CHAPTER 17

2000 Words
CALIX POV That same day… Hindi ko man lang siya nayakap nang matagal. Hindi ko man lang siya naprotektahan gaya ng ipinangako ko. In just a matter of hours, Ramiro Sarmiento pulled every string he had. At kahit wala siyang legal na batayan, kahit wala akong ginagawang masama—nagawa niyang ipa-deport ako. Hawak-hawak ko pa ang wedding ring namin habang naka-upo ako sa airport lounge. Mabigat ang dibdib ko, parang pinipiga. Sa bawat segundong lumilipas, mas lalong lumalayo ang liwanag na siya. “Sir,” tawag ng immigration officer. “Boarding na po.” Tumayo ako, pero para akong walang lakas. Pumikit ako sandali, inalala ang huling beses na nakita ko si Gia—basang-basa ng luha ang mga mata, pumipiglas sa yakap ng ama niya. Sumisigaw. Umiiyak. Humihingi ng tulong. “Calix! ‘Wag kang aalis! Calix, please!” Napailing ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Umiinit ang sulok ng mga mata ko. Pero hindi ako pwedeng umiyak. Hindi dito. Hindi ngayon. Habang nasa eroplano, hawak ko pa rin ang kuwintas niya. Ilang ulit ko itong hinalikan, parang umaasa na baka sa simpleng bagay na ‘to, maramdaman ko pa rin siya. “Babawi ako, Gia…” bulong ko sa sarili. “Ipangako ko… babalik ako. Kahit wasakin pa ako ng buong mundo.” Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang naglalakad palabas ng arrival area ng NAIA. Hindi ito ang unang balik-bansa ko, pero ngayon, iba ang pakiramdam. Masyado akong tahimik sa buong flight—siguro dahil iniwan ko si Gia sa US sa hindi tamang paraan. Biglaan. Wala man lang yakap. Pagliko ko palabas ng terminal, tatlong lalaki ang humarang sa akin. Pormal, naka civilian clothes, pero may hawak na dokumento at ID mula sa NBI. “Mr. Calix Emmanuel Rivas?” Tumango ako. “Ako po. May problema ba?” Lumapit ang isa, may pinakitang warrant. “Kami po’y may dalang Warrant of Arrest para sa inyo. Kayo po’y inaaresto sa kasong Qualified Human Trafficking under R.A. 9208 as amended by R.A. 10364.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!” “May complaint filed by a certain Ramiro Sarmiento,” dagdag pa ng isa, mahigpit ang tingin. “Na ginamit n’yo raw ang impluwensya at yaman ninyo upang dalhin ang kanyang menor de edad na anak sa ibang bansa—na walang pahintulot mula sa legal guardian.” Nanigas ang buong katawan ko. “Gia? Hindi siya menor… She’s nineteen—” “Pasensya na sir, pero sa batas, under Section 4(c) ng Anti-Trafficking Act, kahit above 18, kung may coercion, deception, or abuse of power—maaaring ituring na qualified trafficking. Non-bailable offense po ito.” Namutla ako. Hindi ako makapagsalita. Ramiro, you bastard. Alam kong desperado siyang paghiwalayin kami, pero hindi ko inakalang kaya niyang baluktutin ang batas para ikulong ako. “Pwede ba akong tumawag—?” “Pwede po, pero sasama kayo sa amin sa NBI headquarters ngayon din.” Hindi ko na nagawang lumaban. Ibinaba ko ang bag ko. Tumango ako. Habang pinoproseso nila ako sa loob ng van, ang tanging nasa isip ko lang ay si Gia. Paano ko siya mapo-protektahan kung nakakulong ako? Pero isang bagay ang sigurado ako—kahit gaano pa kalalim ang hukay na pilit binubungkal ni Ramiro para sa akin... Kahit mabulok ako sa kulungan, hindi ko siya bibitawan. GIA'S POV Tatlong araw na akong nakakulong sa mala-hotel pero kulungang bahay dito sa Switzerland. Malamig ang hangin, pero mas malamig ‘yung pakiramdam ko sa dibdib. Pakiramdam ko, hindi lang ako inilayo ni Papa—parang tinanggalan din niya ako ng karapatang magmahal. Dinala niya ako rito pagkatapos ng gabing ‘yon. Yung gabing pinabugbog niya si Calix sa harap ko. Yung gabing halos mapatid ang boses ko sa kasisigaw ng pangalan niya, habang kinakaladkad ako palayo. Wala akong nagawa. Kahit anong pagpiglas ko, kahit anong pakiusap—hindi niya ako pinakinggan. Dito sa malaking bahay na may tanawing parang postcard, isa lang ang kasama ko—si Yaya Bel. Siya lang ang pamilyar. Siya lang ang may alam ng lahat ng totoo. Pero kahit siya, hindi rin makalapit masyado. Bawal ang cellphone. Bawal ang laptop. Bawal ang kahit anong koneksyon sa labas. Parang ikinulong ako sa mundong ako lang ang gumagalaw, pero walang direksyon. “Gia,” tawag ni Yaya Bel mula sa pintuan, bitbit ang tray ng almusal. “Kumain ka na kahit kaunti, anak.” Umiling lang ako. “Hindi ako gutom, Yaya.” “Hindi ka pa rin kumakain nang maayos simula nung dumating tayo. Baka naman—” “May balita na ba kay Calix?” putol ko sa kanya, kahit alam kong wala rin siyang sagot. Napayuko siya. Ilang segundo ng katahimikan, bago siya bumuntong-hininga at ilapag ang tray sa mesa. “Wala pa rin, iha…” Humigpit ang hawak ko sa kumot. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Tuwing pipikit ako, ang nakikita ko lang ay ‘yung duguan niyang mukha, ang mata niyang punong-puno ng sakit pero hindi nagsalita. Hindi siya lumaban. Hindi siya nagpumiglas. Tiniis niya. Para sa akin. Pinaglaruan ako ni Papa. Ginalit niya ako, tinakot, sinumbatan. Dumampi ang palad ko sa tiyan ko. Manipis pa lang, hindi pa halata, pero alam kong naroon siya. Bunga ng pagmamahalan namin. Malinis. Totoo. Puro. “Anak,” bulong ko, pilit pinapakalma ang puso ko, “kahit anong mangyari… ipaglalaban kita.” Paulit-ulit lang sa utak ko ang mga nangyari—ang mga sigaw, ang dugo sa labi ni Calix, ang malamig na tingin ni Papa habang hinihila ako palayo. Para akong nasa bangungot na walang katapusan. Tapos kanina, dumating si Papa. Wala man lang paunang salita. Umupo lang siya sa tapat ko habang nakatunganga ako sa veranda, hawak ang isang tasa ng malamig nang tsaa. Tahimik ang paligid—pero hindi ang loob ko. “Gia,” panimula niya, seryoso ang tono, “kailangan mong marinig ‘to. Masakit man, pero mas mabuti nang ngayon mo pa lang malaman.” Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko siya sinagot. Ipinatong niya sa lamesa ang isang brown envelope. “Hindi ikaw ang pinili niya. Ginamit ka lang niya, anak.” Napalingon ako. Dahan-dahan. Parang hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko. “Ano?” bulong ko. “Umingay na ang pangalan mo sa media sa Pilipinas. May mga litrato, mga bali-balitang kasal daw kayo. Kaya napilitan siyang magsalita. Umamin siya. Lahat daw ng ginawa niya… parte lang ng plano niya para sirain ako. Para makaganti sa akin.” Napatitig ako sa envelope. Parang bigla akong nabulag. Parang gusto kong tumakbo, gusto kong sumigaw, gusto kong maniwala na panaginip lang ‘to. “Hindi totoo ‘yan,” mahinang sabi ko, halos pabulong. Pero pinilit ni Papa. “Sinabi niya mismo sa statement niya, Gia. Pinagsamantalahan ka niya para makuha ang tiwala mo. Para makuha ang loob ng anak ni Ramiro Sarmiento. Isang laro lang ‘yon sa kanya.” Napayuko ako, nanginginig ang kamay. “Wala siyang pake. At yang pinagbubuntis mo—mas lalong hindi siya karapat-dapat.” Hindi ko alam kung kailan nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi ko na rin narinig ang mga sumunod niyang sinabi. Parang biglang naging static ang mundo. Parang may sumabog sa loob ko. Hindi ko alam kung ano’ng mas masakit—ang posibilidad na niloko ako ni Calix… o ang katotohanang ang lalaking mahal na mahal ko, hindi ko na alam kung nasaan. At kung totoo man ang sinasabi ni Papa… Anong klaseng tao ang minahal ko? Kinagabihan, isang liham ang dinala ni Victor, ang sekretaryo ni Papa. Wala siyang sinabi, iniabot lang iyon at agad umalis. Pagkabukas ko ng sobre, agad kong nakilala ang handwriting. Si Calix. Pero habang binabasa ko ang bawat linya, para akong unti-unting hinihiwa ng libo-libong karayom. *“Gia, Alam kong mahirap tanggapin, pero kailangan mong malaman ang totoo. Lahat ng nangyari sa atin ay parte lang ng plano ko. Wala akong intensyong mahulog sa’yo. Ginamit lang kita para saktan ang ama mo. Salamat sa lahat, pero tapos na. Mag-move on ka na. Calix”* Nanghina ako. Natigilan. Hindi ako makahinga. Parang may sumabog sa dibdib ko. Parang gumuho ang buong mundo ko. Hindi… hindi totoo ‘to. Hindi siya ‘to. Hindi niya kayang magsulat ng ganito. Pero bakit ang sakit? Bakit parang totoo? Nabitawan ko ang liham. Nanginginig ang kamay ko habang pinipilit kong intindihin. Pinipilit kong hanapin ang dahilan kung bakit. Bakit niya ‘ko ginamit? Bakit niya ako pinaasa? "Calix… bakit?" Bumulwak ang luha sa mga mata ko. Tuloy-tuloy. Hindi ko na napigilan ang hikbi ko. Napaluhod ako sa sahig, yakap-yakap ang sarili ko habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan niya. “Sinungaling ka… sinungaling ka…” Pero sa puso ko, kahit wasak na wasak na ‘ko… may mumunting boses pa ring umaasa. Na sana, hindi totoo. Na sana, babalik siya… at sasabihing isa lang ‘tong malaking kasinungalingan. Nang kinabukasan, pinatawag ako ni Papa sa veranda ng villa. Tahimik ang paligid. May isang set ng tea sa lamesa, pero hindi naman ako naupo. Nanatili lang ako sa tapat niya habang siya'y nakaupo't nakatingin sa akin, parang walang nangyari. “Umupo ka, Gia,” malamig niyang utos. Hindi ako gumalaw. Ilang segundo ang lumipas bago niya muling buksan ang bibig. “Nabasa mo na, siguro.” Hindi ko kailangan tanungin kung ano ang tinutukoy niya. Oo. Nabasa ko na ‘yung sulat ni Calix. O ‘yung sinasabi nilang sulat niya. “Papa… bakit? Bakit mo ‘to ginagawa?” tinig ko’y mahina pero punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. “Dahil hindi mo alam kung gaano kababa ang pinili mong lalaki. Ginamit ka niya, Gia. At ako, anak… ako ang dapat mong pagtiwalaan.” “Hindi siya gano’n…” bulong ko. “Mahal ako ni Calix.” Napailing si Papa. Naglabas siya ng isang envelope. “Alam mo ba kung sino ang huling babaeng naniwala rin sa pagmamahal ng isang Rivas?” Napakunot ang noo ko. “Anong—” Binuksan niya ang envelope at inilabas ang isang lumang larawan. Si Tita Amara. Bata pa siya noon. Masaya. Hawak ang isang lalaking pamilyar… si Tito Basti. Ama ni Calix. “Minahal niya ‘yan. Tinakbuhan niya ako, tinalikuran ang pamilya dahil sa kanya. At saan siya nauwi?” Napalunok ako. Ramdam ko na kung saan papunta si Papa. “Bangkay. Walang kalaban-laban sa ospital, habang umiiyak ang lola and lolo mong sinisisi ang sarili dahil hindi nila nailigtas ang nag iisang babaeng Sarmiento ang kapatid ko.” “Papa, tama na—” “Hindi ito kwento lang, Gia.” Tumayo siya. Lumapit. “’Yan ang kapalaran ng lahat ng babaeng nagpakatanga sa mga Rivas. Ganyan ka rin kung hindi kita iniligtas. Gusto mo bang balikan ang kasaysayan ng tita mo? O gusto mong ikaw ang sumunod?” Hindi ko na napigilan ang luha ko. Parang sinakal ako sa bigat ng salita niya. Parang sinuntok ako ng katotohanan. “Tingnan mo ang lagay mo ngayon,” bulong niya, mas mababa na ang tono, pero mas matalim. “Nagdalang-tao ka sa lalaking hindi ka naman pala minahal. Katulad ng tita mo. Walang kasiguruhan. Walang direksyon. Ganyan ba ang gusto mong maging buhay, Gia?” “Pero hindi siya kagaya nila…” Umiiyak na ako. “Hindi si Calix ang ama niya—si Calix hindi siya gano’n!” “Hindi mo pa ba nakikita? Pare-pareho lang sila. At ikaw? Mabubura ka rin, Gia. Sisirain ka rin niya.” Lalong bumigat ang dibdib ko. Lalong lumabo ang paningin ko sa dami ng luha. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw. Pero wala akong lakas. Niyakap ko ang sarili ko habang sunod-sunod ang hikbi. “At kung talagang mahal ka niya…” patuloy ni Papa, “bakit hanggang ngayon, wala siyang ginagawa para kunin ka? Para ipaglaban ka?” Doon na ako tuluyang bumagsak. Tapos na. Gumuho ang paniniwala ko. At si Papa, nakangiti ng malamig. Panalo na naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD