Chapter 9

1999 Words
Van     SEEING MY FIRST love and my first girlfriend tonight made me remember the pain and the things I had to do just to get over her. I can even see the images again in my mind when I caught her cheating on me. Kissing and flirting with two guys. Naalala ko rin ang rason niya na lasing lang siya. Pathetic! Jeez! Naalala ko rin tuloy bigla na doon nagsimula ang pagpapalit ko ng girlfriend kada buwan. It was just a way for me to get over the pain she gave me, but after that... nasanay na ako na gano'n lang. Hindi masakit at hindi nakakasawa. Kaso, ngayong nagpakita siya... Bakit parang bumabalik 'yong sakit? "What now?" Saydie asked after a long silence between us. Napatingin ako sa kanya at bigla kong naalala 'yong ginawa niya kanina. Hindi ko alam kung siraulo itong si Saydie o sadyang iba lang talaga ang mga Grim Reapers ng pananaw sa buhay. Suntukin ba naman niya si Clarice? At bakit daw hindi ko pinatay noon? Jeez! But I like what she did earlier. Medyo sumobra nga lang siya, pero parang gumaan 'yong loob ko. "What are you looking at?" Para bang nagising ako sa panaginip nang magsalita siya. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya at parang nakangiti pa yata. "N-Nothing," nautal kong sagot at napaatras ako. Natatakot talaga ako bigla kapag seryoso siya. Baka sakalin niya na naman ako o kaya ay dalhin niya ko ulit sa mataas na lugar. Pero kapag natitigan pala siya, doon makikita 'yong ganda niya, e. Ang unique ng mga mata niyang kulay abo at ang tangos ng ilong niya. Not to mention ang kutis niyang porselana at makinis. Pangit lang talaga ng make-up niyang gothic look at ng get-up niyang full black. I wonder... are Grim Reapers look like her? And come to think of it, bakit nga kaya may mga Grim Reapers at saan kaya sila galing? I guess I'll ask her someday. Baka mas lalo ko siyang maintindihan at mas lalo kong maunawaan kung paano ko mapipigilan na mamatay ako. "Van, wake up!" Naramdaman ko ang bigla niyang sampal; malakas at tumunog nang malutong. Napalingon ako sa lakas kasabay ng pag-ngiwe ng mga labi ko. Agad kong hinawakan at hinimas himas ang kaliwang pisngi ko dahil sa hapdi ng sampal niya. "Aray! Putres naman! Bakit mo ko sinampal?!" "Akala ko wala ka sa sarili mo. I just woke you up," katwiran niya. "Jeez!" Ano bang problema ng babaeng ito? Ang bigat bigat ng kamay. Parang puro karahasan lang ang alam. "Are we just gonna sit here and wait for your death?" she asked. "What? No! Jeez!" Tumayo ako at kinuha ang mga paper bag sa sahig. Tapos ay bigla akong nakaramdam ng pagod. This day and night was indeed long. "Let's go home and have dinner there. I'm tired." Mabuti na lang at 'di siya umangal. We got home and right after eating a bit, I rushed myself to bed leaving her eating. Jeez! Puro pagkain na lang gusto niyang gawin.             I WAS WOKEN up by the yellow light that slip through my eyelids. As I try to slightly open my eyes with a frown on my face, I was able to at least see that the yellow light was coming from the window. It was the sunlight of the morning. Nakalimutan ko palang isara ang blinds kagabi. Mabigat pa ang mga mata ko at ang sarap pang humiga kaya't tumalikod ako sa bintana. Ngunit biglang tila tumigil saglit ang pagtibok ng puso ko at napabukas ako nang maigi ng mga mata. "S-Saydie?" Naisip kong takpan agad ng kamay ko ang bibig ko dahil baka magising ko siya at magalit siyang makita na nasa tabi ko siya. What the hell? Bakit katabi ko siyang matulog? May nangyari ba kagabi? Itinayo ko ang itaas na bahagi ng katawan ko at umiling-iling. No! For sure wala. Hindi naman ako lasing, e. Pero... natutulog pala ang mga Grim Reaper? O baka naman... Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng matandang si Aling Nona na unti-unting magiging tao si Saydie. ...hindi kaya ang ibig sabihin nu'n ay mas nagiging tao siya kaysa isang Grim kaya natutulog siya ngayon? Napatingin ako kay Saydie at mukhang mahimbing ang tulog niya. Possible ngang gano'n na ang nangyayari. Ayos, 'to! It will be easy to make this girl fall in love with me. Mabuti pa simulan ko ng gumawa ng move ngayon. Humiga ako ulit nang nakatagilid habang nakaharap sa kanya. Siguradong kikiligin 'to kapag nagising na nakayakap ako sa kanya at malapit ang mukha ko sa mukha niya. Dahan-dahan kong inilagay ang braso ko sa tagiliran niya. Tapos pinakiramdaman ko muna kung magigising siya pero hindi. Wala kahit isang galaw. Then I move my face closer to hers to the point that I can feel the warm air that's coming from her nostrils on my lips. Panigurado magigising din siya kapag naramdaman niya ang paghinga ko. I shall close my eyes. Kunwari ay tulog din ako at hindi alam na nakayakap na sa kanya. Pero bakit ang lakas ng bawat kabog sa loob ng dibdib ko. Kinakabahan ba ako? On second thought, baka imbes na kiligin siya, baka parusahan niya ako. Napalagok ako at dahan-dahan kong iniangat ang braso ko. Pero hindi... Hindi ito ang oras para kabahan ako at mag dalawang isip. Tatlong araw na ang nawala sa natitira kong oras. Dapat magawan ko na agad ng paraan ang nalalapit kong kamatayan. Agad kong ipinatong ulit ang braso ko sa tagiliran niya. Para mas romantic, minabuti kong hawakan na rin ang beywang niya. Kaso parang biglang uminit naman ang katawan ko, at tila kusang gumalaw ang kamay ko na damhin ang korte ng beywang niya. Ang sexy pala nito ni Saydie. Natigilan ako sa pag-kapa sa beywang niya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa braso ko. Mukhang gising na siya. I should play it cool and make an eye contact. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At kahit tumambad sa akin ang nanlalaki niyang mga kulay abong mata, nagawa ko siyang ngitian. "Good morning," mahina kong sambit. Pero agad kong binawi ang ngiti ko nang maramdman kong humigpit ang hawak niya sa braso ko. Tapos ay halos mabali ang braso ko sa paghatak niya pataas. Inihagis niya ako. Sa bilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang na tumama ang likod ko sa matigas na bagay at bumagsak ako ulit sa kama. "Aargh! What the crap?!" I said in pain as I bent my back and held it. "What happened? Why did I black out last night? Why are you touching me?" dinig kong tanong niya. Mukhang wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Pagsulyap ko sa kanya, wala na siya sa kama at nakatayo na sa tabi. "Ow, ow, ow, oww... Aargh... Jeez! What's your problem?" sambit ko habang sinusuntok ko nang mahina ang likod ko. Baka sakaling mawala ang sakit. Then I pushed up to try to get up from the bed. "Answer me, Van!" pautos niyang sambit. "I uh... I don't know," kamot-ulo kong sagot. "Ako 'yong unang natulog kagabi 'di ba? Tapos pinabayaan lang kitang kumain doon sa kusina. I don't know how you end up beside me." "Yes, I do remember that. A couple of hours after I finished eating, my eyes felt heavy, as well as my body. Wait... nakatulog ba ako? Iyon ba ang nangyari?" The way she say it sounds like it's the first time she slept. Mukhang hindi nga natutulog ang mga Grims. "Yes. Nakatulog ka nga at iyon ang nangyari. Anong pakiramdam?" Nag-unat siya ng braso at bahagyang ngumiti ang mga labi niya. "Masarap." "So that's what it feels like," dagdag pa niya habang nakapikit. Gusto kong sabihin na masarap pala ang matulog para sa kanya, pero bakit niya ako kailangang ihagis sa kisame? Kaso baka maalala niyang niyakap ko siya at baka ihagis niya ako ulit. Mukhang dapat tigil tigilan ko muna ang hawakan siya at idaan ko na lang muna sa mga linyahan ko. "But why are you touching my hips and why is your face too close to mine earlier? What were you trying to do?" Napalagok ako at nagkunot noo. Seryoso ang tingin niya at mukha siyang cold blooded killer. Kailangan kong magmaang-maangan. "W-What? What are you saying? I uh... Hindi ko rin alam k-kung bakit magkatabi tayo at nakahawak ako sa 'yo. P-Pero minsan talaga gano'n ang mga tao. K-Kapag tulog kami, hindi namin alam ang kilos ng katawan namin." Lumapit ako sa kanya at hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magsalita pa. "Ang mabuti pa kumain na tayo. Alam kong gusto mo ulit ng pagkain," sambit ko. Hinawakan ko siya sa balikat at dinala sa labas ng kwarto papunta sa dining area ng condo unit ko. "Gusto mo ba ulit ng pizza for breakfast?" "Ayoko. Hindi ko gusto 'yong kinain kong 'yon kagabi. Let's go for an ice cream." "No! It's too early for an ice cream. Masama sa kalusugan 'yon kapag kumain ka sa umaga," katwiran ko. "I don't care. I don't need to take care of my health," sagot niya at hinawi niya ang kamay ko sa balikat niya. "And you don't have to take care of your health. You'll die in few days." Jeez! She doesn't have to remind me. Nakakatakot kaya. Tapos galing pa sa kanya. Pagdating namin ng dining room, nakatiwangwang ang isang box ng pizza at wala ng laman. "Inubos mo pala 'yong pizza, e. Sabi mo 'di mo nagustuhan?" Diretso lang ang tingin ni Saydie at hindi nagsalita. Bigla namang tumunog ang doorbell ng unit ko. "Sandali, may tao. Dito ka muna." Pumunta ako sa pinto at sinilip mula door hole kung sino ang tao sa labas. Isang lalaking naka-sumbrerong brown at kulay brown din na polo shirt. Uniform ng mga staff dito sa condo. "Anong kailangan mo?" "Mr. Chua, mails po galing sa mail box ng condo," dinig kong sagot ng lalaki. Nawala sa isip ko, tuwing araw na 'to nga pala inaakyat ng staff ang mga sulat. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang limang sobre. Tinignan ko ito isa-isa habang naglalakad pabalik ng kusina. Para sa kuryente, tubig, invitation party mula sa life insurance company, invitation para sa holloween party, at isang puting sobreng may pangalan ko pero walang nakalagay kung kanino galing. Inilapag ko sa mesa ang iba at maingat kong binuksan ang misteryosong sobre. Kanino kaya galing 'to? "Ano 'yan?" tanong ni Saydie. "Hindi ko nga alam, e." Pagbukas ko ng sobre, isang nakatuping papel ang laman nito at may mga kulay pula itong mantsa. Binuklat ko ang papel. Ang mga letra'y tila kinuha sa ginupit gupit na magazine at may mga mantsa rin na kulay pula. Napakunot-noo ako at binasa ito. VAN KYLE CHUA. YOU'LL PAY FOR WHAT YOU DID TO ME. I WILL SEE YOU SUFFER AND GIVE YOU THE CRUELEST DEATH OF ALL. AND THEN YOU'LL SUFFER IN HELL. Naitsa ko ang papel sa takot at tila nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa napaupo ako sa sahig. Kasabay nu'n ay nanginig ang mga labi ko at bumilis ang bawat paghinga ko. "W-What t-the hell? K-kanino g-galing 'yan?" Pinulot ni Saydie ang papel at tinignan ito. "Vengeful Spirit. Kumikilos na siya." "V-Vengeful what? Anong ibig mong sabihin? Sino may gawa niyan?" takot kong tanong. First time kong makatanggap ng death threat at nakakapangilabot ito. Nanginginig ang mga kamay ko at tila naglabo-labo ang isip ko. "I gotta tell my master about this." "M-Master? S-Sinong master? Anong nangyayari Saydie? Bakit ako may sulat na ganyan?" Natataranta na ako. Iba ang pakiramdam nito kaysa noong sabihin sa akin ni Saydie na mamamatay na ako. This one feels real than her Grim Reaper stuff. Hindi niya ako pinansin kaya't inulit ko, "Saydie! Anong vengeful spirit?" I stare at her while she's looking downward at me with her fierce gray eyes. What does she mean about Vengeful Spirit? And who the hell sent this letter to me? And are those dirt... blood?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD