Napangiti ako nang matanggap ko ang mga damit na ipinadala sa akin ni tita Cassandra. She was my mom's dearest friend that I last saw probably when I was 9. She's currently working on Singapore. Bihira lang kaming makapag usap at medyo nahihiya na rin ako dahil sobrang tagal na magmula ng huli kaming magkita.
I saw the note she left and she remembered that I was a turning second year college student. Sinabi niya sa aking susuportahan niya ako.
Hindi ko alam ang eksaktong rason kung bakit tila napakahalaga kong tao sa kanya. Sa pagkakaalam ko, my name was from her.
Eira Clementine.
Nagkaroon din sila ng conflict ni mama noon kung kaya't hindi ko magawang masabi sa kanya ang sitwasyon namin ngayon. Wala akong lakas ng loob at ayoko na rin namang dumagdag pa sa mga isipin niya.
"Eira, naghihintay na 'yong driver ni ninang Iris sa labas," untag ni ate Julia kung kaya't nagmamadaling ipinasok ko sa loob ng kahon ang mga natanggap na gamit.
"Salamat ate," sumunod ako sa kanya papalabas at pareho naming natanaw ang isang itim na kotse.
"Kuya, ingat kayo sa pagdrive ha."
Matapos makapagpaalam, nagsimula nang magmaneho ang driver. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang humataw ang kaba sa dibdib ko.
Siguro dahil ko pa lubos na kakilala ang pagta-trabahuhah ko.
Hindi naging malayo ang byahe. Tumigil kami sa isang napakalaking gate. Malayo ito sa ibang mga kabahayan na tila ba isa itong private property. Binuksan ng dalawang guard ang malaking gate para makapasok ang kotse.
Nang muli niya akong pagbuksan ng pinto, hindi ko na maitago ang pagkamangha sa buong mukha ko.
Sumalubong sa akin ang isang matangkad at mestisang babae na parang kaedaran ko lang din.
"It's good to see you here, ija. I'm glad that Julia recommended someone to work here. I'm so sure that you and Adhie will easily get along," papasok pa lang kami sa receiving area nila ngunit marami na siyang nasabi sa akin.
Habang nagsasalita ay paikot ikot ang mata ko sa paligid.
"I forgot na hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala," mahina itong natawa.
"Just call me tita Iris," mas lalong bumilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. It was late for me to realize that she was the woman ate Julia is talking about.
How come that she looks so young?
"Nagkwekwento na sa akin ang inaanak ko tungkol sa'yo kung kaya't alam ko kung gaano ka katalino at kabait na bata," pagpapatuloy niya pa. Maybe ate Julia fabricated some words so her ninang will like me. Hindi na niya siguro binanggit yung halos pagkalbo ko kay Reissi.
"Just wait here for some seconds. I'll get a drink," paalam niya na tinanguan ko naman. Pagkaalis ni tita Iris, tsaka ko ipinagpatuloy ang nahinto kong gawain kanina.
I wandered my eyes around. Hindi pa ako nakuntento at tumayo pa mismo para pagmasdan ang mga mamahaling mwebles at litrato na nakapatong sa table. There were also several murals and paintings. Upon looking at it, I can conclude that tita Iris was a big fan of astronomy.
Abala ako sa paglilibot nang may marinig akong kaluskos sa likurang bahagi ko.
A guy sitting on a wheelchair was watching me behind my back earlier. It was late for me to realize that it was Adhie, the youngest CEO of Life Spark Development. May mga kaunti ng naikwento sa akin si ate Julia patungkol sa kanya kahapon.
"You're now here, Aracelli," my mouth was left wide open.
How came that he did he knew my name?
"I read your resume," sagot niya ng mapansing nagulat ako sa biglaan niyang pagbigkas ng pangalan ko.
"Have you eaten?"
Hindi ko maitago ang pagkagulat sa sinabi niya.
According to ate Julia, there were lots of rumors spreading about him saying he's a bit arrogant and disrespectful pero wala naman akong nararamdaman na kahit anong sama ng ugali sa kanya.
In fact, it seems like he was concern to me. Hindi ko alam kung talaga bang totoo iyon o baka naman ay masyado lang akong assuming.
"Busog pa naman ho, ako. Salamat," magalang kong tugon na tinanguan niya naman.
"Good."
He turned his wheelchair into the opposite direction afterwards. Pansin kong hirap pa rin siya sa paggamit noon dahil sa injured din ang kaliwa niyang braso kung kaya't hindi na ako nag atubili pang lumapit sa kanya.
"Tulungan ko na po, kayo..." I started pushing his wheelchair slowly.
"Saan ba?"
"Upstairs."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Masyadong malaki iyong bahay nila. Mahaba at malawak din ang hagdanan pataas.
Paano ko siya dadalhin doon? Aalalayan ko ba?
"We have an elevator," he pointed the direction kaya mas lalong napaawang ang labi ko.
Hindi pa rin malinaw sa akin kung ano 'yong trabaho na pinasok ko. There were no other people here aside from the three of us.
Hindi naman sa nagrereklamo pero kung ako lang iyong magiging katulong dito, kukulangin ata ako ng isang araw bago ko pa man matapos lahat ng trabaho.
Sa sobrang tahimik naming dalawa, hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng kwarto na itinuturo niya.
"May ipapagawa pa po ba kayo, Sir?"
He turned his wheelchair using his left hand so he can face me.
"What do you mean, Sir?" kunot noong tanong nito.
"Ano ho bang gusto niyong itawag ko sa'yo?" nahihiyang sambit ko dahil baka mamaya ay magsimula na siyang sungitan ako.
Hindi naman ako magpapaapi kung sakali mang mangyari iyon. I will definitely leave this job kahit na mahirapan pa man akong maghanap ng panibagong trabaho.
I just love myself too much most especially right now when I have no one. Sino pa bang mag aalalaga at magmamahal sa sarili ko kung hindi ako mismo.
"Alright. Call me what you want.”
Tumango ako sa sinabi niya. Pero gan'on pa man, hindi pa rin ako dapat makampante. We only met each other now. Hindi ko pa nasisigurado kung talagang mabait nga siya. Sana naman ay oo para tumagal ako rito kahit na papaano.
Hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ano dapat ang saklaw ng trabaho ko. Mabuti na lang at tinawag ulit ako ni tita Iris.
When both of us are gathered in the dining, she started explaining everything.
"You probably don't have a good encounter with Adhie. Pagpasensyahan mo na kung masyadong masungit iyon," pagkwekwento ni tita Iris na hindi ko naman sinang ayunan.
Gusto ko sanang sabihin na mukhang mabait naman 'yong pamangkin niya.
"But there were times that he's in a good mood. Pero once in a blue moon lang 'yon,"
Maybe that blue moon happened earlier. Maayos naman iyong approach niya sa akin at wala akong problema doon.
All throughout our conversstion, she's talking about Sir Adhriel. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na gusto niya kabilang na 'ron ang mga ayaw at paborito niyang gawain.
Later on, I realized it all after she said what will be my job here.
"While Adhie is not yet fully recovering, you'll help him with some personal matters. That will only be your job. No need to involve yourself in doing heavy chores in this house," tumango tango ako.
Hindi naman pala ako mahihirapan sa mga gawain. Hindi ko alam kung deserve ko ba 'to o nagiging considerate lang si tita Iris sa akin dahil kaibigan ako ni ate Julia.
Three hours had passed; I already fixed my clothes in the closet. Dumating na rin iyong apat na kasambahay na binigyan pala ni tita Iris ng one-week leave.
They were just casually talking to her kung kaya't napagtanto ko na hindi siya mapagmataas sa kahit sino. Despite everything she got, her feet were still on the ground.
Wala akong ibang maisusukli doon kung hindi mas pagbutihan pa lalo ang trabaho ko.
One thing tita Iris told me earlier, Sir Adhie was a coffee person. Paborito niya rin iyong flavor sa cake kung kaya't sumaglit muna ako sa bake shop para bumili.
Matapos akong batiin ng mga kasambahay nila rito, tinulungan nila akong ihanda iyon.
"Sana ay hindi masama ang timpla ng lalaking iyon ngayon. Paniguradong magugustuhan niya iyan," komento ng ginang na sa tingin ko ay halos 50 na ang edad.
"Dalhin ko na ho ito r’on," paalam ko bago sumakay ng elevator papunta sa third floor kung nasaan iyong kwarto niya.
Hindi naman ako nag atubili pang kumatok para masimulan yung trabaho ko. Saktong bumukas iyong punta kaya't pareho pa kaming nagulat.
"Sir Adhie…baka gusto niyo ho," alok ko. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo kung kaya't buong akala ko ay tatanggihan niya.
Nakahinga lang ako nang maluwag dahil sa sunod niyang sinabi.
"Come inside," he replied taking off his eyes of me.
Hawak ko pa rin iyong plato na may cake habang pinapasadahan ko ng tingin ang kwarto niya. His room was a combination of beige and white.
Mayroong game corner at study table. Mayroon ring bookshelf na punong puno ng libro pero ang pinakanakaagaw ng pansin ko ay ang malawak niyang terrace. Glasswall ito kung saan kitang kita ang paligid sa labas kapag sumilip ka r'on.
"You have something to do..."
Nawala ang atensyon ko sa pagmamasid sa kwarto niya dahil sa sunod niyang sinabi.
Napatigin ako rito na hirap na hirap sa pagflip ng pages ng mga libro. He was right handed according to tita Iris pero ngayong injured ang kanang kamay niya, limited lang ang mga gawain na kaya niyang gawain.
"Ako na. Ano bang page?"
Ibinaba ko ang cake bago hinawakan ang libro.
"57."
I followed what he wanted. Hindi ko na rin naiwasnag silipin kung ano man ‘yong binabasa niya. It’s something related to dark crimes. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Kainin niyo na pala po yung cake. Sayang naman kung lalanggamin," alok ko pero tanging isang makahulugang tingin lang ang ibinigay niya sa akin.
Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng pagkailang at pagka-unkomportable sa presensya ng isang tao.
Normal na naman siguro 'yon.
"Where are you going?" tanong niya ng akmang pipihitin ko na ang pinto.
"Gagamit sana ng comfort room,”
he pointed an area right after I uttered those words.
“You can use mine.” Tumango ako bago nag iwas ng tingin.
There's something different about him. It's something that I couldn't figure out.
Pagkatapos kong gumamit ng comfort room, naabutan ko pa rin siya na iyon pa rin ang ginagawa.
He was busy reading his book.
Nahihirapan pa rin siyang iflip ang bawat pages. Iyon siguro ang rason kung bakit nakakunot ang noo niya.
Nahuli niya akong nakatingin kaya't mabilis akong nag iwas. Mabuti na lang rin at hindi siya nagtanong dahil pihadong hindi ko alam kung ano 'yong isasagot ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag aayos ng mga libro niyang magulo ang patas.
Isang oras na rin ang nakalipas at sobrang tahimik sa loob ng kwarto. I thought he was already sleeping pero hanggang ngayon ay abala pa rin siya sa pagbabasa.
Maya maya pa, narinig ko 'yong tunog ng wheelchair niya.
"Nalinis ko na ‘yong shelf mo, Sir Adhie. May gusto ka pa bang ipagawa?”
Hindi niya ako sinagot. Sa halip, pumunta siya r'on sa may terrace.
I saw him staring above. At dahil nacurious ako kung ano ang mayroon, natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit papunta sa direksyon niya.
"Have you ever thought of spending your life at the moon?"
I was a bit surprised with his question. Hindi nabanggit sa akin ni tita Iris ang tungkol rito.
"H-Hindi..."
"You had such a boring life..."
Hindi ako nakapagsalita. Maybe because what he's saying is true. There's nothing that excites me anymore.
"Ikaw ba? Gusto mo bang tumira r'on?"
Humarap siya sa akin. I noticed how fascinated he was upon looking at the waning crescent above.
"Who wouldn't? She's beautiful despite her phases."
Tumingin ulit ako sa taas. I am not a fan of any astrological things pero masasabi kong may sense nga 'yong sinasabi niya.
"You should be like her."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. He's talking as if he already did a background check on me.
"Malabo e. Sabi mo ang ganda ng buwan di'ba?"
Hindi naman sa ibinababa ko ang sarili ko. Alam ko lang kung ano 'yong tumatakbo sa isip niya. His standards were high. Alam kong wala ako sa kalingkingan noon.
"What I mean is, make yourself interesting similar to the moon. I hate how plain you are."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"You're probably a boring one."