know the truth.”
Pagkauwi ko ng bahay, hindi na ako nag-aksaya ng oras.
Diretso ako sa office ni Papa. Sa bawat hakbang ko papunta roon, parang sumisigaw ang dibdib ko. Hindi dahil sa kaba — kundi dahil sa galit. Sa panlilinlang. Sa mga taon na ipinagkait niya sa akin ang totoo.
Wala nang katok-katok. Binuksan ko ang pinto nang hindi kumakatok — isang bagay na dati-rati ay hindi ko kailanman magagawa. Pero ngayon, wala na akong pakialam sa respeto kung ang kapalit ay kasinungalingan.
“Papa,” mahina pero matigas ang boses ko.
Nasa mesa siya, may hawak na tablet. Nang marinig ang tinig ko, tumingin siya — at sa unang beses sa matagal na panahon, nakita kong nagulat siya sa ekspresyon ko.
“Gia? Anak, anong—”
“Don’t call me that right now,” putol ko. “Gusto kong malaman kung bakit mo ako niloko.”
Napatingin siya sa akin, bahagyang kumunot ang noo. “Ano bang sinasabi mo—?”
“Six years ago,” tuloy ko, hindi na mapigil. “You told me Calix left me. Na may divorce papers. Na signed na. Tapos na. Pinaniwala mo akong wala na kami. That he gave up on me.”
Tumaas ang boses ko. “Pero walang divorce. Ni wala man lang petition. Alam mo ‘yun, Papa.”
Hindi siya agad sumagot. Nakita kong unti-unting nanlamig ang tingin niya. The classic Ramiro Sarmiento response—control through silence.
“I trusted you!” sigaw ko. “I believed you when you said he abandoned me! I believed the lies! Na kaya mo ako inilayo dahil gusto mong iligtas ako—but it was never about protection, was it? It was always about control.”
“I did what I had to do,” malamig niyang sagot. “You were too young. Too in love. You couldn’t see what kind of man Calix really was—”
“No,” bulalas ko. “I couldn’t see what kind of father you were.”
Natigilan siya. Tumayo mula sa pagkakaupo, lumapit sa akin. “Gia, everything I did—lahat ng ginawa ko—was to save you from a life of suffering. He had nothing! He was beneath you! He dragged your name to the mud, and I had to clean it up!”
“By forging legal documents?” balik ko. “By having him deported? By having him jailed for something you arranged? And then… you showed me fake papers. Made me believe I was no longer his wife, when in truth—”
My voice cracked. “When in truth, I still am.”
Tahimik ulit siya. Pero may bakas ng panginginig ang mga kamay niya.
“You told me I miscarried because I was weak. Because my body gave up,” I whispered. “But did you ever tell me na nasa ospital si Calix, fighting for his life, and I was listed as the wife who refused surgery?”
Halos maibagsak niya ang hawak niyang tablet sa mesa. “I did what was best for you.”
“No, Papa,” bulyaw ko. “You did what was best for you.”
Ilang segundo ng katahimikan. Pareho kaming halos hindi humihinga.
“Papa, what have you done to me. What have you done to us. I can’t breathe in this house full of lies anymore.”
At bago pa siya makasagot, tinalikuran ko na siya. Hindi ko na kayang marinig pa ang mga paliwanag niyang puno ng dahilan pero walang puso.
Sa hallway pa lang, tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko. Pero iba ito ngayon — hindi ito dahil sa sakit ng pagkakabigo. Ito'y luha ng pagkamulat. Luha ng galit. Luha ng paglaya.