Santana’s POV Trending sa social media ang pagkawala ni Renlen. Siyempre, dahil nabalita at kumalat sa kanila na naging kabit ako nito, nadikit na naman ang pangalan ko sa mga sisihan ng mga tao kung bakit nawala ito. Na baka dahil sa akin kaya ito nagpakamatáy. Karamihan sa mga galit na galit lalo sa akin ay ‘yung mga staff ni Renlen na matatanggal sa trabaho dahil sa pagkawala ng amo nila. Hindi raw kasi loyal kay Ellery ang mga ito kaya dapat silang matanggal. Marami raw silang alam tungkol sa mga maling ginagawa ng amo nila kaya deserve daw na matanggal sila sa trabaho. Sa dinami-rami ng mga naging babae ni Renlen, sa akin sila mas nagalit kasi ngayon lang din nangyari itong pagkawala ni Renlen nang biglaan. Napakawalangya rin kasi ni Ellery, ginawa niya talaga ito para mas dumami pa

