Chapter XII

1738 Words
Miguel Ashley Castro   “Sir pwede bang humingi ng pabor?” seryosong tanong niya sakin habang patuloy kami sa paglalakad. “Oo naman” sagot ko dahilan para mapatigil kami sa paglalakad dahilan para bahagyang Mabasa ng pinong pinong alon ng tubig ang mga paa namin.   “Payakap naman Sir…” mahinang dugtong niya at kaagad na niya akong niyakap.   Mahigpit. Makahulugan. Maalab.   Damang dama ko ang t***k ng puso ni Sean sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa ganitong posisyon.   “Sir pasensya na hindi ko na kayang pigilan… Alam ko kasi na ito na ang una at huling pagkakataon ko para iparamdam at sabihin sayo ang nararamdaman ko…” . . . “…mahal na mahal kita Sir”   Hindi ko magawang tanggalin ang pagkakayakap niya sakin. Hinayaan ko lang siya. Hinayaan ko lang mailabas niya kung ano man ang nararamdaman niya.   “Sir… may huling pakiusap pa ako sayo… Pasayahin mo ang kapatid ko… Alam ko magiging masaya siya sayo” sabi ulit niya bago niya alisin ang dalawang kamay niya sa katawan ko.   Wala akong maisagot o masabi sa mga sinabi ni Sean. Matapos yun ay naglakad na siya pabalik sa room at naiwan akong mag-isa. “Oh mukhang wala yata tayong hangover ah” birong bati ni Lloyd. “Konti lang naman nainom natin kagabi. Tara na breakfast na tayo, asan na si Sean?” sabi ko.   “Ayun masama daw ang pakiramdam. Mukhang mahina na ang tolerance sa alak ng kapatid ko ah” sagot niya at sinadya niyang lakasan ang boses niya.   Kaming dalawa lang ni Lloyd ang kumain ng breakfast. Hindi na namin pinilit si Sean dahil alam ko naman na iniisip niya ang mga sinabi niya kagabi. Matapos namin kumain ay naggala gala kami ni Lloyd. Gusto daw niyang sulitin ang buong araw dito.   “Hanggang bukas pa naman tayo dito. Kaya huwag sagad sagarin ang pagod” sabi ko habang patuloy kami sap ag-iikot. Marami din kasing magagandang lugar na walking distance lang dito sa resort.   Mag-aalas dos na kami nakabalik sa room namin. Mas nakakapagod yung pakiramdam ng init ng araw kaysa sa paglalakad namin. “Oh Sean okay na ba ang pakiramdam mo? Baka kailangan mo magpacheck up ha?” sabi ni Lloyd kay Sean nung nadatnan namin na nakaupo sa labas at nakatingin sa dagat.   “Okay na ako. Napagod lang siguro ako sa biyahe kaya sumakit ang ulo ko” sagot ni Sean pero hindi siya natingin sakin.   “Okay sige… mamaya ubusin na natin yung ilang sanmig at bukas uuwe na tayo. May pasok na kayo ni Sir mo” -Lloyd. Hindi na muli sumagot si Sean. Nanatili lamang siyang nakatingin sa kulay asul na dagat at hindi nalingon samin. . . . . . “Sana nag-enjoy kayo” nakangiting sabi ni Lloyd habang nakaupo ulit kami sa buhangin at nakapalibot sa bonfire.   “Sobra. Nawala nga ang stress ko sa trabaho. Kung pwede nga lang magpa-extend pa dito eh” pabirong sagot ko.   Pangiti ngiti lang si Sean at hindi masyadong nagsasalita. Normal lang siguro iyon sa taong umamin ng nararamdaman. Nabwelo lang ako at kakausapin ko siya. Ipapaliwanag ko sa kanya lahat. Ayoko naman na ako ang maging dahilan kung bakit makakaramdam siya ng lungkot.   “SHOT!!” sigaw ni Lloyd dahilan para sabay sabay kaming tatlo na tumungga sa boteng may lamang alak.    “Alam nyo ba yung pakiramdam na napakasaya mo kasi alam mo mararamdaman mo na yung gusto mong maramdaman simula palang?” biglang kwento ni Lloyd habang nakangiti. Halata sa kanya ang saying nararamdaman.   “Gusto ko magpasalamat dito sa kapatid ko kasi simula nung dumating ka Sean sa buhay namin nabigyan mo ng napakaraming excitement ang pamilya namin – ang pamilya natin. Basta ang saya saya ko” ngiting dugtong niya. “Ako nga ang dapat magpasalamat sayo Lloyd eh. Basta lahat gagawin ko para sayo at para kina Daddy at Mommy” nakangiting sagot din ni Sean.   “Epekto na ba ng alak yan sa inyong dalawang magkapatid?” pabirong sabat ko sabay angat ng boteng hawak ko.   “Paano yan? Mauna na uli ako sa room. Enjoy this night ha. Napagod ako sa paggagala kanina” biglang sabi ni Lloyd at kaagad na siyang tumayo. Pipigilan pa dapat siya ni Sean pero kumindat ito sa kanya. Mukhang nagkakaintindihan ang dalawang magkapatid ah.   “Oh, paano tayong dalawa nalang uli ang natira dito? Akala ko pa naman mas malakas uminom ang kapatid mo” basag ko sa katahimikan.   “Nga pala Sir yung tungkol kagabi… Sor-”   “Wala ka dapat ihingi ng sorry sakin… Natutuwa nga ako at nagkaroon ka ng lakas ng loob” putol ko sa sinasabi niya.   “Sir ikaw na bahala sa kapatid ko ha… Gusto ko maging masaya siya…” dugtong niya.   Talagang hindi na niya inisip ang sarili niya. Nakakahanga naman yung mga ganitong klaseng tao. Pinilit kong ibahin na ang usapan. Ayoko kasing mailing pa siya sa tuwing sasagutin ko ang mga tanong at sinasabi niya tungkol sa kapatid niya.   Mabait talaga si Lloyd. Nakapag-usap na nga kami ng ilang beses eh. Hindi ko naramdaman kay Lloyd ang pagkailang dahil lahat ng sinasabi niya ay sinisigurado niyang magiging interesado ang taong kausap niya. Napag-usapan din namin si Sean. Malimit o mas tamang sabihin na halos lahat na yata ng pinag-uusapan namin ay kasali si Sean. Kaya ultimo paboritong brief ni Sean ay alam ko dahil sa kwento ni Lloyd. Solid talaga ang magkapatid.   Hanggang sa napag-usapan namin ni Lloyd ang tungkol samin sa gusto niya sakin. Bidang bida nga siya eh. Ramdam kong kinukuha niya talaga ang loob ko para sa kanya.   Natutuwa nga ako sa mga pagbibida niya eh. Pakiramdam ko sa mga sinasabi niya na sobrang magiging masaya ako.   Totoo. Ito rin ang gusto kong mangyari. Ito na siguro ang tamang panahon para iopen ang puso ko. Yung sa maituturing kong seryosong relasyon na walang inalalang posibleng mangyari dahil pareho kaming handa sa posibleng kahinatnan.   Nararamdaman ko na rin naman sa sarili ko na mahal ko siya. Ewan ko ba. Pero totoo pala yung bigla mo nalang mararamdaman na mahal mo na ang isang tao kahit hindi pa kayo ganoon katagal magkakilala.   “Ramdam ko… mahal ko na talaga”   “Diba Sir hindi mahirap mahalin si Lloyd… sigurado ako sir magiging masaya kayo pareho…” sabi niya.   “Ha?” takang reaksyon ko.   “Kunwari ka pa Sir… narinig ko yung sinabi mo” muling sabi niya.   Napalakas pala. Akala ko sa isipan ko lang sinasabi iyon.   “Paano Sean… Tara na… balik na tayo sa room… Medyo inaantok na rin ako” pag-iiba ko ng usapan kasunod nun ay ang pagtayo ko.   Tumayo na rin si Sean at inilapag ang boteng hawak niya. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room namin na kapwa walang imikan.   “Sir…”   Pagtawag  sakin ni Sean nung nasa tapat na kami ng room dahilan para mapatigil ako sa paglalakad papasok.   Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Sean dahil mabilis niya ako niyakap ng mahigpit. Yung pakiramdam na ito na ang huling pagyakap niya sakin.   “Mahal na mahal kita Sir…” bulong niya sakin na naging dahilan ng pagbilis lalo ng t***k ng puso ko.   Wala akong masabi. Dahan dahan kong itinunghay ang mukha ko at napansin ko kung sino ang nakatayo mula sa beranda ng room na nasa harapan namin.   Si Lloyd. . . . . . . Alas otso na ng umaga pero nakahiga pa rin ako. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi mawala sa isipan ko ang reaksyon ni Lloyd nung nakitang nakayakap sakin ni Sean. Bahagya akong umisod para kunin ang cellphone ko.   “Gising na. Ready na ang breakfast” nabasa kong message ni Lloyd kaya mabilis na akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Nagsimula na akong maglakad papunta sa cottage na pinupwestuhan namin kapag nakain kami. May mga nakahanda ng pagkain at may mga lobo pa ngang nakasabit sa bawat gilid ng cottage.   Ilang minuto lang ay dumating na si Sean. Sabay na kaming naglakad papalapit sa cottage at bakas sa mukha nito ang pagkagulat din sa nakikita.   “Nasaan ang kapatid mo? Siya nagmessage na ready na ang breakfast tapos siya pa ang late dumating” tanong ko kay Sean matapos namin maupo.   “Tawagan ko muna Sir” maikling sabi niya bago tuluyang inilabas ang cellphone niya.   Nakailang ulit ng tawag si Sean pero out of reach daw ang cellphone ni Lloyd.   “May papel oh Sean, nakalagay pangalan mo” sabi ko sa kanya nung napansin kong may nakaipit na putting papel sa ilalim ng baso.   Mabilis kinuha ni Sean iyon at binasa niya. Napansin kong unti-unting tumulo ang mga luha niya hanggang sa mapayapos siya sakin.           Sean,                 Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi mo kailangan masaktan para lang mapasaya ako. Hindi mo kailangan bumawi sakin dahil simula palang nung dumating ka sa buhay namin ay bawing bawi na. Mahal na mahal kita kapatid kaya wala din akong ibang hinangad kundi ang maging masaya ka. Sa mga oras na ito ay siguradong pasakay na ako ng eroplano pabalik kina Daddy at Mommy. Hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko malulungkot ka lalo kapag nakita mong papaalis na uli ako.                 Paano? Huwag mo ng pakawalan si Sir. Sigurado ako lab na lab ka niyan.                                                                                                   Lloyd.     Yan ang nakalagay sa sulat ni Lloyd kay Sean.   Flashback   “Kami ang swerte kay Sean kasi lalo kaming naging masaya simula nung dumating sa buhay namin si Sean” nakangiting kwento ni Lloyd.   “Nga pala, pwede na ba natin pag-usapan ang tungkol sating dalawa?”  biglang seryosong tanong ni Lloyd sakin.   “Ano yun?” kinakabahang tanong ko sa kanya.   “Gusto kita…” sinserong sabi niya sakin. Napayuko pa nga siya matapos niyang sabihin yun sakin eh.   Napangiti ako nung tiningnan niya uli ako.   “Bakit? May iba ka bang nagugustuhan?” muling tanong niya sakin.   “Meron na eh…” pag-amin ko sa kanya.   “Sino? Baka naman mas pogi pa ako” mapang-asar niyang tanong sakin.   “Mas pogi pa talaga sayo yun” sagot ko sabay ngiti.   “Si Sean?” tanong niya na may kasiguraduhan siya sa isasagot ko.   “Paano mo nalaman?” -Ako   “Wala naman kasi akong alam na mas pogi pa kaysa sakin bukod sa kapatid ko eh” kasunod nun ay ang sabay naming pagtawa.   “Okay sige. Ilalakad kita sa kapatid ko. Sigurado naman ako na gusto ka nun. Halata sa mga kinikilos niya. Kapatid ko iyon kaya alam ko ang ugali non” pagkukwento niya.   End of flashback   “Oh anong iniiyak iyak mo diyan?” pang-aasar na tanong ko kay Sean.   Tiningnan niya lang ako.   “Kung ayaw mo magsalita, uuwe nalang din ako kaysa sayangin ko ang isang araw ko pa dito” pagpaparinig ko kay Sean.   Tumayo na ako at nagsimula na akong maglakad papalayo.   “Sir…” pagtawag niya sakin.   Tumigil ako ngunit hindi ako nalingon sa kanya.   “Sir…” muling pagtawag niya sakin dahilan para lumingon na ako sa kanya.   “Sa pagkakataong ito, tama na bang piliin ko ang makakapagpasaya sakin?” napakasinsero niyang tanong sakin.   Nginitian ko siya.   Tumango ako.   Kasunod noon ay unti-unti siyang lumapit sakin. Hanggang sa ang unti-unti ay naging mabilis na pagtakbo at kaagad niya akong niyapos ng mahigpit na mahigpit. “Napakasaya ko… Sobrang saya ko…” sabi niya sakin habang yapos yapos niya ako.   “Mahal na mahal kita Sir…” dugtong niya.   Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon. Ang tanging alam ko lang ay pareho namin nararamdaman ang saya sa mga sandaling ito.   “Mahal din kita Sean…”           Wakas     BubeiYebeb  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD