CHAPTER 5

2061 Words
Magkayakap pa rin kami ni Calix sa malambot na kama, hubad pa rin pareho, nakabalot lang ako sa kumot habang ang mga daliri niya ay marahang humahaplos sa braso ko. Tahimik ang paligid. Parang kami lang ang tao sa buong mundo. Hanggang sa biglang… "Riiinngg... riiinngg..." Napakislot ako. Tumunog ang cellphone ko sa bedside table. “Zoe,” sabi ko, nagulat. Bago ko pa man maabot ang phone, inunahan na ako ni Calix. Kinuha niya ito at agad sinagot—naka-loudspeaker. “Good morning,” ani Calix, nakangisi habang nakatitig sa akin. “You’re on speaker.” “GIAAAAAAAA!” sigaw ni Zoe mula sa kabilang linya, parang pumuputok ang boses niya sa galit at kaba. “Bakit hindi ka umuwi?! Saan ka natulog?! ANONG GINAWA NIYO NI CALIX?!” Halos mabulunan ako sa hangin. “Z-Zoe—!” Pero si Calix, kalmado lang. Umiling siya, natawa pa habang pinupunasan ng kumot ang pawis sa leeg niya. “Relax, Zoe,” sagot niya, amused. “She’s safe. With me. Masaya.” “MASAYA?!” halos pasigaw si Zoe. “Don’t ‘masaya’ me, Rivas! Ano bang ginawa mo sa bestfriend ko?!” Napapikit ako sa hiya, halos gusto ko nang lamunin ng kama. “Zoe, pwede ba—” “Wait lang—kayo ba?! I mean—did you two—?!” Calix laughed softly, saka tumingin sa akin, playful ang ngiti. “Well, let’s just say… we didn’t exactly sleep early,” sabay kindat sa ‘kin. “CALIX!” sabay naming sigaw ni Zoe. Ako dahil sa kahihiyan, si Zoe dahil sa shock. “Gago ka talaga—oh my god—Gia! Tell me he didn’t just say that!” Hindi ako makasagot. Nakabaon lang ang mukha ko sa balikat ni Calix habang namumula sa hiya. “Zoe, we’re both adults,” sagot ni Calix, calm but firm. “And I care about her. A lot.” Natahimik si Zoe sa kabilang linya. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya muling nagsalita, this time, mas kalmado na. “…Okay. Fine. Pero Gia, magparamdam ka naman kahit papaano! Akala ko tinangay ka ni Calix sa bundok o kung saan.” Napatawa na rin ako, kahit nakayuko pa rin. “Sorry, Zo. I’ll update you next time.” “Next time?!” sigaw ulit niya. “So may next time na talaga?!” Calix grinned. “Definitely.” Zoe groaned. “Lord, give me strength. Kayo na talaga.” And just like that, the call ended—with Zoe still half-panicking, half-teasing. Calix put the phone down at niyakap ako ulit. “Your best friend’s intense,” bulong niya. “She has every right to be,” sagot ko, humihikbi pa sa kakatawa. “Still cute, though. Pero mas cute ka.” “Shut up,” sabi ko, pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nilalapit ko ang mukha ko sa kanya. Isinama ako ni Calix sa opisina niya sa Rivaxon Automotive Group. Pagbaba pa lang namin sa kotse, hinawakan na niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong mas malakas—ang t***k ng puso ko o ang kaba sa dibdib ko. Pagpasok namin sa building, lahat ng mata ay napako sa amin. Parang nag-pause ang buong floor. Mga empleyado sa front desk, admin staff, interns, security guard—lahat sila napalingon. May ilan na nagkatinginan, may bumubulongan, may napakagat ng labi, may napaayos ng suot. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa CEO na kasama ang isang babaeng mukhang kagigising lang mula sa weekend getaway? Suot ko pa rin ang simple pero eleganteng blouse na hiniram ko mula sa closet ni Calix—white silk na bahagyang mas malaki sa akin, tucked into high-waist jeans. Wala akong makeup, buhok ko ay buhaghag pero kinapitan ng lamig ng hangin mula sa sasakyan. At si Calix… naka-dark navy suit siya, walang tie, top button undone. Relaxed pero commanding. CEO. Boss. Dangerous. Hinawakan niya ang lower back ko habang papasok kami sa elevator, tila proud na proud. “Sanay ka bang may audience?” tanong niya, nakangiti habang sumasara ang elevator doors. “Not really,” mahina kong sagot, halos hindi makatingin. “You’ll get used to it,” bulong niya sa tenga ko. “Let them look.” Pagdating sa top floor, isang malaking glass door ang binuksan para sa amin. Tahimik lang ako habang pinapasok ako ni Calix sa private office niya. Modern, minimalist, full of glass walls and sleek matte black furniture. May leather couch sa gilid, floor-to-ceiling window overlooking Davao City. At sa gitna, isang executive desk na parang hindi lang nagtatrabaho ang may-ari—naghahari. Pinaupo niya ako sa sofa habang siya ay pumuwesto sa desk. “You can stay here while I finish a few meetings,” sabi niya. “Pero if you get bored, just come sit on my lap.” Napatingin ako sa kanya, shocked. He grinned. “Kidding. Kind of.” Napailing ako, namumula. Pero habang sinusulyapan ko siya na busy na sa laptop niya, habang tinatanggal ang coat at inaayos ang sleeves ng polo, isang bagay lang ang malinaw: This was his world. Lumipas ang tatlumpung minuto at puro typing at tawag lang ang maririnig sa opisina. Tahimik lang akong nanonood sa kanya mula sa couch. Nakapatong ang isang throw blanket sa hita ko, habang tinatapos niya ang last email sa laptop. “Gia,” tawag niya sa akin habang inaayos ang collar ng polo niya. “I have a meeting downstairs.” Tumango ako. “Okay.” Lumapit siya sa akin—marahan, mabigat ang bawat hakbang—tapos yumuko at hinalikan ako. Hindi lang basta halik. Mariin. Mabagal. Mapang-angkin. Parang gusto niyang ipaalala kung sino ako para sa kanya—at ipaalam sa buong building. Pagkatapos, marahan siyang ngumiti, pero may tensyon pa rin sa mata niya. “Stay here. I already told Therese to bring you snacks. Don’t go anywhere, okay?” Tumango ako, medyo natulala pa sa halik. “Okay…” Paglabas niya ng opisina, naamoy ko pa ang pabango niya sa hangin. Naiwan akong mag-isa sa isang silid na tila punong-puno pa rin ng presensya niya. Ilang minuto lang ang lumipas, may kumatok sa pinto. Bumukas ito, at isang babae ang pumasok—matangkad, may pagka-model ang katawan, straight long hair, naka-fitted Rivaxon uniform. Siguro nasa late 20s. May hawak siyang tray na may tea at banana bread. “Miss Gia?” bati niya, may kaunting ngiti sa labi pero malamig ang mga mata. “Snack po para sa inyo. Galing kay Sir Calix.” “Thank you,” sagot ko, tinanggap ang tray. Tahimik niya iyong inilapag sa table sa harap ko, tapos bahagyang nagtagal ng tingin. “Pasensya na…” sabi niya, tila nagpipigil ng ngiti. “Hindi lang ako sanay na may babae rito sa opisina niya.” Napakunot ang noo ko. “Ah… ganun ba?” “Hmm,” sagot niya, sabay tingin sa couch na kinauupuan ko. “First time yata may ginanito si Sir. You must be very… special.” Bago pa ako makasagot, ngumiti siya—pero may kakaibang tono. “I’m Mira, by the way. Secretary ni Sir Calix,” sabi niya, sabay abot ng kamay. Hindi ko na namalayan kung ilang beses akong napalingon sa orasan. Ang tagal. Sabi ni Calix isang oras lang daw ang meeting niya, pero halos apat na oras na ang lumipas. Naubos ko na ang tea, kinain ko na rin 'yung banana bread na pinadala ng secretary niya—si Mira, na parang may tinatago sa likod ng pilit na ngiti. Bawat tik-tak ng orasan, para akong nababaliw. Sobrang tahimik sa office niya, pero sa loob ko, ang ingay. Tinapunan ko ng tingin ang pintuan. "Anong ginagawa ko rito?" tanong ko sa sarili. "Bakit ako nandito… sa mundo niya?" Pinikit ko ang mga mata ko. Nakahiga ako sa couch. Gusto ko lang siya hintayin, pero hindi ko na kinaya. Pumikit lang ako sandali, pero… tila tuluyan nang dinapuan ng antok. At sa gitna ng katahimikan, saka ko narinig ang click ng pintuan. Dahan-dahan akong iminulat ang mga mata ko. Bakas sa malalambot na yabag sa carpet ang pagbabalik niya. Si Calix. Nakatingin siya sa akin—para bang… parang nahulog siya sa sarili niyang mundo. Nakakunot nang kaunti ang noo niya, pero may lambing sa paningin. May init. “Baby,” bulong niya. Hindi ko alam kung gising ba talaga ako, o nasa panaginip pa rin. “Baby…” Narinig ko ang boses niya, mababa, paos, parang musika na bumalot sa akin. Mabigat pa ang talukap ng mata ko, pero ramdam ko ang banayad na haplos sa pisngi ko—init ng palad niya, dumampi na para bang ako ang pinakamahalagang bagay na hinawakan niya. Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Nandoon siya. Nakaupo sa gilid ng couch, naka-unbutton ang top ng suit niya, gulo ang buhok, halatang pagod… pero nakangiti. ‘Yung ngiting hindi ko mapigilan ang puso ko—nagkakandarapang tumibok. “Sorry,” bulong niya, hinaplos ang buhok ko, tinanggal ang ilang hibla sa noo ko. “Ang tagal ko.” Umiling ako. “Okay lang… Gusto lang kitang hintayin.” He leaned down, pressing a soft kiss sa noo ko. “Nakatulog ka sa couch, baby. Alam mo bang ngayon lang natulog dito ang isang babae?” “Talaga?” tinanong ko, medyo namumula. “Ako ang nauna?” He smiled, eyes crinkling. “Ikaw palagi ang gusto kong mauna sa lahat.” My heart stuttered. Nakatitig siya sa akin—matagal, tahimik. Parang binabasa ang bawat alalahanin na hindi ko pa sinasabi. “Pagod ka na,” sabi ko, hinaplos ang pisngi niya. “Medyo,” ngumiti siya, “pero ikaw ang pahinga ko.” Hinalikan niya ako sa pisngi—isa, dalawa—hanggang sa labi ko. Isang halik na puno ng lambing, hindi nagmamadali. Mabagal. Marahan. Hindi kailangan ng salita. Napayakap ako sa kanya habang nakaupo kami sa couch, ang ulo ko sa balikat niya, ang kamay niya nakapulupot sa baywang ko. And in that quiet moment, habang yakap-yakap niya ako, alam kong kahit gaano ka-komplikado ang mundo niya—hindi ako natatakot. Because I was exactly where I belonged. With him. Maaga kaming nakaalis sa opisina ni Calix. Pagod man siya, hindi raw siya mapakali hangga’t hindi ako nadadala pabalik sa villa para makasama lang ako. At siyempre, hindi ko na tinanggihan. Pagpasok pa lang namin sa main door ng villa, tahimik. Walang ingay, walang tao sa kusina, ni anino sa veranda. Akala ko walang tao—pero paglingon ko sa sala… “Oh my God,” bulong ko. Nakita namin si Zoe—nakasampa sa kandungan ni Lance habang magkadikit ang labi nila, sabay ang gigil sa halikan at tawanan. Medyo gumagalaw na ang kamay ni Lance sa baywang ni Zoe, habang ang best friend ko naman ay tila nakakalimutan na ang mundong ginagalawan nila. “Zoe!” tawag ko, gulat na gulat. Naghiwalay agad ang dalawa, halos magkandarapa si Zoe kakababa mula sa kandungan ni Lance, habang si Lance ay sumandal na parang walang nangyari, pero pulang-pula ang mukha. “Oh my God, Gia!” sigaw ni Zoe, hawak ang dibdib na parang hinihingal. “Hindi naman kayo nagsasabi na uuwi na kayo!” “Hindi naman kayo nagsasabi na may private show kayo dito sa sala,” sabay tawa ko, at napailing. Tumawa si Calix sa tabi ko, naka-akbay pa sa balikat ko. “Mukhang good mood ka, Lance,” sabi niya, kunwaring seryoso. “Kuya naman!” reklamo ni Lance habang tinatakpan ang mukha niya ng unan. “Tulog kami dito mamaya,” sabi ni Calix, may halong biro sa tinig. “So kung may plano pa kayo, gawin n’yo na sa kwarto, at least may pinto.” Napasigaw si Zoe. “Ugh! Calix! Bakit ang bastos mo?” “Hindi bastos. Prangka lang,” nakangiting sagot niya habang hinila ako papunta sa kusina. “Come on, baby bear. Let’s cook dinner.” Pagkalampas namin sa kanila, narinig ko pa ang pabulong na “Uy, safe ba tayo kagabi?” ni Zoe kay Lance. Napatawa ako. Hindi ko alam kung anong klaseng araw ang naghihintay sa akin bukas. Pero ngayong nandito ako, kasama si Calix, kasama ang kaibigan ko, at tumatawa sa gitna ng kabaliwan—pakiramdam ko, kahit pansamantala lang, everything feels right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD