Chapter 18

2463 Words
Saydie     I WAS DEFEATED by the vengeful spirit again. Maybe because I'm a Senior Grim Reaper and not a Death Grim Reaper. But where am I right now? Bakit ang dilim ng buong paligid? "Saydie... Saydie..." Sino 'yon? May naririnig akong tumatawag sa akin ngunit 'di ko siya makita. Boses ng babae. Anong nangyayari? Bakit parang hindi rin ako makapagsalita? "Saydie..." Biglang lumiwanag at sa isang iglap tila ba ako'y nasa isang mataas na gusali dahil kita ko rin mula dito ang tuktok ng iba pang mga gusali sa paligid. "Saydie..." Lumingon ako nang marinig ko ang tawag at may nakita akong dalawang babae. Isang adulto at isang bata. Sila ay nakatayo sa dulo ng rooftop. "Saydie... halika na. Lilipad na tayo," sambit ng babaeng nakakatanda ngunit hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay sa bata. "Natatakot po ako," sagot ng bata. "Lilipad tayo at hindi babagsak," sambit ulit ng babae at hinawakan niya ang kamay ng bata. "Talaga po?" Tumango ang babae sa tanong ng bata. "Magtiwala ka... sa ating paglipad lahat ng problema ay mawawala na. Magiging masaya na tayo." "Makikita na po ba natin si Papa kapag lumipad na tayo?" tanong ng bata at tumango naman ang babae nang nakangiti. Kumislot ang kaliwang paa ng babae at kinutuban ako na tatalon sila kaya't... "No!" sigaw ko ngunit hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko na tila ba ako'y nakagapos. Tuluyang tumalon sa gusali ang babae kasama ang bata. Tapos bigla muling dumilim ang buong paligid. "Saydie..." may tumawag ulit sa akin at tila nag iba ang aking pakiramdam na parang napunta ako sa kung saan. Pagmulat ko ng aking mga mata... Tumambad sa akin ang mukha ni Van na tila takot.        "S-Sorry to wake you up." Agad akong tumayo at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Ano'ng nangyari? Buhay siya? Paano? "Y-You're alive? How?" Napalinga ako sa paligid at napansin kong kami'y nasa kwarto niya. Yumuko siya at tila nalungkot. "Paula spared me. Napatawad niya ako sa huling sandali." Napangiti ako. Para bang ang sarap na marinig na siya'y ligtas. "But I think I don't deserve it," sambit niya, sabay buntong hininga. Bigla namang kumalam ang tiyan ko at tila ba naghahanap ng pagkain ang katawan ko. "I'm hungry, Van. Let's eat." "Ah oo. Tama ka. K-Kailangan mo nga 'yon. I'll prepare something for you," sagot niya. Lumabas siya ng kwarto at sumunod naman ako. "By the way, how did we get here?" tanong ko. "Did someone helped us?" "Ah oo. Iyong si... Reeve." "Si Master Reeve?!" gulat kong tanong. Tumango siya at dumiretso sa tapat ng refrigerator, saka binuksan iyon. Ako nama'y umupo sa hapag kainan. Kumalam ulit ang tiyan ko. Pakiramdam ko parang walang lakas ang katawan ko. Gusto ko ng paborito ko. "Do you have ice cream, Van? I want an ice cream." "Wala. Pero gagawa ako ng omelette," sagot niya habang may kinukuha sa loob ng ref. Hindi na ako umangal. Siguro mamaya na lang ang ice cream. Biglang may tumunog na parang pinopokpok na bell nang mabilis sa malapit at nang mahanap ko kung saan ito galing... ito pala ay ang tinatawag nilang telepono. Pinuntahan ito ni Van at kinuha. "Hello?" Huminto siya saglit na parang naghihintay, tapos ay tumingin siya sa akin. "Paakyatin mo na lang siya dito sa unit ko. Ayokong umalis dito," sambit niya ulit. Muli siyang huminto ulit nang saglit. "Sige. Salamat." Tapos ay binaba niya ang telepono. "May bisita tayo, Saydie. Please change your clothes. Medyo sira-sira na, e," sambit niya habang palapit sa akin. Napatingin naman ako sa damit ko at may mga punit na nga ito. Tumayo ako at pumunta sa kwarto para mag palit ng damit.         TUMUNOG ANG TILA kalembang ng isang maliit na kampana at napapunta nito si Van sa may pinto. Binuksan niya ito at isang lalaking matangkad na mahaba ang buhok ang nakita ko. "Good morning, Mr. Chua." "Detective Ignacio... tuloy ka," sagot ni Van sa lalaki. "Salamat." Nang makapasok ang lalaki, nag-iba ang pakiramdam ko. Lumapit ako at tinignan ko siya nang mabuti. "By the way, detective. This is my friend, Saydie," sambit ni Van. "Saydie this is Detective Rio Ignacio." Inalok akong makipag-kamay ni detective... "Nice to meet you, Ms. Saydie."...pero 'di ko ito pinansin at nanatiling nakatigtig lang sa kanya. Hinawakan ni Van sa balikat si detective. "Let's take a seat, detective. Ganyan talaga 'yang si Saydie pag gutom. May topak. Kakain pa lang sana kasi kami, e." Napakunot noo ako sa aking narinig. What did this loser called me this time? "Ah gano'n ba. Pasensya na," nakangiting sagot ni detective habang hinihimas ang likod ng kanyang ulo. "Don't worry. This won't take long." Umupo sila sa dalawang magkatapat na mahahaba't malalambot na upuan nang magkaharap. "What is this about detective?" tanong ni Van. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ang detective. Meron talagang kakaiba sa kanya na hindi ko pa maipaliwanag. Pero kung matititigan ko siya nang matagal, lalabas rin ang katotohanan sa pamamagitan ng mga matang may basbas ni Death God. "Naparito ako para i-update ka sa kaso ni Paula Fuentes at ni Marsha Uy. Base sa investigation namin at sa mga witness na lumitaw... Ito pa lang si Ms. Fuentes ay nalulong sa droga nang bumagsak ang kanyang career bilang artista at naging dahilan kung paano naganap ang isang karumaldumal na krimen 6 days ago. Ayon sa autopsy... naka-droga siya nang kidnap-in niya si Ms. Uy at dinala niya ito sa isang lumang bahay kung saan niya ito ginilitan ng pulso. Pagkatapos ay nagpakamatay siya," wika ni detective. "Ang masama sa nalaman ko, Mr Chua..." dagdag pa ni detective at siya'y bumuntong hininga. "...ayon sa mga malalapit na kaibigan ni Ms. Fuentes... nagsimula ang pagpapabaya niya noong kayo ay maghiwalay. Hindi ako sigurado pero mukhang hindi niya natanggap ang nangyari sa relasyon niyo at doon siya nalulong sa droga. At kaya naman niya pinatay si Ms. Uy ay dahil sa ito ang sumunod mong naging nobya matapos siya. Siguro ay inakala niya na dahil kay Ms. Uy kaya mo siya iniwan." Napatingin ako kay Van. Nakayuko siya at ang mukha niya ay tila maiiyak na. Mukhang ang tinutukoy na Paula ng detective na ito ay ang Vengeful Spirit na nakalaban ko kagabi base sa banggit ni Van kanina. Pero kung 6 days ago siya namatay... mukhang hindi iyon ang dahilan kung bakit si Van Kyle Chua ay isang killer's soul. He's been a killer's soul a long time ago. He was just lucky to be alive up to this point. Bumuntong hininga si Van at nanatiling naka-yuko. "Maraming salamat... sa update, detective." "Pero ang motibo na iyon ay theory pa lamang. Maaaring may iba pang dahilan kung bakit pinatay ni Ms. Fuentes si Ms. Uy. Pwedeng siya'y sobrang high lang sa droga ng mga oras na 'yon at napag trip-an niya si Ms. Uy. Kaya huwag kang mag-isip na baka ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay. Gayon pa man, labas ka na sa kasong ito, Mr. Chua. Dahil wala namang direkta o hindi direktang utos mula sa 'yo na magpakamatay si Ms. Fuentes o kaya naman ay patayin niya si Ms. Uy. Also, matagal na rin pala mula noong kayo'y maghiwalay," sambit pa ni detective. Hindi sumagot si Van at tumulo ang luha niya na agad niya namang pinunasan. "I'm sorry for the news I brought, Mr. Chua." Tumayo si detective at hinawakan niya si Van sa balikat. "Lalakad na ako." Tumango lang si Van at hindi sumagot. Pero ano itong nararamdaman ko? Bakit tila parang nararamdaman ko rin ang kalungkutan niya? Tumayo si Van at lumakad sila ni detective papunta sa pinto na agad ko namang sinundan. Kailangan kong malaman kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa detective na ito. "Siya nga pala, tungkol sa nagbabanta sa buhay mo. Hindi pa namin alam kung sino ang may gawa nu'n. Base kasi sa blood test at DNA test ng dugo na nakuha namin sa death threat letter na binigay mo, lumabas na animal blood lamang iyon. Pero patuloy pa rin ang aming imbestigasyon." Umiling si Van at ngumiti pero parang ito ay pilit. "No need detective. N-Nakausap ko na kung sino ang may gawa nu'n. It was a friend of mine pulling a prank. I won't be pressing charges." "Gano'n ba? Sige, Mr. Chua. Ikaw ang bahala," sagot ni detective. "Pero p'wede ko na bang makuha ulit ang anting-anting ko?" Natawa nang marahan si Van at napakamot sa likod ng kanyang ulo. "Um about that, detective... I dropped it somewhere. Hindi ko na mahanap kaya..." Dumukot si Van ng pera sa bulsa at iniabot ito kay detective. "...if it's okay... I'll just pay for it?" "Ay gano'n ba? Well... mukhang hindi mo naman talaga sinasadya. Pero h'wag mo ng bayaran. Actually, may taning na ang buhay ng tatay ko kaya 'yong anting-anting niya ako rin ang magmamana, so may kapalit pa rin," sagot ni detective, tapos ay bumuntong hininga. "Siguro kaya nawala 'yon ay dahil mamanahin ko na ang sa tatay ko. One hundred years niya ring nagamit 'yon at mukhang dahil doon kaya siya nakatagal ng gano'n." Tinapik ni detective sa balikat si Van. "Mr. Chua mauuna na ako." "S-Sige, detective. Maraming salamat." "Ms. Saydie..." sambit niya sa akin at bigla kong nakita na ang kanyang bungo ay kulay itim na. Palatandaan na siya'y minsan na o maraming beses ng nakaligtas sa kamatayan. Bakit kaya? May nagbubura kaya ng pangalan niya sa death book? Tuluyang umalis ang detective at si Van naman ay bumalik sa kusina. Ako ay umupo ulit sa may hapag kainan at tahimik na naghintay. Bigla kong naalala 'yong babae at bata kanina. Hindi kaya alam ni Van ang ibig sabihin nu'n? "Van..." tawag ko. "Yes?" "...kanina nakakita ako ng babae na may kasamang batang babae na tumalon sa building. Tapos bigla na lang ako napunta sa kwarto mo at nakita kita. Anong ibig sabihin nu'n? Nangyayari ba 'yon sa inyong mga tao?" "Hmm... 'di ka naman umalis kagabi at kanina ka lang nagising. Baka ang nakita mo ay isang panaginip," sagot niya habang may hinahalo na kulay dilaw na likido sa glass bowl. "Ano ang isang panaginip?" tanong ko pa. "It's um... It's what you see when you're sleeping. Minsan mga random na bagay ito na walang kinalaman sa buhay mo, paminsan alaala ng nakaraan mo, at sabi naman ng mga matatanda may kinalaman daw sa hinaharap mo 'yon. Pero sabi naman ng science, sometimes it's what your mind's hidden desires. It's really hard to explain," sagot niya. "Mukhang tama nga 'yong si Reeve." "Si Master? Anong ibig mong sabihin?" "Ang sabi niya nagiging tao ka na daw. Have you look at yourself in the mirror?" Napakunot noo ako. "Why?" Nginitian niya ako at tinuro niya ang salamin. "See for yourself." Pumunta ako sa salamin at nang makita ko ang aking sarili... nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala na ang war paint sa mukha ko. My lips is just plain pink, and my eyes doesn't have the black paint anymore. "This is absurd." "Absurd?" dinig kong pag-ulit ni Van at tumawa siya. "No, Saydie! You actually look prettier." Uminit ang mga pisngi ko at nakita kong namula ito nang bahagya. Hinawakan ko ang aking mukha ng marahan at para bang nagustuhan ko ang sinabi ni Van. "A-Are you sure? Is this really better?" tanong ko. "Way better! Come. Food is ready." Napangiti ako at muling tinignan ang sarili ko sa salamin. Tapos ay bumalik na ako sa hapag kainan kung saan may isang kulay dilaw na may kaonting kulay green ang nasa pinggan sa aking harap. Mukhang malambot ito at mainit. "Ano ito?" "That's an omelette. Kumain ka na, may tatawagan lang ako," sagot niya at pumasok siya sa kwarto. Ako nama'y tumingin sa pagkain. Malaki ang omelet na hinanda niya at may kulay kahel pang inumin. NASARAPAN NAMAN AKO sa inihanda ni Van at nabusog din pero gusto ko talaga ng ice cream. Saktong pagkatapos ko kumain, lumabas si Van ng kwarto. "Van let's go get an ice cream." "Uhm Saydie... lilipat nga pala tayo ng unit bukas. Para may sarili tayong kwarto. Tapos mula breakfast, lunch, snack, and dinner may mag de-deliver ng pagkain dito. And don't worry, sinamahan ko ng ice cream. Tapos kapag bored ka, I set the TV for different kinds of movies na pwede mong panoorin. Just press the biggest button to turn it on. Gusto ko na lang kasing mag stay dito at ayaw ko ng lumabas hanggang sa mamatay ako," sambit niya at mukhang siryoso siya. "Why?" Umupo siya sa tapat ko at bumuntong hininga. "May aaminin ako sa 'yo, Saydie. And... if you want to punish me after hearing what I'm about to say, okay lang. I don't care anymore. But uh... I just want to say that... after ng nangyari kagabi... I realized that I don't deserve to live. All my life I've been a guy who breake women's heart. Ako 'yong klase ng tao na sarili niya lang ang iniisip at dahil doon marami akong nasaktan including Paula. Dahil doon pinatay niya rin si Marsha. And I uh... I can't live with that. Knowing that I was the reason behind the bad things that happened." Nakinig lang ako sa kanya. Nakatingin siya sa ibaba at tila tulala. Malungkot siya at ramdam ko na nasasaktan siya sa tono ng kanyang pananalita. "Saydie... I uh..." Muli siyang bumuntong hininga na para bang ang bigat-bigat ng loob niya. "I'm sorry. Kasi kahapon... kaya ako nalagay sa peligro ay dahil tinakasan kita. I discovered something that can hide me from you. Kaya ko nagawa 'yon. But that item has been destroyed kaya hindi na kita matatakasan pa. At isa pa... Ayoko na ring tumakas. Pero hindi pa rin maikakaila ang katotohanan na niloko kita. Tapos tinaya mo pa rin ang sarili mo para iligtas ako. Pero sa totoo lang... hindi ko na nakikita ang sarili ko na karapatdapat na iligtas. I don't deserve to live and this time... I seriously want to tell you that I'll just stay here until the day I die. No more games and no more lies." Imbes na magalit ako at maisip na parusahan siya, tila ba nakaramdam ako ng awa. Being a human is really something. It makes you feel more alive as you feel what others are feeling. Poor human. Regrets really comes once you've done it. "So... if you want to punish me or tie me up, it's okay. I will accept," sambit pa niya. "Forget it," sagot ko. "What's done is done." Hinayaan ko na lang siya. Tingin ko, sa nararamdaman niya ngayon, nagdurusa na rin siya at mukhang nagsisisi na siya. Sapat na iyon bilang parusa sa mga nagawa niya. Pero sa kabilang banda nakakaramdam ako ng awa para kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD