Chapter 6

1554 Words
Matapos kong suotin 'yong two piece na ibinigay ni Jorgea, nagsimula na akong mailang sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko dahil maamo akong sumunod sa kanya. At kung sumali man ako sa party nila, paniguradong papaandaran na naman ako ng walang prenong bunganga ni Reissi. "Oh my god! I knew it. What kind of work out are you doing?" agad niyang puna sa akin nang makita niya 'yong ayos ko. Akmang papasok na sana ulit ako sa loob ng comfort room kung hindi niya lang nahawakan ang kamay ko para dalhin ako sa isang full length size mirror. Doon ko nakita ang kabuuan ng sarili ko. "Why are you shy? If that's my body, I'm gonna flex it agad. Araw araw siguro akong naka two piece," natatawa niyang saad bago tinanggal 'yong clamp na siyang gamit ko para i-ponytail 'yong buhok ko. "Much better," she added. Sinubukan kong suklian 'yong ngiti. Hindi ko alam kung bakit magaan 'yong loob ko sa kanya. Siguro ay gan'on lang talaga ang pakiramdam sa tuwing nakakakilala ako ng mababait na tao. Sa panahon kasi ngayon, bihira na lang ang may gan'ong ugali. "Wait here. I'll just get something outside." Tumango ako sa sinabi niya. Pagkalabas niya ng kwarto, doon ko mas lalong nakita ang kabuuan ng sarili ko. Umikot pa mismo ako sa harap ng salamin para tingnan kung bagay ba talaga sa'kin 'yong suot ko. Mabuti na lang at masyadong maalaga sa akin si papa noon. Hindi niya hinahayaang madapa at magkaroon ng galos ang mga hita at binti ko. Natural ding may kurba ang katawan ko kahit na hindi ako nagwo-work out o nag-gygym. Daily work out ko lang noon ay ang pagsasayaw kaya napanatili ko ang ganitong katawan. Inayos ko ang wavy kong buhok at napansing humahaba na ito. Kailangan ko na siguro itong paputulan hanggang leeg dahil masyadong hassle kung papahabain ko pa ito hanggang bewang. Matapos ang ilang minuto, napatigil ako sa ginagawa ko nang may pumihit ng pinto. Buong akala ko ay si Jorgea na iyon pero nagkamali ako. Nagulat na lang ako nang tumambad sa akin ang matipunong pigura ni Sir Adhriel. Ilang segundo kaming natulala sa isa't isa. At ilang segundo pa rin ang lumipas nang mapagtanto kong halos wala na akong suot sa harapan niya. Mabilis ko tuloy na tinakpan ang dibdib ko. "M-May kailangan ka ba?" Hindi siya nakapagsalita sa tanong ko. Sa halip, isinara niya ang pinto na para bang walang nangyari. Ano naman kaya ang iuutos niya ngayon? Sa kalagitnaan ng pag iisip, muling bumukas ang pinto at pumasok si Jorgea. Kaagad itong natawa sa ekspresyon ng mukha ko. "What happened? Your was turned reddish," puna niya kaya napahawak ako sa pisngi ko. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang mangyari sa akin. Basta ang alam ko lang, nang magtama ang paningin namin ni Sir Adhie kanina, nakaramdam ako ng kaunting kaba. "Here, I'm gonna apply it on your lips since medyo dry siya." Mabilis kong hinawakan ang kamay niya dahil ayokong may kung ano anong nilalagay sa mukha ko. "Oh come one! Let me put a little. I promise, hindi ko dadamihan." Muli kong iniwas ang mukha ko sa kanya pero hindi pa rin ito tumigil sa pangungulit sa akin. "Please?" Napabuntong hininga ako. Since gusto ko na matapos ang ginagawa niya sa akin ay pumayag na rin ako. May inilagay niya sa aking nude lipstick para raw mawala ang pagkaputla ko. "Alright, it's done! You really look good on it," komento niya. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na ba siyang nagcompliment sa akin. Muli akong napatitig sa sarili ko dahil hindi talaga ako sanay na mag ayos. I always prefer may simple look. Besides, wala pa naman sa isip ko na magpaganda sa kahit sino. Mas mabuti na ring iwas ako sa kahit anong distractions. "Let's go downstairs na. Medyo nagugutom na rin ako." Hinawakan ni Jorgea ang kamay ko na para bang close na talaga kaming dalawa. Wala tuloy akong ibang choice kung hindi ang magpatianod sa paghawak niya sa akin. Halata sa mukha niya na excited siyang bumaba. Hindi ko naman alam kung bakit muling humataw ang kaba sa dibdib ko. Sa pagkakataong ito, parang gusto ko na lang humablot ng kahit anong tela para takpan ang sarili ko. "Hey, boys. What do you think?" pambungad na tanong ni Jorgea nang makarating kami sala kung saan may dalawa pang lalaki. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Her friends were speechless. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila. "God, Jorgea! Why are you hanging out with her?" Nagsimula na namang magwala 'yong babaeng kulot kasama si Reissi na mukhang hindi makapaniwala sa suot ko nang makita nila ako. "Everyone should be joining and preparing for the party. Eira looks good on it! Will you not compliment her instead of blabbering nonsense?" pagtatanggol niya sa akin. "So you're taking her side now?" "Oh God, Nadia! Stop being so childish. Bakit ka ba nagagalit sa kanya?" "Wake up, Jorgea! Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho ng nanay niyan. Ang dumi dumi kaya niyang babaeng 'yan," nag iinarteng hayag ni Reissi kahit na mas mukha naman siyang madumi sa akin. "Sayang lang ang laway niyo dahil wala naman akong pakealam sa opinyon niyo." Sa unang pagkakataon ay nagawa kong makapagsalita sa harap nila. Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga lalaking kaibigan ni Sir Adhie na kanina pang tahimik at enjoy na enjoy sa mga babaeng nag aaway sa harapan nila. Hinigit ni Nadia si Jorgea palayo sa akin kung kaya't ginamit kong oportunidad 'yon para umalis sa harapan nila. Lumabas ako at pinuntahan si Sir Adhie na nakaupo sa bench sa harap ng pool dahil alam kong may kailangan siya sa akin. Nang makarating ako malapit sa kanya, doon ko lang nakumpirma kung sino 'yong katabi niya. Muling umakyat ang inis sa ulo ko nang maalala ko kung ano 'yong mga sinabi ni Samuel sa akin. Muling nagtama ang paningin namin at hindi ko talaga nagugustuhan kung gaano kalagkit ang tingin niya sa akin. "I'll head inside for a while, Tripp." Tinapik nito ang balikat ng boss ko bago tumingin muli sa akin sa huling pagkakataon. Kung nasa ibang lugar at sitwasyon siguro kami, baka kanina ko pang natusok ng icepick 'yong dalawa niyang mata. Nang masigurado kong malayo na sa amin si Samuel, doon ko lang muling hinarap ang boss ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang humanga dahil napakaganda ng hubog ng katawan niya. "May ipapagawa ka ba?" Mabilis niyang naihagis sa akin 'yong sunblock na kanina niya ring ibinigay. "Why did you left? I told you to put that on me," masungit na wika nito. Buong akala ko pa naman ay nasiyahan siya dahil nagvolunteer si Reissi. Hindi nga siya nagsalita kanina di'ba? Hinayaan niya lang akong makaalis. "Aling part pa ang hindi nalalagyan ni Reissi?" "My chest." Lihim akong napalunok ng sabihin niya 'yon. Ilang beses ko ng nakita ng malapitan 'yong katawan niya dahil ako pa mismo ang nagpapalit rito ng damit. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nasasanay sa ginagawa ko. I tried to hide my true emotions on him. Umakto ako na para bang hindi man lang naapektuhan habang nilalagyan ko ng sunblock 'yong dibdib niya. I even put some on his neck. Hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niyang naglalagay ng ganito sa balat niya. Maputi si Sir Adhie. Maarawan lang ng kaunti ang balat niya ay kaagad na itong namumula. "When did you start wearing that piece of cloth?" Hindi ko inaasahan na 'yon ang magiging tanong niya dahil kadalasan, wala naman siyang pakealam sa akin. "N-Ngayon lang..." "And you're already confident on wearing it?" Natigilan ako sa ginagawa ko dahil ramdam kong may laman 'yong sinabi niya. Baka insultuhin niya rin ako katulad n'ong sinabi ng mga babae niyang kaibigan kanina. "Wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao sa'kin Sir Adhie. Hindi mahalaga ang opinyon mo at opinyon nila dahil hindi naman nila ako mapapakain. Mas mahalaga ang trabaho ko." "Then why didn't you apply for an easy job?" N'ong una, akala ko magiging madali lang ang buhay ko sa mansyon nila dahil hindi na sakop ng trabaho ko ang mga gawaing bahay. Tita Iris only wants me to focus on Adhriel. Pero habang tumatagal, nararamdaman kong mas humihirap na ang trabaho ko sa kanya. "Malaki ang sahod ko sa pagta-trabaho ko sa'yo. Hindi naman siguro masamang maging praktikal?" sagot ko bago ulit nagpatuloy sa paglalagay ng sunblock sa kanya. "Samuel asked me if you want to work with him. He'll triple your salary." I secretly gritted my teeth out of frustration nang makita kong nakamasid pa rin sa akin si Samuel. Nagsayang lang pala ako ng laway sa pagpapaliwanag sa kanya na hindi ako katulad ng babaeng iniisip niya. Kung inaakala niyang masisilaw niya ako sa gan'on kalaking halaga, nagkakamali siya. "I signed a contract, Sir Adhie. Kahit na sabihin mo pa sa aking lumipat ako sa bastos mong kaibigan para magtrabaho, hindi ko 'yon gagawin. I'll only work with you. Ikaw lang ang pagsisilbihan ko." Matapos kong sabihin lahat ng 'yon, hindi ko alam kung namalikmata ba ako dahil nakita ko siyang ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD