Chapter 8

3641 Words
Saydie     ANG GAAN SA pakiramdam at para bang kusa na lang pumoporma ang mga labi ko na ngumiti dahil sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit inis si Van sa binigay na damit ng lalaking parang babae na 'yon, but I think I look like a Death Grim Reaper with this clothes. I look stronger and at my best. Stupid human, Van Kyle Chua, he doesn't know which is better. Napapalingon pa sa akin 'yong mga taong dumaraan sa harap ko. Black is really the best color. Speaking of that loser. He's taking too long. Lumubog na ang araw at medyo dumidilim na ang kalangitan. Gusto ko na ulit kumain ng ice cream. Ganito pala kapag tao ka, maraming mga bagay na masarap. Ilang saglit pa... lumabas si Van mula sa gusaling maraming damit at may bitbit siyang tatlong bag na makintab, ito rin ay kulay white na tila gawa sa karton. "Oh! Heto 'yong mga damit mo," sambit niya habang binibigay sa akin ang tatlong bag. Tinignan ko lang siya at hindi kinuha ang mga binibigay niya. Who does he think he is? He can't command me to do something for him. "Pumunta na tayo sa masarap na ice cream," sambit ko at nagsimula akong lumakad nang mabilis. "Wait!" "Jeez! Kainis naman, o. Mukha tuloy akong chaperone," dinig kong sambit niya nang makasabay siya sa akin sa paglalakad. "Can you walk slowly? May bitbit kaya ako." Nakakairita talaga ang mga reklamo niya. Pasalamat siya maraming tao dito at hindi ko siya pwedeng basta-basta i-warp para turuan ng leksyon. Hindi ko na lang siya papansinin hanggang sa makarating kami sa gusaling may ice cream. Habang naglalakad kami, napapatingin ako sa mga taong kumakain. Tila para sa kanila ang pagkain ang pinaka-masarap gawin. Ang iba nama'y nakaupo lang at parang pinagmamasdan ang dagat. Parang mga tanga, nagsasayang sila ng oras. Hindi nila alam baka mamaya o bukas patay na sila. Stupid humans. "Wow," dinig kong bulong ni Van. Sinulyapan ko siya at diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. I looked where he staring at. Then I found two girls walking towards us. Their heads are up, shoulders are back, and with their chest in lead. Arms are swinging loosely back and forth while their hips swivel from side-to-side. My brow furrows as I wonder why they walk like that. Nang makalapit sila, napansin kong ang mga kasuotan nila ay makulay at kasing iksi ng suot ko. Nakita ko rin ang ibang kalalakihan sa paligid na napatingin sa kanila. Paglagpas nila, todo ang lingon ni Van sa kanila at napahinto pa siya. "Damn! Ang hot ng mga 'yon, a. Tsk! Sayang naman." The way he looked at those girls were really different on how he looked at me earlier with my new clothes. The way he looked at them seems to be the same way how I looked at the ice cream. I glance at my clothes and suddenly made comparison that I look better than those two. Wala dapat akong pakialam pero parang hindi ko matanggap na iba ang tingin niya sa akin kumpara sa dalawang babaeng 'yon. Pinabayaan ko si Van at naglakad muli nang mabilis. He can looked at those girls and waste his limited time in this world. Stupid human. "Hey, my gothic baby, wait up!" Nakahabol siya sa akin at narinig ko siyang huminga nang malalim. "Bagalan mo lang, kasi malapit na tayo. Iyon na 'yon, o," sambit niya habang tinuturo ang isang gusali na may nakasabit na bilog na simbolo ng tila isang babae na may korona at may nakapalibot na mga salitang Starbucks Coffee. Pumasok kami sa loob ng gusali na 'yon kung saan may mga taong umiinom at kumakain. Dinala ako ni Van sa isang malambot na upuan na may table sa harapan. "Sit down and wait here, my gothic baby. Kukuha ako ng frappe at cake. Sigurado akong magugustuhan mo 'yon," nakangiti niyang sambit at pumunta siya kung saan may mga nakapila. What does this loser mean about gothic baby? Kanina niya pa ako tinatawag na gano'n. Is he treating me like an infant? Mamaya pagbalik namin sa condo unit niya, ipapakita ko ulit sa kanya kung sino ako at kung paano niya ako dapat tratuhin. I decided to look at the people around when suddenly... a circular motion of space appeared in a seat in front of me, and in three seconds... Master Reeve appeared. "Evening, Saydie." "Master Reeve!" Naisip ko na baka nakita ng mga tao ang nangyari. Nilinga ko ang paligid at mukhang hindi naman nila napansin ang pagdating ni Master. "What are you doing here, Master? The people might see you." "You're worried but you don't sound like one. With that cold tone, I guess your emotionless trait is still with you. But you are becoming more human than a Grim. You forgot that people can't see me unless I decided to use a forbidden artifact like you," he replied with crossed arms while sitting in front of me. Napatingin ako kay Van na mukhang abala sa phone niya habang nakapila. "What about him, Master?" "He's a different story. I'm not sure if he can see me but I'll disappear before he turns here." Tumango ako at tumingin lamang sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Anyway, naparito ako para ipaalam sa 'yo na ang Vengeful Spirit na hinahabol ko ay hindi ko na nakikita." "Anong ibig sabihin nu'n, Master? Wala na bang nagtatangka sa kaluluwa ni Van?" "Dalawa lang ang ibig sabihin nu'n, it's either the vengeful spirit forgive him or the spirit may have occupied a body to hide from Death Grim Reapers like me. Para masagawa niya ang kanyang paghihiganti," sagot niya. "But I'll still be around just in case the vengeful spirit shows up. "Thank you. Pero paano kita tutulungan, Master?" "Just keep an eye on Van Kyle Chua. Don't leave his side at all times and if you suspect someone that could be possessed with a Vengeful Spirit, a punch from you is enough to get it out from the body." Tumango ako habang diretso ang tingin sa kanya. "Understood, Master." "And one more thing, Saydie. Ano ang pakiramdam ng maging isang tao?" Napakunot noo ako. "It's too early to answer that, Master." Pero agad nawala iyon at napalitan ng bahagyang ngiti sa mga labi ko. "But the thing they called Ice Cream was really good. Masarap!" His lips formed a smug smile. "You're making me curious too. That's all I have to say. Stay alert and don't let your guard down. I'll take my leave, Saydie. May the power of death be with you." "And to you too." Sa isang iglap, nag-warp paalis si Master Reeve, at matapos ang isang minuto, bumalik si Van sa mesa namin. Inilapag niya ang isang basong may kulay brown na laman, na mayroon ding pirapirasong maliliit na itim na bagay na animo'y butil at meron pa itong kulay puti na parang ice cream sa ibabaw. Nakatusok din dito ang tinatawag nilang straw na kulay berde. Tapos ay nilapag niya ang isang tatsulok na tila malambot na pagkain na kulay dilaw na nakalagay sa isang platito. Umupo siya sa tabi ko habang may hawak siyang baso na parehas ng nilapag niya sa harap ko. "Dito ako sa tabi mo kasi may darating akong kaibigan at gusto kong makilala ka niya. Okay lang ba?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nakatitig lang ako sa dalawang pagkain na inilapag niya sa harap ko. "Curious ka na ba kung anong lasa niyan? By the way ang tawag diyan sa inumin ay Java Chip, isang uri ng frappe at ang kulay yellow naman na 'yon ay cheese cake," sambit niya. "But before you can taste those, my gothic baby. You gotta learn how to eat properly." Napatingin ako sa kanya. "Why? B'cause they'll judge me?" Pero binalik ko ang tingin ko sa pagkain at para bang hinahatak nito ang dila ko na tikman na ang mga iyon. "Wala akong pakialam." Hahawakan ko na sana ang inumin pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Bukod sa huhusgahan ka nila. They might find you weird for eating like someone who don't know how to. Malay natin baka malaman pa nilang Grim Reaper ka. Hindi natin alam baka may tao sa paligid na may alam sa mga Grim Reapers. I bet that's something you don't want everybody to know, right?" Tama siya. How could he knew about that? Did he just deduce that? Do humans really knew about Grim Reapers? Iniatras ko ang mga kamay ko at ipinatong ko ito sa mga hita ko. Tapos ay hinintay na lamang ang kanyang sasabihin. "Good choice, my gothic baby." Tumingin ako sa kanya pagka-sambit niya nu'n. Tumingin din siya sa akin nang nakangiti at parang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. "Call me gothic baby again and I'll hang you on the edge of a cliff," banta ko. Umatras ang mukha niya at nanlaki ang mga mata niya kasabay ng bibig niyang bahagyang napabukas. "O-O-Okay," sambit niya at umihip siya. "Grabe ka naman. Mali ba kung mabighani ako agad sa ganda mo at tawagin kitang akin?" What on dead's foot is this loser talking about? Is he calling me his property? Tila umakyat ang dugo ko sa loob ng katawan papunta sa ulo at napakunot noo ako. Pero kasabay nu'n, tila uminit din ang mga pisngi ko. Sinubukan ko siyang sakalin pero mabilis niya akong nahawakan sa pulso. "Easy now! Akala ko ba gusto mo nang kumain? Tuturuan na kita." Agad na gumaan ang pakiramdam ko nang banggitin niya ang pagkain. Kanina pa ako curious sa lasa ng mga 'yon. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at muling bumaling sa pagkain. Narinig ko siyang bumuntong hininga at hinawakan niya ang teaspoon na nasa platito kung saan naroon ang tinawag niyang cheese cake. "To eat a cheese cake, you must use this and then do this," sambit niya habang ginagamit ang teaspoon na parang kung paano ginagamit ng mga sepulturero ang pala sa paghuhukay ng lupa ngunit patagilid ito at maliit na piraso lang ang kanyang hiniwalay sa cheese cake. Tapos ay sinalok niya ito gamit pa rin ang teaspoon at inilapit niya ito sa kanyang bibig hanggang sa kainin niya ang lahat ng pirasong kinuha niya. Pinagmasdan ko siya habang nakasarang gumagalaw ang bibig niya. Tingin ko kinakagat niya nang paulit-ulit 'yong piraso sa loob ng bibig niya. Katulad ng mga napapanood ko noon sa mga monitor ng Death Collectors Society kung paano namumuhay ang mga tao. Now I think I get why the Death God put those monitors in the whole building to motivate us on collecting souls. He wants us to see why it's good to be alive. Para hindi kami magbura ng pangalan sa Death Book at para makahiling kami na mabuhay muli. Ibinalik ni Van ang teasepoon sa platito at kinuha naman ang inumin niya. "Then this is how to drink frappe." Tapos ay ipinasok niya nang bahagya sa kanyang bibig ang dulo ng straw at saka umangat doon ang inumin papunta sa loob ng bibig niya. Saglit lang at bahagya niya nang inilayo ang bibig niya sa straw. "Hihigupin mo lang 'yong laman sa loob na parang humihigop ng hangin mula sa straw. Then paunti-unti lang kasi malamig ang drink na ito at pwede kang ma-brain freeze," dagdag pa niya. "Got it?" I don't know what he mean about brain freeze, but this time I'll do what he said. Tumango ako at ginaya ko ang ginawa niyang pagkuha sa maliit na piraso ng cheesecake. Madali lang naman pala. Pero nang ipasok ko na sa loob ng bibig ko ang pagkain at malasahan na ng aking dila ito... nanlaki ang mga mata ko at napapikit ako habang ninanamnam ang lasa nito. "I guess you don't know what the different taste are. Ang natitikman mo ngayon ay matamis. Katulad ng ice cream at nitong frappe. Matatamis na pagkain ang tawag dito at sa mga 'yon," dinig kong sambit ni Van. "Ang sarap ng pagkain na ito," bulong ko matapos malunok ang piraso ng cake. At dahil parang hinahanap hanap ko agad ang lasa, binatawan ko ang teaspoon at dinakma ang cheesecake. Tapos agad ko itong kinagatanan ng malaki. "Oy, Saydie! That's not how--- Jeez!" Hindi ko siya pinansin at kinuha ko ang inumin. Tapos ay salit-salitan kong nilantakan ang pagkain at ininom ang masarap din na inumin. I heard him chuckled and say, "Nakakatuwa ka. Ang cute mo at wala kang paki-alam sa iba. Masarap siguro mamuhay ng ganyan." Uminom ako ng frappe at sumagot, "Why don't you try to be careless? You'll die anyway." Hindi na siya sumagot at nang sulyapan ko siya, tila natigilan siya. Bahagyang nakabukas pa ang bunganga niya at nanlaki ulit ang mga mata niya. Ano kayang nangyari sa kanya? Bahala siya basta ako sarap na sarap sa cheese cake at frappe. Mabilis kong naubos ang cheese cake pero gusto ko pa. "Van, get me another cheese cake." "Grabe naman 'to! Parang nalingat lang ako tapos ubos mo na agad 'yong cheese cake?! Grabe! At gusto mo pa ng isa, a?" reklamo niya. I frowned my brows and stare at him. "May reklamo ka ba?" "Wala! Jeez!" Tumayo siya at pupunta na sana kung saan niya kinuha ang pagkain nang biglang... "Van! My man!" Dumating 'yong lalaking kalbo na mataba na kasama niya nuon sa bowling center. "Hey, Kobe the monkey," bati ni Van sa kanya. Monkey? Why is he calling that guy a monkey? "Oh? Nasaan na 'yong gothic girl mo?" kibit-balikat na tanong ng monkey. Tumingin sa akin si Van at napatingin din sa akin ang monkey. "Saydie, meet Kobe." Kobe pala ang pangalan niya. Bakit monkey ang tawag sa kanya? Humans are really weird and stupid. Tinignan ko si Kobe at nanlalaki ang mga mata niya't bahagyang nakabukas ang bunganga niya. "Go-go-gothic girl nga. N-Nice to meet you, Saydie. I'm Kobe." Iniabot niya sa akin ang kamay niya pero 'di ko ito pinansin. Hindi ako naparito para makipagkilala. I want my cheese cake. "Van, hurry up and get my cheese cake," utos ko. "Oo na! Heto na!" Umalis si Van sa tabi ko at pumunta ulit sa kung saan siya kumuha ng pagkain kanina. "Wow! I can't believe you just did that! Inutusan mo ang legendary Van Kyle Chua?" nakangiting sambit ni Kobe at umupo siya sa tapat ko. Ako nama'y uminom ng frappe. "Saan kayo unang nagkita ni Van? I mean paano ka niya nakilala?" I can't tell this guy why I'm with Van but I guess I have to answer some of his questions. "Sa kwarto niya." "S-Sa kwarto? Agad-agad?" gulat niyang reaksyon. Tapos ay sumandal siya sa upuan. "Siguro may kakaibang nakita at naranasan sa 'yo si Van kaya parang tuta ang kaibigan ko sa 'yo? Tsaka noong isang araw nababaliw siya at nakikita ka raw niya sa paligid." Umiling-iling siya habang nakangiti. "Tsk, tsk, tsk! Mukhang ikaw na yata ang magpapatino kay Van, a. Tinamaan nang matindi si Chua-boy." Ano kayang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako kay Van dahil atat na akong kumain ulit. "Mukhang hindi ka pala talkative. Do you smoke?" Napalingon ako sa kanya at may ipinakita siya sa aking sigarilyo. Madalas kong nakikita 'yon sa mga taong sinunduan ko ng kaluluwa. It seems that thing is killing them but they don't mind. Humans are really stupid. What do they get from that thing anyway? "No. But what do you get from using that?" "Well uhm... you'll feel relaxed. And uhm... some says they feel stronger and handsome. For me it's like a stress reliever. Tsaka natutulungan ako nito kapag tense ako. Masarap din ito kapag tapos mo kumain. You haven't tried one? Nakapagtataka naman sa porma mo. Kadalasan ng kilala kong gothic o metal head people malakas mag yosi, e," sambit niya at iniabot niya sa akin ang sigarilyo. "Here, try it. Tuturuan kita. Sa labas nga lang tayo kasi bawal dito." Kinuha ko ito at tinitigan. Ano nga kayang feeling ng gumagamit nito? Bigla nalang may humablot ng sigarilyo sa kamay ko at nang tignan ko kung sino ito, si Van pala. "This is not something you should try. This thing is dangerous and it'll just ruin everything in your body including your taste bud." Tapos ay pinatong niya sa mesa ang cheese cake. "Ito na lang. Mas masarap pa 'to." Then he turn to Kobe and threw the cigarette at him. "H'wag mo ngang idamay si Saydie sa mga kabahuan mong unggoy ka." "Chill the f out, my man. Malay ko bang hindi siya nag yo-yosi," nakangiting sagot ni Kobe. "Hindi ka lang nauutusan, protective ka rin sa kanya. Mukhang iba itong si Saydie sa mga pinakilala mo sa akin, a." Dinig ko ang pag-uusap nila pero 'di ko sila pinansin at nakatuon lang ako sa cheese cake. I was about to grab it but I heard a woman's voice calling Van's name. "Van Kyle Chua!" Isang babae ang lumapit sa amin habang nakahalukipkip at nakataas ang kaliwang kilay. "C-Clarice?" Tila nagulat si Van nang makita niya ang babae. "Kita mo nga naman. Dito ko pala makikita ang sinasabi nilang legendary play boy. Pero ang 'di nila alam... isa pa lang basura," pataray na sambit ng babae. "I don't know why you came back but you better get lost," sagot ni Van. "Oh ow... hindi ko pa nakita 'tong babaeng 'to, a," dinig kong bulong ni Kobe. "Get lost? I haven't get back at you simula no'ng ipahiya mo ako sa bar. I'll have my revenge now, Van Kyle." "Don't call me by that name, you ugly wench!" dumudurong sagot ni Van sa babae. "Bagay lang sa 'yo 'yong ginawa ko dahil malandi ka at niloko mo 'ko." "Ako ugly?" Tumingin sa akin ang babae at tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. "Siya ba ang bago mo? Ano siya rockers? Emo? Emonggoloid? Satanista? Sino kaya ang ugly? Obvious naman na siya." "Hoy linta! Mahilig man sa black si Saydie, kitang kita naman na mas maganda siya sa 'yo. Umalis ka nga dito! Gumagawa ka ng iskandalo, e," sagot ni Van. Ano bang pinag-aawayan ng dalawang 'to? At teka... sinabi ba niyang maganda ako? Bakit niya sinabi 'yon? At bakit parang gustong ngumiti ng mga labi ko at tila umiinit ang mga pisngi ko? "Magsama kayo nu'ng mga lalaki mo," madiing sambit ulit ni Van sa babae. "Makate!" Biglang sinampal ng babae si Van. Malakas ang sampal dahil napalingon siya at malutong ang tunog nito. Bakit niya ginawa 'yon? Hindi kaya nasa loob niya ang Vengeful Spirit? Agad akong tumayo at humarap sa babae. Kung Vengeful Spirit siya, lalabas siya kapag sinuntok ko siya. Hindi ako nag dalawang isip at binigyan ko siya ng isang diretsong suntok sa mukha. Sapul siya at ilang saglit pa dahan dahan siyang bumagsak na parang nanigas ang katawan. "Holy sh---! Saydie! What have you done?!" sigaw ni Van. Nilingon ko siya at nakahawak siya sa kanyang ulo na nanlalaki ang mga mata. "Whoa, whoa, whoa! What a nice straight!" dinig kong sambit ni Kobe. "Knockout agad!" Napalinga ako sa paligid at nakatingin na pala ang mga tao sa amin. Muli akong tumingin sa babae. Walang lumabas na Vengeful Spirit. Mukhang nagkamali pala ako. "I thought she was an enemy," sagot ko. Ang hina naman ng babaeng 'yon. It was just a flick. "Oh my... god!" sambit ni Van habang nakatingin sa babae at nakahawak pa rin sa kanyang ulo. "You shouldn't have done that." "Oy, Van. Nawalan yata 'to ng malay," sambit ni Kobe habang ginigising niya ang babae sa pamamagitan ng pagtapik-tapik nang mahina sa mukha nito. Bigla akong nakaramdam ng paghawak nang mahigpit sa kanang braso ko at hinatak pala ako ni Van paalis ng lugar. "Kobe ikaw na ang bahala." "Hoy, Van! Teka saglit." Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko si Van na hawakan ako habang tumatakbo kami paalis. Hanggang sa tila isang kilometro na ang layo namin, saka niya ako binitawan at tumukod siya sa kanyang mga tuhod habang hingal na hingal. "Saan tayo pupunta?" "Wala... kinailangan lang nating... makalayo doon dahil yari tayo," hingal niyang sambit. Nang tila humihinga na siya nang maayos, tumayo siya nang tuwid. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" "I thought she was an enemy." "Enemy? Ano bang pinagsasabi mo? Tao 'yon. Tao ba kalaban niyo?" kunot noo niyang tanong. I don't think he'll understand what I'm saying. Hindi ko na lang siya papansinin. "Jeez." Umiling siya at pumunta sa isang mahabang upuan na nasa tapat ng dalampasigan. Sumunod ako at tumabi sa kanya. "Sino ba 'yon?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at diretso lang ang tingin. "That was Clarice. My first girlfriend." He paused for a moment. "Three years ago nahuli ko siyang may kalandian na dalawang lalaki. Kaya't pinahiya ko siya sa bar na palagi naming pinupuntahan noon. Pinakita ko sa mga tao doon ang mga picture niya habang tulog na naka-nganga at labas ang dila. But I think it wasn't enough. Gusto ko pa sanang gumanti but she fled to New York for 3 years and left me... with a broken heart." "What does a broken heart felt like?" "Masakit... masakit dito," sagot niya at humawak siya sa dibdib niya. "Parang pinupunit at parang mahirap huminga." "Gano'n ba? Bakit 'di mo siya pinatay kung sinaktan ka niya?" "What?!" Napatingin siya sa akin sabay atras. "Siraulo ka ba?! Siyempre hindi! Masama kaya ang pumatay! Never pumasok sa isip ko ang pumatay kahit gaano ako kagalit sa isang tao!" The way he say it seems to be someone who's telling the truth; with conviction and without a single stutter. It seems that he didn't killed someone intentionally. But it could be an indirect murder that made him a killer's soul. Nevertheless, he will still die soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD