Kahit na ilang beses ko mang kalimutan 'yong nangyari kagabi, paulit ulit pa rin 'yong bumabalik sa isipan ko. The way he kissed me was still vivid. Hindi ko nga rin magawang makatulog nang maayos kagabi lalo pa't nasa iisang kwarto lang kami. Mukhang wala lang naman sa kanya 'yong nangyari dahil sinusungitan niya pa rin ako. Palibhasa, sanay na sanay na siyang manghalik ng kung sino sino kaya hindi na siya naapektuhan pa. Pinakatitigan kong maigi ang repleksyon ko sa salamin. Ilang magkakasunod na araw na rin akong walang maayos na tulog kaya lumolobo na 'yong eye bags ko. Pinag aralan ko tuloy na gamitin iyong concealer na inirekomenda sa akin ni Jorgea. Malaki ang naitulong n'on para matakpan ang pagiging stress ko. "Blooming na blooming ka ngayon Eira ah?" puna sa akin ni ate Cor

