Chapter 17

2182 Words
Van FOR MANY YEARS that I've been jumping to different kinds of girls every month, I didn't know that this was going to happen. Hindi ko alam na ang sama-sama ko na pa lang tao. And Paula was right... all I think about was myself. That's why I never have thought that someone may have been suffering because of me. But not anymore... Siguro ito rin ang dahilan kung bakit pinapasundo na ako ni kamatayan, kaya dapat ngayon... habang may-oras pa... itama ko na ang lahat ng kamalian ko kahit sa huling... pagkakataon. Tinignan ko si Paula na tila isa nang multo na may matatalim at mahahabang kuko. Siya'y puting puti, maliban sa kanyang itim na buhok at sa mga mata niyang lumuluha ng dugo. Kahit gano'n ang kanyang itsura, tila nakikita ko sa aking isipan ang mukha niya na para bang nakikita ko mula doon kung gaano siya naghirap nang dahil sa ‘kin. "Paula... Alam kong huli na ang lahat para humingi pa ako ng tawad sa 'yo pero... I just want to say that I'm sorry... Sorry for everything. Naging selfish ako at marami pala akong nasaktan at napaluha nang dahil doon, at isa ka sa mga 'yon. Honestly, I never have thought about it and all I had in my mind was to play. But now... I have realize that I shouldn't live in this world. I have no right anymore. Dapat ang buhay sa atin ay ikaw." "Huli na ang lahat para sa pagpapatawad. Huli na ang lahat para sa pagsisisi. Dadalhin kita sa impyerno kahit magdusa rin ako!" sagot niya na tila puno ng galit habang papalapit sa akin. Bumuntong hininga ako at umiling habang nakatitig sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam na isipin kung anong hirap ang dinanas niya dahil sa akin kaya't bigla na lang tumulo ang luha sa aking mata. "I was so wrong to have wronged you. Lalong lalo na sa pagbabawalang bahala ko sa damdamin mo. If I could turn back the time... I shouldn't have done what I did. I should have become a better person. Pero alam kong huli na ang lahat para doon. But if I can make a last wish... Paula... hindi mo na kailangan sumama pa sa impyerno. Kusa akong pupunta doon para sa 'yo, at para sa lahat ng taong nasaktan ko at naloko ko. You don't deserve more suffering. Kung meron taong dapat maghirap dito... ako 'yon. Kaya naman..." Idinipa ko ang aking mga braso. Tapos ay tumingin kay Saydie para sa huling pagkakataon. She was trying to say something or trying to stop me, but her voice seems to have disappeared and her eyes are filled with tears. I never thought that. I never thought that grims do cry. "Saydie... say goodbye to Kylie for me. Tell her that her brother loves her so much and tell her not to fall to a guy like me. Paki sabi rin sa ama ko na..." bumuntong hininga ako. Tila ba hindi ko na kaya ang gusto ko pang sabihin. "...tell him that I'm so sorry for being a stubborn son." Umiiling lang siya na tila ba hinang-hina at ang kanyang mga mata ay parang papikit na. "Good bye, Saydie." Binigyan ko siya ng ngiti. Ngunit siya'y tila tuluyan nang nawalan ng malay. Sunod ay bumaling ako kay Paula na nasa mismong harapan ko na. "Paula... thank you for opening my eyes," sambit ko at nginitian ko rin siya. "Now..." Inalis ko ang ngiti sa aking mga labi, pumikit ako, at huminga nang malalim. "...kill me with all your hate. Let me take that hate with me to the afterlife so you may rest in peace." Inihanda ko ang aking sarili sa paparating niyang atake na papatay sa akin. Inaasahan ko na ito sa loob ng ilang saglit. Wala na akong paki kung ito'y masakit, mahapdi, o kung ano pa man ang pakiramdam ng mamamatay. Ang mahalaga ay mapagbabayaran ko na sa impyerno ang mga kasalanan ko. "Van... Kyle... Chua," dinig kong tawag ni Paula. Pero hindi ko na ito pinansin at inalala lang ang mga masasayang araw ng buhay ko. Pati na rin ang mga pagkakataon na nang iwan ako ng mga babae. Suddenly, I was able feel their heart breaks. It made me feel being torn apart. It was like my first heart break but tenfold. Umabot man ito sa inyong lahat o hindi... gusto kong malaman niyo na... I'm so sorry for being Van Kyle Chua. "Van," dinig kong tawag ulit ni Paula sa akin ngunit tila hindi na galit ang tono ng kanyang salita. "Open your eyes... I… I heard you." Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Wala na ang halimaw at ang nasa harap ko ay ang totoong itsura ni Paula bilang isang tao. "P-Paula?" Ako'y natulala at hindi na nakapagsalita. Lumuluha ang kanyang mga mata ngunit siya'y nakangiti. "Narinig kita at naramdaman ko kung gaano mo pinagsisisihan ang lahat. Ngayon alam ko na. Sapat na sa akin ito na pinagsisisihan mo na kung ano ka noon. I wish I was able to see more of the new Van Kyle Chua but it's the end of the line for me. Pero bago ko tuluyang lisanin ang mundo... gusto kong malaman mo na..." Napalunok ako. Sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. "...hindi mo kasalanan ang lahat at may oras ka pa para itama ang lahat ng bagay, at saka... pinapatawad na kita." Nang marinig ko mula kay Paula ang mga salitang iyon, tila may tumama sa puso ko na nag-alis ng bigat nito kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko. Bahagya akong napanganga at tumulo ang luha sa aking mga mata. "Good bye, Van," nakangiti niyang sambit at may dumating na lalaking nakaitim sa kanyang likuran. "Paula Fuentes... your time in this world is up," sambit ng lalaking tila walang emosyon at inalok niya ang kanyang kamay kay Paula. Tumalikod si Paula sa akin at hinarap ang lalaki. "P-Paula… Paula sandali!" tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon at humawak siya sa kamay ng lalaking naka-itim. Sinubukan ko silang lapitan ngunit sa isang iglap... bigla silang nawala. I was stunned and wondering what I saw. But then the black attire and the emotionless face strike my mind that the man I saw was a Grim Reaper. Tapos ay bigla kong naalala si Saydie. "Saydie!" Nagmadali akong lumapit sa kanya at iniangat ko ang ulo niya sa braso ko. Tapos ay sinuri ko ang kanyang pulso sa kanyang leeg. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman kong meron ito. "Saydie, wake up! Wake up please!" Inalog-alog ko siya pero hindi siya nagigising. "Let her sleep and rest to heal," dinig kong boses ng isang lalaki. Malamig ito at tila malalim. Lumingon ako at isang lalaking naka-black suit ang aking nakita. "Who are you?" "I am Reeve, Death Grim Reaper and Saydie's master." "M-Master? Well then can you help her?" "I will. That's why I am here. But first I have to deal with the other humans in this room." Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita kong tila wala pa ring malay sila Kobe at ang mga tauhan niya, pati na rin si Bea. "Ano'ng nangyari sa kanila? Buhay pa ba sila?" tanong ko. Tumango siya at lumakad siya na mukhang patungo kay Bea na nasa lamesa. "Buhay pa sila. But I need to put them back to their homes and erase their memories of what happened here." Hinawakan niya si Bea sa braso at lumingon sa akin. "Wait here." "Okay. But please take care of them. And...Whatever you're gonna do... make sure they won't get hurt." Hindi siya sumagot pero 'di naman ako kinutuban nang masama. Then a circular motion of space appeared in the middle of his body, and within 2 seconds he vanished with Bea. Tumingin ako kay Saydie at napansin kong may mga dumi ang mukha niya. Kaya't hinubad ko ang sira at basa kong t-shirt. Tapos ay binilog ko ito at marahang dinampi sa mukha niya. Mukhang hindi nabubura kapag dahan-dahan, 'di naman siguro siya magagalit kapag diniinan ko nang kaonti. Diniinan ko at binilisan ko ang pagpunas hanggang sa sinakop ko na ang buo niyang mukha para linisin siya pero pagtanggal ko ng t-shirt ko... wala na ang kulay dugo niyang lipstick at lahat ng make-up sa kanyang mukha. Ang aliwalas niyang tignan at tila maamo. Higit sa lahat... ang ganda niya. Mas maganda siya nang natural ang kanyang itsura. Bigla akong nakarinig ng pag-ihip ng hangin at... "What are you doing?" Nataranta ako at agad kong itinakip sa katawan ko ang t-shirt na pinampunas ko. "N-Nothing, sir. Pinupunasan ko lang ang mukha niya." It was Saydie's Master, Reeve. Lumapit siya sa akin at tinignan si Saydie. "I see... Her war paint fades. She's becoming more human now." Jeez! What the-- he calls make up as war paint? Weird. "I came back to get the others. Give me a few seconds," sambit ni Reeve at lumapit siya sa isa sa mga tauhan ni Kobe. Hinawakan niya ito at naglaho sila. Muli akong bumaling kay Saydie na mukhang mahimbing lang ang tulog. "So... mas nagiging tao ka na pala. Don't worry... I won't make another mistake again. Hindi na ako muling manloloko pa." Ilang segundo ang lumipas, matapos magpabalik-balik ni Reeve para dalhin sila Kobe sa kanilang mga tahanan... "Alright I'm done. Kayo naman," sambit ni Reeve at hinawakan niya kami ni Saydie sa balikat. Sa isang kurap na tila pag usog sa aking katawan, napunta kami sa condo unit ko. Binuhat ko si Saydie sa kanyang hita at likod, at dinala ko siya sa kwarto. Inihiga ko siya sa kama at susuriin ko sana ang kanyang sugat pero tila ba nawala na lang ito bigla. "Let her rest, human. It will take time for her mortal body to heal. Do her a favor and do not leave her side," sambit ni Reeve at bigla na lang siyang naglaho. Jeez! He said he was gonna help her. Akala ko pagagalingin niya si Saydie, 'yon pala ihahatid lang kami. I guess I have to tend to her. But I'll be glad to do it. She sacrificed herself for me not just once but many times now. This is the least that I can do. Inayos ko ang pagkakahiga ni Saydie sa kama. Ipinatong ko sa unan ang kanyang ulo at minabuti kong takpan na lang ang katawan niya ng kumot. I know she'll be mad if I do something about her clothes so better leave it as it is for now. Baka kung saan na naman niya ako ihagis o itulak. Pero sa totoo lang... wala na akong paki-alam kung ano'ng mangyari sa akin. Kung mamatay ako nang maaga o sa nakatakdang panahon. Kahit pinatawad na ako ni Paula, hindi ko pa rin maaalis sa isip na dahil sa akin ay pinatay niya ang kanyang sarili. At maraming mga babae ang nasaktan ko ang damdamin. Lumabas ako ng kwarto matapos mag palit ng damit. Nahiga ako sa sofa at naisip kong tawagan si Kylie. Agad naman niya itong sinagot. "Hi, kuya Van! Napatawag ka?" "Hi Kylie. I just... miss my little sister. Kamusta ka? Nasaan ka ngayon?" "Oh I miss you too, kuya. I'm at the office. It's working hours right now," sagot ni Kylie sa kabilang linya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 12 midnight na pala. "I uh... I can't sleep. Do you have a minute?" "Sure, kuya. Bakit? May problema ka ba? You sound sad," sagot ni Kylie na may nagaalalang tono. "Not really. But I just want to ask... Masama ba akong kuya?" Narinig kong tumawa siya nang marahan sa kabilang linya. "Kuya are you drunk? Nagda-drama ka, e. But of course not. Ikaw nga ang pinaka-da best na kuya, e." "I see... thanks, Kylie." Hearing my little sister's voice and flatterings should have made me happy but it made me feel worst. Mahal na mahal ako ng kapatid ko pero sa klase ng tao ko, mukhang hindi ko deserve ito. "What's wrong, kuya? May problema ka ba sa babae?" "Wala, Kylie. That's all. Mag iingat ka palagi at tandaan mo na mahal na mahal ka ng kuya mo." "I know. Thanks, kuya! Have a good sleep." Pinatay ko na ang tawag at natulala na lang ako sa kisame. Iniisip ang lahat ng nangyari kanina at iniisip ang mga panahong masaya ako pero lingid pala sa kaalaman ko na may nasaktan at nasasaktan ako. Dahil doon buo na ang desisyon ko... wala akong karapatan mabuhay sa mundo kaya't hihintayin ko na lang ang oras ng pagkamatay ko. UMAGA NA PERO gising pa rin ang diwa ko. Halos 'di ako nakatulog sa kakaisip at sa kaka-sisi sa aking sarili. Pumasok ako sa kwarto at nakita kong tulog pa rin si Saydie. She needs to eat to gain strength again, I should wake her up. "Saydie?" Tinapik-tapik ko ang braso niya at ilang saglit pa, bigla siyang nagising at diretso ang tingin niya sa akin. Napalunok ako at agad na umatras. Patay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD