Chapter IX

1500 Words
Miguel Ashley Castro   Ang bilis ng araw. Malapit na agad ang Christmas vacation. Saan kaya magandang mag-unwind? Yung tipong marerelax at magiging masaya ako. Yung mawawala yung mga iniisip ko. Curious ba kayo kung ano iniisip ko? Iniisip ko lang naman kung tama ba yung ginawa kong disisyon para samin ni Reynier. Bakit? Alam ko naman na nagets nyo na una palang yung tungkol samin ni Reynier. Estudyante palang siya at ako teacher na. 16 palang siya at ako 21 na. Imagine kung papayag ako sa kagustuhan niya baka makasuhan ako ng child abuse. Oo gusto ko siya pero hindi yung pakiramdam na siya yung kukumpleto ng buhay ko. Ewan ko. Hindi ko rin kasi talaga ma-explain kung bakit hindi ko magawang suklian yung nararamdaman niya para sakin. Papunta na ako sa room ko. Last period ko na at uwian na. Balak kong dumaan muna mamaya kina Joan bago ako umuwe. Balita ko kasi ay babalik na siya sa trabaho niya sa ibang bansa. sigurado ako na matagal na uli bago kami magkikita. I placed my red ballpen on my round shirt. Oo. Naka t-shirt lang ako ngayon kasi ang init-init. Tsaka hindi talaga ako sana'y ng naka-uniform. "Hi Si-" biglang naputol ang pagkakabati sakin ng estudyante ko nung nakita ko syang napatingin sa ballpen na nakasabit sa damit ko. Mabilis siyang tumalikod at tumakbo pabalik sa mga kaklase niya. Ano bang problema kapag may red ballpen ako? Nagmumukha ba akong monster kapag may dala ako nito? sabi ko sa sarili ko habang papalapit na ako sa pintuan ng room ko. Tahimik ang buong klase ko. Wala akong naririnig na kahit na anong ingay sa kanila. Lahat sila ay nakatingin lang sakin at sa ginagawa kong paglakad papunta sa unahan. "29" mahinang tawag ko. Mabilis tumayo si Harvey at tumingin sakin. "It is a phenomenon in which the individual confronts external stimuli with his/her internal representations of them, inserting the stimuli coming from the environment into his/her semantic maps" "Emotions sir" diretsong sagot ni Harvey. "Very good." Nagpatuloy ako sa pagtawag ko sa recitation. Hindi ko alam pero parang kanina pa may mga matang nakatitig sakin. Yung pakiramdam na naiilang ako sa bawat pagtingin ko sa mga mata ng mga taong kaharap ko. "Can I excuse you sir?" Bigla akong napatingin sa pintuan. Nakita ko si Reynier na nasa harap ng pintuan. "Class sandali lang. May gusto lang kumausap sakin" matapos yun ay tinungo ko kung nasaan si Reynier. "Oh wala ka bang klase?" Bati ko sa kanya. "Meron sir pero nagpaalam naman ako" sagot niya sakin. "Anu sasabihin mo? Bilisan mo at baka mapagalitan ka pa ng teacher mo" diretsong sabi ko sa kanya. "Para sayo sir." Sabay abot niya sakin ng isang tumpok na bulaklak. "Thank you Reyn-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nung bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya. Nagdikit ang aming katawan at mabilis na nagdikit ang aming mga labi. "Iloveyou Sir" matapos yun ay iniwanan niya akong nakatayo sa gilid ng pintuan ng room ko. Tatawagin ko pa sana siya ngunit mabilis na siyang nakaalis. Haaay nakung bata ka talaga! Aktong pagbalik lingon ko sa pintuan ng room ko ay nakita koso Sean na nakatayo at nakatitig lang sakin. Hindi ko alam pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "Sir may I go out?" Pagpapaalam niya sakin. Tumango nalang ako sa kanya senyales sa pagpayag ko. Pumasok na uli ako sa loob ng room ko at kinuha ko muli ang hawak kong index card kanina. "Class we'll continue this tomorrow. Sensya na guys, need to go home early" pagpapaalam ko sa mga estudyante ko. "Sir uwian na agad?" Tanong sakin ni Sean nung nakabalik na siya galing CR. "Ou Sean. Sensya na. Parang masama pakiramdam ko eh" "Sige Sir. Ingat po" matapos yun ay umalis na agad ako ng school. Nagtext nalang ako sa chairman namin na maaga akong uuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit gusto kong bigla nalang umuwe. Dahil ba ito sa halik? Whaaaaa! Hindeee! Wala yun saken! Wala! Hindi ko naman gusto si Reynier eh! "Sir pwede na tayo mag-usap?" Narinig ko yan habang nakaupo ako sa bench. Naisip ko kasi munang maupo dun. "Ah.. Reynier ikaw pala" patay malisya kong sabi sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang iaakto ko ngayon sa kanya. "Sir pwede ba kitang ligawan? Yung tipong hindi mo ako ituturing na estudyante mo?" Sinserong tanong sakin ni Reynier. "Reynier alam mo ba tong mga sinasabi mo? Diba napagusapan na natin to?" Seryosong sagot ko sa kanya. "Seryoso ako sir sa mga sinasabi ko. Pinagisipan at pinakiramdaman ko ang sarili ko - pero talagang mahal kita Sir" dugtong niya sa kanyang sinasabi. "Reynier hindi mo alam ang pwedeng mangyari satin kung itutuloy mo yang gagawin mo" sabi ko sa kanya. "Alam ko sir. Pwede isa sa atin ang matanggal dito, pero kapag nangyari yun ako na mismo ang aalis at ipagtatanggol kita. Gagawa ako ng paraan para sayo sir. Pagbigyan mo na ako - mahal talaga kita sir" mahabang pakiusap sakin ni Reynier. "Sir excuse po. Kanina pa po may nag-aantay sanyo sa parking lot" biglang pagsingit ni Sean sa usapan namin ni Reynier. "Seryoso ako Sir sa mga sinabi ko sayo. Sana pagbigyan mo ako" huling sinabi ni Reynier sakin bago tuluyan ng umalis. --- "Oh nasaan na ang nag-aantay sakin?" Nilinga linga ko ang aking mga mata pero wala akong ibang taong nakikita. "Sakay na Sir" seryosong sabi saken ni Sean. "Saan tayo pupunta Sean?" Sabi ko sa kanya habang nananatili parin akong nakatayo sa harapan niya. "Please Sir. Sakay na. Nasasaktan na ako"     Hindi ako mapakali dito sa bahay. Hindi ko rin kasi alam kung ano itong nararamdaman ko. Lumabas ako ng bahay. Bahagya akong sumandal sa poste malapit sa eskinita namin. Seryoso ako sir sa mga sinasabi ko. Pinagisipan at pinakiramdaman ko ang sarili ko - pero talagang mahal kita Sir Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Reynier kanina. Alam ko naman at ramdam ko naman sa sarili ko na may ibang pagtatangi ako sa kanya pero bakit sa pagkakataong ito ay pilit pinaparamdam ng puso ko na hindi na pwede. Hindi na pwede kasi parang may kakaiba. “Sir…” Lalo atang gumugulo ang isipan ko. Pansin ko rin sa sarili ko na parang may hindi ako maipaliwanag sa nararamdaman ko.   “Sir…”   “Sir!!!”   Mabilis akong napaigtad nung narinig ko yung tawag na iyon.   “Sean ikaw pala” “Kanina pa ako dito Sir… May problem aba?” Alalang tanong niya sakin.   Napatitig ako sa kanya. Hindi ko nga nasagot yung tanong niya.   “Tara nga Sir… Samahan mo ako, shot tayo. Kwentuhan lang” kasunod nun ay ang pagkuha niya sa kamay ko at isinabay na niya ako sa paglalakad.   “Empi lang uli tayo Sir ha, wala pa akong pambili ng redhorse eh” pabirong sabi niya sabaw tawa.   Inayos niya ang mini-speaker niya at nagsimula na siyang magpatugtog gamit ang cellphone niya.   (Now Playing - Nais ko – Side A)   “Sir ano bang ginagawa mo kanina sa poste? Naka-alalut ka don kanina, ang tagal” tanong niya sakin matapos magsalin ng alak sa baso.   “Wala. May iniisip lang ako kanina” sagot ko.   “Ano naman yun Sir?” “Iniisip ko kung tatawagin ko ba bukas sa recitation ang number 11”   “Ayy! Wag ganun sir! Hindi dapat tawagin yung number na yun sir” mabilis na sagot niya.   “Joke lang” sagot ko kasunod nun ay ang pagtawa ko.   “Sir yung tungkol nga pala kanina.. Pas-“   “Oooooops! It’s okay. Okay nga yun kasi hindi ko rin alam ang gagawin ko kanina” pagputol ko sa sinasabi niya.   “Alam mo Sir minsan talaga dumadating yung pagkakataon na kung kailan huli na saka mo marerealize at masasabi na ‘sana ginawa ko na dati pa’ diba noh Sir?” makahulugang sabi niya sakin kasunod nun ay ang pag-inom niya ng tagay niya.   “May isang bagay kasi akong pinagsisisihan ko ngayon Sir. Yung bagay na sinabi ko sa sarili ko na sana ginawa ko na dati pa” pagpapatuloy niya at inabutan niya ako ng tagay.   “Ano naman yun?” interesado kong tanong matapos kong inumin ang inabot niyang tagay.   “Wala yun Sir. Nag-e-emote lang ako. Mamaya ka na umuwe Sir ha... Bili pa tayo kahit isa pa, gusto pa kita makasama kahit ngayon lang” nakangiti niyang sagot sa tanong ko.   Nagpatuloy kami sa pag-inom. Dami na nga naikwento ni Sean sakin. Madalas ang pagsali niya sa bawat liga ng basketball.   “Butata sakin yun si Gio nung naging magkalaban ang team namin” mayabang niyang pagpapatuloy sa kwento niya.   “Saka Sir paborito kong lugar yung roofto-“   “Pwede ba akong makijoin? Mukhang magiging maganda ang gabi ko ah” biglang dating ng kapatid ni Sean dahilan para maputol ang kinukwento ni Sean.   Halatang nagulat si Sean sa pagdating kapatid niya. Umupo si Lloyd at nakisali na sa kwentuhan namin.   “Mukhang nakakadami na kayo ah…” -Lloyd.   Napansin kong nag-iba ang pagkukwento ni Sean. Hindi na tungkol sa kanya ang kwento niya. Tungkol na ito sa kanyang kapatid.   “Sir nakita mo na ang kapatid ko kung paano lumangoy, ang galing niya!” pagyayabang niya.   “Saka hindi ako makaporma ng basketball diyan kay Lloyd eh” nakangiting dugtong niya sa kwento niya.   “Syempre naman Sean magaling tayo pareho kasi magkapatid tayo” sagot naman ni Lloyd.   “Sir matanong ko lang may boyfriend ka na ba?” biglang tanong sakin ni Lloyd.   Napansin kong tumingin sa kanya si Sean at dahan dahan lumipat sakin ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD