CHAPTER 16

2058 Words
CALIX’S POV Maaga akong nagising. Tahimik pa ang buong unit—tanglaw lang ng mahinang sikat ng araw mula sa balcony ang nagbibigay liwanag sa kwarto namin. Napalingon ako sa tabi ko. Nakatulog si Gia nang nakatalikod, banayad ang paghinga, at bahagyang nakayakap sa kumot. God, she looked so peaceful. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama para hindi siya magising. Kinuha ko ang robe ko at lumabas ng kwarto. Pagdaan ko sa bookshelf, napatingin ako sa maliit na secret door na nag-uugnay sa unit ko sa kanya. Isa 'yon sa mga desisyong hindi ko pinagsisisihan—ginawa ko ang lahat para hindi kami mapaghiwalay. Pumunta ako sa kitchen. Tahimik kong sinimulan ang araw ko sa paggawa ng almusal para sa kanya. Pancakes na may berries, scrambled eggs, at hot choco—alam kong ‘yun ang paborito niya bago pumasok sa school. Habang hinihintay ko maluto ang eggs, tiningnan ko ang wall clock. 8:20 AM. Kailangan niya ng at least 30 minutes to eat and prep. Habang nagpiprepare ng tray, tumigil ako sandali. Hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam—yung ganito kasimple, pero sobrang lalim. Na ang almusal na niluluto mo, hindi lang basta pagkain. Isa siyang paraan para iparamdam na mahal mo siya araw-araw. Pagbalik ko sa kwarto, mahimbing pa rin siyang natutulog. Dahan-dahan kong nilapag ang tray sa nightstand, saka lumapit sa kanya. “Baby…” mahinang bulong ko, hinaplos ang buhok niya. Dumilat siya, dahan-dahan. “Hmm… Calix…” “Good morning,” bulong ko, sabay halik sa noo niya. “Bumangon ka na. May pasok ka.” Napangiti siya, antok pa. “May food?” “Of course. Sino pa ba magluluto para sa’yo, kundi ang asawa mong masipag?” Tumayo siya at humalakhak, pero kita sa mga mata niyang touched siya. Habang kumakain siya, inayos ko na ang gamit niya—laptop, notebooks, ID lanyard. Nilagay ko lahat sa canvas tote niya. Pagkaligo niya, sinalubong ko siya sa may pintuan. Suot niya ‘yung hoodie ko na oversized sa kanya, with her tote slung over one shoulder. “Handa ka na?” tanong ko, hawak ang susi ng kotse. Tumango siya, tapos niyakap ako bigla. “Thank you, baby.” “Always.” Pagdating sa university, huminto ako saglit sa harap ng drop-off. Tahimik. Tinitigan ko siya habang inaayos niya ang hair tie niya. “Sige na, late ka na,” sabi ko. Ngumiti siya. Pero bago siya bumaba, hinila niya ako papalapit at hinalikan—hindi simpleng halik. Hinalikang makapugto ng hininga. Parang ayaw niya akong iwan. Pagkababa niya, sinundan ko siya ng tingin habang papasok siya ng building. Hindi ako umaalis hangga’t hindi siya tuluyang nawawala sa paningin ko. Pagbalik ko sa unit, diretso ako sa office area ng condo. Naka-set up na ang laptop at Zoom account ko. May meeting ako with the board—investors, regional heads, pati si Daddy Basti nasa call. Ganito na ang buhay ko mula noong dumating ako sa New York. Wala nang balik-Davao. Lahat ng commitments ko for Rivaxon, ginagawa ko rito—online. Sa condo. Para hindi ko kailangang malayo sa asawa ko. At sa lahat ng ito, iisang tao lang ang nakakaalam—si Ate Therese. Alam niya ang kasal namin. Alam niya ang sitwasyon. At kahit ilang beses niya akong tinanong kung sigurado ako, sa huli, tinanggap niya. “I trust you, Calix,” sabi niya nung huli naming call. “At alam kong hindi mo pababayaan si Gia.” Pinanindigan ko ‘yon. Dahil hindi lang ako CEO ngayon. Asawa na rin ako. At ang bawat hakbang ko, bawat desisyon ko, para sa amin na. Para sa kinabukasan naming dalawa. Pagtingin ko sa orasan—3:00 PM. Napamura ako sa sarili. “Damn,” bulong ko habang mabilis na tinapos ang call. “Sorry, gentlemen. I have to cut this short. May importante lang akong pupuntahan,” paalam ko sa board habang tina-type ko na rin ang shutdown sa laptop. Tinupi ko agad ang sleeves ng polo ko, siniguradong may dala akong jacket niya—alam kong minsan nilalamig siya pag hapon—at saka kinuha ang susi ng kotse. Habang nasa elevator pa lang ako, mabilis ang t***k ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong klaseng urgency ang bumalot sa akin, pero tuwing oras na ng uwian ni Gia, parang automatic akong nabubuhay sa isang purpose lang: masundo siya. Ilang minuto lang, nasa labas na ako ng university building. Nakapark ako malapit sa gate kung saan ko siya palaging sinusundo. At kahit ilang araw ko na ‘tong ginagawa, hindi pa rin nawawala ang kaba at excitement sa dibdib ko tuwing makikita ko siyang lumalabas—may bitbit na tote, magulo ang buhok, at laging may ngiting reserved lang para sa akin. Doon pa lang, alam kong uuwi ako nang kumpleto. GIA’S POV Paglabas ko ng university gate, kasabay ng init ng hapon ay ang kaba sa dibdib ko. Mabilis ang pintig ng puso ko habang sinusuyod ng mata ko ang mga nakaparadang sasakyan. At doon ko siya nakita. Nakasandal sa pinto ng kotse, naka-itim na polo at dark jeans. Suot niya ang paborito kong relo sa kaliwang pulso, at ‘yung subtle na ngiti sa labi niya—yung tipong pagod pero masaya. “Calix...” bulong ko sa sarili ko, parang hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang buhay ko ngayon. Agad siyang lumapit sa akin, kinuha ang bag ko, saka ako hinawakan sa bewang. “Hi, baby,” mahina niyang sabi. “Hi,” sagot ko, pilit na tinatago ang ngiti ko. Pero bumukal pa rin sa labi ko. “Ang aga mo yata?” “Tiningnan ko ang relo ko… Sabi 3PM na pala.” He smirked. “Tapos sabi ng puso ko, ‘sunduin mo na ang asawa mo.’” Napailing ako, pero natatawa. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inalalayan akong pumasok. Pagkasakay niya sa driver’s seat, hindi niya agad pinaandar ang kotse. Tumitig lang siya sa akin. Tahimik. Mainit. Parang gusto niyang basahin lahat ng iniisip ko gamit lang ang mga mata niya. “May nangyari ba?” tanong ko, nilalaro ang mga daliri ko. “Wala,” bulong niya, pero may lalim ang titig niya. “Gusto lang kitang titigan. Kasi buong araw kitang hindi kasama.” Natahimik ako. Hanggang sa unti-unti siyang yumuko at hinalikan ako. Hindi mabilis. Hindi rin mapusok. Yung tipo ng halik na marahan pero nakakakaba. ‘Yung tipong hindi lang labi ang nadadamay, kundi pati puso. Kumikirot. Pero masaya. “Let’s go home,” aniya pagkatapos. Tumango ako. Habang minamaneho niya ang kotse, nakapatong ang isang kamay niya sa hita ko. Hinahagod-hagod niya ‘yon gamit ang hinlalaki niya, parang sinasabi niyang “Andito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan.” At sa mga ganitong simpleng sandali, kahit wala kaming masyadong sinasabi, alam ko… Mahal na mahal niya ako. Pagkabukas namin ng pinto, agad akong napahinto. Nandoon siya. Si Papa. Nakatayo sa gitna ng sala, nakasandal sa baston niya, seryosong nakatingin sa amin—sa akin. Sa likod niya, may limang security men. Tahimik silang lahat, pero ramdam ko ang tensyon. Parang may sasabog. “P-Papa?” mahina kong tawag. Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang lumapit. Ikinubli ko ang katawan ko sa likod ni Calix, pero nakita ko sa gilid ng mata ko ang isang bagay na hawak ni Papa—mga papeles. Marriage certificate. “Akala mo ba matatakasan mo ako, Gia?” malamig ang boses niya. “You think you can hide this from me?” Hinampas niya ang papel sa mesa. Napapitlag ako. “Papa, please—makinig ka muna sa'min—” “Makinig?” Napatawa siyang parang baliw. “I raised you with everything! Lahat ng luho mo, binigay ko. Lahat ng plano ko, sinunod mo. And now you marry this boy behind my back?” “Ramiro,” sabi ni Calix, kalmado pero matigas ang tono. “We never meant to disrespect you. Minahal ko lang po ang anak ninyo. Hindi ko kailanman guguluhin ang buhay niya.” Lumapit si Papa kay Calix, hawak ang panga niya. “You think love is enough to protect her from me?” “Papa, tama na!” pilit kong hiniwalay ang kamay niya kay Calix, nanginginig ang boses ko. Pero ngumiti lang si Papa—isang uri ng ngiting hindi ko pa nakita. Isa iyong babala. Tumango siya sa isa sa mga guwardya niya. At bago pa namin namalayan— BOOGSH! Isang suntok sa tagiliran ni Calix. “Calix!” napasigaw ako, agad akong yumuko para saluhin siya, pero hinila ako palayo ng isa pa nilang tao. Dalawa. Tatlo. Sunod-sunod ang bugbog. “KONG MAHAL MO TALAGA ANG ANAK KO—ETO ANG PAGBAYARAN MO.” “PAPA, PLEASE!” halos hindi na ako makahinga sa iyak. “ITIGIL MO NA ‘TO! ANO BANG GINAGAWA MO?!” Si Calix—kahit duguan na ang labi, kahit nangingitim na ang gilid ng mata—hindi pa rin nagsalita. Tinitigan lang ako. Para bang sinasabi niyang ayos lang siya. Para bang gusto niya akong aluin, kahit siya ang nasasaktan. “Ramiro!” singhal ni Calix, humihingal. “Saktan mo na ako, wag lang si Gia. Pero kahit anong gawin mo—hindi mo ako mapapaalis sa buhay niya.” Napahagulgol ako. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak. “PAPA, PLEASE! TAMA NA!” Sumigaw ako. Umiyak. Humandusay sa sahig. Pero parang wala siyang naririnig. “Calix!” tinawag ko siya, pilit gumagapang sa sahig. “Tama na ‘to… please…” Lumuhod si Calix, pinilit tumayo kahit namimilipit sa sakit. Lumapit siya sa’kin. Duguan ang mukha, nanginginig ang kamay, pero ibinuka pa rin ang braso niya para yakapin ako. “I’m okay,” mahinang bulong niya. “I’m still here…” “Papa…” hinanap ko ang mukha ni Papa, puno ng luha ang mata ko. “Please, kung may natitira pa sa’king respeto—please stop this.” Tahimik. Hanggang sa magsalita si Papa, malamig at puno ng babala. “Hindi pa ito ang huli. Kong hindi mo siya iiwan, Gia… lahat ng tao sa paligid niya… isa-isang mawawala.” Napatingin siya kay Calix. “Consider that your first warning.” “Papa, tama na!” halos mawalan na ako ng boses sa kakasigaw. Nong tinadyakan uli sya ng isang bodyguard ni papa. Yumakap ako kay Calix, kahit duguan na siya, kahit nanginginig ang buong katawan niya sa sakit. Pero, isang malakas na hatak mula sa braso ko ang gumulat sa akin. “Huwag kang humawak sa kanya,” malamig na bulong ni Papa sa tenga ko habang hinihila ako palayo. “Calix!” halos mapunit ang lalamunan ko sa pagtili. “Wag mong gawin ‘to, Papa! Please!” “Bitawan n’yo siya!” sigaw ni Calix kahit namimilipit na sa sakit. “Gia!” Pilit akong nagpupumiglas. Kinakaladkad na ako palabas ng pinto ng condo. Dalawang bodyguard ang humawak sa magkabilang braso ko. “Wag n’yong saktan si Calix! Papa, please!” Pero imbes na sagutin ako, tiningnan lang ako ni Papa nang malamig. “Mas mabuti nang masaktan siya ngayon… kesa habang buhay kang mabulok sa piling niya.” Nang makalabas kami ng unit, iniwang bukas ang pinto—at mula roon naririnig ko na ulit ang mga suntok, ang mga impit na daing ni Calix. “Tama na! TAMA NA ‘YAN!” halos lumubog ang puso ko sa sakit. Para akong mababaliw. “Bitawan n’yo ako!” Iiyak na akong hindi ko na maintindihan ang sarili ko. “Ayoko! Balikan n’yo si Calix!” Habang tinutulak ako sa loob ng itim na SUV ni Papa, halos hindi na ako makahinga sa iyak. Ang buong katawan ko nanginginig, ang kamay ko pilit inaabot ang pinto kahit sinasara na nila. “Calix!” Sigaw ko habang papalayo ang sasakyan. “Calix, I'm sorry!” Ang huling nakita ko bago sumara ang pinto—si Calix, nakaluhod sa sahig, duguan ang mukha, hawak ang tiyan, pero pilit pa ring lumalaban. At doon ako tuluyang bumigay. Sumubsob ako sa dibdib ko, yakap ang sarili, habang ang sigaw ko ay nauwi sa hagulgol. Lumuluhang paulit-ulit na sinasabi ang pangalan niya. “Calix… Calix… Calix…” Para akong sinakal. Para akong pinunit sa gitna. Dahil sa gabing iyon, isang bahagi ng puso ko ang parang hindi na muling mabubuo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD