CHAPTER 26

2630 Words

Nakahiga ako pero hindi matahimik ang katawan ko. Nakasara ang ilaw, pero gising ang puso ko — gising sa sakit, gising sa galit, gising sa pagod. Nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa tabi ng unan. Andrei. Huminga ako ng malalim bago sinagot. “Hello?” Tahimik siya sa kabilang linya. Ilang segundo bago siya nagsalita. “Babalik na ako sa Switzerland… after three days.” Tumigil ang mundo ko sandali. “Sasabay ka ba?” diretsong tanong niya. Walang drama. Walang pilit. Pero alam kong may bigat ang tanong na ‘yon. Kasi hindi lang ‘yon tungkol sa biyahe. Tila tinatanong niya: “Lalayo ka na ba talaga? Bibitaw ka na ba?” Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Hindi ako nakasagot agad. Ang dami kong gustong sabihin, pero lahat, tinatalo ng tanong na: “Tama pa ba akong manatili dito?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD