Chapter Seven

1033 Words
"Be mine" Tumingin ako sa labas tulad na lamang ulit ng paulit ulit kong ginagawa ay muli akong tumingin sa kalangitan na kasing dilim ng mundo ko.Inihiga ko ang aking katawan sa tabi ng puno habang nakaupo naman ako sa sanga nito.Wala akong pangarap ang tanging alam ko lang ay may kailangan akong tapusin .I feel empty and i never felt that i have worth .Para akong isang lalagyan na walang laman.Ipinikit ko ang aking mga mata habang pumapalibot sa aking katawan ang malamig na ihip ng hangin. "Ilang gabi ko naring napapansin na parati kang tulala?" Tumingin ako sa aninong nakalutang sa harapan ko mapupula ang mga mata nito at isang matamis na ngiti ang ibinibigay nito sa akin Siya si Aleah ang guardian ko simula ng magkaroon ako ng pag iisip ay ito na ang naging kasama ko. "Wag mo na lamang akong pansin Aleah ang mas mabuti pang gawin mo ay magpahinga ka na lamang" "Ngunit sawa na akong magpahinga at makulong sayong katawan" "Ngunit mas napapagod na akong makita kang ganyan,panahon narin siguro upang bitiwan kita at hanapin ang totoong nag mamay ari sayo" Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata kasabay ng marahang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. "Salamat" Nakangiti nitong wika sa akin bago ito naglaho.Muli kong ipinikit ang aking mga mata at ng muli kong imulat ang aking mga mata ay biglang pumasok sa aking isipan ang magtungo sa silid aklatan . Mabilis akong tumalon mula sa itaas ng puno at ng tumapak ako sa lupa ay isang malakas na pwersa ng hangin ang lumitaw sa aking paanan kasing bilis ng kidlat ang naging pagkilos at ng tumigil ako sa pagtakbo ay nasa harapan na ako ng pintuan ng silid aklatan.Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko upang tingnan kong may makakakita sa aking gagawin at ng makasiguro na ako na walang makakakita sa akin ay sinira ko na ang pihitan ng pintuan at pumasok na ako sa loob unang bumungad sa akin ang madilim na silid aklatan ngunit isang bahagi ng aklatan ang nasisinagan ng liwanag ng buwan .Kung kaya't kahit papaano ay nakakakita ako . "Dark fire" Bulong ko sa hangin at sa isang iglap lang ay isang nagbabagang apoy na ang nasa harapan ko upang magibg tanglaw ko sa kadiliman ng silid na ito sapat na ang liwanag na nagmumula sa aking kapangyarihan upang mas makakita ako ng ayos. Nagtungo ako sa kaliwang bahagi ng aklatan at tumigil ako sa isang bahagi nito ng isang aklat ang pumukaw sa aking pansin at ng tingnan ko ito ay unang bumungad sa aking paningin ang kulay itim na pabalat nito at ng hawakan ko ito ay mabilis kong nakagat ang aking daliri dahil sa paghapdi nito dulot ng pagkakasugat.Nanlaki ang aking mga mata ng bigla na lamang gumalaw ang bawat simbolo na nakalagay sa pabalat ng libro at sa bawat pagitan ng mga simbolo ay naroon ang aking dugo na tila tubig na dumadaloy patungo sa pinakasentro ng simbolo at ng dumikit ang aking dugo sa pabilog na simbolo ay may kaunting liwanang na lumabas s pabalat ng libor sapat na ang liwanag na iyon upang makita ko ang nangyari sa hawak kong libro at kasabay ng pagkawala ng liwanag na nag mumula sa libro ay ang pagbukas bigla ng pintuan mabilis akong nagtago sa isang shelf ng libro at mabilis akong naglaho sa dilim. At ng makarating na ako sa aking silid ay saka lamang ako nakahinga ng maayos . "s**t!Muntik na yun!" Mabuti na lamang at kaagad akong nakapaglaho kung hindi ay hindi ko alam kong anong magagawa ko sa nilalang na maaring makakita sa akin baka sa mga oras na yun ay patay na ang nilalang nayun kong sakaling nakita nito ako . Tumingin ako sa bandang kaliwa ko t agad kong nakita si hamil na mahimbing nang natutulog,naupo ako sa gilid ng kama ko at doon ko lamang naalala na hawak ko parin pala ang librong nakita ko kanina .Mabilis kong binuklat ang bawat pahina nito at laking pagtataka ko ng makita kong blanko lamang ang bawat pahina nito.At sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang pumatak ang dugo ko mula sa may sugat kong daliri at laking gulat ko ng bigla na lamang nagkaroon ng mga letra ang pahinang napatakan ng aking dugo .Masyado akong namangha sa nakita ko ngunit nadismaya na lamang ako sa nalaman ko dahil sa kapal ng librong hawak ko at sa napakarami nitong pahina tiyak na bago ko matapos basahin ang librong ito ay wala na akong dugo. Inilapag ko na lamang sa aking tabi ang libro at muli akong nahiga sa kama ,halos tatlong araw na rin pala simula ng makatapak ako sa lupain nila nakakapanibago bukod sa wala na ako sa magulong mundo ay marami pa rin akong gustong malaman. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit mabilis ko rin muli itong naimulat at mabilis akong naglaho kasama ng libro natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa gitna ng gubat .I cast some of spell na maaring magtago sa akin sa kong sino mang nilalang na tangkain akong atakehin. "Aleah lumabas ka!" Malakas kong sigaw at sa isang iglap lamamg ay nasa harapan ko na si aleah. "Bakit Rylie?" Ngumiti ako sa kanya at kaagad kong kinagat ang aking diliri kasabay ng pagbagsak ng sarili kong dugo sa aking bibig ang biglang pagpula ng buwan at maging ang aking mga mata ay sumabay din sa pagpula ng buwan . "Oras na aleah" Tumingin ako sa kalangitan at bumigkas ng mga salitang ako lamamg ang nakakarinig at nakakaalam.Matapos kong bumigkas ng mga salita ay ipinatak ko ang aking dugo sa paanan nila aleah at isang matingkad na pulang liwanang ang bigla na lamang lumabas .Mabilis kong inilabas ang isang kulay pilak na kutsilyo na nasa aking  likuran at mabilis akong tumakbo patungo sa katawan ni aleah . "Patawad pero ito lang ang paraan" Kasabay ng pagbaon ng malamig na metal sa balat nito ay ang paglakas ng hanging nakapalibot sa aming dalawa at ilang sandali lang ay tuluyan ng naging abo si aleah at inilipad ng hangin patungo sa kanyang bagong amo.Napaluhod lamang ko dala ng matinding panghihina at kasabay nito ang pagbukal ng luha sa aking mga mata.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD