Chapter 3

1984 Words
Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang dumating ako rito, marami na kaagad na ikwento 'yong ibang mga kasambahay na nakakasama ko. Tita Iris told me that I will be Adhie's personal assistant until he was not yet able to get back at work. Hindi rin ako makapaniwala nang malaman ko kung gaano sila kayaman. At the age of 21, he already owns different real estates and private properties. Masyado ring mataas ang tingin sa kanya ng iba sa kadahilanang marami na kaagad ang naabot nito sa murang edad pa lamang. "Kung hindi lang 'yan naaksidente, aba ay nasa ibang bansa na siguro iyang binatilyo na 'yan ngayon," pagkwekwento pa ni Ate Cora habang abala ito sa pagluluto ng sinigang. That explains why Adhie's legs were injured. Ramdam ko kung gaano kahirap 'yong sitwasyon niya kahit na hindi ko pa ito nararanasan. "Naaksidente siya r'on sa sinasakyan niyang kotse." Madali kong naintindihan 'yong sinabi niya. Kahapon lang din, habang naglilinis ako sa kwarto ni Adhriel, marami akong nakitang litrato patungkol sa pagsali niya sa mga car racing. He almost lost his life ayon pa sa kwento ng ibang mga kasambahay. Mabuti na lang talaga at iba ang tama ng swerte sa kanya. Hindi naman naging mabigat ang trabaho ko rito. Ang tanging sinabi lang sa'kin ni tita Iris ay tulungan ko si Adhriel at pagpasensyahan kung may mga ugali man siyang hindi ko nagugustuhan. So far, wala pa naman siyang ginagawang masama sa akin bukod sa sinabi niya noong nakaraang linggo. Sinabi niya sa akin na mukha akong hindi pagkakainteresan ng ibang tao. Hindi naman ako nagalit r'on dahil wala naman talaga sa bokabularyo kong maging maganda sa paningin ng iba. If he's talking about my plain fashion, hindi ko kailangang baguhin 'yon. Hindi ko rin namang kailangang maglagay ng kung ano anong kolorete sa mukha dahil unang una, nandito ako para magtrabaho. Come upstairs. Kaagad kong itinigil ang pagdidilig ng mga halaman nang mabasa ko 'yong text niya sa akin. Pagkarating ko r'on sa kwarto niya, naaabutan ko itong nanonood ng tv patungkol sa mga car racing na siyang paborito niyang sports. Hindi ko alam kung bakit basa ko pa rin sa mga mata niyang paborito niya pa ring libangan ang mabilis na pagpapatakbo ng kotse. I was studying psychology and based sa mga naikwento sa akin ng prof namin noon, karamihan sa mga taong naaaksidente ay nagkakaroon ng trauma. They were not able to get back on their tracks easily and the worst possible scenario could be forgetting the things that they used to love before. In Sir Adhie's case, parang hindi man lang ito nadala sa mga nangyari sa kanya kahit na halos mamatay pa siya noon. "I need to change clothes," malamig niyang sabi. Kaagad naman akong pumunta r'on sa malaking closet niya. "Anong gusto mong suotin?" "Anything comfortable." Pinili ko iyong simpleng puting shirt bago ako muling humarap sa kanya. "Lalabas na ako— Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko, kaagad na siyang nagsalita. "Why would you?" "Sabi mo magpapalit ka di'ba?" Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba 'yong mali sa sinabi ko. "Change my clothes," kaagad na umawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako nainform na pati pala pagpapalit niya ng damit ay kasama rin sa trabaho ko. Itinaas niya 'yong dalawang kamay niya habang naghihintay sa akin na lumapit. I was left with no choice but to do it since wala naman sigurong malisya iyon. Naalala ko rin 'yong sinabi sa akin ni tita Iris. He can only do limited works. Hindi na rin ako dapat magreklamo dahil kung iisipin, napakaganda ng sitwasyon ko rito. Bukod sa malaki ang sweldo, mabait pa 'yong mga katrabaho ko. Halos kumapit sa akin ang amoy ng pabango ni Sir Adhie. I can't help but to get addicted with his manly scent. I can't help but to gulp too right after seeing his upper body. Siguro ay nag-gygym din siya noon kaya ganito kaganda ang built ng katawan niya. "T-Tapos na," halos kinakabahan kong sagot bago lumayo sa kanya. "Ano palang gusto mong kainin?" casual kong tanong. Nakasunod ako sa kanya habang namimili siya ng librong babasahin. "I'm full." "May ipapagawa ka pa ba?" Humarap ulit siya sa akin bago muling sumagot. "Spend your week by taking driving lessons." Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya. Magiging driver din niya ako? "I'll shoulder all your expenses. If you don't want, just quit immediately." Mabilis akong umiling sa sinabi. "Hindi ako nagrereklamo. Bukas na bukas ay magsisimula na kaagad ako," sagot ko kahit na hanggang ngayon naaalala ko pa rin 'yong pangyayari noon. My dad was a victim of hit and run. Up until now, I wasn't able to get the justice he deserves. Hindi na rin iyon masyadong inasikaso ni mama, dahil bukod sa walang pera, aksaya lang daw 'yon sa oras. Hindi ko tuloy maiwasang maawa kay papa dahil wala pa rin akong nagagawa para sa ikatatahimik niya. Katulad ng sinabi si Sir Adhie, nagtake ako ng driver's lesson. Pero sa halip na kumuha ng professional trainer na magtuturo sa akin, si ate Julia na ang kinuha ko. Nabanggit ko sa kanya any tungkol dito. She offered help kaya't hindi na ako tumanggi pa. Alam ko na ang rason kung bakit niya ginawa iyon. Habang tinuturuan niya ako kung paano magdrive, binabanggit din niya sa akin yung iba't ibang dance opportunities na dapat ko raw salihan. I can see that she believes on my skills more than I do. Gusto ko na ngang bitawan ang pagsayaw pero siya iyong tanging taong nanghihinayang para sa akin. "Once in a lifetime oppurtinies lang 'yon, Eira. Kung susubukan mo lang, pihadong makakapasok ka!" positibong saad niya pa. "Pumirma na ako ng isang taong kontrata kay Sir Adhriel. Kung sakali mang matanggap ako, hindi pa rin ako makakalabas ng bansa." "Napakabait ni Ninang Iris. Pwede ko namang sabihin— "Ayoko na talagang sumayaw ate," buo ang desisyon kong saad. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana. Siguro nga, sinisipag lang akong magpraktis ng sayaw o makipagkumpetensya sa iba't ibang paligsahan dahil kumikita ako r'on ng pera. Dancing was not really my passion. I only dance because that's the only way for me to live. Pero ngayong may mas malaking sahod na ako sa trabaho, hindi ko na kailangan pa ang gan'ong klase ng oportunidad. "Basta tawagan mo ako ha, in case na magbago ang isip mo," tumango ako sa sinabi niya. Hindi naging madali 'yong driver lessons namin. Magaling siyang magturo kahit pa noong magkasama kami sa sayaw. Nasa akin lang talaga 'yong problema. Hanggang ngayon nasa akin pa rin 'yong takot sa pagmamaneho. It was because I was reminded by my father. Minu minuto niya akong dinadalaw sa isip ko habang sinusubukan kong magmaneho. "Is that how you learn it?" masungit na tanong sa akin ni Sir Adhie matapos kong makababa ng kotse. Nandito kami ngayon sa malawak nilang entrance sa labas. Titingnan daw niya kung anong natutunan ko sa loob ng isang linggong 'yon. "Kinakabahan ako," pag amin ko. If he wants to make me his driver, ramdam kong hindi ko talaga kakayanin. Baka ma-late lang siya sa mga appointments niya. "What's making you afraid?" tanong niya nang mahalata siguro ang reaksyon ko. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang i-overcome ang takot kong iyon. "Sobrang personal kung ike-kwento ko pero h'wag kang mag alala, pag aaralan ko nang sobra 'yong trabaho ko," sagot ko na lang dahil wala akong karapatang magreklamo ng kahit ano sa kanya. Dapat nga magpasalamat pa ako dahil kahit marami akong bagay na hindi alam, tinanggap pa rin nila ako sa para sa trabahong 'to. "Highblood na naman ba?" rinig kong usapan nina ate Cora na kakalabas lang sa kwarto ni Sir Adhie. Kakatapos ko lang kumuha ng gamot dahil masama raw 'yong pakiramdam niya nang makarinig ako ng sunod sunod na pagkabasag. "Ano hong nangyari?" "Naku, masama na naman ang ugali ng Sir. Pagpasensyahan mo na lang kung ano mang mangyayari ha. Sana ay wag mong sukuan ang trabaho mo." Unti unti ko na na ngang nasaksihan yung sinabi nila noon tungkol sa akin. Sir Adhie was with bipolar disorder. Whenever he's stressed too, he couldn't control his anger. Dali dali tuloy akong pumasok sa kwarto niya at doon ko nakita ang mga nagkalat na babasaging bote. I never told him to stop. Hinayaan ko lang siyang gawin 'yon hanggang sa maubos ang galit niya. Hindi ko na rin namalayan na dumudugo na pala 'yong mga kamay ko dahil sa paglilinis ng mga boteng binasag niya. "Get out!" iyon ang unang pagkakataon na narinig ko siyang sumigaw. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot dahil noon pa man, danas na danas ko na ang pagtaasan ng boses. "Ipagpatuloy mo lang 'yang galit mo. Hindi naman kita pipigilan basta hayaan mo na lang ako rito sa kwarto mo para gawin 'yong trabaho ko," sagot ko bago nag iwas ng tingin sa kanya. "Do you want me to fire you?" Muli ko siyang tiningnan. "Si tita Iris ang naghire sa'kin kaya siya lang din ang may karapatan na tanggalan ako ng trabaho." "Just f*****g quit! I don't need anyone here!" Hindi ko pinakinggan 'yong sasabihin niya at nagpatuloy ako sa ginagawa ko. I saw him drinking again. May binuksan siyang bagong bote ng beer at kaagad niya 'yong naubos. Due to drunkness, kusang bumigay 'yong katawan niya. He was still sitting on the wheel chair kaya pagkatapos kong linisin ang kwarto niya, kaagad akong pumunta sa malaki niyang closet para kumuha ng damit. Matapos ko siyang palitan, inalalayan ko siya papunta sa kama. He's way too heavy kaya nahirapan akong gawin 'yon. Hindi ko naman inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hindi niya binitawan 'yong kamay ko dahilan para bumagsak ako sa kama kasama siya. "A-Anong ginagawa mo?" angil ko sa takot na mahuli kami ng iba pang mga kasambahay na nasa ganitong posisyon. "Sir Adhie— Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. He's a bit stronger kahit na lasing siya. "Sleep with me tonight," he huskily exclaimed. I could almost feel his breath because of our close distance. "Hindi ako matutulog dito sa kwarto mo kaya pwede ba bumitaw ka na lang?" nagsisimula na akong mainis sa kanya. "I'm your boss." Kaagad na nag init ang ulo ko sa sinabi niya. "Boss lang kita. Hindi kita boyfriend o kung ano man! Kaya bitawan mo na ako." Wala na akong narinig na kahit ano pang sagot sa kanya matapos kong sabihin 'yon. His eyes were already close pero ayaw niya pa rin akong bitawan. At dahil sa dami ng ginawa ko kanina, napagod na rin akong makipagtalo sa kanya. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. The next morning, I can still feel his scent pero wala na siya sa tabi ko. Mabilis akong napabangon kasi nandito pa rin pala ako sa kama niya. Kaagad ko siyang hinanap. He was closed to the window. Nang humarap siya sa akin, doon ko lang nalaman na may libro pala siyang binabasa. "Prepare my breakfast," agad nitong utos sa akin. Hindi ko naman maiwasang mahiya dahil inabot ako ng antok dito sa kwarto niya kahit na kasalanan niya iyon dahil ayaw niya akong bitawan. "Sorry pala— "What are your apologies for?" Kumunot ang noo ko. Wala ba siyang maalala kagabi? "Kasi natulog ako rito," "Was it your first time sleeping beside a man?" He was looking at me intently. Bakit ba gan'on ang tanong niya? "Oo," tipid kong sagot bago tumayo mula sa kama niya. "Maghahanda na ako ng break— "Come here tonight again," Muli akong napatingin sa kanya. "May ipapagawa ka pa ba?" His face remains blank. Hindi ko mabasa kung ano yung sasabihin niya. "Sleep with me again. Make it part of your job."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD