I wasn't able to enjoy the party kahit pa sinabi sa akin ni Jorgea na mag enjoy ako kasama sila. Hindi ko rin pinakisamahan sina Reissi dahil ayokong magkaroon pa ng gulo rito sa mansyon. Doon nalang ako pumwesto sa padulong bahagi ng pool malayo sa kanila.
Inilublob ko ang sarili ko sa tubig sa pagbabakasakaling mawawala lahat ng inis na nararamdaman ko. Hindi rin ako sumali sa kanila sa inuman. Lasing na lasing na 'yong mga kaibigan niya lalo na si Sir Adhriel.
I informed tita Iris about him. Nangangamusta kasi ito. Sinabi ko naman 'yong totoo sa kanya. She told me to prohibit my boss from drinking too much kung kaya't alas nuebe palang ng gabi ay kaagad ko na siyang inakay papasok ng kwarto para makapagpahinga.
Sa sobrang pagkalasing niya, hindi inaasahang nasukahan niya ako. Mabuti na lang at mabait si Jorgea para pahiramin ako ng damit. Nagdala na rin siya ng shirt galing kay Samuel para kay Sir Adhie.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa boss ko bago ko siya binalutan ng comforter. Na-realize kong kahit na may pagkamoody at pagkamasungit siya, mabait pa rin siya sa akin.
Hindi katulad ng mga kaibigan niya, hindi niya ako pinandidirian o iniiwasan. Kagaya ng sinabi sa akin ni ate Cora noon, mapili si Sir Adhriel pagdating sa katulong o personal assistant. Siguro ay noon pa man, alam na niya ang pinanggalingan ko dahil posibleng nagbackground checking siya sa akin.
Tanghali na ng magising kami pareho. Pagkababa naming dalawa, umalis na 'yong mga kaibigan niya kung kaya't wala kaming naabutan sa baba kung hindi si Samuel lang.
"What happened last night?" masakit ang ulong tanong ni Sir Adhie kay Samuel habang sumusunod kaming dalawa sa kanya papuntang dining area para kumain.
"Nothing. You just kissed someone. Bakit niyo ba ginawang hotel ang pamamahay ko?"
Hindi ko man lang kinakakitaan ng kahit anong gulat sa mukha si Sir Adhriel na para bang inaasahan niya na 'yong marinig. Gan'on ba talaga ang epekto ng sobrang kalasingan? Nanghahalik? Sino naman kaya sa mga kaibigan niya ang hinalikan niya?
"Why did they leave too early?"
"Due to work matter of course! You're the only one who's jobless here. Hindi ka pa ba babalik sa trabaho?"
Biglang nagtama ang paningin namin ni Sir Adhie sa hindi malamang dahilan kung kaya't mabilis akong nag iwas ng tingin.
"I'll rest until I fully recover," sagot nito bago nagpatuloy sa pagkain.
"What about your maid? You're going to make her work with you in the company too?"
Paulit ulit kong tinutusok ng icepick si Samuel sa isipan ko dahil ugali na niya talagang isali ako sa usapan kahit na nananahimik lang naman ako rito.
"She chose to work with me so perhaps," casual niyang sagot.
Mabuti nalang at tila bumilis ang oras. Pagkakain namin ng lunch break, bumyahe na kami pauwi para bumalik ng mansyon. Sa wakas makakawala na rin ako sa nakakainis na pagmumukha ni Samuel.
Pagkauwi namin, muling tumawag sa akin si tita Iris para ipaalalang day off ko ngayon. Mukhang marami pa namang iuutos sa akin si Sir Adhriel. Mabuti nalang at makakapahinga ako ngayon.
Nagdesisyon akong bumalik sa dati kong tirahan sa pagbabakasakaling may balita o chismis ang mga dati kong kapitbahay patungkol kay mama. Noon, pinakaayokong pakinggan ang kung ano mang usapan nila pero tila bumaligtad ang ihip ng hangin ngayon. Hindi ko maiwasang umasa na sana may isa man lang sa kanila ang mayroong balita patungkol sa aking ina.
Gusto kong ipaalam sa kanya na mayroon akong maayos na trabaho at kaya ko ng suportahan ang sarili ko. Gusto ko rin siyang sorpresahin sa balak kong pagpapatayo ng bago naming bahay. Nagsisimula palang akong magtrabaho sa mga Montecillo pero kung iipunin ko lahat ng ipinapasahod nila sa akin, alam kong makakaahon kami sa hirap.
"Naku, Eira! Balita ko bigatin kana ah?"
"Paano ka naman nakajackpot?"
"Sino ang tumulong mo?"
"Baka naman pwede kaming makapangutang?"
"Any tips din kung paano yumaman!"
"Sinong foreigner ba ang napangasawa mo?"
Napailing nalang ako sa usapan nila. Hindi ko inaasahang ganito kapekeng chismis ang kakalat dito sa aming baryo. Ibang klase rin talaga ang mga marites sa pagpapakalat ng mga maling balita.
"Pinagta-trabahuhan ho ang pera, Aling Sita. Hindi 'yan kinukuha sa bulsa ng kung sino sino."
"Hindi ba't gan'on naman ang gawain ng nanay mo? Mana mana lang 'yan Eira."
Sandali akong natahimik dahil sa pagsabat ni Aling Sonya. Gan'on pa man, sinubukan kong ikalma ang sitwasyon.
"May balita ho ba kayo sa nanay ko?"
"Naku! Hindi mo ba alam ang usap usapan?"
Maya maya ay nakisali na rin sa usapan si Aling Seling. "Nangibang bansa na raw ang nanay mo kasama ang isang matandang foreigner. Huwag mo ng pag aksayahan pa ng oras ang nanay mo dahil mula noon hanggang ngayon, pera lang ang nasa isip niya. Wala siyang pakealam sa'yo at sa yumao niyang asawa."
Sa halip na magalit, bigla akong nanghina sa sinabi niya kung kaya't mabilis akong tumalikod para maglakad papalayo. Hinabol pa nila ako sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ko pero hindi na ako nag aksaya pa ng oras para balikan pa sila.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli kong tinawagan si mama gamit ang ibang numero. Nagulat naman ako ng may sumagot sa kanilang linya.
"Sino naman ito?"
"M-Ma, si Eira—
"Ano na naman Eira? Huhuthutan mo na naman ba ako ng pera? Hindi ba't sinabi ko na sa'yong hindi ko kayang suportahan ang pag aaral mo kaya itigil mo na ang kahibangan mong 'yan!"
"Nas'an ka po?"
"Masayang masaya ako rito sa Canada. Maginhawa ang buhay ko kaya sana ito na ang huling pagkakataong tatawag ka dahil baka mahuli pa ako ng asawa ko.
"Gusto ko lang po sanang—
Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang p*****n niya ako ng linya. Naramdaman ko nalang na basa na ang pisngi ko. Sinubukan ko ulit na tawagan siya pero patay na ang telepono nito. Masakit man sa loob pero kailangan ko na sigurong tanggapin kung ano man 'yong naging kapalaran ko.
Sa halip na makapagpahinga sa day off ko, mas lalo lang akong napagod sa matinding pag iisip. Pansin na pansin nina ate Cora ang pagiging matamlay ko pagkabalik ko sa mansyon. Nahalata rin iyon ni Sir Adhriel nang ipatawag niya ako papunta sa kwarto niya kinabukasan.
"Are you sick?"
Kaagad akong umiling sa tanong niya at ipinagpatuloy ang paglilinis ng nabasag niyang bote ng wine. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, huli na ng mapagtanto kong nagdurugo na ang daliri ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong naramdamang sakit. Siguro nga ay nagsisimula na namang mamanhid ang buong pangangatawan ko.
"Aracelli!"
Mabilis akong napatigil sa ginagawa ko matapos ang sigaw na 'yon. Galit na galit na ekspresyon ang nakita ko kay Sir Adhie.
"I'm calling you for four f*vking times but you're too spaced out. What the f*ck are you thinking?" Napatungo ako sa pagkapahiya.
This time, wala akong karapatang magreklamo sa kanya dahil totoo naman talagang wala ako sa tamang wisyo.
Dahil sa sobrang bigat ng laman ng dibdib ko, hindi ko namalayang sunod sunod na pala ang pagpatak ng mga luha ko.
"I'm sorry..."
Akmang tatakbo na sana ako papalabas ng kwarto kung hindi niya lang nahawakan ang palapulsuhan ko para paupuin ako sa kama niya.
"Stop that tears and wait here," masungit na hayag nito bago niya itinabi 'yong dustpan na may lamang babasaging bote. Pinanood ko kung saan siya pupunta. Kukuha pala ito ng medicine kit.
Umupo rin siya sa tabi ko pagkatapos bago inilabas ang alcohol at bulak mula sa isang box. Hinagip niya ang daliri ko bago 'yon binuhusan ng alcohol. Hindi naman ako napadaing sa sakit na para bang normal na sa aking masugatan.
I was just watching him while treating my wounds. Kanina ay napaiyak ako sa harapan niya. Siguro ay naawa na siya kung gaano kamalas ang buhay ko. Kahit naman siguro sinong tao ay hindi hihilinging mapunta sa sitwasyon ko.
Maaga akong iniwan ni tatay. Sa murang edad, namulat na kaagad ang isip ko na napakahirap ng buhay. Madalas kaming napapalayas ng bahay dahil hindi makabayad ng renta. Palagi akong tumpulan ng tukso dahil hindi raw disente ang trabaho ng nanay ko. At higit sa lahat, hindi ko na naranasan pang maging masaya. Palagi na lang masasakit na bagay ang hatid ng kapalaran ko sa akin.
"You have lots of workloads to do for me starting next week."
Sa wakas ay binasag niya na rin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Please don't fire me. Ito nalang ang meron ako."
I don't care if I sound too desperate. Aminado akong kung hindi inirekomenda sa akin ni ate Julia ang trabahong ito, hindi ko na alam kung alam kung saan pa ako pupulutin. Sir Adhie was my only resort.
"If you keep spacing out then I have no choice," kunot noo nitong binalutan ng band aid ang nasugatan kong daliri.
"S-Salamat..."
"I don't want to see such a cry baby in front of me so fix yourself and do your job properly, Aracelli. If you failed to do so, then just leave the house and don't come back here anymore."