Van
MUKHANG EFFECTIVE ANG mga pa-cute, pambobola, at pagpapagwapo ko sa kanya. Pumayag na siya sa request ko. Mukhang madali lang 'to. Ngayon mas kampante na akong matatakasan ko ang kamatayan. Kaso... 'di ko talaga siya type kaya baka hindi maging natural ang mga da-moves ko. I can't say if she's pretty nor ugly. She have her own style pero hindi pasok sa panlasa ko. Gothic look and full black. Jeez! Give me a break.
Naglalakad kaming dalawa sa labas at naghahanap ako ng makakainan na sa tingin kong magugustuhan niya. Sinusulyapan ko siya, pero diretso lang ang tingin niya na akala mo'y isang isang robot. Nakasuot pa 'yong hoody niya. Iyong mga taong napapatingin sa amin siguro iniisip na ang weird nitong kasama ko. Kasi may narinig pa akong nagbulungan na malayo pa raw ang Halloween may naka costume na. Dyahe! Hindi ko na lang muna iisipin ang iba. Ito lang ang pag-asa ko para mabuhay kaya dapat tuloy tuloy ang mga da-moves ko.
Habang naglalakad, naisip kong hawakan ang kamay niya para holding hands while walking kami. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya para siguradong maramdaman niya. Pero pagkatapos ng limang hakbang habang kami'y naglalakad nang magkahawak kamay... bigla siyang huminto kaya't napagaya ako. Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko, at bigla niya akong sinakal sa leeg. Tinulak niya ako hanggang sa lumapat ang likod sa isang matigas na bagay at unti-unti kong naramdaman na wala na sa lupa ang mga paa ko. Tila unti-unting nawalan ng hangin ang aking hininga sa ginawa niya kaya't sinubukan kong tangalin ang kamay niya pero sadyang mas malakas siya.
"You are not allowed to touch me, Van Kyle Chua," malamig niyang sambit.
"Ok...ke..ke...kay."
Binitawan niya ako at agad akong napahawak sa leeg ko habang hinahabol ang paghinga ko. Jeez! What is this girl's problem? Hinawakan ko lang naman ang kamay niya, e. Akala ko wala siyang emosyon? Bakit parang nagalit yata siya? Pambihira!
"Ikaw naman! Wala namang masama sa naghahawak kamay habang naglalakad, e. Tsaka h'wag mo nga akong tawagin sa full name ko. You can call me Van or Kyle. Basta h'wag Van Kyle or Van Kyle Chua. Ako nahihirapan sa 'yo, e," sambit ko habang nakasapo pa rin sa leeg. Napansin kong nawala ako sa pagiging sweet kaya't muli akong nakaisip na bumanat. "Or pwede rin namang..." bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya at nginitian ko siya, "...baby ang itawag mo sa akin." Tapos kinindatan ko pa siya.
"Why would I call you a baby? You're not an infant."
Anak ng-- basag ako du'n a! "O-Okay fine. Just call me Van."
Hindi siya sumagot at tila may nakapukaw ng atensyon niya na sinundan niya pa ng tingin. Nang tignan ko iyon... ito pala ay dalawang babae na naglalakad habang kumakain ng ice cream.
"Ano 'yong kinakain nila?"
"Ah 'yon ba? Ice cream ang tawag du'n," sagot ko habang inaayos ang midnight blue t-shirt ko.
Sinundan niya 'yong dalawang babae at naisip ko agad na baka agawin niya 'yong ice cream. Agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso para pigilian. "Wait a second, my gothic baby. That's not how humans get food," malmbing kong sambit.
Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad ko itong inalis. "S-Sorry. K-Kung gusto mo ng ice cream. Halika at bibilhan kita."
Dinala ko siya sa isang ice cream shop na malapit at binilhan ng ice cream. Pati ang ice cream na napili niya kulay itim. Ano kayang lasa nu'n?
Tinitigan niya muna ang ice cream at nakita kong bahagyang ngumiti ang kanyang mga labi. Mukhang tama nga si aling Nona, nagkakaroon na siya ng emosyon. I have to keep this up.
"Ang cute mo pala kapag ngumingite," banat ko. Pero parang hindi niya ito pinansin at nakatitig lang siya sa ice cream. I cleared my throat and segue. "Tikman mo na 'yang ice cream. Masarap 'yan, promise."
Dahan dahan niyang inilapit ang ice cream sa bibig niya at bahagya siyang ngumanga hanggang sa dumampi ito. Nanlaki ang mga mata niya na parang nagulat yata sa lasa. Nasarapan kaya siya? Napansin ko na lumampas sa mga labi niya ang ibang bahagi ng ice cream kaya't kinuha ko ang pagkakataon at pinunasan ko ito ng tissue. "Ang cute mo talaga, gothic baby. Kita mo nadumihan ka tuloy."
"A... ang... ganda ng lasa."
What the hell? Hindi niya ba alam ang salitang masarap? Natawa ako at tinama siya. "I think what you mean is masarap? Ang sabihin mo dapat ay masarap. Anything that feels good and taste good ay masarap."
Ewan ko kung pinapansin niya ang mga sinasabi ko but the next thing she did was to eat the ice cream the same way but faster.
"Hey, dahan dahan lang. Tutulo 'yan sa damit mo."
Hindi nga niya pinapansin ang mga sinasabi ko dahil mabilis pa rin ang pagkain niya at natapon na ang ibang ice cream sa damit niya. Jeez! Ano siya toddler?
Hindi ko siya pinakialaman at hinintay na lang na maubos niya ang ice cream. Ilang saglit pa... naubos niya ito at puno ng kulay itim ang paligid ng bibig niya. Hindi man halata ang mantsa sa damit niya dahil parehas itong itim, kung susuriin kong mabuti nabasa pa rin ito nang bahagya.
"Hays! Anong klase kang nilalang? Hindi ka nga nagbibiro nang sabihin mong hindi ka pa nakakatikim ng pagkain, hindi ka marunong kumain, e." Nakakainis mukhang hindi ko lang dapat paibigin ang grim reaper na 'to kailangan ko rin maging yaya niya. Kung 'di lang buhay ko nakataya dito e. Iniwan ko na sana 'tong babaeng ito.
"But it's not your fault. I should have teach how to eat."
Pupunasan ko sana ng tissue ang bibig niya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Tinignan niya ako nang seryoso at napalagok ako.
"Van... bilhan mo pa ako ng ice cream."
What the hell? Gano'n ba kasarap ang ice cream na 'yon o sadyang dahil iyon ang una niyang natikman?
"I will but you have to listen to me first. I mean look at yourself. Ang dumi mo na. Let me clean you up, okay?" Jeez! I can't believe I'm doing this being caring stuff to someone I don't like.
Binitawan niya ang braso ko at hinayaan niya akong punasan ang bibig niya.
"Siguro kayong mga grims hindi nadudumihan. Kaming mga tao nadudumihan at dapat pinapanatili na malinis palagi. Para hindi ka husgahan ng mga tao."
"Well you shouldn't judge each other. The Death God will be the one to judge your miserable souls," sabat niya. I don't know what exactly she means by that but I don't care. Hindi ba siya nakakaramdam ng kilig sa ginagawa ko? Iyong mga ex ko nga halos himatayin kapag ginaganito ko.
Pagkatapos kong linisan ang paligid ng kanyang bibig, napansin kong hindi nawala ang lipstick niya o kung ano mang make-up ang suot niya. Ibang klase, so pag grims ka, permanent make-up ka? Jeez.
"Are you done? Go get me an ice cream again."
Napakamot ulo ako. Kapag binilhan ko siya ng ice cream magkakalat na naman siya. And I'm not her maid for crying out loud. Pero may bigla akong naisip. Since nadumihan ang damit niya, ibibili ko siya ng damit tapos pagpalit niya, kunwari magagandahan ako sa kanya. Flattery always works with women.
"I will. Pero alam mo bang may masarap pa na ice cream bukod diyan sa binili natin? Promise doble o triple ang sarap."
"Good. Take me there," sambit niya at nagsimula siyang lumakad.
Hinarang ko naman siya agad. "We-wait! 'Di muna tayo pupunta do'n. You're clothes are still dirty. We have to change that, then after... ice cream again, deal?"
She smirked. "Okay. Bilisan mo. Baka magbago ang isip ko at itali ulit kita sa condo unit mo."
Napalunok ako sa sinabi niya. Grabe nakakatakot talaga siya. Pero tignan na lang natin kapag na-in love ka na sa akin.
DINALA KO SIYA sa isang mamahaling clothing shop at naghanap ako agad ng mga magagandang damit. Dapat 'yong uso at classy. Higit sa lahat hindi na itim. Para naman kahit papaano ganahan akong ligawan siya kahit 'di totoo.
I browse at a huge selection of women's dresses and I picked up some tank dress, slit dress, and off shoulder dress. I chose those slim fit ones with 3 to 4 inches above the knee length. Colors are light blue, white, and satin red.
"Heto sakto! Bagay sa 'yo 'tong mga 'to," sambit ko habang itinatapat sa kanya ang mga dress na napili ko.
Pero 'di niya ako pinapansin at panay lang ang linga niya sa paligid. Nainis ako! Hindi ako sana'y na hindi pinapansin ng babae. Ano ba pangalan ng babaeng 'to ulet?
"Hey, Saydie!"
Buti naalala ko bigla.
Nakuha ko ang atensyon niya nang sigawan ko siya pero pagtingin niya sa akin gamit ang mga kakaiba niyang mata na kulay abo... agad umurong ang tapang ko at napalitan ng takot.
Pinilit kong ngumisi at magpakabait. "I mean my gothic baby. Heto oh. Mga napili kong damit para sa 'yo. I'm pretty sure you'll be prettier with these dresses."
"Grims always wear black. Give me black clothes instead," malamig niyang sambit.
Napakamot ulo ako. Kailangan ko siyang pilitin na ibahin ang style ng kasuotan niya kundi lagi kaming pagtitinginan.
"Well hindi ka naman Grim Reaper ngayon kaya dapat ganito ang isuot mo. Kulay ng buhay hindi patay."
Magsasalita pa sana ako nang biglang may lalaking lumapit sa amin.
"How can I help you, my dear customers?"
Binabae ang tono ng pananalita niya at ang suot niya'y eleganteng women's blazer and pants na kulay gray. Mukhang siya ang manager at may alam siya sa fashion base sa ayos ng buhok niyang akala mo buhok ni Donald Trump. Baka matulungan niya akong makumbinse itong gothic girl na 'to.
"Hello. Can you help me out with her? Gusto ko sanang maging classy siyang tignan with bright colors para mas lalo siyang gumanda."
"Oh... No, no, no, no, no!" sagot ng bakla habang malambot niyang winawasiwas ang kanyang kanang hintuturo. "I think you're mistaken, sir. She's beautiful already in her own style."
Bumaling siya kay Saydie at maarte niyang hinawakan ito sa kanang balikat na para bang stuck na nakadiretso ang ibang mga daliri niya. "Pretty girl. My name is Darwin and I'm gonna help you choose the right clothes using your own style, deal?"
Tumango si Saydie at bumaling naman sa akin ang baklang si Darwin.
"Sir, ako na ang bahala sa kanya. You can sit down on our couches sa may waiting area."
Hindi na ako nakaangal dahil hinawakan na ni Darwin sa magkabilang balikat si Saydie at lumakad sila palayo sa akin.
"What's your name pretty girl?"
"Saydie."
"Oh what a beautiful name! Bagay sa style mo. Tsaka ang ganda ng make-up mo, a. Ang galing ng pagkakagawa. Don't worry wala akong babaguhin sa style mo sa pananamit at i-a-upgrade lang kita."
Iyon ang huling paguusap na narinig ko mula sa kanila bago sila tuluyang makalayo at pumasok sa isang kwarto.
Kainis! This wasn't my plan. Now what? Waiting game? Ayoko pa naman ng naghihintay.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa malambot nilang leather couch at mag browse sa social media gamit ang phone ko. While browsing, I stumble upon a news about two women missing found dead. Hindi ko alam kung bakit na-curious ako pero binuksan ko ang article at binasa ang detalye.
Nanlaki ang mga mata ko kasunod ay tumayo ang mga balahibo ko nang makita ko sa article na ang sinasabing namatay na babae ay ang dalawang ex-girlfriend ko na sina Paula at Marsha. Sa isang lumang bahay sila natagpuang patay at magkasama. Tapos parehas na may laslas sa pulso. Pero inaalam pa ng mga pulis kung pinatay ba sila o nagpakamatay sila. Nakapagtataka naman, bakit magkasama sila? Hindi naman magkakilala 'yong dalawang 'yon. Umalis ako sa article pero laman ng news feed ng social media account ko ang nangyari sa kanila dahil artista si Paula. Sino kaya ang gumawa sa kanila nu'n?
While scrolling down on my phone, I received a call from Kobe.
"My man, Van! What's up bro?" agad niyang sambit sa kabilang linya pag accept ko ng call.
"Hey," malamig kong sagot. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya dahil 'di siya naniwala sa akin.
"Kamusta, bro? Okay ka na ba? No more gothic ghost hallucination?" Narinig ko siyang tumawa nang marahan matapos magtanong.
Tila umakyat ang dugo ko sa ulo at nayabangan ako sa kanya. Akala niya siguro baliw ako. Pwes, I'll show him the truth. "You still don't believe me, huh? Meet me at Starbucks Café dito sa seaside. I'll bring her with me."
"Okay, bro. Magsasama na ako ng doctor mamaya para ipatignan ka na rin," sagot niya tapos ay humalakhak siya sa kabilang linya.
Pinatayan ko siya ng tawag at tinago ko ang phone ko. I look around and saw the different kinds of clothes hanged and displayed. Kaonti lang ang mga taong namimili. Nakaka-boring kaya't kinuha ko ulit ang phone ko at muling nag browse sa social media. I really hate the waiting game.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaharap sa phone ko dahil nalibang din akong manood ng mga movie trailers. Pero bigla akong tinawag nung Darwin at nakita ko siyang palapit sa akin.
"Sir! Ready na si Ms. Saydie. Ready ka na bang makita siya?"
I formed a smug smile on my lips and stood up. "Yeah, sure." Well sana lang may improvement.
Tumalikod si Darwin sa akin at humarap sa dalawang sales lady na nasa malapit. Tapos ay magarbo siyang pumalakpak nang tatlong beses.
"Girls! Ilabas niyo na si pretty girl!"
Binuksan ng isa sa mga sales lady ang pintong pinasukan nila kanina at dahan dahang lumabas si Saydie mula roon.
Bahagya akong napanganga nang makita siya. "What... the... hell?"
Gano'n pa rin ang itsura ng mukha at ng buhok niya. Pero ang kasuotan niya... full black pa rin na 'di ko maintindihan. Medyo see-through na long sleeve, tapos kita ang laced bra niya sa loob, may belt pa siya na parang utility belt pa yata, at may silver thin chain pa siya na nakakabit sa choker papunta sa belt niya. But those legs are really an eye catcher. Kitang kita ang kinis at puti niya dahil sa itim niyang denim shorts na maikli at itim na ladies boots. Pero 'di ko talaga type ang style niya. Weird and creepy.
"Oh 'di ba? Ano, sir? Mas nagandahan ka ba kay Ms. Saydie?" Tanong ni Darwin.
Napakunot noo ako sa inis at bumaling ako sa kanya. "What on earth did you give her? Anong maganda diyan? Parang a-attend ng metal rock concert 'yang kasama ko, e! O 'di kaya ay sasamba sa satanic cult!"
Pinagalaw ni Darwin ang ulo niya sabay kumpas ng kamay sa hangin na may kasamang snap. "Eeeexxcuse me, sir! Ang tawag diyan ay fashion. Fashion means wearing what you want not what others want. Nagustuhan ni Ms. Saydie 'yan at 'yan ang style niya."
Napatingin ako kay Saydie. Wala namang expression ang mukha niya. Tapos ay lumapit siya sa akin. "We're done here. Let's go for ice cream."
Lumakad siya papunta sa pintuan ng shop.
"O-Okay. Hintayin mo lang ako diyan sa labas. Babayaran ko lang ang damit mo."
Jeez. Hindi ko talaga gusto 'yong style niya. Mas nararamdaman ko tuloy na mamamatay na ako dahil may kasama akong laging naka-itim. Kung baga buhay pa nga may lamay na. What the hell?
Binayaran ko ang damit na suot niya kasama ang iba pang mga damit na napili daw ni Saydie ayon kay Darwin. Well at least may pamalit siya pero nung silipin ko... lahat kulay itim. Jeez! Konti na lang purgang purga na ako sa black.