“Ma'am magsu-swimming ho kayo sa ganitong oras? Malakas ho ang alon, baka anong mangyari sa inyo!” Nag-aalalang pigil sa kaniya ng isa sa kaniyang mga tauhan. Bakas ang pag-aalala at takot sa mukha nito habang nakatingin ang nagsusumamo nitong mga mata sa babae.
“I did not win championship in long distance swimming for nothing. Huwag kayong masyadong mag-alala sa akin, hindi na ako bata.” Depensa naman ni Izabelle sa tauhan.
Hindi pa rin kumbinsido ang tauhan. Mas lalong gumuhit ang pangamba sa mukha nito at halos hawakan na si Izabelle sa kamay, kung 'di nga lang sa respeto ay baka itinali na siya nito. “Pero Ma'am, delikado! Lagot kami kay B—”
“Hush!” Pigil ni Izabelle. “I know what I am doing, stop treating me as a kid. I am a mature woman who have the right to do what I want to do. I know you have good intentions, but you can't stop me either. Alam ko kung delikado o hindi.”
Tila napipi ang tauhan, he looked unwilling but because Izabelle is tha authority in this island, he had no right to refute or stop her.
Nang makita ni Izabelle na hindi na nakasagot ang tauhan ay dere-deretso siya sa dagat, totoong malakas ang alon ngunit hindi naman gano'n kalakas upang pagbawalan ang sino mang nais maligo, lalo na sa tulad ni Izabelle na isang propesyonal na manlalangoy.
Muling ninamnam ni Izabelle ang pamilyar na sensasyon ng tubig sa kaniyang katawan, ang bawat hampas ng alon na imbes magdala ng takot ay nagdadala kay Izabelle ng pangloob na katahimikan.
Hinayaan ni Izabelle na dalhin siya ng alon, ngunit pinigilan niya ang sariling lumayo at baka mag-panic ang kaniyang overprotective na mga tauhan.
Akmang ikakampay niya ang kaniyang mga kamay ng bigla siyang may matanaw. Nanlaki ang mga mata ni Izabelle at dali-dali niya itong linangoy. Nang makalapit ay nakompirma niyang tama ang kaniyang hinala.
A man!
Agad pinulsuhan ni Izabelle ang lalaki, napansin din niya na marami itong mga sugat at duguan. Mahina na ang pulso, at ilang sandali pa'y mukhang titigil na ito. Agad sumipol si Izabelle, tanda na kailangan niya ng tulong.
Gaya ng inaasahan ay agad umaksyon ang kaniyang mga tauhan, agad nilang dinala papuntang dalampasigan ang lalaki, nagmamadali sa takot na hindi na nila ito maagapan. Masyado na itong dinudugo, kaya't agad na tinawagan ni Izabelle ang personal na mga doctor nang makaahon galing sa tubig.
“Bilisan niyo! He's dying! Save him first!”
Hinayaan niyang gawin ng mga doctor ang trabaho nito sa kaniyang sariling clinic, she doesn't have that much hope that he'll survive. Sa totoo lang ay napaka-pessimistic na ang lagay ng lalaki, he probably just have 30% of survival. But 30% doesn't mean failure, as long as there is a possibility of surviving, hindi dapat sumuko.
Handa si Izabelle na ipagamit ang kaniyang private chopper kung kakailanganin.
Buti na lang magagaling ang kaniyang mga doktor, kayang gumawa ng milagro. Matapos ang ilang mahahabang oras ay nagtagumpay silang sagipin ang lalaki.
*
SAYING THAT Neo is pleased would be underestimating what he currently feel inside. He felt extremely—super—greatly and ultimately pleased by the fact that the woman in front of him was blatantly ogling at him without shame. Like a peacock, he proudly showed his body, giving her the best angles and best looks.
Kung ibang babae ang gumagawa nito sa kaniya'y banas na siguro si Neo, pero dahil ang savior niya ang nakatingin sa kaniya ay walang problema. If she asked him to strip, he would gladly do so.
“You're funny,” Biglang turan ni Izabelle dahilan para matigilan si Neo. Kumunot ang noo ng binata.
“Me? Why?”
“You look like a peacock proudly showing its colorful tail.”
Neo was suddenly silenced. Feeling flustered, something he had never experienced the moment he decided to become a shameless as*hole he was. Tumikhim si Neo at tumingin papalayo sa babae.
“Kasalanan ko ba? Ikaw 'tong titig ng titig sa akin e.” Depensa niya at saka humalukipkip.
It was Izabelle's turn to be dumbfounded, ngunit ilang segundo ay tuluyan itong bumungisngis na parang bata. She indeed staring at him. Ngunit hindi gaya ni Neo, ngumiti lang si Izabelle at hindi idenepensa ang sarili.
“Ang guwapo mo kasi, ngayon lang muli ako nakakita ng isang guwapo. At saka iniisip ko rin kung ano ba ang nangyari sa‘yo, bakit ka napunta rito na halos isang hinga na lang ay mawawala ka na,”
Izabelle had been feeling confused, longing to know what had happened to this handsome stranger, she knows it's not her place to ask but still couldn't help but to feel curious.
“...Pero hindi mo kailangang ipaliwanag sa akin ang lahat. It's your privacy, kyuryoso lang ako sa nangyari.”
Huminga ng malalim si Neo dahilan para kumirot ang kaniyang sugat sa tagiliran. Paano niya ipapaliwanag sa babaeng ito kung pati nga siya'y wala rin masyadong maalala?
“May gustong pumatay sa akin. They're hunting me, they want me dead.” Tanging sagot niya dahilan upang suminghap sa dalaga. May kung anong kmabog sa dibdib niya at nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo.
Suddenly, she didn't want to know what cruel things that had happened to this man.
Something sensitive like this should not be taken so lightly.
“Ah, alright. Don't reminisce about it anymore. H'wag kang mag-alala, walang ibang nakaka-alam ng lugar na ito maliban sa pamilya ko. No one will find you here, this is a ghost island; invisible to other people. Anyway, can you give me any codename I could call you? H'wag real name, para iwas na rin sa panganib habang naririto ka sa amin.”
Tumango si Neo, sang-ayon sa ideya ni Izabelle. “You can me Niel, that's my nickname.”
Noong bata pa siya, madalas siyang tawaging Little Niel ng mga matatandang kakilala dahil kawangis na kawangis daw niya ang ama noong bata pa ito. Niel was his father's name, thus it won't hurt to borrow his name for a while.
Agad naman itong tinanggap ni Izabelle, chewing the name on her mouth repeatedly. She grinned at saka inilahad ang kamay. “Alright, Niel. I'm Izabelle. You can call me Iza, Belle or just Izabelle. I'm fine either ways.”
Izabelle? A great name for a great beauty.
Tinanggap ni Neo ang kamay ni Belle at agad na naramdaman ang malambot na sensasyon ng kamay ng dalaga.
“Just Belle. It suits you.” Neo smirked, his face morphing into something like a charming fox plotting an evil scheme.
Nang makita ni Izabelle ang mukhang 'yon, hindi niya mapigilan ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Umakto siyang hindi ito nararamdaman at saka bumwelta.
“Thanks for the compliment.”
Ngumiti si Neo at saka umiling-iling. “You're welcome, Belle.”
Hindi na umimik si Izabelle at bumaling sa porridge na nasa bedside table. Noong hindi na ito masyadong mainit ay kinuha niya ito.
“Kaya mo bang kumain mag-isa? Should I feed you instead?” Anito matapos i-tsek ang temperatura ng lugaw.
Neo deliberated whether he should lie to have a beauty feed him or should he be honest so the beauty will trust him more. He hesitated, feeling a bit confused.
But to Izabelle's eyes, this silence was an acquiescence. Akala niya ay nahihiya si Neo kaya't ganoon ang itsura. She immediately felt soft.
There's no denial that good-looking people can really moved one's heart so easily.
“I'll feed you, then. Don't worry, we'll take your time. Say, ahh.”
Neo's eyes turned upwards, forming into crescents. He automatically opened his mouth as he stared at Izabelle's face without blinking. Kulang na lang ay idikit niya ang mga mata sa mukha ni Izabelle kakatitig sa babae. Ewan kung hindi ba ito napapansin ng babae o talagang hindi na lang niya ito binibigyang pansin.
Matagal ang naging feeding session nila Izabelle, agad pinainom ng babae si Neo ng gamot no'ng dumating ang itinakdang oras.
Silence prevailed, and Neo hated silence as long as he remembered. Maraming mga bagay na hindi kaaya-aya ang madalas niyang maalala kapag sobrang tahimik, thus he learned to never let himself dwell in silence. Kung saan-saan siyang party napupunta, at do'n niya rin nakilala ang mga kaibigan niya. It was also the reason he became a regular member of the mysterious Gentlemen Club founded by several wealthy heirs.
But this silence, Neo can't find himself to hate it (though it does frustrates him), lalo na sa ilalim ng banayad na pag-aalaga ni Belle sa kaniya.
“You don't have to think about those bad memories,” Biglang turan ni Belle matapos ilagay sa tray lahat ng mga gamit.
Neo looked at her, feeling confused.
“Habang nandito ka sa isla ko, walang mangyayaring masama sa‘yo. Just focus on your recovery, then think about your problem when that time comes.”
“I wasn't thinking about it. Just, some things. You don't have to worry, Belle.” May nakakalokong ngiti niya sa dalaga.
Ngumiti lang si Belle at saka lumabas ng kuwarto. Neo saw her smile, and it seems that she wa a bit embarrased and confused with his playful antics.
Sure enough, she was indeed different. Kung ibang babae siguro ay maghuhubad na at lulusob kay Neo kapag ginamit niya ang ngiting madalas niyang gamitin upang mamingwit ng babae.
Ngayong wala na si Belle, unti-unting naging iba ang timpla ng katahimikan para kay Neo. He let out a frustrated sigh habang pinagmamasdan ang kaniyang sariwang mga sugat na nagsisimula pa lang na gumaling.
It's suffocating.
Hindi niya alam kung kailan tuluyang gagaling ang kaniyang mga sugat. Sa mga oras na ito'y siguradong hinahanap na siya hindi lang ng mga taong nais pumatay sa kaniya kundi pati na rin ang mga magulang at mga kaibigan.
His family—no matter how much he frustrates and disappoints them with his s****l endeavors—never hated him. Madalas may alitan pero alam ni Neo na kapag dumating sa ganitong sitwasyon, hindi siya pababayaan ng kaniyang pamilya.
His friends? Even more so.
Mga balasubas man ang mga kaibigan niya, nanggaling man sila sa iba't ibang parte ng lipunan, ay marunong pa rin kumilala ng tunay na kaibigan. That's why he knew na hahanapin at hahanapin siya ng mga kaibigan, hindi ito titigil hangga't walang nari-recover na katawan, buhay man o patay.
It makes Neo wonder, how long it would take for them to find him, lalo na't ayon kay Belle, they're in a ghost island.
Ghost island? Saang pamilya ba galing si Belle? For her to own a private gigantic island?
Sa pananalita ni Belle at galaw, mukhang galing at lumaki rin siya sa lungsod na may mataas na antas sa lipunan.
She doesn't look like someone who grew up in this island, mukhang noong lumipat siya rito ay malaki na siya.
Maraming gustong malaman si Neo, at sapat na ang mga araw na mananatili siya rito upang mabigyang sagot lahat ng mga katanungang ito.
WITH THAT, three days passed in just a blink of an eye, and even before Neo realized it, his wounds are now in a very good condition under Belle's care.
Si Belle lang ang laging pumapasok sa kuwartong ito at wala ng iba. Madalas ay naririnig ni Neo ang boses ng ibang mga tao ngunit ni isa sa mga taong 'yon ay hindi pumasok o ginambala si Neo. It was frustrating, given the fact na hindi sanay si Neo sa katahimikan. But at the same time, Neo appreciates Belle's consideration for letting him have his alone time to not only rest and heal, but to also arranged his thoughts.
Ngunit hindi rin niya isinasa-boses kung ano man ang kaniyang reklamo. Hindi alam ni Neo pero sa bawat makikita niya ang mga mata ni Belle, lahat ng gusto niyang ibahaging salita ay tila namamatay at muling umaatras paalis sa bibig niya.
Whether Belle noticed it, Neo didn't know.
“Kanina pa kunot 'yang noo mo.” Untag ni Belle kay Neo.
“Huh?” It seems that Belle noticed, contrary to Neo had expected.
“...Nothing really, kyuryoso lang ako, parang ang daming tao sa labas?”
Belle suddenly had an enlightenment. She also noticed that Neo seems to be frustrated not seeing anyone aside from her, though it made her wonder kung gaanon na ba siya ka-boring para maging ganito kafrustrated si Neo, she also understood that he had undergone many things and the isolation might have triggered some unpleasant memories.
“I could take you out,” Biglang saad ni Belle habang nakangiti.
Neo turned towards her, his eyes brightened but he wasn't even aware.
“Really? That's great then. Halos tubuan na ako ng damo rito sa loob e.”
“Yes. Just sit on the wheelchair and I'll take you outside. Para naman maarawan ka.”