Santana’s POV Handa na ang camera, background at ang simpleng makeup sa mukha ko. Oras na para sagutin ang ginawang pag-e-eskandalo ni Ellery sa social media. Nang sabihin ni Reon na naka-live na ako ngayon sa Starbook, naghintay muna kami ng ilang sandali para magparami ng viewers. Sinisenyasan ako ni Reon kung ilan na ang viewers ko kada minuto. Nang umabot na ng fifty thousand ang viewers ko, doon na ako nag-umpisang magsalita. “Hello, Santanation! Good morning to all of you. I’m not sure if I should say that this is a good morning for me. Yes, alam kong alam niyo na kung bakit nag-live ako ngayon. Yes, trending tayo ngayon dahil sa post ni Ellery Villanueba.” Huminto muna ako sa pagsasalita, iyon ang sabi ni Reon. Sabi niya, huwag daw ako tuloy-tuloy magsalita. Para raw mas rumami

