Chapter 6

2176 Words
Saydie     INIWAN KO MUNA si Van Kyle Chua sa kanyang condo matapos kong sabihin ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa akin at sa napipinto niyang kamatayan. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nakita kong Vengeful Spirit sa sasakyang muntik makabanga sa kanya kagabi. Siya kaya ang target nito? Kung oo, pwede akong mabigo sa challenge ng Death God sa akin dahil gagawin nito ang lahat para patayin ang binabantayan kong kaluluwa. I have to ask Master Reeve. Sinubukan kong mag-warp papunta sa Death Collector Society pero imbes na mapunta ako doon... napunta ako sa rooftop ng condo. Nakalimutan ko... tao nga pala ako ngayon at hindi ako pwede sa kampo namin. Pumikit ako at tinawag sa aking isipan si Master Reeve sa pamamagitan ng pagbigkas ng pangalan niya nang paulit-ulit. Hindi siya sumasagot at hindi rin siya dumating. Maybe he's on his mission right now. But I have to tell him about the vengeful spirit. Nilibot ko ang buong siyudad sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-warp at nag baka sakaling nasa paligid si Master Reeve. Mahigit isang oras din ang lumipas nang biglang... makarinig ako ng mga kalabog sa malapit na lumang warehouse. Agad akong nag-warp sa loob nu'n at nakita ko si Master Reeve na nakikipag laban sa tatlong vengeful spirits. Napalibutan siya ng tatlo kaya't nilabas ko ang aking Death Scythe at nag-warp ako sa tabi niya. "Need some help?" "You are not allowed. But I'll let it slip this time," sagot ni Master Reeve habang naka-porma ng kanyang sword fighting stance. This is the first time that I'm going to use my weapon to fight. Good thing that all senior Grim Reapers are trained to do so. And it seems this is the reason behind it. Inobserbahan ko ang mga kalaban. Ang mga kanang kamay nila ay kasing laki ng upper body ng isang tao at may matutulis itong mga kuko. Habang ang dalawang vengeful spirit ay bungo ang mukha na puro dugo, ang isa ay tila isang babaeng may mahabang buhok na lumuluha naman ng dugo at mas malaki siya nang bahagya kumpara sa dalawa niyang kasama. "Careful, Saydie. They can't kill us but they can knock us down long enough to fulfill their vengeance," sambit ni Master Reeve. Sinugod niya ang kalaban na nasa harap niya. Ako nama'y sinugod ng kalaban na nasa harap ko. Inihampas nito ang mga claws niya sa akin ngunit paatras akong nakailag. But the vengeful spirit followed me with consecutive attacks. Hindi ko magamit ang weapon ko para mag-counter attack dahil sa distansya. Napakalapit niya at masyadong mahaba ang sandata ko. So I dodge and dodge until I was able to jump up high away from it. Sinundan ako ng vengeful spirit sa ere pero naka-distansya na ako kaya't napaikot ko sa aking harapan ang sandata ko. Mabilis na mabilis ko itong pina-ikot kaya't ang atake ng kalaban ko'y nabalewala. Tumalsik lamang siya sa ibaba nang tumama ang claws niya sa pinaiikot kong death scythe. Bagsak siya sa sahig kaya't bumaba na rin ako. Ibinuwelo ko sa likod ang talim ng aking sandata at sinugod ang kalaban. Nang matantsa ko na abot na siya ng sandata ko... mabilis kong inihampas sa kanya ito nang pahaba. Sapul siya at lumampas pa ako sa kanya sa lakas ng paghiwa ko. Paglingon ko, nagliyab ang vengeful spirit at naglaho. Bumaling ako kay Master Reeve at nakita kong pinagtutulungan siya ng dalawang Vengeful Spirits. Ibinuwelo ko sa likod ang patalim ng death scythe ko at sinugod ko ang babaeng kalaban. Nakailag siya sa atake ko at lumipad sa ere. Naramdaman ko na tila nagbabadya ng pagtakas ang babaeng vengeful spirit dahil tumalikod ito. "Master Reeve, tumatakas ang isang 'yon." Nag-warp ako sa itaas ng babaeng kalaban at ibinuwelo ko pahaba ang aking sandata. "Saydie, don't!" Inihampas ko pahaba ang aking death scythe sa kalaban pero bigla itong nawala at sa isang iglap nakaramdam ako ng matutulis na bagay na humiwa sa likuran ko. Tumalsik ako at bumagsak sa sahig. Bumigat ang mga mata ko at nanghina ang mga katawan ko. Hanggang sa bigla na lang nagdilim ang lahat. "Saydie!!"         TILA BIGLA NA lang bumalik ang diwa ko. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko ang asul na kalangitan at ang mga ulap. Bumangon ako mula sa matigas na hinihigaan at nakita ko si Master Reeve na tila pinagmamasdan lang ang paligid mula dito sa rooftop ng isang building. "Master Reeve. What happened?" "You were knocked down, Saydie. Since you're in human form, you had wounds and I had to treat it." "I'm sorry, Master Reeve. I moved without thinking," sambit ko at tuluyan akong tumayo. Humarap sa akin si Master Reeve at ngumiti siya nang bahagya. "All is well, my apprentice." "Nakatakas ba ang mga kalaban?" Lumakad siya palapit sa akin at pinakita niya ang hintuturo niya. "Just the one. The one that looks like a female. The one I was after. I managed to kill the other one." "Where are we?" Luminga ako sa paligid at tila pamilyar sa akin ang lugar. "Nasa rooftop ba tayo ng condo kung saan naroon si Van Kyle Chua?" Tumango si Master Reeve. Lumakad siya't nilampasan ako. "Sa tingin ko ang vengeful spirit na hinahabol ko ay target ang binabantayan mong soul." "I thought so too, Master Reeve. Kaya hinanap kita para sabihin sana 'yon. Nakita ko siya noon na gumamit ng taong nagmamaneho ng sasakyan para sagasaan si Van Kyle Chua. But I was able to save him." "Is that the reason why you used the crystal cube I gave you and you're in human form now?" Tumango ako sa tanong niya. "Gaano nga pala katagal ang epekto nito?" Muling humarap sa akin si Master Reeve. "I'm not quite sure. But the previous owner of that cube was able to hide from me for a month. Until I used my weapon to struck him down. But as I’ve said you can choose to deactivate its power whenever you want to. Why? Ayaw mo na bang maging half Grim Reaper, half human?" "Hindi sa gano'n. Pero mukhang magagamit ko pala ang kapangyarihan nito hanggang sa matupad ko ang challenge sa akin. Lumabas na kasi ang challenge sa akin ng Death God at itong pagiging tao ko ngayon ang tingin kong makakatulong sa akin. Pero inaalala ko ang vengeful spirit na gustong umatake sa kanya.” "Worried, huh? Hmm... Ako na ang bahala sa vengeful spirit. Magbabantay ako sa inyo dahil alam kong lalabas siya pag may pagkakataon na siyang maghiganti sa soul na binabantayan mo. Focus on your challenge." "Yes, Master Reeve." Tumalikod siya sa akin at lumakad nang tatlong beses tapos ay lumingon. "Another thing, Saydie. Siguro napapansin mo na... pero habang tao ka, unti unti ka ng magkakaroon ng emosyon at pakiramdam. The longer you are a human the longer you'll feel like one. Careful not to feel pity with the soul that you're about to take." "Understood. Babalik na ako. Thanks for helping me." Nag-warp ako sa loob ng condo unit ni Van Kyle Chua but only to find out that he wasn't home. Nakaramdam ako ng pag-akyat ng dugo ko sa aking ulo at tila uminit ito. That loser, he did not listen to me. He may be thinking that he can escape, but no. As his Grim Reaper, I can find wherever he is. Sa pamamagitan ng pangalan niya sa death book, lumabas ang larawan sa isip ko kung nasaan siya. Muli akong nag-warp at napunta ako sa isang tuyong ilog. Kung saan ay may kulay itim na bahay na gawa sa yero. Bumukas ang pinto ng bahay at lumabas mula doon si Van Kyle Chua. Dapat ko siyang parusahan para madala. "Ikaw pala..." sambit niya. Bigla siyang lumapit sa akin na tila walang takot sa mukha. Then he wrap his arms around me and pull me to his body. "...na-miss kita." Nakaramdam ako ng bahagyang pag-init sa pisngi ko at tila bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Anong klaseng pakiramdam ito? And why is this guy touching me? "Sorry umalis ako. Hinanap kasi kita, e," sambit pa niya. Pero bakit naman niya ako hahanapin? This guy should know his place. I think he forgot who I really am. Kinuha ko ang pagkakataong nakayakap siya sa akin at nag-warp kami pabalik sa condo unit niya. Umatras ako palayo sa kanya at itinapat ko sa kanya ang palad ko. Kasabay nu'n ay ginamitan ko siya ng itim na lubid ni kamatayan na inilabas ko mula sa kawalan. Inisip ko na puluputan siya nu'n at gano'n nga ang nangyari. "What the—" Pinalutang ko siya sa ere para mahirapang magpumiglas sa lubid. "Pakawalan mo ako!" Tuluyang napuluputan ang buo niyang katawan hangang sa bibig niya. Nagpupumiglas siya at tila may sinasabi pero ang naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng kanyang paghuni. Itinutok ko sa kisame ang aking palad kaya't napunta siya doon na parang nakadikit habang nakagapos hanggang bibig. Suddenly... It feels... good na para bang kusang gumalaw ang mga labi ko... at napangiti ako. "I should have done this earlier. I think I'm going to put you there until the day of your death comes."           HOURS PASSED AND the afternoon came. Masyadong gumagawa ng ingay si Van Kyle Chua at nagpupumiglas siya nang nagpupumiglas. Itinapat ko sa kanya ang kanang palad ko para luwagan ang gapos sa kanyang bibig para malaman ko kung ano ang nais niyang isambit. "God damn it, you gothic girl grim reaper! Siraulo ka ba?! Tao pa rin ako at kailangan kong uminom ng tubig, kumain ng pagkain, at mag banyo! Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom, uhaw, at call of nature?! Muntik na ako mamatay nang maaga sa ginawa mo!" Tama siya. Hindi ko naisip na pwede niya nga palang ikamatay ang ginagawa ko sa kanya. Pinaglaho ko ang lubid ni kamatayan sa katawan niya at bumagsak siya sa sahig. "Ow! Tsa, tsa, tsa! Aray!" Anong problema ng isang 'to? Bumagsak lang naman siya sa sahig. Umupo ako at 'di ko inalis ang tingin ko sa kanya. Nang makatayo siya, nagmamadali siyang pumasok sa banyo. "Don't try to escape, Van Kyle Chua. Or I will give you the worst punishment." "Oo na, oo na. Masyado ka namang clingy. Nandito lang naman ako kasama mo," sagot niya. Clingy? What is this loser talking about? Ilang saglit pa, lumabas siya ng banyo at nag unat ng katawan. "Go drink and eat. Ibabalik na kita sa pagkakagapos mo," sambit ko. Umupo siya malapit sa akin sa bandang kanan ko at ipinatong niya ang kanyang baba sa dalawa niyang kamay. Nginitian niya ako at bigla niyang hinawakan ng mabilis ang baba ko. What is he doing? "Wait lang naman, my gothic baby. Hindi ba mas maganda 'yong ganito na 'di tayo nagtatalo? Hindi naman ako aalis dito sa tabi mo, e. Tanggap ko na kasi na mamamatay na ako. Tsaka base sa ginagawa mong pagbabantay sa akin, mukhang importante na makuha mo talaga ang soul ko kaya makikipagtulungan na ako sa 'yo." Tinignan ko ang mukha niya. Hindi na siya tulad ng dati na natatakot at natataranta. Nakangiti na siya na para bang handa na talaga. Siguro nga tanggap niya na. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at parang may kaonting kuryente akong naramdaman. "Pero may hiling sana ako. Gusto ko kasing lubos lubosin na ang mga natitira kong oras dito sa mundo. Gusto ko sanang samahan mo ako na lumabas labas at sumubok ng mga bagay bagay. Promise, masaya lalo na kapag kasama mo ko." Tinignan ko ang kanang kamay niyang nakapatong sa kaliwang kamay ko tapos tinignan ko ang mukha niya. Bigla niya namang inatras ang kamay niya at nanatiling nakangiti sa akin. "Sorry napahawak ako sa kamay mo. Kanina ko pa kasi nakikita, e. It looks very soft and smooth kaya 'di ko na napigilan ang sarili ko. By the way, if I recall it right from the day you saved me, people are looking at us. Does that mean they can see you now too?" I nodded. What is this guy doing? His presence and way of talking to me suddenly changed. "I had to be in human form to save your soul for the meantime," sagot ko. "Oh I see… So ibig mong sabihin tao ka na?" Tumango ako sa tanong niya. "Perfect! Have you taste human food before?" Umiling ako. "We never had too. And we couldn't." Isa sa mga tanong ko noong bagong Grim Reaper pa lang ako at nanonood sa monitor ng pamumuhay ng tao ay ang pakiramdam at lasa ng pagkain. "Alam mo, kung pagbibigyan mo ako sa hiling ko... ipaparanas ko sa 'yo lahat ng magagandang nararanasan ng tao." Tumahimik ako at nag-isip... Hanggang sa napag isip-isip ko na kung willing na siyang makipagtulungan sa akin ay pwede ko rin siyang pagbigyan. Isa pa, gusto ko rin masagot ang mga tanong ko tungkol sa mga tao. Ito na rin siguro ang pwede kong maging basehan kung hihiling ba ako na maging tao o ang mag-advance bilang isang Death Grim Reaper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD