Chapter VIII

1931 Words
Lloyd Evan Juntura   Matagal narin simula nung huling dalaw ko dito. Namimiss ko na kapatid ko. Namimiss ko na si Sean. Ang dami ko nga dalang pasalubong sa kanya eh. Gusto ko masorpresa siya sa pag-uwe ko. Alam ko naman na namimiss niya narin ako. Bakasyon ako ngayon kaya naisipan ko na munang umuwe dito sa Pilipinas. Gusto ko magkasama kami ni Sean ngayong darating na pasko. Lagi kasing mag-isa tuwing pasko ang kapatid ko. Bakas sa mukha ni Sean ang pagkagulat nung kumatok ako sa pintuan ng bahay namin. Pinapasok niya agad ako at nakipagkwentuhan. Nagpaalam agad ako sa kanya dahil may usapan na agad kami ng kaibigan kong si Joan na magkikita kami sa isang bar. Tagal ko narin kasing hindi nakakapunta sa bar. Nakuha ang atensyon ko ng taong nakanta sa stage. Mabilis kong kinuha ang isang mikropono at sumabay ako sa kanta. Nakita kong napatingin siya sakin at alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin, ang mag-duet kami sa kanta. Tinapos naming dalawa ang kanta. Tumahimik nga ang buong paligid eh. Pinaupo ko si Sean. Pinasunod ko kasi siya. Gusto ko kasing makilala rin siya ng mga kaibigan ko. Kwentuhan kami hanggang sa abutin kami ng gabi. Sa totoo lang biglang kong naitanong sa sarili ko kung totoo nga ba ang love at first sight. Hindi ko kasi maipaliwanag yung bigla kong naramdaman nung makita ko yung taong kumakanta kanina. Yung sinabayan ko ng kanta. Migs pala pangalan niya at teacher siya ng kapatid ko at bestfriend pa ni Joan. Hindi nakatanggi si Sir Migs nung niyakag ko siya. Ipinakita ko kasi yung text message ni Joan. Flashback   "Oh hindi ka man lang nagtext na pupunta ka rin pala dito" sabi sakin ni Joan nung magkasalubong kami sa mall. Balak ko kasing ibili ng bagong bola si Sean. Alam ko naman kasing kinahihiligan niya ang larong basketball. Naupo kami sa isang coffee shop. Maaga pa naman, ang alam ko kasi ay 5pm pa ang uwian nila Sean.   "Napadaan lang talaga ako. May naisip lang akong tingnan" sagot ko sa kanya sabay ng paghigop ko sa kapeng nasa harapan ko.   "Nga pala Joan, matagal mo na bang kilala si Migs?" tanong ko sa kanya. "Ah.. Si Ash. Oo matagal na. Simula pagkabata pa magkakilala na kami" sagot niya sakin at nagpatuloy ang pagkwento niya tungkol kay Migs.   "You like him?" nakangiting tanong niya sakin. Ngumiti ako sa kanya. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at sabay kaming nagtawanan. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Joan sakin. May lakad pa daw siya eh. Sinusulit niya yata ang bakasyon niya rito sa pilipinas.   "Osya sige. See you! Ikaw na bahala sa bestfriend ko ah!" sigaw niya habang naglalakad palayo. Nagpasya narin akong pumunta sa school nila Sean para masundo ko na siya. Ini-on ko na ang component ng sasakyan ko at nakikisabay na ako sa kanta. Kinapa ko ang cellphone ko sa tagiliran ko nung narinig ko tumunog iyon.   "Tell Ash na sumama sayo. Lagot kamo siya sakin kapag hindi siya sumama. Ingat!" galing iyon kay Joan. Dahil sa message na iyon ay nagbago bigla ang isip ko. Yayakagin ko nalang lumabas si Migs at ipapauwe ko kay Sean itong sasakyan. Siguro naman ay hindi tatanggi si Migs sakin.   End of flashback   "Saan tayo pupunta?" mahinang tanong sakin ni Sir Migs. "Early dinner. Kanina pa kasi ako nagugutom eh" nakangiti kong sagot sa kanya. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Nagcomute lang kasi kami. Gusto ko kasi ulit maranasan ang ganito dito sa pilipinas. Hindi rin nagtagal ay dumating kami sa isang restaurant. Mukhang masarap nga dito. Ito kasi ang sinabi sakin ni Joan na paboritong kainan ni Sir Migs. "Can I call you Ash?" tanong ko sa kanya habang inaabot ko sa kanya ang menu. Ang hirap naman basahin ng ugali nitong si Ash. Plain tone lang kasi ang boses at hindi masyadong natingin sakin. "Okay lang" mahinang sabi niya. Ako na ang pinag-order niya ng pagkain. Kahit ano daw ay ayos sa kanya. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kay Ash. Naniniwala na yata ako sa love at first sight. Yung parang sa movie na MUST BE LOVE na nag-slow motion ang buong paligid ko nung una kong nakita si Ash habang nakanta sa stage. Gusto ko na nga siya. Ay hindi! Gustong-gusto ko na pala. Sinabi naman sakin ni Joan na wala siyang balita na may karelasyon si Ash kaya malaya akong makakaporma sa kanya. Kahit naman meron ay gagawa parin ako ng paraan para makuha ko siya. "Oh kanina ka pa namin inaantay ah! Tara na, nag-aantay na daw sila Paul sa venue" sabi ko kay Sean nung aktong palabas na siya ng bahay. Siya nalang kasi ang inaantay namin ni Ash. "Te...teka lang, may naiwan pa ako sa kwarto" sagot ni Sean at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hindi ko nga pala nasabi kay Sean na sasama ako at hindi ko rin sinabing sasabay narin si Ash. "Sure ka na bang wala kang nakalimutan Sean?" tanong ko sa kanya habang nasa sasakyan kami. Tumango siya at kasunod nun ay ang kanyang pagngiti. Ang saya talaga ng araw ko. Bakit? Kasama kasi namin si Ash ngayon. Ang lakas talaga ng tama ko sa taong ito. Yung pakiramdam na hindi mo maiexplain kung bakit mo nararamdaman. Lagi nga ako napapatingin kay Ash habang nagdadrive ako eh. Alam ko naman na hindi nya iyon mapapansin kasi nakasuot ako ng itim na salamin. "Sean! Sir!" sigaw nila Paul. Kilala ko si Paul matagal na. Simula palang na naging kaibigan ito ni Sean ay nakakasama na namin ito kung may lakad man ang aming pamilya. Ang pagkakaalam ko bestfriend siya ni Sean. Ipinakilala ako ni Paul sa ibang kasama pa nila at hindi naman ako nahirapan na makipagkasundo sa kanila. Mababait at kalog din naman pala silang lahat. Umupo ako sa cottage at tinatanggap ko ang bawat tagay na ibinibigay sakin ng mga kasama namin. Masaya silang kasama, may naghahabulan, may nagpapahiran ng ketsup at uling sa mukha at ang iba naman ay naglalaro sa swimming pool. Biglang niyaya ni Ash ang lahat na pumunta muna sa cottage. Tinawag talaga niya lahat at mabilis naman naglapitan ang lahat ng mga kasama namin. Tumabi si Sean kay Ash at ako naman ay umurong para makatabi ko rin si Ash. "May laman itong papel, at sa bawat papel ay may nakasulat na simpleng katanungan na dapat sagutin ng bubunot" pagpapaliwanag ni Ash. "Si Sir naman hanggang dito ba naman eh may recitation tayo" narinig kong biro ni Hans dahilan ng pagtawa ng lahat. Pinaliwanag ng maayos ni Ash ang gagawin sa larong naisip niya. Mukhang maganda nga at nakikipagcooperate ang lahat ng kasama. "Gets!!!" sabay-sabay naming sagot sa kanya. Nagsimula na ang laro namin. Wala pang napili ng paper kaya wala pang nabunot. Sa bawat pag-ikot ng bote at halata ang kaba at excite na nararamdaman ng bawat isa. Kakaiba talagang mag-isip itong si Ash. Lalo niya akong napapahanga sa kanyang mga ginagawa. "Paper" sabi ni Paul nung tumapat sa kanya ang baso. Ilang beses na kasing napatapat sa kanya ang bote kanina dahilan kung bakit medyo may sanib na siya ng alak. Inabot niya ang jar na nakalagay sa table at bumunot ng isang papel. Kinuha iyon ni Matt matapos kunin sa jar. "Idescribe mo ang pinaka-importanteng lalake/babae sa buhay mo" halata sa mukha ni Paul ang pagkagulat sa kanyang narinig na tanong. Nandilat pa nga ang mga mata nito eh. "Hmmm.... Maganda ang boses, mahaba ang buhok, maputi, magaling maggitara, at higit sa lahat simpleng babae pero.. pero man hater" kasunod nun ang tawanan ng buong tropa. Ang saya nga nila kasama eh. Nakakawili at hindi talaga mapapansin ang oras dahil sa kanilang mga kakulitan. "Sean!" Sabi ni Ash habang nakangiti siya. Ang cute nga eh! Nakakainlove talaga siya. "For you, what is love?" diretsong tanong ni Ash kay Sean. Natigilan nga si Sean at napatitig lang sa basong nasa harapan niya. Sumeryoso ang kanyang mukha at tumitig kay Ash. "Love... Ito yung nararamdamang pagpapahalaga sa isang tao o kahit na anong uri pa ng tao. Masarap sa pakiramdam at nakapagdudulot ng saya." Napaisip ako sa sinagot ni Sean. Unang beses ko pang siyang narinig na nagsalita ng ganoon. Ngumiti si Sean matapos niyang sagutin ang tanong na iyon. Matapos ang scenariong iyon ay nagkaroon na kami ng kanya-kanyang pinagbibisihan. Kumbaga kanya-kanyang diskarte na. Nakainom na kasi at may mga trip na. Ang saya nung laro namin kanina, kaso hindi mawala sa isip ko ang ginawi ni Sean. Alam kong may pinaghuhugutan siya ng kanyang sinabi. Nag-iinom parin ako dito sa table namin. Hinahayaan ko na muna ang mga kasama namin na ienjoy ang buong araw na ito. Malapit na kasi ang christmas vacation kaya alam ko matagal-tagal din silang hindi magkakasama sama. "Now our dreams are coming true.. through the good times and a bad..." bigla akong natigilan nung marinig ko ang boses na iyon. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanap ko kung saan nanggagaling iyon. "And baby youre all that I want, when youre lying here in my arms" hindi nga ako nagkamali. Narinig ko na iyong boses na iyon dati sa bar. Si Ash iyon. Nakita ko siyang nakaupo sa gitna na i-si-net-up nila Paul. Nakanta siya habang naggigitara. Tumayo ako sa di kalayuan sa kanya pero hindi ako nalapit. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakanta. Ang sarap sa pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon kahit alam kong mali ang magkagusto sa kapwa ko lalaki. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko sa tuwing nakakasama ko si Ash. Unang beses ko palang itong maramdaman kaya sigurado akong gusto ko talaga siya. Nakita kong may lumapit sa kanyang isang lalaki at nag-abot ng isang papel. Binasa iyon ni Ash matapos ang kanyang kinakanta. Nakita ko siyang ngumiti sa lalaking nagbigay sa kanya ng papel at ikinaway naman iyon nung lalaki. Matapos iyon ay may sinabi si Ash kay Matt na nasa harapan ng organ at nagsimula na siyang tumipa sa hawak niyang gitara. "Bakit ngayon ka lang... bakit ngayon kung kailan ang puso ko'y mayron ng laman" panimula ni Ash sa kanta. Nagsimula ng dumami ang mga taong nakikinig sa kanya pero ako eto parin sa malayo at nakatitig sa kanya. Naglapitan narin ang iba naming mga kasama at naupo sa unahan at pinapakinggan si Ash. "Ikaw sana ang aking yakap-yakap, ang iyong kamay lagi ang aking hawak..." pagpapatuloy niya sa pagkanta. Nakita ko si Sean na nakatayo sa malayo at nakatitig lang kay Ash. Hindi niya natitinag ng mga taong dumadaan sa kanyang harapan kahit nga nababangga na siya ay hindi parin siya umaalis. Nakapwesto kasi siya sa exit area ng pool 1. Nagpalakpakan ang mga naroon matapos ang pagkanta ni Ash. Nagrerequest pa nga yung lalaking nagbigay ng papel kanina pero buti nga at tinanggihan na siya ni Ash. Hahaha! Hinde pwede! Akin lang siya. Nasabi ko lang sa isipan ko yun. Nahihibang na yata ako kasi recently ay kinakausap ko na ang sarili ko. "Tara shot!" yaya ni Sean sakin nung nakita niya akong nakatayo parin at nakatingin sa stage. Naupo na uli ako pero ngayon ay katabi ko na ang kapatid ko. Hindi nangiti ang kapatid ko at nagsasalita lang siya kapag iniaabot na nya sakin ang tagay. "Sean, I have a favor to ask" mahinang sabi ko sa kanya matapos kong inumin ang basong may lamang alak na inabot niya sakin. "Kahit ako Lloyd, alam mo naman na kahit ano gagawin ko para sayo" nakita kong nakangiti niyang sabi. Mahal na mahal talaga ako ng kapatid kong ito. Pasalamat na nga lang ako at lumaking maayos ito kahit hindi niya ako o kami nila papa nakakasama eh. Ayaw kasi niyang sumama samin sa ibang bansa. Mas gusto pa daw niya dito. "Ano ba yun?" tanog niya sakin. "Tulungan mo naman ako kay Sir mo" diretsong sabi ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD