Miguel Ashley Castro
“Wala. Wala nga magkamali sakin eh” pabiro kong sagot kasunod nun ay ang pag-inom ko ng tagay.
“Ano ba ang mga hinahanap mo sa gusto mong maging partner?” kasunod agad na tanong ni Lloyd sakin.
“Alam niyo when it comes to love hindi naman kailangan ma-meet yung gusto mo o yung expectations mo sa isang tao. Basta naramdaman mong gusto o mahal mo siya wala ka ng magagawa don” mahabang sagot ko.
“Shotttt!” pabirong sabi ni Lloyd.
“Ikaw naman Sean, balita ko kina Mark ay ikaw daw ang nakipaghiwalay kay Cheska. Ano bang nangyari?” tanong naman ni Lloyd kay Sean.
Kaya pala hindi ko na nakikita na magkasama ang dalawa kasi naghiwalay na sila. Ano nga kaya naging problema?
Napunta kay Sean ang atensyon ko. Gusto ko kasi marinig sa kanya kung ano nga ba ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay.
Natigilan si Sean. Napatitig nga siya sa basong hawak niya eh.
“Hindi ko rin alam… Ewan ko. Basta paggising ko nalang isang araw iba na hinahanap ang puso ko. Ang korni noh? Pero promise, totoo” sagot niya habang nakatitig sa hawak niyang basong may lamang alak.
“Sino naman yung bagong hinahanap ng puso mo?” kasunod na tanong ni Lloyd.
“Bili lang ako Yelo, ang pait na eh” sabi ni Sean.
“Sige. Pakibili na rin ako ng yosi Sean” dugtong ni Lloyd.
“Samahan na kita” prisinta ko at hindi ko na inantay na kumontra pa siya.
Tahimik si Sean habang naglalakad kami. Hindi siya nagsasalita.
“Halatang umiwas ka sa tanong ah… May yelo pa yung pitsel eh” pabirong sabi ko sa kanya.
“Obvious ba masyado Sir? Wag maingay ha” pabirong sagot niya sakin habang inaabot ang binili namin sa tindahan.
Hindi rin nagtagal ay nakabalik na uli kami sa kanila. Nagpatuloy ang inuman at kwentuhan namin. Si Lloyd na ngayon ang maraming kwento. Nagsasalita lang si Sean sa tuwing may itatanong sa kanya ang kapatid niya.
Lumipas ang ilang oras ay nadagdagan pa ang iniinom namin. Hindi ko rin alam kung bakit parang hindi pa ako tinatablan ng epekto ng alak. Medyo liyodo pero hindi laseng.
“Kaya pa ba Sir?” mapanuksong tanong sakin ni Lloyd.
“Kaya pa!” pagyayabang ko.
Aktong iinumin ko ang tagay ko nung napadako ang atensyon ko kay Sean. Napayuko na siya sa mini-table na gamit namin.
“Sean, Sean, tama na.. pahinga na..” sabay lapit ko sa kanya.
“Wait lang Sir hatid ko lang sa loob si Sean..” -Lloyd.
“Ako na..” prisinta ko.
Inakay ko si Sean. Dahan dahan ko siyang dinala sa kwartong tinuro sakin ni Lloyd. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at inihiga ko sa kama si Sean.
“Pahinga na Sean ha…” sabi ko sa kanya at nung aktong tatayo na ako ay biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Sir… dito ka lang…” sabi niya.
“Sean pahinga ka na… dami ka na nainom” sagot ko sa kanya.
Magsasalita pa sana si Sean nung biglang bumukas muli ang pintuan at dumating si Lloyd.
“Sean pahinga na ha… Aalis pa tayo bukas… Halika ka na Sir…Ubusin pa natin yun” sabi ni Lloyd at sumunod na ako sa kanya.
Naupo na uli kami ni Lloyd. Pinagpatuloy niya ang iniinom namin kanina pati ang naputol na kwentuhan.
“Ang totoo niyan hindi talaga kami tunay na magkapatid ni Sean…” panimula ulit ni Lloyd dahilan para mapunta ulit sa kanya ang atensyon ko. Inilapag ko ang basong inabot niya sakin at nakaabang ako sa susunod niyang sasabihin.
“Nakita namin si Sean dati sa probinsya nung nagbabakasyon kami. Nagbebenta siya nun ng manga, panggatong at kung ano-ano pa sa mga bakasyonistang katulad namin. Masipag, mabait at napakalambing ni Sean. Nalaman namin na ulila na siya. Namatay sa aksidente ang mga magulang niya kaya siya nalang mag-isa ang nasa bahay nila” bahagya siyang tumigil sa pagkukwento at ininom ang laman ng basong sinalinan niya.
“Nung araw na pauwe na kami nila daddy at dinaanan namin si Sean sa bahay niya. Napagpasyahan namin na isama na siya at gawing miyembro ng pamilya namin. Simula noon ay naging magkapatid na kaming dalawa” pagpapatuloy niya sa kwento niya.
“Ang swerte naman ni Sean kasi dumating kayo para sa kanya…” sabi ko sa kanya.
“Kami ang swerte kay Sean kasi lalo kaming naging masaya simula nung dumating sa buhay namin si Sean” nakangiting sagot niya.
“Nga pala, pwede na ba natin pag-usapan ang tungkol sating dalawa?” biglang seryosong tanong ni Lloyd sakin.
Maaga akong nagising pero hindi agad ako bumangon sa higaan. Hindi pa rin kasi nawawala yung mga pinagkwentuhan namin ni Lloyd kagabi.
Tama siguro itong naging desisyon ko. Ramdam ko rin na ito ang gusto kong gawin.
Bahagya akong umurong nung narinig kong tumunog ang cellphone ko.
Daanan kita. Ready mo na gamit mo for two nights and three days. Nandiyan na ako ng 10am.
-Lloyd.
Tumingin ako sa wallclock. 8:30am.
Kaagad na akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Inayos ko na rin ang gamit ko. Ewan ko pero ramdam ko sa sarili ko excited ako kasama siya.
“Akin na, ako na magdadala” prisinta ni Lloyd habang naglalakad na kami papalabas ng eskinita namin. Inilagay niya sa compartment ng sasakyan niya ang gamit ko at kaagad na kaming sumakay ng sasakyan.
“Oh Sean! Wala ka bang hangover? Napasobra ka sa inom kagabi ah” bati ko sa kanya. Hindi na ako nagulat nung nakita ko siya. Obvious naman na isama siya kasi kapatid niya ni Lloyd.
“Medyo masakit Sir…” mahinang sagot niya.
“Masakit? Ang alin?” tanong ko sa kanya.
“Sikmura at ulo ko Sir… Napasobra talaga inom ko kagabi” mabilis niyang sagot.
Nalaman ko na sa Mindoro pala kami pupunta. Kung hindi ako nagkakamali ay dun ang probinsyang kinukwento niya sakin kagabi. Bakas nga sa mukha ni Lloyd ang kaexcitedan dahil sa pagngiti ngiti niya habang nagdadrive ng sasakyan. Sumakay kami sa ferryboat at ilang oras lang ay nakarating na kami sa aming pupuntahan.
Nandito na kami ngayon sa isang resort. Inayos na namin ang mga dala namin at umorder na si Lloyd ng mga pagkain.
“Naalala mo to Sean?” tanong ni Lloyd habang magkakasama kaming nakaupo at nasa harapan namin ang mapayapang dagat.
Bakas sa mukha ni Sean ang pagbabalik tanaw sa kanyang nakaraan habang pinagmamasdan niya ang paligid ng resort.
“Dito kami naglalaro ni Sean dati. Naalala ko pa nga pinagtatalop pa ako ng manga niya” nakangiting kwento ni Lloyd.
Matapos namin kumain ng merienda at magkwentuhan ay naglakad lakad kaming tatlo. Sinusundan lang namin si Lloyd. Hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan napatigil sa paglalakad si Sean.
Naglakad si Sean papunta sa isang lumang bahay. Umikot ikot siya sa paligid nito. Biglang napaupo si Sean sa gilid ng bahay at nagsimulang tumulo ang luha nito.
Nilapitan ko siya at niyapos ko siya.
“It’s okay Sean... I’m here... were here…” pang-aamo ko sa kanya. Ramdam ko sa kanya ang lungkot nung muli niyang makita ang dati niyang tinitirahan.
“Huwag ka ng malungkot Sean… Tapos na ang unos na dumating sa buhay mo. Hindi ako makakapayag na maulit uli sayo ang nangyari noon” sabi ni Lloyd nung nakalapit na siya samin.
“Salamat Lloyd… Salamat Sir…” mahinang bulong ni Sean at dahan dahang tumayo.
Matapos yun ay bumalik na kami sa resort. Kumain kami ng dinner at naghanda si Lloyd ng bonfire. Pinakamasarap daw na gawin kapag nasa beach ay ang bonfire. Kapag daw may ganun ay feel na feel daw ang beach.
Pumalibot kaming tatlo sa bonfire. May kanya kanya kaming hawak na sanmig light.
“Oh baka mapasobra nanaman ang pag-inom mo Sean at sabihin mo nanaman na may masakit” makahulugang bilin ni Lloyd sa kanya dahilan para mapatawa ako.
“Hindi na… Strong to!” sagot niya sabay tawa.