Santana’s POV Today, I vlogged to show my viewers the businesses I will be establishing soon. Lahat ng mga ginigibang gusali para sa itatayong business ko ay pinakita ko sa vlog ko. Nagulat pa tuloy ang mga construction worker ko kasi hindi nila inaasahan na sa akin pala ang mga gusaling ginagawa nila. Karamihan kasi sa kanila ay fans ko at palagi raw akong pinapanuod. Sikat na sikat din talaga ako sa mga tatay na, palibhasa’t kapag nagmumukbang ako sa mga video ko ay litaw ang kaluluwa ko. Sigurado akong hindi sila sa pagkain nakatutok kundi sa kaluluwa ko na talaga namang pang-akit ko sa mga viewers ko para lalong dumami ang manunuod sa akin. Sampong gusali ang sabay-sabay na inaayos na ngayon. Gusto ko nang madaliin ito para makapag-umpisa na agad. Malaking pera ang kailangan dito kay

