Isang linggo na ang nakalipas mula nang malaman ko ang buong katotohanan.
Hindi ko siya hinarap. Wala akong lakas. Wala akong tapang.
Hindi ako lumabas ng kwarto nang ilang araw. Umiiyak lang ako. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko—paano ko hindi nalaman? Paano ko pinaniwalaan agad si Papa?
Pero kailangan kong bumangon.
Bumalik ako sa Liora, kahit pakiramdam ko guguho ako anumang oras. Nagpakasubsob ako sa trabaho, kahit wala akong gana. Mas mabuti na 'to kaysa magkulong habang pinapatay ako ng guilt at panghihinayang.
Hanggang sa isang gabi, may exhibit na inorganisa ang isa sa mga corporate partners ng Liora. VIP guests kami. At dahil naka-schedule na ‘to, wala akong choice kundi pumunta.
Art Exhibit
Puno ang lugar. Mga negosyante, artist, media. Puro pormal ang mga tao. Tahimik ang paligid pero ramdam ang class at pera.
Naka-white silk dress ako. Tinatago ang pagod sa mukha ko sa pamamagitan ng maayos na makeup. Pinilit kong ngumiti habang nakikipagkamay sa mga tao.
Pero bigla akong natigilan.
Sa kabilang side ng hall, nakita ko siya. Calix.
Naka-itim siyang suit. Mukhang hindi siya nagbago—maliban sa mga mata. Mas malalim ang titig. Mas matalim ang anyo.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Lumapit siya, diretso lang ang lakad. Walang pag-aalinlangan. Hanggang sa tumapat siya sa harap ko.
"Ano’ng ginagawa mo rito?"
Hindi ako agad nakasagot.
“Tinanong kita. Alam ba ng kabit mo na nandito ka?”
Parang tinadyakan ang dibdib ko. Hindi ako huminga.
“I came for the exhibit,” sagot ko. Mahina pero matatag.
"Yeah? You still pretending you belong in places like this?"
Gusto kong magalit. Pero mas nangingibabaw ‘yong hiya. At sakit.
"I'm not here to fight."
"Then leave."
"Why are you like this?"
"Tingin mo ba gusto pa kitang makita? After everything? You broke me, Gia."
“I didn’t mean to…”
“Pero ginawa mo pa rin. Iniwan mo ‘ko sa gitna ng impyerno tapos ngayon gusto mong bumalik na parang walang nangyari?”
Napakagat ako sa labi. Gusto kong sumigaw, pero wala akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko.
"You think showing up here like some lost little girl will make me forget how you crushed me?"
Napaluha ako. Pero pinunasan ko agad.
"I never stopped caring..."
"Too late."
Tinitigan niya ‘ko ng matagal, parang binubura lahat ng natira sa pagkatao ko.
"Alam mo kung anong dasal ko? Na balang araw, may makaranas ka rin ng ganitong klaseng sakit. Yung buong akala mong totoo… niloko ka lang pala."
Tumalikod siya. Iniwan akong hindi makagalaw.
At ako?
Tumayo lang doon. Tahimik. Walang lakas. Ang mga salita niya, paulit-ulit sa isip ko.
“You broke me. Now it’s your turn.”
Abala ako sa pag-aasikaso ng supplier contracts sa Liora nang tumunog ang phone ko.
Zoe.
“Lunch tayo, please? I’m in BGC,” sabi niya agad.
Napatingin ako sa clock. 12:17 PM.
“Sure. Saan?”
“Let’s try Samba. I heard masarap daw seafood nila. Gusto ko rin makita mukha mo sa personal. Hindi ‘yung puro missed calls at ‘I’m okay’ replies.”
Napangiti ako ng konti kahit pagod.
Samba, BGC
Classy ang lugar. Nasa roof deck ng isang five-star hotel. May view ng city skyline, may jazz music sa background. Tahimik pero eleganteng vibe.
Nakita ko si Zoe agad. Nakaupo na siya, may hawak na wine menu.
“Girl, ano ba ‘tong aura mo ngayon? Bagong heartbreak diet?” biro niya habang pinaupo ako.
Napangiti ako kahit walang gana kumain.
“Don’t start, Zoe,” sabi ko mahina. “I just needed work to keep me sane.”
“Alam ko. Pero hindi ka bato, Gia. Hindi mo rin kailangang magpanggap na okay ka.”
Tahimik ako.
Umorder kami—ceviche, grilled octopus, at chuleta de cordero. Wala akong gana, pero para kay Zoe, pinilit kong kumain.
“May balita?” tanong niya, habang sinusubo ang kanin na may chimichurri.
Umiling ako.
“Wala. Hindi ko na siya kinausap. Ayoko na rin siguro.”
Hindi siya agad nagsalita.
“You know, kahit anong gawin natin, masakit pa rin ‘yan. Pero at least ngayon, alam mo na ang totoo. At hawak mo na ang katotohanan.”
Napatitig ako sa baso ng tubig.
Katotohanan nga. Pero hindi ibig sabihin nun madali na.
Habang kumakain kami ni Zoe, medyo bumigat ang sikmura ko. Siguro dahil wala talaga akong gana. O baka dahil napagod na ako magpanggap na okay.
“Try mo ‘to, lamb chops nila,” sabi ni Zoe, iniabot ang plato.
Kukunin ko na sana nang biglang naramdaman kong parang may nanlamig sa batok ko. Tumigil ako sa paggalaw.
“Gia…” bulong ni Zoe, natahimik din.
Dahan-dahan akong lumingon sa entrance.
Calix.
Kasama si Serene.
Magkahawak-kamay habang ina-accommodate ng waiter papunta sa kabilang side ng restaurant. Tumatawa si Serene, nakasandal pa sa braso ni Calix na para bang wala silang ibang mundo.
Parang huminto ang paligid. Nakakatulig ang katahimikan sa tenga ko.
Then... nagtama ang paningin namin.
Matalim. Tahimik. Mabilis.
Pero sapat para maramdaman kong para akong sinaksak sa dibdib.
Ako ang unang nagbaba ng paningin.
Ayokong makita niya ‘yung lungkot sa mata ko.
Ayokong isipin niyang hanggang ngayon, apektado pa rin ako. Na habang masaya siyang kumakain ng dessert sa tabi ng babae niya, ako heto—pilit inuubos ang isang kagat ng lamb chop habang kinakalaban ang sarili kong puso.
“Do you want to leave?” tanong ni Zoe mahina.
Umiling ako.
“Hindi. Dito tayo. Masarap ‘yung pagkain, ‘di ba?”
Sabay subo ng malamig nang kanin.
“Hey… Gi?”
Napalingon ako sa kaliwang side ko. Isang pamilyar na boses — malalim, may konting accent.
Pagtingin ko, napahinto ako.
“Rafael?”
He smiled, that same easy, charming smile I remembered.
“Oh my god,” tumayo siya at niyakap ako ng mabilis, tapos nagbeso. “It’s really you! Still looking good, huh.”
Napangiti ako kahit hindi ko gustong ngumiti.
“Raf… what are you doing here?”
“Business trip. May clients akong kino-cover this week. Ikaw?”
“Just… lunch with a friend.”
Tinapik niya ako sa braso bago lumingon kay Zoe.
“I’m Rafael, classmate niya sa master’s. Switzerland. She was the brightest in class,” sabay ngiti sa akin.
Zoe laughed lightly, “I’m Zoe. Best friend since college.”
Nagkamayan sila.
“Wow, small world,” ani Rafael. “Mind if I join you for a few minutes?”
Umupo siya sa tabi ko, tuloy-tuloy ang kwentuhan. Tinatanong kung kumusta na ako, kung may plano akong bumalik sa Europe. I laughed when he reminded me of that one time I messed up a presentation dahil sobrang puyat.
Pero habang nakikipagkwentuhan ako, ramdam ko yung bigat ng tingin mula sa kabilang table.
Hindi ko tiningnan.
Ayoko.
Pero sa peripheral vision ko, alam kong si Calix ‘yon.
At parang lalong hinigpitan ni Serene ang hawak sa kanya.
Napakapit ako sa baso ko. Hindi ko alam kung dahil sa nerbyos o dahil sa takot na baka mag-collapse ako sa gitna ng restaurant.
Tumayo si Rafael matapos ang halos sampung minutong kwentuhan.
“I have something for you,” sabi niya sabay ngiti. “I saw it earlier and instantly thought of you. Nasa car. Mind if I steal her for a moment?” tanong niya kay Zoe.
“Go,” sabi ni Zoe, naka-thumbs up pa.
Lumabas kami ng restaurant. Sa parking lot, binuksan ni Rafael ang likod ng kotse at may inilabas na eco bag mula sa isang premium bakery — naka-box ng maayos, may eleganteng ribbon.
“This,” sabi niya habang inaabot, “is your favorite. Baumkuchen. Nakakita ako ng authentic version sa Wildflour Market. I remembered you’d drag me to that café in Zurich just for this.”
Napangiti ako. “Baka panis na yan.”
Tumawa siya. “Nope. Bago 'yan. Special order — fresh this morning.”
Binuksan ko ang box. Maingat. Mabango. Tama nga siya — it looked exactly like the one sa Switzerland.
“You once said this cake reminded you of better days,” sabi niya. “So… here’s a little piece of peace.”
Napatitig ako. Hindi dahil sa cake, kundi sa alaala. Sa panahon na kaya kong ngumiti nang walang bitbit na sakit.
“Thank you…” mahina kong sabi.
Ngumiti siya. “You looked like you needed something sweet today.”
Hawak ko pa ang cake. Ramdam ko pa ang init ng ngiti ni Rafael. Pero biglang nanlamig ang paligid. Para akong binuhusan ng yelo.
“Ganyan ka na ba ngayon? Kinukuha lahat ng makita mo?”
Napalingon ako. Si Calix. Nakatayo sa likod ko, nakasandal sa kotse. Nanlilisik ang mata. Nakaayos pero halatang nanginginig ang panga niya sa galit.
“Calix...” mahina kong sabi.
Lumapit siya. Mabigat ang bawat hakbang. Parang bawat hakbang niya, may baon na galit.
“Ilang lalaki pa, Gia?” Bulong niya pero punong-puno ng panunumbat. “May Andrei ka na. Ngayon Rafael. Sino pa? Ilan pa ang kabit mo?”
Hindi ako makagalaw. Para akong sinampal ng paulit-ulit.
“Tama na...” mahina pero puno ng pakiusap ang boses ko.
Ngumiti siya. Pero hindi ‘yon ngiti ng masaya — kundi ng taong sugatan.
“Tama na?” ulit niya. “Aba, ikaw pa ang may ganang magsabi niyan. Alam mo bang nakakadiri ka na panoorin? Sumasabit sa leeg ng bawat lalaking magbibigay sa'yo ng kaunting atensyon.”
Napalunok ako. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko pero pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili kong pumatak ang luha.
Bigla — walang sabi-sabi — hinablot niya ang cake sa kamay ko. Sa harap ko mismo, tinapon sa basurahan.
“Ganyan kayo pareho. Maganda lang sa simula. Pero sa dulo — basura.”
Doon na hindi ko na napigilan ang luha ko. Bumagsak silang tahimik. Hindi ako nagsalita. Hindi ko kayang gumanti. Wala akong lakas. Wala akong armas. Wala akong kahit ano — dahil lahat ng iyon, dala niya nung umalis siya.
“Wala kang alam sa nangyari,” mahina kong sabi.
Lumapit siya, bahagyang yumuko sa tapat ng mukha ko. “At wala na rin akong pakialam.”
Diretso siyang tinalikuran ako. Walang baling. Walang pagdadalawang-isip.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na akong nakatayo doon. Para akong estatwa — pero ‘yung pusong laman ng loob, giba.
“Gia!”
Lumingon ako. Si Zoe, nagmamadaling lumapit. Halatang nakita niya lahat. Niyakap niya ako agad.
“Ano’ng ginawa niya sa’yo?!” galit na tanong niya habang tinatanggal ang mga cake stain sa blouse ko.
Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang ikwento. Hindi ko kayang ulitin. Kasi baka mas masaktan pa ako.
Niyakap niya ako nang mas mahigpit.
“Tama na,” bulong niya. “Hayaan mo na siya. Masama talaga siyang tao. Hindi siya ang Calix na minahal mo dati.”
Pero ang totoo? Siya pa rin. Siya pa rin ang lalaking minahal ko. Pero hindi na ako sigurado kung ako pa ‘yung babaeng minahal niya.
“Bakit ganon, Zoe?” bulong ko habang nanginginig ang labi ko. “Bakit parang ako ang may kasalanan sa lahat?”
“Hindi mo kasalanan, Gia.”
“Sinaktan niya ako. Binastos. Pinag-initan. Pero bakit mas ako pa rin ang nahihiya?”
Hindi na siya sumagot. Siguro kasi wala talagang sagot. Siguro kasi kahit siya, alam niyang kahit anong paliwanag — hindi makakapag-ayos ng pusong durog.
Hinila niya ako papunta sa kotse.
“Tara na. Iuuwi na kita.”
Sumunod lang ako. Tahimik. Wala na akong lakas para magpaliwanag o magalit.
Habang nasa passenger seat ako, pinunasan ko ang luha ko. Pero kahit paulit-ulit, hindi nauubos. Kasi mas malalim ang sugat kesa sa luha.
At doon ko narealize:
Hindi lahat ng naiwan, kailangan habulin.
Pero ang sakit… kasi hindi ko siya iniwan — pero ako pa rin ang iniwang giba.
Habang nasa loob ako ng sasakyan. Kasama si Zoe.
Napapikit ako habang umiiyak. Mahigpit kong niyakap ang bag ko — parang ‘yon lang ang meron ako ngayon na hindi pa nawawala.
Zoe glanced at me pero hindi siya nagsalita. Binigyan lang niya ako ng panyo at hinayaan akong umiyak.
Ayoko ng kausap. Ayoko ng paliwanag.
Ang gusto ko lang… intindihin ako. Kahit isang tao lang.
Pero parang mas madaling hanapin ‘yon sa ibang bansa, sa ibang buhay, sa ibang ako.
Ang masakit? Wala akong ibang sinisisi kundi sarili ko.
Ako ang naniwala.
Ako ang nagtiwala.
Ako ang bumigay.
At ngayon, ako ang sinaktan… parang ako pa ‘yung mali.
Tumulo ulit ang luha ko. Hindi ko na binilang.
Ang iniisip ko lang—
Hanggang kailan ako iiyak para sa taong kaya akong sirain ng ganon kadali?