Chapter 4

1564 Words
Hindi ako pumayag sa sinabi sa akin ni Sir Adhriel. He can let me stay in his room pero hindi ako tutulog sa iisang kama kasama siya. Besides, alam ko sa sarili kong hindi na 'yon sakop sa trabaho ko at may karapatan akong hindi sumang ayon. During this summer, nagleave si tita Iris. She told me that she had urgent matter to take care of overseas. Siya na lang 'yong nag iisang kasama ni Sir Adhi rito sa mansyon magmula nang mamatay ang mga magulang niya. Hindi naman nagprotesta pa si Sir Adhriel na parang sanay na sanay na siyang maiwan sa mga kasambahay ng tita niya. Go upstairs, Aracelli. Napatigil ako sa pagluluto ng steak nang magtext siya sa akin. Mabuti na lang at natapos na sa gawain niya si ate Cora kaya siya na mismo 'yong nagtuloy sa trabaho. Kaagad akong nagpunta sa kwarto ng boss ko. Mabuti nalang at nadatnan ko iyong malinis hindi katulad n'ong mga nakaraang araw na nagkalat ang mga babasaging bote sa kung saan saan. "May kailangan ka?" pambungad na tanong ko. He then pointed the windows. Lumapit ako para tingnan kung ano ang meron doon nang bigla akong mabahing. "Do you want me to fire you?" masungit niyang tanong. Mabuti nalang at may lamang basahan iyong uniform na kakasuot ko pa lang ngayon. Agad ko iyong pinunasan. Idinamay ko na rin 'yong bedside table at nagpagpag ng mga sofa para wala na siyang masabi sa akin. At pagkatapos n'on, muli ko siyang binalingan ng tingin. Abala ito sa pagbabasa ng libro. "Bababa ka ba o ako na ang magdadala ng pagkain sa'yo rito?" "I'll skip dinner," sagot niya na hindi na bago sa pandinig ko. Isa rin sa pinakaayaw niya sa lahat ay 'yong makulit o tanong nang tanong kung kaya't hindi na ako nakapagsalita. Sayang lang at hindi niya matitikman 'yong paborito niyang steak ayon kay ate Cora. Bahala siya. Problema niya na 'yon. Pagkalabas ko ng kwarto niya, kumain na ako kasama ang ibang mga kasambahay dito sa mansyon. Naligo na rin ako at nagpalit ng pantulog. Pagkatapos n'on, natanggap ko ulit ang text niya sa akin kaya bigla kong naalala na gusto niya nga palang sa iisang kwarto kami matulog. Wala akong ideya sa kung ano mang binabalak niya pero kung masama man iyon, hindi ako magdadalawang isip na saktan siya. Besides, mayroon akong advantage since he cannot fully move his arms and legs. Lubhang tahimik sa kwarto pagkapasok ko hawak ang mga dala kong beddings. Hindi ko inaasahan na makakatulog kaagad siya ng ganito kaaga. Pasado alas nuebe pa lang. Kapag ganitong oras ay panay utos pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang umihip ngayon. At dahil inaantok na rin naman ako, inayos ko na 'yong tutulugan ko sa sofa. Masyadong malamig 'yong kwarto niya kung kaya't binalot ko ang sarili ko ng malamig na comforter. Ate Julia: Eira, gising ka pa ba? Kaagad akong nagtipa ng mensahe para makapagreply sa kaibigan ko. Ako: Yes po. Ate Julia: Are you sure you wouldn't change your mind? Ano ang desisyon niyo? Napabuntong hininga ako nang mabasa ko 'yong mensahe niya. Hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin siya na magbabago pa ang desisyon ko. Ako: I'm sorry ate. Hindi man lang ako nagdalawang isip pa sa bagay na 'yon. Matapos ang palitan namin ng text, binuksan ko iyong f*******: ko at bumungad sa akin ang post ng manager namin. Kita sa litrato ang malaki nilang paghahanda para sa gaganaping hiphop international. Dalawang kategorya iyon. Isang grupo at isang soloist. Sa kanilang lahat, si Reissi iyong napili. Siguro ay nagdidiwang na ang chismosang 'yon ngayon dahil wala na ako r'on. Kinabukasan, maaga akong nagising sa tunog ng alarm clock. Halos sarado pa ang mga mata ko nang tingnan ko kung ano ng oras sa cellphone ko ngayon. Pasado alas kwatro pa lang ng madaling araw kung kaya't agad akong napatingin kay Sir Adhi dahil nagtataka ako kung bakit siya nag alarm ng ganito kaaga. Gising na rin ito at mukhang may pupuntahan. Iyon siguro ang rason kung bakit maaga siyang nakatulog kagabi. "Good morning," bati ko. "Hurry and get up. We'll go somewhere," he informed before leaving on his bed. Pumasok ito sa kanyang banyo kaya't hindi ako nakapagtanong kung saan ba kami pupunta. Matapos kong ayusin ang kama niya, bumaba na ako para magluto. At dahil masyadong maaga, tulog pa iyong mga kasambahay namin. Medyo masakit din ang ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Inaantok akong naghanda ng paborito niyang black coffee at pancake. Hindi siya 'yong tipo ng taong nagra-rice tuwing umaga kaya hindi na ako nahirapan. After of almost half an hour, bumaba na rin ito. Kaagad akong lumapit sa kanya para alalayan siya sa wheelchair. He was wearing just a casual attire— plain white shirt and short. Bagamat, gan'on lang ang suot niya, malakas pa rin ang dating nito. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung may girlfriend na ba siya kahit na hindi ako interesado sa bagay na 'yon. "Saan tayo pupunta?" pag uulit ko sa tanong ko kanina. "Somewhere," blankong sagot nito. Umaandar na naman ang pagiging masungit niya. "Sige, magpapalit lang ako ng damit." "You won't eat?" "I hate eating breakfast Sir," sagot ko bago nag iwas ng tingin sa sinabi niya. Bago pa man ako tuluyang makaalis sa harapan niya, narinig ko pang muli ang sinabi nito. "No doubt that you're skinny." Hindi naman ako na-offend sa sinabi niya dahil hindi naman 'yon mahalaga sa akin. Sadyang hindi lang talaga ako kumakain ng agahan dahil bukod sa walang gana, sumasakit pa 'yong tyan ko. Pasado alas singko na ng umaga nang matapos kami pareho ni Sir Adhriel. At dahil ramdam kong naiinis pa rin siya sa sobrang kupad kong mag-drive, sinabihan niya si kuya Rod el na magmaneho para sa amin. Kung hindi ko lang narinig 'yong usapan nila, hindi ko malalaman kung saan kami pupunta. May narinig akong pangalan ng isang lalaki. Siguro ay kaibigan niya 'yon na gusto niyang puntahan. Masyadong matagal 'yong byahe dahil malayo pala 'yong pupuntahan namin. Sir Adhie was sleeping inside the car. Hindi ko naman magawang makatulog dahil sa lakas ng aircon dito sa kotse niya. Kung alam ko lang na ganito kalamig, jacket sana ang isinuot ko sa halip na tshirt. "Kuya Rodel, malayo pa ba?" Sumulyap ito nang bahagya sa akin sa front mirror. "Mga dalawang oras pa, Eira." Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko akalain na halos isa at kalahating oras na rin kaming bumabyahe. Sobrang nakakabagot dahil ng traffic. Mabuti na lang at huminto muna pansamantala ang kotse sa isang mini store. Bumaba ako ng kotse para bumili ng tubig at kahit anong snacks gaya ng sinabi ni Sir Adhie. Mabuti na lang at hindi masyadong mahaba ang pila sa cashier dahil gusto ko na ring makarating sa pupuntahan namin. Masyadong nakakapagod ang byahe kahit na nakaupo lang ako. "Junk foods, really?" pagsusungit sa akin ng boss ko nang makita niya kung ano iyong binili ko. "Sabi mo kahit anong snacks?" sagot ko. Masama naman ang timpla ng mukha nito na halatang hindi nagustuhan kung ano 'yong binili ko. Tubig lang 'yong kinuha niya. Gan'on din si kuya Rodel. Sayang naman itong nabili kong Doritos dahil hindi naman pala nila kakainin. Hindi na nagsalita pa si Sir Adhie pagkatapos n'on. Mabuti na rin 'yon para hindi ako mainis sa pagsusungit niya. He made himself busy by texting someone. Hindi ko naman maiwasang maging marites dahil napapasulyap ako r'on sa ka-text niya. May nabasa akong pangalang Claire. Girlfriend niya kaya 'yon? Sa halip na pakaisipin pa ang bagay na 'yon, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain at pagtingin sa bintana para tingnan iyong mga lugar na nalalampasan namin para naman malibang ako. "Amputa, napaakaga mo ata ngayon ah?" Nagulat ako sa biglang kumatok sa bintana matapos ang kalahati pang oras na byahe. Isa 'yong lalaki na halos kaedran ko lang din. Unang bumaba ng kotse si Sir Adhie. Nagdadalawang isip pa rin ako kung bababa ba ako kaya nilibot ko muna ang paningin ko sa lugar kung nasaan kami. If I'm not mistaken, we're in a resort. Go outside, stupid. Napakunot ang noo ko dahil sa text niya. Habang natagal talaga, pasama nang pasama 'yong ugali niya. "Woah! You never mentioned that you're dating someone?" pambungad na sambit ng kaibigan niya nang makita nila ako. There were actually three guys bukod kay Sir Adhriel. Hindi ko inaasahang mabilis na lalapit sa akin ang isa pang lalaki para akbayan ako. "So how did you answer this d*ck s**t?" Nagtawanan silang magkakaibigan matapos ang tanong na 'yon. "Your looks is my type. What are your family's business? Where are you studying?" Sa dami nilang tanong, hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. "Pinakamagandang girlfriend mo ito, Tripp!" Hindi ko alam kung seryoso ba sila sa sinabi nila o pinagti-tripan lang ako. Gan'on pa man, hindi ako komportable sa presensya nila dahil masyadong mataas ang tingin nila sa akin. "Get your f*****g hands off of her!" Hinawakan ni Sir Adhie 'yong braso ko para ilagay sa likod niya. "When did you become so possessive, huh?" Pansin kong masama ang timpla ng mukha ng boss ko kahit na usual na naman niya 'yong reaksyon. "Stop asking about her. She's not my girlfriend. She's just my maid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD