Matapos nilang malaman na hindi ako girlfriend ni Sir Adhie, they started distancing themselves from me. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip nila pero mas mabuti na rin 'yon dahil ayaw ko ng maraming tanong sa akin.
Bukod r'on sa tatlong lalaking una kong nakita, may dumating pang dalawa lalaki at tatlong babae. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil kakaiba ang paraan ng pagtitig nila sa akin.
"Do you want me to fire you?" tanong muli ni Sir Adhie dahil hindi ako sumusunod sa kanya sa sala.
Nandito kasi ako ngayon sa kusina para tumulong sa mga kasambahay na nagluluto.
"May kailangan ka ba?"
Mas lalong umigting ang panga nito. Magsasalita pa sana ako kung hindi lang niya nahawakan ang palapulsuhan ko.
"Doon na lang ako sa kusina. Hindi naman—
Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko nang makita kami ng isang babae.
"Your new pet, Tripp?" tawa niya bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"I never thought that you're into someone who's old fashion," dagdag pa n'ong isang babae na halatang naiinis sa akin kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Bigla ko tuloy na-miss manabunot. Kung wala lang sa tabi ko itong boss ko, baka kanina ko pa kinarayom ang bibig ng mga babaeng 'to.
Sinubukan kong hindi na lang 'yon pansinin at tahimik na umupo na lang sa tabi ni Sir Adhie. I made myself busy by watching the movie playing on their large screen tv. Sila naman ay nag uusap at nagtatawanan sa isang bagay na hindi ko maintindihan.
Pananamit at ugali pa lang nila, alam kong malayong malayo na ang pagkakaiba namin. Pansin ko iyon nang malaman nilang kasambahay lang ako ni Sir Adhie. Wala naman akong pakealam sa opinyon nila. Medyo nakakapikon lang minsan pero alam kong kailangan kong kontrolin ang sarili ko.
"Can you get us water, please?" sarkastikong utos ng babaeng kulot na halos maging drawing book na ang mukha sa dami ng kolorete.
Ito siguro ang rason kaya pinaupo ako ni Sir Adhie sa tabi niya. Gusto niya rin na pagsilbihin ko 'yong mga kaibigan niya.
"Sige. Sandali lang."
"You're really kind. Thanks maid," she sarcastically smiled that's why I reciprocated it.
Maraming niluluto ang mga kasambahay nila rito. Ayon sa narinig ko, it was Samuel's birthday. Marami ring mga alak na nakahanda kaya paniguradong gagabihin kami ng uwi nito mamaya.
Pagkabalik ko sa sala dala ang hawak kong tubig, hindi ko inaasahan kung sino 'yong makikita ko.
"Oh my god! Iba ka talaga, Eira. Naglevel up kana ah!"
Mabilis na lumapit sa akin ang hindi makapaniwalang si Reissi. She offered me a hug pero sa halip na lapitan siya, nilampasan ko lang ito bago ako bumalik sa tabi ng boss ko.
"Why did you know each other?"
Reissi smiled at me. Malademonyo ang ngiti niya na halatang hindi ko talaga magugustuhan ang sunod na sasabihin.
"Her mom was too famous so I knew her. Di'ba Eira?"
Sa pagkakataong ito, nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko. Alam na alam niya talaga kung paano ako pabubugahin ng apoy.
"Really? Is her mom an actress? Can I get an autograph?"
Mas lalong natawa si Reissi nang marinig niya 'yon.
"An actress?" may pahinto hinto pa ito na para bang nag iisip kahit na wala naman siyang utak. "Well, sort of. But her fan base includes a large pool of horny and old customers."
Nagtawanan ang lahat matapos niyang sabihin 'yon. Kagaad naman akong napatayo dahil hindi ko makayanan 'yong presensya niya.
"What? I'm just spitting facts. May mali ba r'on sa sinabi ko?"
Sa halip na patulan siya, tumingin nalang ako kay Sir Adhie na umiinom ngayon ng tubig.
"Magcr lang ako. Masakit ang tyan ko," paalam ko at hindi na hinintay pa 'yong sagot niya.
Sa sobrang lawak ng mansyon nila, hindi ko alam kung saan ba 'yong comfort room kung kaya't nagdesisyon na lang akong lumabas para magpalipas ng galit.
Kahit gustong gusto kong patulan ang bruhildang si Reissi, hindi ko 'yon pwedeng gawin dahil kailangan ko ang trabahong ito lalo na't malapit lapit na rin ang pasukan at wala ng kahit anong scholarship ang susuporta sa akin. Kailangan kong makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho.
Sa gan'ong paraan, baka bumalik si mama dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita.
"About what she mentioned earlier, is it true?"
Habang nagpapalipas ako ng inis, hindi ko inaasahang may susulpot sa tabi ko. Based on what I remember, he's Samuel—the birthday celebrant.
"Alin doon?"
"Hmm, about your mom. What was her actual work?"
Hindi ko alam kung bakit interesado siya sa bagay na 'yon. At dahil hindi ko naman ikinahihiya kung ano 'yong trabahong bumuhay sa amin nang mamatay si papa, sinagot ko 'yong tanong niya.
"Nagta-trabaho siya sa isang bar. Tama 'yong sinabi ni Reissi."
"Can I ask you something?"
Muli ko siyang binalingan ng tingin. Kanina ko pang hindi nagugustuhan ang paraan ng pagsulyap niya sa akin.
"Tungkol saan?"
"How much are you? I'm willing to pay for one night."
Umakyat ang matinding inis sa ulo ko matapos ko 'yong marinig sa kanya. Mabuti na lang at nagawa kong pakalmahing muli ang sarili ko dahil kung hindi, baka kanina pa ako natanggalan ng trabaho.
"Hindi ako katulad ng kung ano man ang tumatakbo sa isip mo. Hindi ako katulad niyo na lumaking mayaman pero hindi ko ibababa ang sarili ko para lang sa pera. At kung ano man ang mga naging desisyon ni mama, sakripisyo ang tawag d'on para masuportahan ako. Kaya pwede ba, tigilan mo ako sa mga ganyang tanong. Kasambahay ako—mababa man sa paningin mo pero disente akong tao. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong magtrabaho nang maayos kaya kung wala kang magandang sasabihin Sir, mas mabuti na lang siguro na lubayan mo ako."
Matapos kong sabihin ang lahat ng 'yon, agad ko siyang nilampasan. Hindi ko naman inaasahang magtatama ang paningin namin ni Sir Adhie na tila yata kanina pang nakamasid sa akin. Narinig niya kaya 'yong mga sinabi ko?
"Pwede bang hindi muna ako sumama sa inyo? Tutulong na lang ako sa mga kasamabahay rito," paalam ko.
Pansin kong mariin siyang tumingin sa akin na para bang binabasa niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko.
"Do what you want," masungit nitong sagot.
Mabuti nalang at hindi siya tumutol sa akin dahil baka hindi ko na talaga makayanan ang bunganga ni Reissi.
Umalis 'yong buong barkada nila. Hindi na ako nag abala pang magtanong kung saan sila pupunta. Sa halip, itinuon ko ang buong atensyon ko sa pagtulong sa mga kasamabahay dito. Mabuti na lang at mababait sila sa akin.
"Napakaganda mo naman, ija. Nobyo mo ba ang isa sa mga amo ko?"
Mabilis akong umiling sa sinabi ni ate Celia.
"Hindi ho. Nag ta-trabaho lang din ho ako katulad niyo," nakangiti kong sagot dahil sa mga papuri nila sa akin.
Pasado alauna na ng hapon nang makabalik silang muli rito sa mansyon. Madaming dalang mga paperbag 'yong mga babae. Matapos ang ilang minuto, kita kong puro nakaswimsuit na sila.
Nakakayanan na si Sir Adhie na maglakad. Mukhang bumabalik na din ito sa normal niyang lakas. He was just wearing a summer short. Pansin ko tuloy ang sulyap ng mga babae niyang kaibigan sa kanya.
Bagamat hindi nakapagwork out ng ilang buwan dahil sa nangyaring aksidente sa kanya, napakaganda pa rin ng katawan nito.
"Put a sunblock on me," utos ni Sir Adhie. Nakadapa siya ngayon at nakasuot ng shades.
Pansin ko naman ang tinginan ng mga kaibigan niyang babae sa direksyon namin. Hindi ko alam kung ano na naman ang problema nila sa akin. Bumalik ulit ang inis ko nang makita kong papalapit sa direksyon namin si Reissi.
"I volunteer myself, Tripp. Mukhang pagod na pagod na si Eira. Losyang na e," natatawa niyang sambit bago inagaw sa kamay ko 'yong hawak kong sunblock.
She was wearing a black one piece. Bagay na bagay iyong kulay ng suot niya sa buong pagkatao niya.
Hindi naman nagreklamo si Sir Adhie kaya hinayaan ko na lang si Reissi bago ako muling pumasok sa loob ng mansyon. Hindi ko naman inaasahang lalapitan ako n'ong isa pang babaeng maikli ang buhok at maamo ang mukha. Kanina ko pa siyang hindi naririnig magsalita. Maganda ito, bagay na bagay sa kanya ang suot niyang puting one piece.
May iniabot siya sa aking isang paper bag.
"I'm Jorgea. You may try this one. I bought three pairs. Since we almost have the same body size, I'm so sure that will fit you."
Tiningnan ko kung ano ang laman noong ibinigay niya. It was a red two piece. Akmang ibabalik ko na sana 'yon sa kanya nang maunahan niya ako.
"Just accept it. You're still part of this party since Tripp brought you here. Come on, I'll help you." Hinawakan niya ang kamay ko papuntang taas.
Pumasok kami sa isang kwarto. Hindi ko alam kung ano ba ang pinaplano niyang gawin.
"Katulong lang ako rito. Hindi niyo naman ako kaibigan—
"Shh, just wear that swimsuit. Don't mind them. Ako ang bahala sa'yo."
Hindi ko magawang pagdudahan 'yong mga ngiti niya dahil sa tuwing tinitingnan ko ito, ramdam kong totoo iyon.
Ito ang unang pagkakataon na magsusuot ako ng ganito. Gusto kong umayaw sa kanya para hindi ko alam kung paano ko siya tatanggihan dahil maayos niya akong nilapitan.
Sinabi sa akin ni Reissi na losyang na ako. Hindi kaya mas magmukha akong katawa tawa kapag suot ko na ito?