CHAPTER 13

2051 Words
Tatlong linggo na mula nang dumating si Calix dito sa New York. tatlong linggo ng tahimik pero matinding kaligayahan. Minsan naiisip ko—baka panaginip lang ‘to. Pero tuwing gigising ako at makikita ko siyang nakangiti sa tabi ko, nakaunan sa braso ko, ramdam ko… Totoo siya. Totoong nandito siya para sa akin. Pero kahit punong-puno ng halik, yakap, at tawa ang mga araw namin, hindi rin maiiwasan ang kaba. Laging may tanong sa likod ng isip ko. “Paano kung malaman ni Papa?” Lalo na’t araw-araw pa rin siyang tumatawag. Laging nangangamusta. At kahit hindi ko sinasabi, ramdam kong may duda siya. Para bang may kutob na siyang may tinatago ako. Pero si Calix? Parang may sariling plano. Kalmado. Laging may sagot. Laging may paraan. Isang araw pagdating ko galing sa school, nagulat ako nong dinala ako ni Calix sa kabilang unit. katabi mismo ng condo ko. Nabili nya pala, kahapon lang daw nagkabayaran. Pinarenovate niya ang kabilang condo. Functional. Minimalist. May sariling kitchen, workspace, at bedroom. Pero ang pinakaimportanteng detalye? Isang secret door. Nakatago sa likod ng built-in bookshelf ko, may maliit pero matibay na daan papunta sa kwarto niya. Plano talaga namin ‘to—in case of emergency, or kung biglang may tumawag si Papa at kailangan kong mag-ayos agad. O kung gusto lang namin ng tahimik na oras na walang kailangang itago sa labas ng pinto. Isang hapon, habang nag-aayos ako ng books ko, bumukas ang bookshelf—marahan. Tumambad ang pamilyar na mukha ni Calix sa kabilang side ng lihim na lagusan. “Baka malagyan mo ng lock ‘tong side mo,” biro niya habang humakbang papasok. “Para hindi ako basta-basta makapasok pag galit ka.” Napangiti ako kahit ayaw kong ipahalata. “Wala ka naman balak ako galitin, ‘di ba?” Lumapit siya. Mabilis. Malapit. “I have no reason to ever hurt you, Gia,” bulong niya, habang hinahawakan ang mukha ko. At sa bawat araw na dumaraan, mas lalo akong naiinlove sa kanya. Mas lalo kong naiintindihan. Hindi lang siya dumating para balikan ako. Dumating siya para manatili. Eksaktong isang buwan na si Calix sa New York nang nagdesisyon kaming gawin ang isang bagay na pareho naming matagal nang pinangarap—magpakasal. Wala nang engagement party. Walang engrandeng plano. Walang magarbong damit o mga bisita. Kami lang. Isang tahimik na umaga, habang nagkakape kami sa balcony ng condo niya, naka-hoodie pa ako habang nakasiksik sa dibdib niya, bigla siyang bumulong— “Let’s get married, Gia. Today.” Akala ko biro lang. Pero nang tumingin ako sa mga mata niya, nakita ko ‘yung tipo ng determinasyong hindi ko pwedeng pagdudahan. “P-pero… paano?” tanong ko, kinakabahan. “Calix, this is New York. Hindi ganon kadali ‘yon—” “I’ve already done my research,” putol niya, sabay ngiti. “All we need is a Marriage License, valid ID, and a short wait. Wala tayong problema sa lahat ‘yon. May kilala rin si Mike sa City Clerk’s office. Everything’s ready.” Halos mapaiyak ako sa kaba at kilig. Nagbihis kami agad, simple lang—white blouse at trousers ang suot ko, siya naman naka dark polo at coat. Nag-taxi kami papuntang Office of the City Clerk, Marriage Bureau, sa Manhattan. Tahimik lang kami sa biyahe, pero ang mga kamay namin, magkahawak mula simula hanggang dulo. Mahigpit. Matatag. Pagdating sa opisina, tinanggap agad ang requirements namin. Pumirma kami ng forms, at halos hindi ako makahinga habang nakatitig sa papel. This is real. Pagkatapos ng ilang oras, pinapasok kami sa isang maliit na wedding chapel sa loob ng building. Kami lang. Wala kahit isang kakilala. Ang officiant, isang matandang babae na may mahinhing ngiti, tinanong lang kami ng dalawang bagay: “Do you, Calix Emmanuel Rivas, take this woman to be your lawfully wedded wife?” “Yes,” bulong ni Calix, pero matatag. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. “And do you, Gianna Ysabelle Sarmiento, take this man to be your lawfully wedded husband?” “I do,” sagot ko, kahit nanginginig ang boses ko sa sobrang emosyon. And just like that… “You may now kiss the bride.” Iniyakap ako ni Calix, at sa gitna ng isang lungsod na hindi pa rin namin lubos na pag-aari, sa harap ng isang estrangherong saksi, naging kanya ako. At siya, naging akin. Legally. Emotionally. Forever. Pag-uwi namin sa condo, may dala siyang maliit na cake. Tumawa kami habang nakaupo sa sahig, kakain ng cake gamit ang kutsarita at kamay. Walang engrandeng celebration. Pero punong-puno ng pagmamahal. Bago pa man magdilim, si Calix galing sa kwarto namin—hawak ang coat ko. “Magbihis ka, baby,” bulong niya. “We’re going somewhere.” “Ha? Saan tayo pupunta?” tanong ko, gulat at sabik. Ngumiti lang siya at hinalikan ang noo ko. “Secret. Basta ako na bahala sa lahat.” At gaya ng dati, sumama ako—buong tiwala. Gabi na nang makarating kami sa isang lugar na parang eksena sa movie. Sa dulo ng mapuno at madilim na kalsada, isang secluded log cabin ang nakatayo sa gitna ng katahimikan. Mula sa loob, kita ang mahinang ilaw ng fireplace na para bang may mainit na yakap na nagaabang sa amin. At sa likod nito—isang malaking frozen lake na tinatamaan ng buwan. Lake Placid. “Two nights,” sabi ni Calix habang binubuksan ang pinto. “Just us. Hindi ko na napigilang ngumiti. Kasi sa unang pagkakataon… naramdaman ko talaga na asawa na niya ako. Na ito na ang simula ng maliit pero totoo naming mundo. Pagpasok namin, punong-puno ng rustic charm ang loob ng cabin. Wooden walls, high ceilings, malambot na fur rugs, at isang malaking bed na may white linen sheets. May wine, dinner na pre-set sa mesa, at jazz music na marahang tumutugtog sa background. “Did you plan all this?” tanong ko habang nakayakap sa braso niya. “Every second,” sagot niya, sabay tingin sa akin nang may ngiti. “Our first night as husband and wife. Gusto ko, maalala mo habang buhay.” At ganoon nga ang nangyari. Kumain kami sa tabi ng fireplace habang nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at paminsan-minsan ay nagkakatinginan na para bang hindi pa rin kami makapaniwalang kasal na kami. Pagkatapos ng hapunan, binuhat niya ako papunta sa kama. Wala akong ibang naramdaman kundi init. Nang ibaba niya ako sa kama, dahan-dahan ang bawat galaw niya. Parang sining ang bawat haplos—walang pagmamadali, walang kaguluhan. Ilang segundo pa lang pero ramdam ko na agad ang panginginig sa tuhod ko. Hinubad niya ang suot kong sweater, hinaplos ang baywang ko pababa. Tumingin siya sa akin na para bang ako ang tanging bagay na gusto niyang hawakan buong gabi. “You’re so beautiful…” bulong niya habang tinatanggal ang suot kong trousers. Napakagat labi ako. Lalo na nang lumuhod siya sa paanan ng kama at dahan-dahang hinila pababa ang lace underwear ko—gamit lang ang mga daliri at sulyap. Ang init ng tingin niya. Wala pa siyang ginagawa, pero para na akong masasabog. Umakyat siya sa kama, dumausdos sa ibabaw ko na para bang ayaw niyang may pagitan kahit isang pulgada. “You okay, baby?” tanong niya, dumidikit na ang mga labi niya sa akin. Tumango ako, nanginginig. “I’m yours…” At parang iyon ang hudyat. Hinalikan niya ako—marahan sa una, pero lumalim. Naging mapusok. Tumunog ang bawat halik. Basa, mainit, nakakawala ng ulirat. Ang kamay niya, gumapang sa dibdib ko. Nilamas niya iyon habang sinusupsop ang balat sa leeg ko. Marahan. Matagal. Hindi ko na maalala kung paano niya natanggal ang belt at pantalon niya. Basta ang alam ko, pareho na kaming hubad. Laban sa malamig na hangin mula sa bintana, ang init ng balat niya ang tanging mundo ko. “I want to see you,” bulong niya. Hinawakan niya ang dalawang binti ko, ibinuka iyon at itinukod sa magkabilang balikat niya. Nakahiga ako, helpless, habang nakatingin siya sa akin mula sa pagitan ng hita ko—ang mga mata niya, puno ng pagnanasa, pero may lambing pa rin. May respeto. May pagmamahal. Pumasok siya—dahan-dahan. Mainit. Matigas. Punong-puno ako. Napa-arko ang likod ko sa kama, napakapit ako sa bedsheet. “F*ck… Calix…” bulong ko, nanginginig habang nararamdaman kong pumupuno siya sa akin. Nang buo na siyang nakapasok, hindi siya gumalaw. Tinitigan niya lang ako—mata sa mata. “Okay ka lang?” bulong niya ulit. “Don’t stop,” sagot ko. “Don’t ever stop…” At saka siya gumalaw. Mabagal. Malalim. Tuloy-tuloy. Sa posisyon naming iyon—nakataas ang mga binti ko, nakatukod sa balikat niya—ramdam ko ang bawat pagbaon. Tumatama siya sa pinaka-sensitibong bahagi ng katawan ko. Paulit-ulit. Precise. Sinasadya. “Calix… oh God—there,” ungol ko, napapikit. “Here?” tanong niya, at inulit niya ang anggulo. Tumama ulit. Halos mapasigaw ako. Tumukod siya gamit ang dalawang braso sa gilid ng ulo ko, at sa bawat thrust niya, ramdam kong mas malalim, mas masarap. Yung tipong nawawala ako sa sarili ko. Ang katawan ko, nanginginig sa sarap. Parang nilulunod niya ako sa init. Hinalikan niya ako ulit habang patuloy ang paggalaw niya—mas mabilis na ngayon, pero hindi bastos. Hindi marahas. Parang sinasayaw niya ang buong katawan ko, hanggang sa mawalan na ako ng lakas. “I love you,” bulong niya habang malapit na kaming sabay. “I love you too… don’t stop… I’m—Calix, I’m close—” “Let go, baby… I got you…” At doon na ako sumabog. Ang katawan ko, bumaluktot. Bumulwak ang init sa loob ko, nanginginig ang mga binti ko habang sinabayan niya ako ng isang malalim, madiin na ulos—at doon ko naramdaman ang pagpuno niya sa akin. Mainit. Mabigat. Buo. Bumagsak siya sa ibabaw ko, pero nakaalalay pa rin. Humihingal kami pareho. Basa ng pawis ang mga balat namin pero ni hindi ko alintana ang lamig ng gabi. Hinalikan niya ako sa labi. Isang mahaba, tahimik na halik. “We’re married now…” bulong ko. “Legally… emotionally… spiritually,” sagot niya, naka-ngiti. “Forever,” sabay naming sabi. At sa unang gabi bilang mag-asawa, walang ibang saksi kundi ang mga bituin, ang apoy sa fireplace, at ang mga palad naming magkadikit habang sabay kaming nakatulog. Kinabukasan, sabay kaming naglakad sa tabi ng frozen lake, magkahawak-kamay habang dahan-dahang sumisinghot ng mainit na tsokolate. Ang bawat hakbang ay parang himig ng panibagong simula—kami lang, sa ilalim ng langit na tahimik at mapayapa. Sa paligid namin, kumikislap ang liwanag ng niyebe, sumasabay sa bawat halakhak na pinakakawalan namin. Minsan ay humihinto siya para ayusin ang scarf ko, minsan naman ay hahalikan ang pisngi ko na parang hindi siya makapaniwalang mag-asawa na kami. Nang mag-yaya siyang umupo sa bangko malapit sa lake, agad siyang pumwesto sa likod ko at niyakap ako nang mahigpit. Ramdam ko ang init ng katawan niya, tumatagos sa makakapal naming suot—at diretso sa puso ko. "Hindi ko akalaing darating tayo sa ganito," bulong niya sa tenga ko, malambing at totoo. Napangiti ako habang nakasandal sa dibdib niya. At doon, habang yakap niya ako at ginuguhit ng hininga niya ang leeg ko, isa lang ang malinaw sa isip ko: Kung ito ang simula ng habang-buhay, handa akong sumugal araw-araw. Basta siya ang kasama ko. Nang pauwi na kami sa cabin, bigla siyang tumakbo sa unahan. "Last one to the door does the dishes!" sigaw ni Calix, may ngiting nang-aasar habang tinatakbuhan ang niyebeng daan. "Hoy! Unfair ka!" sigaw ko habang humahabol, pero ang tawa ko ay mas malakas kaysa sa reklamo. Naghabulan kami sa gitna ng niyebe, habang ang malamig na hangin ay tila naglalaro rin sa paligid namin. Napapatili ako sa kilig at tuwa, lalo na nang bigla niya akong habulin pabalik, parang bata lang na walang ibang iniisip kundi ang saya ng sandaling ‘yon. Pagdating sa harap ng cabin, naunahan niya ako pero hinintay niya akong makalapit, saka ako sinalubong ng yakap, mahigpit at mainit. “Panalo ako,” bulong niya, hinahabol pa ang hininga. Ngumiti ako at tumingala sa kanya, “Okay lang. Basta ikaw ang reward ko.” Napatawa siya, saka ako hinalikan—mabilis, malamig sa labi pero mainit sa puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD