Chapter 1
"Hoy Eira! Balita ko ay birthday mo 'raw?" bungad ni Aling Marites habang pinapaypayan ang sarili at nakapamewang pa sa akin. Gaya nang nakasanayan, kulot at may kulay na naman ang buhok nito, napag-tripan na naman ang kilay at panay rampa suot ang kanyang floral na bestida.
"Ano naman ho?" sagot ko habang hindi maipinta ang pagod sa mukha. Kakatapos lang kasi ng praktis namin sa sayaw at muntik na naman akong mapaaway.
"Wala ka man lang bang papansit o kahit anong pakain sa'ming mga kapitbahay mo?" dagdag niya pa na para bang obligado akong gawin iyon.
"Hindi ka na ba nasanay Aling Marites? Taon-taon naman ho akong walang handa kaya wala nang bago r'on," paliwanag ko at umalis na sa harapan niya. May sinasabi pa ito sa akin pero hindi ko na 'yon nagawang marinig dahil ang tanging gusto ko lamang ngayon ay ang makapahinga.
Pagkarating ko sa bahay, kaagad kong napagtanto na mas may pakealam pala sa akin ang isa sa mga chismosa naming kapitbahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na kaarawan ko pero gan'on pa man, laking pasasalamat ko pa rin sapagkat kahit papaano ay may nakaalala na espesyal ang araw na ito para sa akin. Hindi katulad n'ong mga nakaraang taon na ni isa ay wala man lang bumabati.
Mas okay na siguro iyon.
Gaya nang inaasahan, hindi umuwi rito si mama kung kaya't sa halip na magdiwang para sa kaarawan ko, mas minabuti ko na lang na matulog para kahit paano ay makabawi ako ng pahinga.
"Ano bang ikinasasama ng loob mo Eira!? What am I saying is actually a damn fact. Totoo namang hostes sa bar iyong nanay mo. Panay tanggi ka pa dyan," umirap muli sa akin si Reissi kinabukasan. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil masyado nang bastos ang bibig niya.
Pinagbigyan ko na siya ng tatlong beses pero talagang hindi uubra ang ugali niya sa akin. Palagi niya na lang sinasagad ang pasensya ko.
"Pakiulit nang sinabi mo," wika ko habang mahigpit na hawak ang buhok niya. Kaagad na nagsilapit naman sa direksyon namin ang ibang mga ka-grupo ko sa sayaw para awatin kami subalit hindi ako nagpatinag.
"Pakiulit, Reissi. Hindi ko masyadong narinig," nanghahamong dagdag ko pa.
"Aray Eira! Bitawan mo ako. Nakakasakit ka na," halos naiiyak na wika niya habang inaalis ang kamay kong gustong gusto nang kalbuhin siya.
She shouldn't mess with me. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung may nagsasalita ng masama sa nanay ko kahit na hindi naman nila ito kilala.
"Eira, please. Tama na 'yan. Bitawan mo na si Reissi," kalmadong wika ni ate Julia. Kung hindi siguro siya dumating para umawat ay hindi ko tatantanan ang bruhildang ito. Dati pang kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Masyado kasing mayabang. Mas magaling naman ako sa kanya.
"May araw ka rin Eira! Humanda ka talaga sa'kin," pagbabanta niya na hindi ko man lang kinatakutan.
This day didn't go well. I guess, ito na ata ang pinakamalas sa lahat ng araw ko. I was called in the Disciplinary office again. They want me to call my mom but since she didn't arrive, I was forced to quit the dance troupe where I joined.
Wala naman sanang kaso iyon dahil nabi-bwiset na rin ako sa mga ka-grupo ko sa sayaw. Sa katunayan, matagal ko ng gustong mag-quit. Ang dance troupe na iyon ay sinusuportahan ng isang special program na nagbigay sa akin ng scholarship para makapagpatuloy sa pag aaral. Doon lang ako nanghinayang.
Since I'm not part of them anymore, I don't know where I will seek for financial assistance so that I can continue studying.
"Eira sorry talaga kung wala akong nagawa. I tried to talk to the administrator so that they can change their decision but they refused. Ilang linggo na lang bago yung contest natin tsaka ka pa nawala. Hindi ka ba talaga gagawa ng paraan para makabalik? Tulungan mo ako. Baka may chance pa," naiiyak na sabi ni ate Julia na s'yang leader namin.
She told me before that I'm the best among the team. Siguro ay ayaw niya akong paalisin dahil na-realize niyang malaking kawalan ako sa kanilang grupo.
"Okay lang ‘yon, ate. Atleast, payapa na ang loob ko. Sayang nga lang at hindi ko nakalbo ang bruhildang si Reissi bago man lang ako makaalis."
"What about your tuition fees? I know that scholarship is a great help for you. Anong balak mong gawin?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Sa totoo lang ay wala akong ideya. Hindi ko nga rin alam kung paano ko sasabihin kay mama na incoming second year college student na ako at walang susuporta sa akin para sa tuition fee.
Pihadong mabubungangaan niya ako. Idadahilan niya na kulang ang isinasahod niya para sa pambayad namin ng upa sa bahay, kuryente at tubig. Naiintindihan ko naman. Hindi naman talaga dapat ako umasa sa kanya at na mismo ang dapat na gumawa ng paraan para suportahan ang sarili ko. Dapat magtulungan kami.
"Ako na ang bahala r’on, ate. Marami namang nakapaskil na papel patungkol sa job hiring sa tabi tabi. Maghahanap na lang ako bukas na bukas," ngumiti ako at sinubukang maging positibo sa harap niya.
"Sige. Goodluck, Eira. Tawag ka lang sa akin kapag kailangan mo ng tulong ha? Gagawa natin 'yan ng paraan," dagdag pa niya bago kami nagpaalam sa isa't isa.
Nagdesisyon akong umuwi na lang. Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay namin, tanaw ko na agad ang kumpulan ng ilang mga kapitbahay naming babae. Iyong iba ay karga pa ang anak nila habang nakikiusisa.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon pero isa lang ang nasisigurado ko.
May panibagong chismis na naman.
"Eira, mabuti na lang at dumating ka," panimula ni Aling Marites nang makalapit ako sa kanila.
"Saan ka ba pumupunta Eira at hindi mo man lang maalagaan ang 'yong ina? Panay barkada ka siguro. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mabuntis ka kaagad nang kung sino," biglang nag init ang ulo ko sa sinabi ni Aling Sita. Kahit kailan talaga ay hindi mawala ang pagiging chismosa at judmental niya.
"Alam mo Aling Sita, daig niyo pa ang cctv dahil lahat ng chismis dito sa barangay natin updated kayo. At pwede ho ba, wag kayong judgemental? Huwag niyo akong igaya sa anak niyo na nagpabuntis nang maaga."
Namula naman ang mukha niya sa naging sagot ko.
Napailing na lang ako bago ko napagtanto na useless rin pala kung kausapin ko sila. Habang naglalakad ako papasok ng aming bahay, panay tingin pa rin sila sa akin. Para tuloy kaming nasa isang telenobela. Sa akin naka-focus ang camera at para silang mga uhaw na viewers na nag aabang ng mga sussunod na mangyayari.
"Eira, mabuti naman at dumating ka na. Kanina pang mainit ang ulo ko. Pinapalayas na tayo rito. Lecheng buhay!" sambit ni mama na panay tapon ng mga gamit sa akin. Siguro ay kaya nag aabang na naman ang iba naming kapitbahay ay dahil napaaway na naman si mama r'on sa may ari ng bahay na s'yang inuupuhan namin ngayon.
"Hindi mo ba pwedeng kuhanin ng advance yung pera sa scholarship mo? Magmakaawa ka r'on at sabihin mong talagang gipit na tayo."
Nagsimula namang manghina ang mga tuhod ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya iyong nangyari.
"Putang inang buhay 'to Eira! Laking pagsisisi ko na nagpabuntis ako dyan sa walang kwenta mong ama," mas lalong kumirot ang dibdib ko sa tinuran niya.
Ang tanging nagawa ko na lamang ay paulit ulit na kagatin ang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.
"M-Maghahanap po ako ng trabaho," nagmamakaawang hinawakan ko ang kamay niya bago pa man niya ako tuluyang matalikuran ngunit sa lakas ng pagkakatabig niya, muntik pa akong tumilapon sa sahig.
"Walang tatanggap sa'yo alam mo 'yan! Bukas ng gabi ay sumama ka sa akin. Magugustuhan ka n'ong kustomer ko. Kung pwede nga lang ipambayad na kita sa mga pinagkakautangan ko ay gagawin ko. Puro malas lang ang inaabot ko sa'yo leche!" mainit ang ulo niyang lumabas ng bahay.
Doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko pero kaagad akong dumerecho sa lababo para hilamusan ang buong mukha ko.
Hindi ko hahayaang paulit ulit na maging ganito. Hindi ito ang buhay na ipinangako ko para sa sarili ko.
"You don’t even have any experiences serving our customers. Why should we hire you?" pagtataboy sa akin ng isang manager nang sinubukan kong mag apply bilang isang waitress sa restaurant nila kinabukasan.
"We need your college degree, ija. At isa pa, sinabi mo sa amin na sa gabi lang ang available na time mo dahil estudyante ka. Mas nangangailangan kami ng trabahador sa araw kung sakali man na matanggap ka," paliwanag ng isa pang manager na maayos ang pakikitungo dahil na rin siguro sa awa sa stiwasyon ko ngayon.
Mahigit limang oras na rin akong naghahanap ng trabaho. Hindi ko magawang kumain dahil ayokong mapahiya na naman kay mama mamaya. At isa pa, ayokong makilala ang kustomer na sinasabi niya.
Kahit gaano kahirap, hinding hindi ko ibababa ang sarili ko.
Natapos ang buong maghapon nang wala man lang akong napala. Iika ika na ako habang naglalakad sa kanto namin nang maalala ko ang sinabi sa akin ni ate Julia.
She's my only resort.
Akmang pipinudutin ko na sana ang pangalan niya para tumawag kung hindi lang niya ako naunahan. Bigla akong nabuhayan ng loob ng makita ang pagrehistro ng pangalan niya sa mumurahin kong cellphone.
"Hello Eira. Kamusta ka? May goodnews sana ako sa'yo!" bakas ang pagkagalak niya sa kabilang linya kaya't sigurado akong magugustuhan ko ang kung ano mang ibabalita niya.
"Since wala kana sa dance troupe, paniguradong available ka naman ngayong summer. Yung pamangkin kasi ni Ninang Iris naghahanap ng personal maid. You're the one I recommend since I’m sure you needed it. Interested kaba?"
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sumayaw at tumalon talon dahil sa sobrang tuwa.
"Talaga ate? Sure! Go ako dyan. Kailan ko sila pwedeng i-meet?" hindi magkamayaw kong tanong.
"Mabuti naman kung ga'non. I already forwarded ninang your number so hintayin mo na lang yung tawag nila."
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya kung kaya't wala na akong pakealam sa mga kapitbahay kong pinagtatawanan ako ngayon.
Pagkarating ko sa bahay, walang bakas ng kahit na anino ni mama r'on. Ang tanging natanaw ko lang ay ang umaapoy na awra ni Tita Sylvia na panay utos sa mga trabahador niya.
"Huwag niyong palampasin yung laptop. Kulang na kulang pa 'yan para sa lampas tatlong buwang pangungupahan," walang pakundangang utos niya dahilan para tuluyan na akong mawala sa wisyo. Buong pwersa kong inagaw sa lalaki ang laptop at pagalit na humarap sa tita ko.
"Ano na naman po bang problema? Hindi ba't binanggit na sa inyo ni mama na sa biyernes kami magbabayad? Huwag niyo naman pong paabutin sa ganito, Auntie. Nakakahiya sa mga kapitbahay," reklamo ko nang mapansing dumarami na naman ang kumpulan ng tao sa labas.
"Ano naman kung pagpiyestahan kayo ng mga kapitbahay Eira? Dapat lamang iyon para magkaroon naman ng kaunting hiya iyang mama mo. At ano kamong pambayad sa biyernes ang sinasabi mo? Hindi ba't lumayas na ang magaling mong ina kasama iyong kustomer na huhuthutan niya ng panibagong pera? Kung ako sa'yo, bibitbitin ko na lahat ng personal kong gamit at magpapakalayo layo na!" biglang nanghina ang mga tuhod ko matapos niyang sabihin lahat ng 'yon.
Nangangatal kong tinawagan ang numero ni mama pero kahit anong sagot ay wala akong nakuha. Hindi ko na rin mabilang kung ilang mensahe na ba ang naipadala ko. Halos mamuti na ang mata ko kakahintay pero ni isang letra mula sa kanya ay wala akong natanggap.
"I actually know what happened, Ei. Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin tayo. You just need to call. Tutulungan naman kita," nag aalalang wika ni ate Julia nang sunduin ako rito sa tapat ng bahay namin.
I lost the strength to speak kaya hindi ko na namalayan ang mga nangyari pagkasakay namin sa tricycle hanggang makarating ako sa maliit na apartment na tinutuluyan nila ng boyfriend niya.
"Twice a week lang kung umuwi si Clark so you don't have to worry. Magpahinga kana, Eira. Alam kong kailangang kailangan mo 'yon ngayon," tanging ngiti lamang ang naisukli ko sa kanya bago niya ako iginaya sa bakanteng kwarto dito sa apartment nila.
"Gamitin mo muna pansamantala ang kwarto ng kapatid ko. Umuwi siya sa probinsya ngayong summer kaya wala namang gagamit. Magluluto lang ako."
Lumipas ang halos bente minuto magmula nang makarating ako rito, rumehistro ang isang hindi pamilyar na numero. Nagmamadali ko iyong sinagot sa pagbabakasakaling si mama nga pero nagkamali ko.
"Good evening. This is Iris Sithrie Montecillo. Si Eira Clementine Aracelli 'to hindi ba? I'll forward you the address later sana so we can talk about your work tomorrow. Are you free tomorrow?"
"O-Opo."
"Great. I'll just call you again tomorrow so my driver can fetch you."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magbunyi sa tuwa ngayon. I finally had a work which will somehow help us earn a living. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang magpatuloy sa kabila ng lahat ng nangyari ngayon.
I was left all alone and I hate how merciless fate is to me.