Maging sina ate Cora at iba pang mga kasambahay ay excited na sa unang araw ko sa trabaho bukas. Mabilis na lumipas ang araw kaya hindi ko maiwasang kabahan sa mga posibleng mangyari. Isang malaking kompanya 'yong pag aari nila Sir Adhriel. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pa naranasang magkaroon ng trabaho na ganito kaganda at kataas ang sweldo. "Balitaan mo na lang kami sa mga mangyayari ha," ngumiti ako sa sinabi ni Yvette. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw pa rin sa mga iyon ang kaba. Kinakabahan ako na baka makarinig na naman ako ng hindi maganda mula sa ibang tao at hindi ko makontrol ang sarili ko. I don't want to loose this job the same way I lose my scholarship. Mas naging maayos na rin si Sir Adhriel at hindi na niya kailangan pa ang tulong ko sa

